Tuesday, January 22, 2013

Deuterocanonica o Apocrypha?

AGOSTO 10, 2003


PINAG-UUSAPAN natin ang ginawang PAGBAWAS ng mga Protestante sa ilang aklat na tinanggap ng Iglesiang Kristiyano mula sa Panginoong Hesus at sa mga Apostol.

Kaugnay nito ay nag-text sa atin si AJ Reyes ng Cavite at ang reader natin na nagpapakilalang si "Timoteo Pablo" ng Quezon City.

Ang napansin ko sa mga text nila ay ginamit nila ang salitang "apocrypha" sa pagtukoy nila sa 7 aklat na INALIS ng mga Protestante at ngayon ay INALIS na rin ng marami pang ibang grupo.

Nahalata ko na NAISAKSAK na sa kanilang mga isip ang salitang "apocrypha" dahil paulit-ulit pa rin nila itong ginamit sa kabila ng paliwanag ko na "deuterocanonica" ang TAMANG tawag sa mga aklat na KASAMA sa Kasulatan na GINAMIT ni Hesus at ng mga Apostol.

Naitanong pa ni Timoteo Pablo, "Hindi ba pareho lang ang mga ito?"

Ang sagot ay PAREHO ang mga tinutukoy na aklat pero MAGKA-IBA ang ibig sabihin ng "apocrypha" at ng salitang "deuterocanonica." At kung hindi tayo mag-iingat ay MAGKAKAMALI tayo ng pag-unawa sa mga ito.

Paano sila nagkaiba?

Ang "apocrypha" ang ginagamit na salita ng mga taong KAKUNTSABA sa PAGBAWAS ng mga aklat mula sa KUMPLETONG Kasulatan.

Ang ibig sabihin kasi ng "apocrypha" ay "hidden" o "natatago."

Sa paggamit nila nito ay gustong palabasin ng mga NAGBAWAS sa Kasulatan na "palihim" o "sikretong isiningit" ng mga Katoliko ang 7 aklat na kasama sa KUMPLETONG Old Testament.

Dahil diyan ay doble ang nakikita kong KAMALIAN sa paggamit ng salitang "apocrypha."

Una ay SILA ang NAGBAWAS sa mga aklat na KINILALA at TINANGGAP ng mga Kristiyano sa loob ng 1,400 hanggang 1,500 taon, tapos ay ang mga Katoliko ang pagbibintangan nila na "nagtago" ang mga ito.

Pangalawa, matapos nilang BAWASIN ang 7 aklat na ito ay PAGBIBINTANGAN nila ang mga Katoliko na NAGDAGDAG o NAGSINGIT ng mga ito sa Bibliya.

Sa palagay ko ay HINDI MAKATARUNGAN ang bagay na ginawa nilang ito. At sa tuwing gagamitin nila ang salitang "apocrypha" ay INUULIT at IGINIGIIT nila ang dalawang malaking PAGKAKAMALI na iyan.

Sabagay, marami naman silang sinasabi at IBINIBINTANG laban sa mga Katoliko na MALI naman.

Nariyan ang pagbintangan ang mga Katoliko na NAGPAPABAYAD sa BINYAG at KASAL, SUMASAMBA raw ang Katoliko sa mga rebulto, na HUMIHINGI ng TULONG sa mga PATAY (kina Maria at mga santo) at marami pang ibang KASINUNGALINGAN.

Diyan ay nagkakatotoo ang sabi ni Hesus sa John 15:20, "Tandaan ninyo ang mga salita sinabi ko sa inyo: Walang alipin na higit sa kanyang panginoon. Kung INUSIG nila ako, kayo man ay UUSIGIN nila."

Paano ba inusig ang Panginoon? Ganito ang sabi ng Matthew 26:59, "Ang mga punong saserdote at buong Sanhedrin ay NAGHANAP ng HUWAD na PATOTOO laban kay Hesus para maipapatay nila siya."

Ngayon, hindi ba HUWAD na PATOTOO ang ginagawa ng mga BUMABATIKOS sa mga Katoliko sa ngayon?

Isa na nga riyan ang paggamit ng salitang "apocrypha" para palabasin na NAGDAGDAG ng Iglesia Katolika ng mga aklat sa Bibliya. Ang KATOTOHANAN naman ay sila ang NAGBAWAS dito.

Hindi lang iyon. Katakot-takot pa na pang-iinsulto at panlalait ang inaabot ng mga Katoliko nang dahil sa kanilang pananampalataya.

Pero sinasabi ni Kristo na hindi dapat masiraan ng loob ang mga alagad niya na INUUSIG.

Ganito ang sabi sa Mt 5:11, "PINAGPALA KAYO kung INIINSULTO at INUUSIG kayo at PINAGBIBINTANGAN ng kung anu-anong KAMALIAN nang dahil sa akin."

Ipinaliwanag ng Panginoon kung bakit may mga taong gumagawa ng ganito. Sabi niya sa Mt 15:19, "Dahil mula sa puso ay lumalabas ang MASASAMANG PAG-IISIP, pagpatay, pakikiapid, pangangalunya, pagnanakaw, HUWAD NA PATOTOO at PANINIRANG PURI."

Ngayon, ano ba ang tawag sa mga aklat na DATI nang TANGGAP ng Iglesiang Kristiyano pero BINAWAS ng mga Protestante?

Ang tawag sa mga ito ay "DEUTEROCANONICA" o "DEUTEROCANONICALS" sa Ingles.

Ang ibig sabihin ng "Deuterocanonica" ay "dalawang beses idineklarang galing sa Diyos." Ang kahulugan kasi ng "deutero" ay "dalawa" at ang "canonica" ay "batayan ayon sa ‘hininga’ o inspirasyon ng Diyos."

Bakit kailangang dalawang beses ideklarang galing sa Diyos ang mga kasulatan na ito?

Ganito ang dahilan. Noon pa man na unang MABUO ang Bibliya sa Council of Hippo (393 A.D.) at Council of Carthage (397 A.D.) ay IDINEKLARA nang "inspired" o "galing sa Diyos" ang 7 aklat na ito.

Ibig sabihin, noon pa man ay "INSPIRED" na ang mga ito.

Noong LUMITAW ang mga Protestante ay GUMAWA sila ng kontrobersiya laban sa mga aklat na ito at KINUWESTIYON ang pagiging "inspired" nila. At marami silang NAILIGAW ng paniniwala.

Dahil dito, kinailangang ideklara uli sa PANGALAWANG BESES ng Iglesia Katolika sa Council of Trent noong 1546 na "INSPIRED" nga ang mga aklat na ito.

Ito ang dahilan kung bakit "deuterocanonical" ang tawag sa kanila.

Ibig sabihin ay PINANINDIGAN ng Iglesia ang GINAWA ni Hesus at ng mga Apostol na PAGTANGGAP at PAGGAMIT sa mga aklat na kasama sa SEPTUAGINT o ang Kasulatan na nasulat sa Griego.

So, ano ba ang Bibliya na hawak ninyo? Ang Bibliya na BINAWASAN at MINALI o ang Bibliya na KUMPLETO at PINANINDIGAN ng mga tagasunod ni Kristo?

Kasulatan bakit binawasan?

AGOSTO 9, 2003


NOONG last Saturday hanggang Monday ay pinag-usapan natin ang ginawang PAGBAWAS ng mga Protestante sa mga Kasulatan na tinanggap ng Iglesia mula sa Panginoong Hesus at sa mga Apostol.

Ipinakita natin na bago pa nagkatawang tao si Kristo ay mayroon nang DALAWANG VERSION ang mga Kasulatan. Ito ay ang SEPTUAGINT na nasusulat sa Griego at ang Tanak na nasa Hebreo.

Inilahad ko sa inyo na sa kabila ng pamilyar kay Hesus at sa mga Apostol ang parehong version ng Kasulatan, mas pinili nilang gamitin ang SEPTUAGINT. Sa katunayan ay higit sa 300 talata ang kinuha nila rito kumpara sa iilan na kinuha mula sa Tanak.

Kasunod nito ay nag-text sa akin ang reader natin na nagpapakilalang "Timoteo Pablo ng Quezon City." Sabi niya, "Sa mahigit na 300 na quotations na kinuha ni Jesus Christ at mga Apostol sa Old Testament, anu-ano sa mga ito ang nanggaling sa Septuagint?"

Napakagandang tanong niyan, Timoteo Pablo. At sana ay mailagay natin lahat dito pero dahil kulang ang ating espasyo ay magbibigay lang ako ng ilang halimbawa.

Para maliwanag na galing nga sa Septuagint ang teksto ay ilalagay rin natin ang pagkakasulat ng teksto sa Hebreo.

Unahin natin ang Matthew 1:23 na kinuha sa Isaiah 7:14.

Ganito ang sabi ng Matthew na halaw mula sa Septuagint, "Tunghayan ninyo, isang BIRHEN ang magdadalantao at magkakaanak ng lalaki, at ito ay tatawaging Emmanuel na kung uunawain ay ‘kasama natin ang Diyos.’"

Sa Hebreo ng Isaiah, ganito ang sabi, "Tunghayan ninyo, isang NAKABABATANG BABAE ang magdadalantao at magkakaanak ng lalaki, at tatawagin itong Emmanuel."

Pansinin ninyo, mas pinaboran ni Matthew ang salitang "BIRHEN" na ginamit ng Septuagint kaysa sa salitang "NAKABABATANG BABAE" na ginamit ng Tanak.

Sa Luke 3:6 ay ginamit ang mga salitang "at ang lahat ng laman [tao] ay makikita ang PAGLILIGTAS NG DIYOS."

Ito ay hango sa Is 40:5 na nasa Septuagint.

Kung babasahin natin ang mga salita na iyan sa Tanak ay ganito ang mababasa natin, "at lahat ng laman [tao] ay makikita ito NANG SAMA-SAMA."

Sa paglalahad ng ebanghelyo ni Luke, mas pinaboran niya ang sinasabi ng Septuagint na makikita ng lahat ang "PAGLILIGTAS NG DIYOS" hindi ang sinasabi ng Tanak na makikita ito ng "SAMA-SAMA."

Marami pang halimbawa pero ang punto nito ay ang SEPTUAGINT ang mas GINAMIT ng Panginoong Hesus at ng mga Apostol.

At pumapasok ang kahalagahan ng bagay na ito kapag pinag-uusapan na kung alin sa dalawang version ng Kasulatan (Old Testament) ang dapat tanggapin ng mga Kristiyano.

Mas marami kasing aklat na kasama sa SEPTUAGINT kaysa sa Tanak. Mayroong PITONG AKLAT na nasa SEPTUAGINT na WALA sa aklat ng mga Hudyo.

Bakit wala ang mga aklat na ito sa bibliya ng mga Hudyo? Dahil ITINAKWIL nila ang mga ito.
Sa madaling salita, ang pag-alis ng pitong aklat ay bunga ang GALIT ng mga Hudyo sa mga tagasunod ni Kristo Hesus.

Ang pagbawas at PAGTAKWIL na ito ay ginawa ng mga Hudyo sa Council of Jamnia (isang lungsod sa Israel) noong 100 A.D.

Noong LUMITAW ang mga Protestante, partikular si Martin Luther na TUMALIKOD sa Iglesia Katolika, INALIS nila at IBINAWAS ang mga aklat na ito sa Bibliya.

Dito ay ipapasok ko ang tanong ni Nora P. ng Davao City, "Bakit inalis ng mga Protestante ang ibang bahagi ng Kasulatan?"

Heto ang sagot, Nora.

Inalis ni Luther ang mga aklat na noong 1521 dahil ITINAKWIL na raw ito ng mga Hudyo!

Mantakin n’yo ‘yon. Ang ginamit na dahilan ni Luther ay ‘yung dahilan na ginamit ng mga GALIT SA KRISTIYANO. KUMAMPI pa siya sa mga NAGTAKWIL kay Kristo at sa Kristiyanismo.

Isa pang dahilan ni Luther ay BATAYAN kasi ng doktrina ng Purgatoryo ang isa sa mga aklat na kasama sa mga aklat na wala sa Tanak. Ito ang 2 Maccabees 12:43-46.

Hindi kasi siya sangayon sa doktrina ng Purgatoryo pero hirap siyang bumatikos dito dahil ito ay MAY BATAYAN sa KASULATAN.

Para mawala ang BATAYAN ng Purgatoryo ay INALIS NIYA ang AKLAT na BATAYAN nito.

BINAWASAN niya ang mga Kasulatan para lang masunod ang kanyang kagustuhan.

At hindi lang isang aklat ang IBINAWAS niya kundi PITO! Ganoon kalakas ang loob ng TUMALIKOD na ito sa Iglesia at pananampalataya na galing sa Panginoon at sa mga Apostol.

Ano ang ibig sabihin noon? Mas makapangyarihan pa si Martin Luther kaysa sa Diyos? Mas marunong pa ba siya sa Panginoon?

Masama ang ginawa ni Luther dahil ang pinalalabas niya ay puwedeng bawasan ng kahit na sino ang Kasulatan dahil sumusuporta ito sa isang doktrina na AYAW NILA? Tama ba ‘yon?

Ang nakakalungkot ay NAGBUNGA na ang MASAMANG BINHI na ITINANIM ni Luther.

Ngayon ay makakarinig tayo ng mga BAGONG LITAW na mangangaral na ganoon na lang kung KUMATAY ng talata ng Bibliya.

Magbabanggit sila ng mga talata at bibigyan ito ng kahulugan pero kapag binasa naman ninyo ay IBA ANG SINASABI ng BUONG KASULATAN.

Isa na nga riyan ang napaguusapan na natin na Isaiah 34:16.

Bibliya raw ang tinutukoy rito pero kapag binasa ninyo ang mga kasamang talata o ang buong chapter ay mga hayop sa Edom ang tinutukoy.

Ehemplo ‘yan ng patuloy na PAGKATAY sa Bibliya.

Iglesia ni Cristo dapat ba supalpalin?

AGOSTO 8, 2003


MAY napansin si Chairman Jess Patricio ng Pasay City sa column natin noong Aug. 2. Sabi niya, "46" ang bilang ng aklat sa KUMPLETONG Old Testament at sa kabuohan ay "73" ang kasama sa KUMPLETONG Bibliya.

Ganito naman ang sabi ni Ody ng Lapasan CDO, "Paki-check kung 45 talaga ang Old Testament dahil sa RDV (Rheims-Douay Version), NAB (New American Bible), THB at mga Biyaya ay 46."

May dagdag na tanong pa si Ody. Ang sabi niya, "Tama ba ang spelling o ang salitang ‘Tanak’ na Bible ng mga Hudyo?"

Maraming salamat po sa puna ninyo, Chairman Jess at Ody. Tama po kayo, 46 nga ang bilang ng LAHAT ng aklat na kasama sa KUMPLETONG Old Testament. (NAITUWID NA NATIN ITO SA ARTIKULO NOONG AGOSTO 2, 2003)

Nagkaroon po ng konting aberya noong isinulat ko ang column. Ang lumabas po ay "45" imbes na "46." Pasensya na kayo kung nakalikha ito ng konting kalituhan.

Salamat po uli sa mga nakapuna.

Tungkol naman po sa tanong ni Ody na kung tama ang spelling ng "Tanak," "tama" po ‘yan batay sa GAMIT at BIGKAS.

Ang ORIHINAL kasi na pinatutungkulan ng "Tanak" ay ang mga letrang "TNK" na acronym ng T-orah, N-eviim, K-etuvim.

Ang "Torah" o "Law" ay binubuo ng LIMANG AKLAT NI MOISES: Ang Genesis, Exodus, Numbers, Leviticus at Deuteronomy.

Ang "Neviim" o "Prophets" ay binubuo ng 9 na "major prophets" at ng 12 na "minor prophets."
Samantala, 13 sulat at aklat naman ang kasama sa "Ketuvim" o "Writings."

Binubuo ng mga ito ang "TNK" (bigkas ay "tanak") na "bibliya" ng mga Hudyo.

+ + +

Ganito naman ang sabi ni Linda Sanidad ng Salawag, Cavite, "Ang mga Katoliko mga mamamatay tao, magnanakaw, switik, mangangalunya kasama ang mga PARI. Nasaan ang aral?"

Huwag sana tayong masyadong mapaghusga sa ating kapwa, Linda. Lahat ng mga Katoliko ay nagi nang "mamamatay tao, magnanakaw, switik, mangangalunya." Hindi naman yata tama ‘yon.

Pero hindi ikaw ang sinisisi ko kung bakit ganyan ang tingin mo sa mga Katoliko. Mayroon kasing ilang mangangaral diyan na "MAPANIRANG PURI" o slanderer at ganyan ang itinuturo sa kanyang mga miyembro.

Ang mga mangangaral na iyan ang binabanggit sa Bibliya na dapat nating iwasan ayon sa 1 Corinthians 5:11.

Ganito ang sabi ng talata, "Ngayon ay isinulat ko sa inyo na huwag kayong makikisama sa sinuman na tumatawag sa sarili niya ng kapatid [brother] pero siya naman ay nakikiapid, o mapag-imbot, sumasamba sa diyus-diyosan, o MAPANIRANG PURI, o manginginom, o kaya ay manunuba. Ni huwag kayong makikisama sa kanya sa pagkain."

Ang ganyan kasing "mangangaral" (kahit pa NAGPAPATAWAG siya na BROTHER) ay kasama sa binababala ng Panginoon sa Matthew 7:15 at 24:11.

Sabi sa Mt 7:15, "Magbantay laban sa mga huwad na propeta. Darating sila na nakasuot ng damit tupa pero sa loob ay MABABANGIS silang ASONG GUBAT."

Ibig sabihin, magpapakita sila ng kabutihan at tutulong pa sa nangangailangan pero ang kalooban nila ay puno ng KABANGISAN, isa na nga riyan ang PANINIRANG PURI.

Sabi naman sa Mt 24:11, "Maraming huwad na propeta ang LILITAW at LILINLANG sa maraming tao."

Huwag sanang magagalit si Linda dahil nakikita natin na isa siya sa mga NALINLANG ng isang huwad na propeta na LUMITAW kailan lamang.

Kita ninyo, nagkatotoo ang sinasabi ni Hesus sa Mt 7:17, "Ang isang mabuting puno ay nagbubunga ng mabuting bunga pero ang MASAMANG PUNO ay NAGBUBUNGA ng MASAMANG BUNGA."

No offense meant, Linda. Nagmamalasakit lang po ako sa inyo.

+ + +

Ganito naman ang sabi ni John F ng Talon, Las PiƱas City, "Alam mo, hindi ka dapat nagkokolum diyan dahil gagawin mong bobo ang mga tao. Authority ka ba? Tumawag ka sa SBN 21 at itanong mo kay Soriano para matuto ka."

Salamat sa payo mo, John. Pero matagal na akong nanonood sa palabas ni Eliseo Soriano.

Sa katunayan, isa sa dahilan kung bakit ako nagkokolum ay para ITUWID ang mga KAMALIAN na itinuturo niya laban sa mga Katoliko at aral Katoliko.

Kung sa tingin mo ay mas katiwa-tiwala si Soriano sa mga sinasabi niya laban sa mga Katoliko ay nasa sa iyo ‘yon.

Ang sa akin lang kasi ay mas nasa posisyon ako at mas may karapatan bilang Katoliko na ipaliwanag ang pananampalatayang Katoliko kaysa kay Soriano.

Ano ba ang aasahan mo na KATOTOHANAN tungkol sa Katolisismo kung ang magsasalita ay isang taong KONTRA sa Katolisismo at lumalabas na anti-Katoliko?

+ + +

Sabi naman ni EJ ng QC, "Nanood ako sa Net 25. Iglesyang itinalikod at inquisition ang topic nila kaya mga Iglesia ang tumitira sayo kaya supalpalin mo lagi sila."

Alam mo, EJ, kung tutuusin ay walang dapat pagtalunan ang Iglesia Katolika at Iglesia ni Cristo.

Kung nabasa mo ang mga nauna kong column, ipinakita ko na ang Iglesia Katolika ay ITINATAG ni Kristo noon pang narito Siya at mati-trace ito pabalik sa mga Apostol.

Samantala, aminado ang INC na si Felix Manalo ang nagtatag sa grupo nila noong 1914.

IPINAKITA na natin sa Bibliya na ang Iglesiang itinatag ni Kristo ay HINDI puwedeng MAITALIKOD dahil si Kristo mismo ang "ulo" nito. (Ephesians 4:15; 5:23) at ang Gabay ay ang Espiritu Santo (John 16:13).

Kaya nga ang Iglesia Katolika ay halos 2,000 taon na samantala, ang INC ay 89 years pa lang.

Kaya wala tayong pagtatalo roon. Sa katunayan, sila pa ang nagsasabi na noon pa mang unang siglo ay NAROON na ang IGLESIA KATOLIKA.

Ama at Anak hiwalay pero ISA pa rin

AGOSTO 7, 2003


MAY mahalagang tanong si Alex Felipe ng Lipa, Batangas. Sabi niya, "Mang Cenon kasalanan ho bang sabihan ko ng ‘manloloko’ ‘yung ale na nagbenta sa asawa ko ng P12,000 na ‘good luck charm’ kasama ang ‘imahen?’"

Siguro, brod, mas maganda kung kakausapin mo ang iyong asawa para hindi siya maniwala sa mga "good luck charms."

Ang mga "lucky charms" kasi na tinatawag ay maaaring maituring na mga makabagong "diyus-diyosan" na ipinagbabawal sa Bibliya.

Bakit? Dahil inilalayo ng "lucky charm" ang pagtitiwala ng tao sa Diyos. Dito na siya nagtitiwala at ‘di niya namamalayan na ginagawang na niya itong "diyos."

May mga tao na hindi na makalabas ng bahay kung hindi nila dala ang kanilang "lucky charm" at hindi na sila makagawa ng anumang bagay kung hindi nila ito hawak. Para na nga nila itong "diyos."

Sinasabi sa Isaiah 42:17, "Pero ang mga nagtitiwala sa mga diyus-diyosan, at nagsasabi sa mga imahen, ‘kayo ang aming diyos.’ ay maitataboy na puno ng kahihiyan."

Ang lumalabas na "diyus-diyosan" at "imahen" diyan ay ang "lucky charm."

Diyan mo makikita ang kaibahan sa mga imahen at rebulto sa simbahan.

Ang imahen sa simbahan ay NAGPAPAALALA sa Diyos o sa mga taong NAGMAHAL at NAGLINGKOD sa Diyos. Nakatutulong ang mga IMAHEN na ito para MAPALAPIT tayo sa Diyos.
Samantala, ang mga "imahen" ng "lucky charm" ay NAGLALAYO ng isip ng tao sa DIYOS na Siyang dapat nating pagtiwalaan.

Sa DIYOS LANG dapat tayo MAGTITIWALA. Hindi lang ito tamang gawin, may KAKABIT pa itong PAGPAPALA. Sabi nga sa Psalm 40, "PINAGPALA ang tao na NAGTITIWALA sa PANGINOON."

Ngayon, kung ang "imahen" ng isang santo o ng Panginoon ang gagawing "lucky charm" ay MALI rin. LABAG ito sa TAMANG GAMIT sa imahen at DAPAT na ITIGIL.

Ang imahen o rebulto ay PAALALA at PANTULONG LANG sa pananampalataya. HINDI dapat nagtitiwala sa mga ito.

Alex, maaaring magkasala ka pa kung tatawaging mong "manloloko" ang nagbenta sa asawa mo ng "lucky charm."

Although maaaring "manloloko" nga siya at baka tama na husgahan mo siya, mas ipapayo ko sa iyo na UMIWAS ka sa PAGHUSGA. Baka kasi masanay tayo sa paghusga ay mauwi tayo sa paghusga ng mali.

Sabi ng Panginoon sa Matthew 7:1, "Huwag kang huhusga o ikaw man ay huhusgahan."

Hindi rito ipinagbabawal ang lahat ng uri ng paghusga. Ang utos ay laban sa MALING PAGHUSGA.

Kung mapagsasabihan mo ay payuhan mo bilang kapatid ang nagbenta ng "lucky charm" sa iyong asawa dahil maaaring marami pa siyang mailigaw na tao.

Kung hindi ito maaari ay ipagdasal mo na lang siya.

+ + +

Ganito ang tanong ni Cherry Pelaez ng Gensan City, "Mr. Bibe, gusto ko lang itanong: Ang Dios Ama at ang Dios Anak sa paniniwala mo ba ay iisa? Kasi ang paniniwala ko ay dalawa sila."

Actually, Cherry, kung ang pagbabatayan natin ay ang paniniwala ng mga Katoliko ay TAMA ka: DALAWA at HIWALAY ang Diyos Ama at ang Diyos Anak. Sila rin ay HIWALAY at IBA sa Diyos Espiritu Santo.

Pero at the same time, Silang tatlo ay IISA.

Tingnan muna natin ang kanilang pagiging "iba-iba" at "hiwalay" sa isa’t-isa.

Mas madali natin itong maintindihan kung tingnan natin sila bilang "INDIVIDUALS."

Bilang "individuals," pare-pareho Sila ng NATURE ng pagka-Diyos. Pantay-pantay sila. Walang mataas. Walang mababa.

Sa katunayan, IISA ang Kanilang PANGALAN. Sabi sa Matthew 28:19, "Kaya nga humayo kayo at gawing alagad ang lahat ng bansa. Binyagan ninyo sila sa NGALAN ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo."

Ang pagkakaroon ng iisang pangalan ay pagpapakita na hindi lang Sila ISA, Sila rin ay PATAS o MAGKAKAPANTAY.

Ang pagkaka-iba Nila ay IBA-IBA ang Kanilang mga PAPEL o ROLE na ginampanan sa tinatawag na "salvation history."

Ang AMA ay ang SOURCE o PINAGMUMULAN ng LAHAT: ng KALOOBAN, ng KAGUSTUHAN ng DIYOS.

Ang ANAK, si Hesu Kristo o ang Salita, ay SIYANG KARUNUNGAN at KAPANGYARIHAN ng DIYOS. Sa pamamagitan ng ANAK ay INIHAHAYAG ng AMA ang KANYANG KALOOBAN at KAGUSTUHAN.

Ang ESPIRITU SANTO ang TAGAGANAP o NAGKUKUMPLETO sa KALOOBAN ng DIYOS AMA at KAPANGYARIHAN ng ANAK.

Sa mula't-mula pa ay MAGKAKASAMA na SILANG TATLO at IISA ang PAGKILOS kahit MAGKAKAIBA ang PAPEL sa pagka-DIYOS.

At kung babasahin natin halimbawa kung paano nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay ay makikita natin ang papel na ginampanan ng bawat isa.

Basahin natin ang Genesis 1:2, "Ang daigdig ay walang porma at walang laman, ang ibabaw ng kalaliman ay balot ng kadiliman, at ang ESPIRITU ng DIYOS ay pumaibabaw sa mga tubig."

(Ayan ang ESPIRITU SANTO.)

Sa verse 3, "At SINABI ng Diyos, ‘Magkaroon ng liwanag,’ at nagkaroon ng liwanag."

Ang AMA ang NAGSALITA o NAGHAYAG ng KANYANG KALOOBAN at ang ANAK (although noon ay hindi pa siya kilala bilang Anak) ang SALITA na NAGPAKILALA sa KALOOBAN ng AMA.

Iisa sila at magkakasama silang gumagawa bilang Diyos. Sabi sa John 14:10, "Hindi ba kayo naniniwala na AKO AY NASA AMA at ANG AMA AY NASA AKIN? Ang mga salita na sinasabi ko sa inyo ay hindi lang sa akin. Sa kabilang dako, ANG AMA na NANANAHAN sa AKIN, ang gumagawa ng kanyang gawain." Magka-iba sila pero magkasama o IISA.

Para ‘yang Iglesia, MARAMI tayong miyembro at IBA-IBA ang ating ginagampanang papel. Pero tayong lahat ay bahagi ng IISANG IGLESIA.

Iba-iba tayo bilang ‘INDIVIDUAL’ na miyembro pero pare-pareho ang ating dignidad bilang kasapi ng IISANG Simbahan.

Ganoon ‘yon, Cherry.

Pasko ano at kelan ba iyan?

AGOSTO 6, 2003


NAKAKATABA ng puso ang text ng ilang readers natin tulad ni Martin Raymundo ng Vergara, Mandaluyong City. Sabi niya, "Maraming salamat. Lalong tumibay ang faith ko sa Diyos at sa Katoliko dahil sa column mo. God bless you."

Ganito naman ang sabi ni Brian ng Urdaneta City, Pangasinan, "Thank you very much for your column which I read wholeheartedly. You make my Catholic faith stronger against FRAUD BELIEFS."

Lubos-lubusin na natin at banggitin natin ang sabi ni Alen ng Bacoor. "Galing-galing mo Mr. B magpaliwanag. Gabayan ka pa sana ng Diyos Espiritu Santo. Ipagpatuloy mo lang. Katunayan inaabangan ko araw-araw ang column mo."

Salamat po sa inyo pero HIGIT sa LAHAT ay sa DIYOS po tayo magpasalamat dahil sa Kanya galing ang lahat ng nababasa ninyo.

Dalangin ko po na LUMAGO rin ang INYONG BUHAY sa PAGLAGO ng inyong PANANAMPALATAYA.

SA DIYOS ANG LAHAT NG PAPURI.

+ + +

MAAGA po ang Pasko para kay Greg Almonte ng Cubao, QC. Ganito kasi ang tanong niya, "Kailan ipinanganak si Jesus Christ? Totoo bang Dec. 25? Ano sa Tagalog ang Abiv?"

Ang Abiv na kilala rin bilang Nisan ay pangalan ng buwan sa Hebreo na tumutugma sa mga buwan ng Abril at Mayo.

Ano ba ang Pasko? ‘Yan ay galing sa salitang “pascua” sa Kastila, “pascha” sa Griyego, “pasha” sa Aramaico at “pesah” sa Hebreo. Ang ibig sabihin niyan ay ang “pagdaan sa ibabaw” o “passover” sa Ingles.

Ginugunita niyan ang pangyayari sa Exodus 12, kung saan nilagpasan ni Yahweh at ng "anghel ng kamatayan" ang bahay ng mga Israelita nang suyurin nila ang Egipto at “itumba” ang lahat ng panganay na lalaki roon. Naligtas ang mga Israelita dahil sa dugo ng kordero na ipinahid sa hamba ng kanilang pintuan.

Ang kordero o batang tupa na ito ay tinawag na “paschal lamb” na nagsisimbolo ng pagliligtas ng Diyos.

Sa mga Kristiyano, ang paschal lamb o kordero ay si Hesu Kristo. Sinabi nga ni Juan Bautista sa Juan 1:29, “Tunghayan n’yo ang Kordero ng Diyos na NAG-AALIS ng KASALANAN ng sanlibutan.”

Tuwing ika-25 ng Disyembre ay ginugunita natin ang kapanganakan ng “Kordero ng Pascua” na nagliligtas sa atin, partikular sa epekto ng kasalanan nina Eba at Adan o ng “original sin.” Dito nakuha ang salitang “Pasko.”

Ayan, malinaw na nasa Bibliya ang salitang “Pasko.” Malinaw din kung bakit tayo nagsasaya. Ginugunita kasi natin ang pagkakatawang tao ni Hesus na Siyang nagliligtas sa atin sa kamatayan at magbibigay sa atin ng buhay na walang hanggan.

Kung hindi ba naman tayo matutuwa riyan ay baka may “sira” na tayo.

Ngayon, Dec. 25 ba ipinanganak si Hesus? At nasa Bible ba ito?

Sa totoo lang, wala sa petsa ang problema kundi sa mismong tanong.

Bakit? Kasi naman, ang December, tulad ng iba pang buwan sa ating kalendaryo, ay hindi pa ginagamit noong panahong ipanganak si Kristo.

Ang ginagamit noon ay ang Hebrew calendar at dito tayo magsisimula.

Uugatin natin ang birthday ni Hesus ayon sa pahayag sa Ebanghelyo ni San Lucas kung saan inisa-isa ng Ebanghelista ang mga pangyayari bago ang kapanganakan ng Panginoon.

Sinimulan ni Lucas ang kuwento nang magpakita ang anghel na si Gabriel sa pari na si Zacarias habang ang huli ay nagsusunog ng insenso sa loob ng “Holy of Holies” o sanctuaryo ng templo ng mga Hudyo. (Lucas 1:5-20) Dito ay ipinahayag ni Gabriel na si Zacarias at ang asawa nitong si Elisabet ay magkakaanak at ang ito nga si Juan Bautista.

Ayon sa Bibliya, isang beses lang sa isang taon maaaring pumasok ang sinuman sa loob ng sanctuaryo at ito ay sa Day of Atonement ng mga Hudyo. Ayon sa Leviticus 16:29, ang araw na ito ay sa ika-10 araw sa ika-pitong buwan. Sa kalendaryo ng mga Hudyo ito ay pumapatak sa ika-10 ng buwan ng Tisri.

Nang mabuo ang Roman calendar na siyang ginagamit natin ngayon, natukoy ang katumbas na araw ng Tisri 10 sa Setyembre 20. Dito na natin susundan ang mga pangyayari.

Ang mga pari noon ay isang linggong nagsisilbi sa templo at sila ay umuuwi na. Sabi ng Bibliya, matapos nito ay “nagdalantao si Elisabet.” Pumapatak ito bandang Setyembre 25.

Sabi ng Bibliya sa Lucas 1:26, “Sa ikaanim na buwan (ng pagbubuntis ni Elisabet), ipinadala ng Diyos ang anghel na si Gabriel sa isang bayan ng Galilea na tinatawag na Nazareth, sa isang birhen na nakatakdang ikasal sa isang lalaki na ang pangalan ay Jose ng angkan ni David. Ang pangalan ng birhen ay Maria,” ang ina ni Hesus.

Ang pangyayaring ito ay tinatawag sa Iglesia Katolika na “The Annunciation” dahil dito inihayag ang magiging pagsilang ni Hesus, ang “Anak ng Kataas-taasan.” Ito ay sa pamamagitan ng paglukob ng Espiritu Santo kay Maria. (Lucas 1:31-35)

Kung bibilangin natin ang ikaanim na buwan ng pagdadalantao ni Elisabet simula sa Setyembre 25, papatak ang “Annunciation” sa Marso 25, ang unang araw ng pagbubuntis ni Maria.

Mula sa Marso 25 ay bibilang lang tayo ng siyam na buwan (ang panahon ng pagbubuntis ng isang babae) at matutukoy na natin ang araw ng kapanganakan ni Hesus. At ito ay sa Disyembre 25.

Ayan na ang sagot sa tanong mo, Greg.

Kailangan pa bang binyag ng bata?

AGOSTO 5, 2003


SAGUTIN po natin ang ilang tanong ng ating mga readers.

Ganito ang tanong ni Nimrod ng Taytay, Rizal, "Bakit po ginagawang negosyo ng mga Katoliko ’yung pagbenta ng mga panyo at rosaryo tsaka un mga kuwintas na may krus at ‘yung mga oil?"

Hindi ko tiyak kung ano ang tinutumbok mo, Nimrod.

Ang masasabi ko lang diyan ay may mga negosyante na kumikita sa paggawa ng mga rosaryo, panyo, kuwintas (kahit walang krus) at iba pang gamit.

Pero NEGOSYO nila ‘yon. HINDI naman IPINAGBABAWAL ang paggawa at pagbenta ng mga ito.

Ang IPINAGBABAWAL ay ang PAGBEBENTA ng mga na-BLESS nang rosary at iba pang gamit sa relihiyon. Ang na-bless na kasi ay PAG-AARI na ng Diyos kaya HINDI na PUWEDENG IPAGBILI.

HINDI TOTOO na GINAGAWA itong NEGOSYO ng mga KATOLIKO. Para kasing sinasabi na INIMBENTO lang ang rosaryo para pagkakitaan. MALI ang ganoong ideya. Sa katunayan, maraming Katoliko ang GUMAGASTA para GUMAWA ng mga rosary para MAIPAMIGAY ito nang LIBRE.

Ang iba naman na nagbebenta ay para mabawi ang PUHUNAN at makagawa pa ng marami. Ang iba naman ay ginagawang FUND RAISING para pantulong sa mga nangangailangan.

+ + +

Sabi ni Edgar Rualo, "Sinabi na pala ni Hesus sa Mt 19:13-14 na sa mga bata ang Kaharian ng DIYOS bakit bibinyagan pa? Kawawa naman mga Katoliko, ligaw sa aral!"

Basahin natin ang sinasabi ng mga talata.

"Dinala kay Hesus ang maliliit na bata para mapatungan niya ng kamay at maipanalangin niya. Pero pinagalitan ng mga disipulo ang mga may dala sa mga ito."

"Sinabi ni Hesus, ‘HAYAANG LUMAPIT SA AKIN ang mga bata at HUWAG SILANG PIPIGILAN dahil ang kaharian ng langit ay para sa kanila."

Makikita natin sa mga talata na may ilang grupo ng tao na binabanggit.
Ang isang grupo ay NAGDADALA ng mga BATA para BASBASAN o mapatungan ng kamay ni Hesus.

Ang isa pang grupo ay HUMAHADLANG sa PAGLAPIT ng mga BATA sa Panginoon.

Kung tatanungin po kayo, KANINONG GRUPO KAYO KASAMA? Doon sa HUMAHADLANG sa PAGLAPIT ng mga BATA sa PANGINOON? O doon sa NAGLALAPIT ng mga BATA kay KRISTO para MABASBASAN?

Sinasabi ni Edgar na "Sa mga bata [na] ang Kaharian ng DIYOS bakit bibinyagan pa?"

Ang sinasabi niya ay HINDI na SILA KAILANGANG TUMANGGAP ng BINYAG?

Kahit paanong tingnan ay HINDI MASASABI na PORKE SINABI ni Hesus na "para sa kanila ang kaharian ng langit" ay hindi na nila kailangang mabinyagan.

Kung papansinin natin ay mas PINUPUNTO ng Panginoon ang KATANGIAN ng mga bata sa PAGTANGGAP ng Kaharian ng Diyos.

Kung pagbabatayan pa natin ang orihinal na Griego ay ganito ang salin na makikita natin sa Mt 19:14, "Pero sinabi ni Hesus, ‘Hayaan ninyo ang mga bata at HUWAG NINYO SILANG PIGILAN dahil ang Kaharian ng langit ay para sa mga TULAD nila.’"

Sabi pa sa Mark 10:15, "Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan, sino man na hindi tumanggap sa kaharian ng Diyos TULAD ng isang maliit na BATA ay HINDI papasok dito."

Malinaw na ginawang HUWARAN o PAMARISAN ang mga bata para sa mga gustong pumasok sa Langit. WALANG SINASABI at WALA kahit PAHIWATIG na HINDI na nila kailangan ng binyag.

Kung iisipin kasi natin na HINDI na KAILANGAN ng binyag ng mga bata, baka may magsabi na HINDI NA KAILANGAN ng BINYAG BASTA MAGING TULAD TAYO ng ISANG BATA.
DELIKADO ‘YON!

Pero ano ba ang sabi ng Panginoon tungkol sa pagpasok sa kaharian ng Diyos? Mababasa natin ‘yan sa John 3:5, "Sumagot si Hesus, ‘Sinasabi ko sa iyo ang katotohanan, WALANG MAKAPAPASOK sa kaharian ng Diyos kung hindi siya IPANGANAK sa TUBIG at sa ESPIRITU.’"

Ang KAPANGANAKAN sa TUBIG ay ang BINYAG. Malinaw ito.

Kumpara sa Mt 19:13-14, dito ay HINDI PAGKUKUMPARA ang ginagawa. Dito ay TUWIRANG sinasabi ni Hesus kung sino lang ang PAPASOK sa kaharian ng langit. At ito ay ang IPANGANGANAK o BIBINYAGAN sa TUBIG.

Ngayon, sino ang magsasabi na HINDI KAILANGAN ng BINYAG kahit ng mga bata?

Pero tulad nga ng palagi kong sinasabi, HINDI tayo PINIPILIT NG DIYOS KUNG AYAW NATING LUMAPIT SA KANYA.

Ganoon din sa ating mga anak. Kung ayaw nating ILAPIT sa Panginoon at PABINYAGAN ang mga bata ay NASA ATIN ‘YON.

Tulad nga ng nauna kong tanong, saan tayo kasama? Sa mga taong HUMAHADLANG sa PAGLAPIT ng BATA kay HESUS o sa grupo na NAGDADALA sa mga BATA kay Kristo?

Ano ang Kasulatan na ginamit ni Hesus?

AGOSTO 4, 2003


KATULOY ito ng pagtalakay natin sa kung paano BINAWASAN ng mga BAGONG LITAW na mga mangangaral (daw) ang Bibliya na IBINIGAY ng DIYOS sa MGA KRISTIYANO.

Kahapon ay inilahad natin ang KASAYSAYAN kung paano NABUO ang OLD TESTAMENT.

Sinabi natin ang SITWASYON o KALAGAYAN ng mga kasulatan noong panahon ni Hesus. Una, sinabi natin na WALA PANG BIBLIYA noon.

Inilahad din natin na WALA rin noong OPISYAL na LISTAHAN ng mga tinatanggap o kinikilalang mga aklat.

Ang mga Kasulatan ay hiwa-hiwalay at nasusulat sa mga "scroll" o "kalatas."

Hindi lang ang mga Kasulatan ang hiwa-hiwalay noon. HIWA-HIWALAY rin ang mga Hudyo. Ang mga Hudyo sa labas ng Herusalem at Israel ay naroon sa tinawag na DIASPORA na ang ibig sabihin ay PINAGKALATAN dahil dito "ikinalat" ang mga Hudyo.

Ang ginamit na salita noon sa mga DIASPORA ay GRIEGO. Dahil dito dumating ang panahon na MAS MARAMI nang Hudyo ang HINDI na MARUNONG ng Hebreo.

Para mabasa pa rin nila ang mga Kasulatan, ISINALIN sa GRIEGO ang mga Kasulatan na nasa Hebreo.

Ang SALIN na ito ay TINAWAG na "SEPTUAGINT," o "SETENTA" dahil 70 dalubhasa ang nagsalin nito mula sa Hebreo.

Nagkaroon ng DALAWANG VERSION ng Kasulatan: ang nasusulat sa HEBREO at ang nasusulat sa GRIEGO.

Si Hesus at ang mga unang Kristiyano ay pamilyar sa Kasulatan sa Hebreo at sa Griego.

Pero dahil karamihan ng mga naunang Kristiyano ay mula sa mga DIASPORA, GRIEGO ang ginamit ng mga Apostol sa pagpapahayag "sa SULAT man o sa SALITA."

At dahil Griego ang gamit sa pagpapahayag ng Ebanghelyo, ang ginamit na Kasulatan ng mga unang Kristiyano ay ang SEPTUAGINT.

Sa madaling salita, ang SEPTUAGINT ang KABUOHAN ng Kasulatan na TINANGGAP at GINAMIT ng mga unang Kristiyano. Paglaon, ito ang naging batayan ng OLD TESTAMENT.

Nagalit ang mga Hudyo dahil ginagamit ng mga tagasunod ni Hesus ang kanilang mga aklat. Kaya noong 100 A.D. sa lungsod ng JAMNIA ay nagdeklara ang mga Hudyo ng mga aklat na PARA LANG SA MGA HUDYO.

ITINAKWIL ng mga Hudyo ang SEPTUAGINT na KINILALA naman ng mga Kristiyano bilang GALING SA DIYOS.

Nagkaroon ng dalawang set ng KASULATAN: ang TANAK ng mga Hudyo at ang SEPTUAGINT ng mga Kristiyano.

Ang iniwan kong tanong kahapon ay "Ano ang kahalagahan ng dalawang ‘version’" ng Kasulatang ito?

Heto ang sagot.

+ + +

Ang SEPTUAGINT ay may 46 Kasulatan. Samantala, ang aklat ng mga Hudyo ay mayroon lamang 39 aklat (Ito ay ayon na sa pagkakahati-hati ng mga Protestante).

Ibig lang sabihin nito ay MAS MARAMING aklat at kasulatan ang mga Kristiyano kaysa mga Hudyo.

Nang lumaganap ang Kristiyanismo, lumaganap din ang paggamit sa SEPTUAGINT at SA LOOB ng 1,400 hanggang 1,500 taon ay KINILALA ng LAHAT ng Kristiyano ang mga laman ng SEPTUAGINT.

Patunay na MAS KINILALA ng Panginoong Hesus at ng mga Apostol ang SEPTUAGINT ay ITO ANG GINAMIT nila nang mag-quote sila mula sa Lumang Tipan.

Sa lahat-lahat, higit sa 300 quotations ang KINUHA ni Hesus at ng mga Apostol MULA SA SEPTUAGINT.

Uulitin ko lang, sa SEPTUAGINT sila KUMUHA ng talata at HINDI sa HEBREO.

Ito ay TANDA na KINILALA ni Hesus at ng mga Apostol na GALING sa Diyos ang SEPTUAGINT.
Dahil nga si Hesus at ang mga Apostol na ang KUMILALA sa SEPTUAGINT ay KINILALA na ito ng IGLESIA na ITINATAG ni Kristo.

Ang SEPTUAGINT ang tinutukoy ni Pablo sa 2 Timothy 3:16 na "Ang LAHAT ng KASULATAN ay HININGAHAN ng Diyos at kapakipakinabang sa pagtuturo, pagsansala, pagtutuwid at pagsasanay sa katuwiran."

Kaya mula pa noong panahon ni Kristo at ng mga Apostol ay 45 na ang kasama sa Kasulatan na kinikilala natin ngayon bilang "Old Testament."

Sa loob ng 1,400 hanggang 1,500 taon ay ito ang kinilalang Old Testament ng mga KRISTIYANO.
Pero nang LUMITAW ang mga mangangaral na Protestante ay BINAWASAN nila ang Bibliya. Ang sinunod nila ay ang VERSION ng mga Hudyo.

Kung paanong ITINAKWIL ng mga HUDYO ang mga Kasulatan na KINILALA nina Hesus at ng mga Apostol, ay GANOON DIN ito ITINAKWIL ng mga PROTESTANTE.

Ngayon nga ay MARAMI na ang SUMUNOD sa PAGTAKWIL sa mga Kasulatan na TINANGGAP ni Hesus at ng IGLESIA NA ITINATAG Niya.

Kaya ISA NA NAMAN ITONG TANDA kung kayo ay NASA IGLESIANG ITINATAG ni Kristo.

Pero in fairness, MARAMI ang HINDI ALAM na ganito ang mga pangyayari. NALINLANG lang sila.

Sila ay PINAPANIWALA na may DAGDAG ang Bibliya ng mga Katoliko. Ang hindi nila alam ay may BAWAS ang Bibliya nila.

Kaya kung KULANG ang Bibliyang gamit ninyo sa ngayon ay mag-isip kayo. Tanda ‘yan na MALI ang TINANGGAP ninyong Bibliya.

Bibliya biktima rin ng dagdag-bawas



KAHAPON sinimulan kong ilahad ang tungkol sa ginawang PAGBAWAS o PAG-ALIS ng mga pasimuno ng "Protestant Reformation" ng MARAMING libro at sulat sa Bibliya.

Ngayon ay titingnan natin kung gaano KAMALI ang kanilang ginawa at kung paano ito SUMASALUNGAT sa sinasabi nilang BIBLIYA LANG ang dapat batayan ng pananampalataya.

+ + +

MARAMING Kristiyano sa ngayon ay nagsasabi na BIBLIYA LANG ang DAPAT BATAYAN ng pananampalataya.

Pero napatunayan na natin na mismong Bibliya ay nagsasabi na may mga ARAL na HINDI NASULAT o SINABI lang sa mga Kristiyano. (2 Thessalonians 2:15; 2 John 1:12 at 2 Timothy 2:2)
Tapos kung tatanungin natin sila ay WALA SILANG ALAM sa kung paano NABUO ang Bibliya o kung ano ang KASAYSAYAN nito.

Ang KAWALAN nila ng ALAM ay IPINAPASA nila sa IBA PANG TAO kaya naman DUMARAMI ang kanilang NAILILIGAW.

Wika nga ng Matthew 15:14, "Kung aakayin ng isang bulag ang isa pang bulag, pareho silang mahuhulog sa hukay."

Halimbawa na nga niyan ang PAGDAGDAG nila ng aral na Bibliya LANG ang batayan ng pananampalataya.

Kasabay nito ay gumagamit sila ng Bibliya na BINAWASAN ng mga BAGONG LITAW na mangangaral.

Kaya nga masasabi natin na ang Bibliya ay biktima rin ng DAGDAG-BAWAS ng mga taong sinasabi ni Hesus ay dapat nating iwasan sa Matthew 7:15; 24:11 at 24:24.

+ + +

Bakit natin ito nasabi? Tingnan natin ang ginawa nilang PAGBAWAS sa mga Kasulatan na BIGAY ng DIYOS.

Para maunawaan natin ito, mahalagang malaman natin na WALANG BIBLIYA noong unang panahon.

WALA rin noong OPISYAL na LISTAHAN ng mga tinatanggap na aklat. Although mayroong mga kinikilalang mga Kasulatan ang mga Hudyo WALANG KAUTUSAN na ITO LANG ANG DAPAT SUNDIN.

Ang mga Banal na Kasulatan ay hiwa-hiwalay at nasusulat sa mga "scroll" o "kalatas."

Ang halimbawa nito ay nasa Luke 4:16-17 kung saan sinasabi, "Nagpunta siya (si Hesus) sa Nazareth kung saan siya pinalaki at sa araw ng Sabbath ay nagtungo siya sa sinagoga tulad ng kanyang nakaugalian. Tumayo siya para magbasa at iniabot sa kanya ang KALATAS ni propeta ISAIAS."
"PAGULONG niya itong BINUKLAT at natagpuan niya kung saan nasusulat ..."

+ + +

Hindi lang ang mga Kasulatan ang hiwa-hiwalay noon. HIWA-HIWALAY rin ang mga Hudyo.
Ang sentro ng Hudaismo ay ang Israel at ang Herusalem pero mas maraming Hudyo sa ibang lugar tulad sinasabi sa Acts 2:9-11.

Ang mga lugar ng mga Hudyo sa labas ng Israel ay tinawag na DIASPORA na ang ibig sabihin ay PINAGKALATAN dahil dito "ikinalat" ang mga Hudyo.

Dahil ang mga "Diaspora" at maging ang Israel ay matagal na nasakop ng mga Griego sa ilalim ni Alexander the Great ay NATUTO na rin sila ng salitang GRIEGO.

Dumating ang panahon na MAS MARAMI nang Hudyo ang HINDI na MARUNONG ng Hebreo.
Nagkaproblema sila dahil HINDI na MABASA at HINDI na MAINTINDIHAN ng mga Hudyo sa labas ng Israel ang mga Kasulatan na nasa Hebreo.

Para ma-solve ang problemang ito, ISINALIN sa GRIEGO ang mga Kasulatan na nasusulat sa Hebreo.

Ang SALIN na ito ay TINAWAG na "SEPTUAGINT," o "SETENTA" dahil 70 dalubhasa ang nagsalin nito mula sa Hebreo.

Nagkaroon ng DALAWANG VERSION: ang nasusulat sa HEBREO at ang nasusulat sa GRIEGO.
Si Hesus at ang mga unang Kristiyano ay mga Hudyo kaya pamilyar sila sa Kasulatan sa Hebreo at sa Griego.

Nang ikalat ng mga Apostol ang Ebanghelyo, karamihan sa mga unang naging "convert" ay ang mga Hudyo sa mga DIASPORA.

At dahil GRIEGO ang salita ng mga ito, GRIEGO ang ginamit ng mga Apostol sa pagpapahayag "sa SULAT man o sa SALITA."

’Yan ang dahilan kung bakit HALOS ang KABUOHAN ng mga sulat sa panahon ng Kristiyano ay nakasulat sa GRIEGO.

At dahil Griego ang gamit sa pagpapahayag ng Ebanghelyo, ang ginamit na Kasulatan mga unang Kristiyano ay ang SEPTUAGINT.

Ang SEPTUAGINT ang tinutukoy ni Pablo sa 2 Timothy 3:16 na "Ang LAHAT ng KASULATAN ay HININGAHAN ng Diyos at kapakipakinabang sa pagtuturo, pagsansala, pagtutuwid at pagsasanay sa katuwiran."

Sa madaling salita, ang SEPTUAGINT ang KABUOHAN ng Kasulatan na TINANGGAP ng mga unang Kristiyano at naging batayan ng OLD TESTAMENT.

Nang lumaganap ang Kristiyanismo ay nagalit ang mga Hudyo dahil ginagamit ng mga tagasunod ni Hesus ang kanilang mga aklat.

Kaya noong 100 A.D. sa lungsod ng JAMNIA ay nagdeklara ang mga Hudyo ng mga aklat na PARA LANG SA MGA HUDYO.

ITINAKWIL ng mga Hudyo ang SEPTUAGINT dahil ito ang ginagamit ng mga Kristiyano.
Kaya nagkaroon ng dalawang set ng KASULATAN: ang TANAK ng mga Hudyo at ang SEPTUAGINT ng mga Kristiyano.

Ano ang kahalagahan ng dalawang "version" ng Kasulatang ito? Bukas ay ito ang ating pag-uusapan.

Kumpleto ba ang gamit mong Bibliya?

AGOSTO 2. 2003


SA LABAS ng espasyong ito sa TUMBOK ay nagkakapalitan din kami ng text ni AJ Reyes ng Cavite. Marami siyang tanong at sinasabi na sayang at hindi natin agad mailagay rito.

Sa isang palitan namin ng tanong at paliwanag ay biglang INAMIN ni AJ na HINDI KAILANGANG NASUSULAT ang paniniwala. IGINIIT niya na PUWEDE NA ANG DIWA ng paniniwala.

Tulad nga ng sabi ko noon, GANYAN ang paniniwala ng Iglesia Katolika sa isyung ito. Hindi kailangang NASUSULAT o LETRA POR LETRA sa Bibliya ang paniniwalaan ng isang Kristiyano.

Kaya nga ang mga paniniwala ng mga KATOLIKO ay TIYAK na MAY BATAYAN sa Kasulatan although HINDI nasusulat ng LETRA POR LETRA.

TIYAK din na HINDI ito SUMASALUNGAT sa TUNAY na aral ng Bibliya.

MARAMI kasing aral na NAGSULPUTAN KASABAY ng PAGLITAW ng mga HUWAD na "mangangaral" at "propeta."

Isa na nga riyan ang paggiit ng mga BAGONG LITAW na mangangaral na Bibliya LANG ang batayan ng pananampalataya.

Napatunayan na natin na ang mismong aral na iyan ay SALUNGAT sa ARAL ng Bibliya.

PATUNAY nga ang PAGKAKAROON ng ARAL sa SALITA o ORAL TRADITION na sinasabi sa 2 Thessalonians 2:15, 2 John 1:12 at 2 Timothy 2:2.

+ + +

Ang NAKAKATAKOT sa BAGONG ARAL nitong mga BAGONG LITAW na mangangaral ay HINDI NILA TUNAY na NAUUNAWAAN ang kanilang mga sinasabi.

Isang patunay riyan ang mismong Bibliya na kanilang ginagamit.

Kahapon ay itinanong sa akin ni AJ kung ang Bibliya ko raw ay may "APOCRYPHA."

Ano itong "apocrypha" o "apocryphal books?"

Ito ay ang mga AKLAT at SULAT na KASAMA sa Bibliya MULA PA NOONG UNA pero INALIS o IBINAWAS ng mga BAGONG LITAW na mangangaral.

Para maintindihan natin ito, mahalagang malaman natin na IBANG-IBA ang ITSURA ng Bibliya natin ngayon sa mga KASULATAN na natanggap ng mga Apostol noong unang siglo.

Ngayon ay nasa iisang "libro" na ang mga Kasulatan. Nahahati na rin ito sa Old and New Testament.
Noon ay walang Old at New Testament. Hindi rin magkakasama ang mga Kasulatan na nakalagay sa hiwa-hiwalay na mga "kalatas" o "scrolls."

Noong matatag ang tunay na Iglesia ni Kristo ay kinulekta ng mga ito ang mga Kasulatan na TINATANGGAP nila na GALING sa DIYOS.

Inipon nila ang mga ito at nakakulekta sila ng 45 na iba’t-ibang KASULATAN. Ang mga Kasulatan na ito ang nabuo bilang Old Testament.

Sa loob ng mahigit 1,400 taon ay KINILALA ang 45 na libro na ito bilang "INSPIRED" o GALING SA DIYOS.

Pero noong LUMITAW ang mga "propeta" at "mangangaral" ng Protestant Reformation ay BINAWASAN nila ang mga librong ito.

Ang PAGBAWAS nila sa mga aklat at sulat na ito ay LABAG sa SINASABI ng Revelation 22:19, "At kung mayroong mag-aalis ng mga salita mula sa aklat ng pahayag na ito, AALISIN din ng Diyos ang kanyang bahagi sa puno ng buhay at sa banal na lungsod na inilalarawan sa aklat na ito."

Pansinin ninyo, "salita" pa lang ang aalisin ay AALISIN na sa kanila ang "bahagi sa puno ng buhay." Paano kung buo-buong AKLAT ang kanilang INALIS? Ano na ang mangyayari sa kanila?

Ano ‘yang mga INALIS nila? ‘Yan nga ang tinatawag nilang "apocrypha" na sinasabi nila ay HINDI RAW KASAMA sa Banal na Kasulatan.

Kaya nga mapapansin ninyo na ang mga Bibliya ng mga BAGONG LITAW ay KULANG dahil 66 lang ang libro rito.

Samantala, ang ORIGINAL na bilang ng mga libro ng Bibliya ay 73 lahat. Sa Old Testament ay 46 libro at sa New Testament ay 27.

KULANG ang mga Bibliya ng BAGONG LITAW dahil INALIS o IBINAWAS na rito ang mga aklat ng Baruch, Judith, Sirach, Tobit, Wisdom, and 1 and 2 Maccabees.

INALIS o IBINAWAS din nila ang ilang bahagi ng aklat ni Daniel at Esther.

Dahil dito, KULANG ang kanilang OLD TESTAMENT na mayroon lang 39 na libro kumpara sa ORIGINAL na 46.

Ngayon, sa punto pa lang na ito ay paano nila masasabi na dapat na gawing batayan ang Bibliya kung ang HAWAK NILANG BIBLIYA AY KULANG?

Bukas ay ipagpapatuloy natin ang usaping ito para mas malinaw.

Monday, January 21, 2013

Buong aral ni Kristo saan makikita?

AGOSTO 1, 2003


MARAMING sinabi si AJ Reyes ng Cavite noong Miyerkules kaugnay ng palitan namin ng paliwanag tungkol sa kung KUMPLETO ang Bibliya o hindi.

Kahapon ay ipinakita ko na mismong ang Bibliya ang nagsasabi na MARAMI ANG HINDI NAISULAT ayon sa John 20:30 at 21:25.

Ipinakita ko rin ang sinasabi sa 2 John 1:12 na MARAMI ang HINDI ISINULAT dahil ang balak noon ni John ay SABIHIN na lang sa kanyang mga kausap ang mga ARAL nang "HARAP-HARAPAN."

Ngayon, kung hindi pa kuntento si AJ sa ibinigay kong PATUNAY mula sa Bibliya, heto pa ang 2 Timothy 2:2.

Sabi ng talata, "At ang mga bagay na NARINIG mong SINABI ko sa HARAP ng mga testigo ay ipagkatiwala mo sa maaasahang mga tao na karapat-dapat na MAGTURO rin sa iba."

Maliwanag na sinasabi sa talata na ang ARAL ay "NARINIG" matapos itong "SABIHIN."

Ang MGA ARAL na IPAGKAKATIWALA sa IBA ay SINABI, HINDI BINASA at lalong HINDI ISINULAT.

Kaya nga maliwanag pa sa sikat ng araw na MALI ang ARAL na ITINURO at NATUTUNAN ni AJ.

Sabi niya, hindi raw "biblical" ang paniniwala ng mga Katoliko. Eh Bibliya na mismo ang KALABAN ni AJ sa pagpupumilit niyang KUMPLETO ito.

Sino ang HINDI BIBLICAL? Tayo na sumusunod at naniniwala sa sinasabi ng Bibliya o ‘yung pilit na KUMUKONTRA sa sinasabi ng Bibliya?

+ + +

Dahil nagsusumigaw ang KAMALIAN ng aral na tinanggap ni AJ mula sa "mangangaral" niya na tila ikinahihiya niyang ipakilala ay tila galit na siya sa bandang huli ng kanyang mga sinabi noong Miyerkules.

Sabi niya, "KULANG PALA ba’t mo GINAGAMIT?"

Mayroon pa siyang nasabi na "KUNG KULANG ANG BIBLIYA, ANO ANG KABUOHAN?"

Actually, maganda ‘yang mga tanong niya.

Sa unang tanong, ay ganito ang sagot: Ginagamit ng mga Katoliko ang Bibliya kahit "kulang" ito dahil ito ay BAHAGI ng ARAL na ibinigay ni Kristo.

Ipinag-uutos din kasi ng Bibliya na gamitin ito. Nasusulat ang utos na iyan sa 2 Thessalonians 2:15 na ganito ang sabi, "Kaya nga, mga kapatid, manindigan kayong matatag at panghawakan ninyo ang mga tradisyon na ibinigay namin sa inyo, maging ito man ay sa salita o sa sulat."

Ang Bibliya ang sinasabi sa talata na "TRADISYON ... sa SULAT."

At ang bilin ni Pablo ay "MANINDIGAN kayong matatag at PANGHAWAKAN" ito.

Sumusunod lang ang mga Katoliko sa utos na ito.

Ngayon, HINDI LANG "tradisyon" sa SULAT ang binabanggit ni Pablo na DAPAT PANGHAWAKAN o ating PANINDIGANAN.

Habilin din niya na "manindigan kayong matatag at panghawakan" ang mga "TRADISYON ... sa SALITA."

‘Yang mga "SALITA" na iyan ang tinutukoy sa 2 John 1:12 na "SASABIHIN" pa lang noon ni John sa iba pang Kristiyano.

‘Yan din ang tinutukoy na "SINABI," "NARINIG," at "IPAGKAKATIWALA" sa iba ayon sa 2 Timothy 2:2.

+ + +

Itinatanong ni AJ, "KUNG KULANG ANG BIBLIYA, ANO ANG KABUOHAN?"

Ang KABUOHAN ay ang MAGKASAMANG "TRADISYON sa SALITA at sa SULAT."

Sa lahat ng mga grupong Kristiyano, TANGING ang Iglesia Katolika lang ang nanghahawak sa TRADISYON sa SALITA (Oral o Sacred Tradition) at TRADISYON sa SULAT (‘yon na nga ang Bibliya).

‘Yan ang tinatawag na DEPOSIT OF FAITH o ang KABUOHANG ARAL na galing kay Kristo at sa mga Apostol.

Kaya nga masasabi natin na TANGING mga Katoliko LANG ang NAGTATAGLAY ng BUONG ARAL ni Kristo sangayon sa sinasabi ng Bibliya.

By the way, isang KAHULUGAN ng KATOLIKO ay KUMPLETO.

Mga Katoliko LANG kasi ang SUMUSUNOD sa habilin ng Bibliya sa 2 Thes 2:15.

TANGING ang Iglesia Katolika rin ang NANGHAHAWAK sa mga "SALITA" na tinutukoy ng 2 Jn 1:12 at 2 Tim 2:2.

+ + +

Minsan ay nagkapalitan kami ng text ni AJ at sinabi niya na IMBENTO lang daw ang mga TRADISYON ng mga Katoliko.

Kung papayagan din daw ang sinasabing ORAL TRADITION ay puwede na raw MAG-IMBENTO ng aral ang kahit na sino at idahilan na ito ay "oral tradition."

Madaling malaman kung imbento o hindi ang isang aral.

Una, sino ba ang nagsasabi ng isang "oral tradition?" Kung ang nagsasabi nito ay BAGONG SULPOT na mangangaral, TIYAK na IMBENTO ‘yan.

Isang halimbawa ng IMBENTO ay ang ARAL na "DAPAT MABASA sa BIBLIYA ang LAHAT ng GAGAWIN at PANINIWALAAN ng isang KRISTIYANO."

IMBENTO YAN dahil MISMONG BIBLIYA ay HINDI NAGTURO NIYAN.

Kung mapapatunayan ng isang grupo na ito ang Iglesia na ITINATAG ni Kristo at mapapatunayan na ito ay GALING MISMO sa Panginoon at sa mga Apostol, MAKASISIGURO tayo na TOTOO at HINDI IMBENTO ang mga Oral Traditions nito.

Mapapatunayan din natin na totoo ang oral tradition kung HINDI ITO SASALUNGAT sa TUNAY na KAHULUGAN ng Bibliya.

Salamat po.

Bibliya, marami ang hindi isinulat

HULYO 30, 2003


SANA ay nabasa ninyo ang mga pahayag kahapon ni AJ Reyes ng Cavite City kaugnay ng palitan ng paliwanag tungkol sa mga paniniwala niya at ng mga Katoliko.

Hindi ko alam kung ikinahihiya o natatakot si AJ na sabihin kung kanino galing ang mga aral na kanyang sinasabi pero malaki ang paniniwala ko na nakuha niya ang mga ito kay Bro. Eliseo Soriano ng Ang Dating Daan.

Pero since ayaw ni AJ sabihin kung kanino galing ang mga aral niya ay bahala na kayong magsabi kung NAKAKAHIYA ang mangangaral niya o NATATAKOT siyang MAMURA nito.

+ + +

Maraming sinabi si AJ kahapon pero SINAGOT na rin niya ang ilan niyang sinabi.

Sinabi niya na HINDI NIYA BINAGO ang tema ng usapin pero inamin din niya na NAPALITAN niya ang mga salita nito.

Kung ang PAGPAPALIT ng salita ay HINDI PAGBABAGO ay kayo na ang humusga.

+ + +

Sabi niya,"Pinaglilitaw ko siya (ako raw) ng aral na wala sa Bibliya. Ang sagot Tradisyon daw."

Alam naman pala niya na "Tradisyon" ang sagot tapos nagtatanong pa siya.

Eto ang sunod niyang tanong, "Ang mga piyesta n’yo ba sa mga santo ay isa sa mga tradisyon n’yo?"

Sa wakas, nakaisip din siya ng magandang tanong.

May dalawang uri ng TRADISYON na kinikilala ang mga Katoliko. Ang una ay ang SACRED TRADITION at ang pangalawa ay ang CULTURAL TRADITION.

Ang Sacred Tradition ang mga TRADISYON na tinutukoy sa 2 Thes 2:15.

Sabi ng talata, "Kaya nga, mga kapatid, MANINDIGAN kayong matatag at PANGHAWAKAN ninyo ang mga TRADISYON na ibinigay namin sa inyo, maging ito man ay sa SALITA O sa SULAT."

Iyan ay mga ARAL na HINDI NASULAT.

Ang pangalawa ay ang CULTURAL TRADITION na tulad ng mga piyesta at iba pang ritwal. HINDI ‘yan mga ARAL kundi mga KAUGALIAN lang sa isang partikular na lugar o mga lugar. HINDI ITINUTURO ng IGLESIA na DAPAT SUNDIN ang CULTURAL TRADITION.

So, obvious na MALI na agad ang IDEYA ni AJ sa sinasabing TRADISYON na sinusunod ng Iglesia.

+ + +

Isang SACRED TRADITION ay ang ARAW ng LINGGO.

Sa paggigiit ni AJ na kumpleto ang Bibliya ay sinabi niya na MABABASA ang "LINGGO" (Sunday) sa Bibliya.

Sige, AJ, sabihin mo kung anong talata mababasa ang salitang "LINGGO" o Sunday at magso-sorry ako sa lahat ng readers natin.

Kung hindi mo naman maipakita ang salitang "LINGGO" ay IKAW ANG MAGSO-SORRY.

Huwag mong gagamitin ‘yung mga salitang "unang araw ng sanlinggo" dahil hindi ‘yon pangalan ng araw kundi "description" lamang.


+ + +

Tinutulan ni AJ ang sinasabi ng John 20:30 at 21:25 sa paggiit niya na KUMPLETO ang Bibliya.

Hindi naman daw sinasabi ng mga talata na "KULANG" ang mga ginawa ni Hesus. Ang sinabi lang naman daw ay "HINDI NASUSULAT ang LAHAT ng GINAWA ni Kristo."

Okay, kung sa tingin ni AJ ay KUMPLETO pa rin ang Bibliya kahit sinabi nito na "HINDI NASUSULAT ang LAHAT ng GINAWA ni Kristo" ay bahala siya. Sukatan na ‘yon ng kanyang PANG-UNAWA.

+ + +

Ginamit ni AJ ang 1 John 1:4 para sabihing KUMPLETO ang mga nasusulat. Sabi raw kasi ng talata "Yaong AMING NAKITA at NARINIG (ke Kristo) at ang mga BAGAY NA ito ay aming ISINUSULAT."

Para kay AJ, NAISULAT LAHAT ng NAKITA at NARINIG ng mga Apostol.

Ang problema ay KULANG-KULANG MAGBASA si AJ. Kung itinuloy lang niya ang pagbabasa sa 2 Jn 1:12 ay sinabi ni John ang ganito, "MARAMI pa akong gustong isulat sa inyo pero AYAW KONG GUMAMIT ng PAPEL at TINTA."

"Sa halip hangad ko na bisitahin kayo at MAKAUSAP nang HARAP-HARAPAN para maging buo ang inyong kaligayahan."

MARAMI pang isusulat si John sa mga NAKITA niya at NARINIG pero HINDI NA NIYA ISINULAT. SASABIHIN na lang daw niya ito nang harap-harapan.

‘Yang mga HINDI ISINULAT ay mga ORAL na TRADITION na Iglesia Katolika lang ang nakakaalam at sumusunod.

Pinapatunayan ng talata na sa paggiit ni AJ na KUMPLETO ang Bibliya ay KULANG pala ang kanyang PAGKAINTINDI rito.

+ + +

Binago ko raw ang mga salitang itinext niya sa 2 Thes 2:15. Mula raw sa "aral" ay ginawa kong "tradisyon."

Walang deperensiya roon dahil ITINUWID ko nga ang MALING SALIN ng Bibliya ni AJ, ang KJV.

Sa ORIHINAL na teksto sa GRIEGO ay ginamit ang salitang "PARADOSIS" na ang TAMANG SALIN sa Pilipino ay "TRADISYON" at HINDI "ARAL." Dapat nga magpasalamat ka pa, AJ.

+ + +

Nagpoprotesta siya dahil hindi ko raw naipaliwanag kung bakit HINDI BIBLIYA ang TINUTUKOY sa Isaiah 34:16.

Ano pa ang dapat ipaliwanag kung ang buong chapter 34 ng Isaiah ang nagsasabi na ang mga hayop ng Edom ang tinutukoy rito?

Basahin mo na lang ang buong Is 34 para maintindihan mo. O duda ka kung makakaya ng isip mo ang katotohanang sinasabi ng talata?

Bible hindi ‘kulang’ meron lang ‘di naisulat’ - AJ

HULYO 30, 2003


KATULOY ito ng palitan namin ng PAHAYAG ni AJ REYES ng CAVITE.

Ito ang sagot ko sa kolum ni Mr. Bibe last Friday. Sabi n’ya BINAGO ko raw ang topic. Wala akong binago. NAPALITAN ko lang ng "kelangan" yung "dapat."

Sabi niya WALA daw SA BIBLIYA ang "lahat ng iisipin, gagawin at paniniwala. Dapat ay nasusulat (1 Cor 1:6). "Bakit naman ISUSULAT pa ‘yon eh LAHAT NG PANINIWALA, MABUBUTING GAWA BILANG isang kristiyano ay NAKASULAT na.

TANONG 1: Ano ang BINABANGGIT na huwag magsihigit sa 1 Cor 1:6? Pinaglilitaw ko siya ng aral na wala sa Bibliya. ang sagot Tradisyon daw.

Tanong 2: Ang mga piyesta n’yo ba sa mga santo ay isa sa mga tradisyon n’yo?

Nang isulat n’ya ang 2 Thessalonians 2:15, "tradisyon" ang isinulat niya samantalang "aral" (KJV) ang tinext ko sa kanya. BINAGO NIYA.

Sabi niya sa kolum niya nung MAY 24, "HINDI RAW TUWIRANG nasusulat sa Bibliya ang HOLY TRINITY, LINGGO bilang araw ng pagsamba.

Pansinin ninyo kung gaano MANLILINLANG ITO sa mga taong walang alam sa bibliya.

Kung MABASA ko sa Bibliya na NAKASULAT ang "LINGGO" bilang araw ng PAGSAMBA sana ay AMININ niya na MALI SIYA.

Heto na, "At ang unang araw ng sanglinggo nang kami magkapisan" (Acts 20:7); "Tuwing unang araw ng sanlinggo" (1 Cor 16:2).

HINDI daw kumpleto ang Bibliya (John 20:30; John 21:25) "Marami pang tanda na ginawa si Hesus na HINDI NASUSULAT sa aklat na ito."

Ano ang hindi isinulat? MGA TANDA at ibang mga bagay. HINDI SINABING "KULANG ang mga ginawa ni HESUS." Meron pang mga TRADISYON.

Katunayan na PAGDATING SA ARAL kinumpleto ng DIYOS ang Bibliya. ISINUGO NIYA ANG MGA ALAGAD UPANG MANGARAL. At yaong mga itinuro ni KRISTO sa mga alagad ay isinulat.

Sabi niya magkaiba raw ang aral sa salita at sa sulat. IISA LANG ‘YUN. ANG KATUNAYAN "‘YAONG AMING NAKITA AT NARINIG (kanino?) ke Kristo) at ang mga BAGAY NA ito ay aming ISINUSULAT." 1 John 1:4.

Ano pang katunayan? "Na inyong PAGTIISAN ANG SALITANG INI-ARAL sapagka’t kayo’y sinulatan ko ng ILANG SALITA. (HEB 13:22).

Sabi niya HINDI raw Bibliya ang tinutukoy sa ISA 34:16. Sabi niya "MGA HAYOP DAW SA EDOM" ang tinutukoy na di MAGKUKULANG.

"Paano mo maia-apply yung hindi magkukulang, ‘di mangangailangan ng kanyang kasama at pinisan ng espiritu ng Diyos sa hayop? Cge nga!

KUNG KOKONTRA KA SANA IPALIWANAG MO ANG SAGOT MO.

TANONG 3: KUNG KULANG ANG BIBLIYA, ANO ANG KABUOHAN?

Para mo masabing KULANG dapat alam mo ang BUO. Ni hindi ka nga makapaglabas ng aral na WALA SA BIBLIYA.

Ang isinasagot n’yo lagi "TRADISYON." Para sabihing TAMA ang mga ARAL na INFANT BAPTISM, mga REBULTO, MGA RITWAL, (insenso, kandila), mga SAKRAMENTO na may BAYAD, pinalalabas n’yong KULANG ANG BIBLIYA.

AT ‘DI NAKAKAPAGTAKA dahil karamihan sa mga KATOLIKO ay mga mangmang sa BIBLIA.

Bakit? Maging mga PARI ay ‘DI gumagamit ng Bibliya? Isang aklat lamang ang ginagamit na kung saan pinili ang mga talata sa BIBLIYA. na PAULIT-ULIT mong maririnig kada taon.

Alam ng mga BUDHI ng mga bumabasa nito na talagang HINDI INI-ENCOURAGE ng mga PARING KATOLIKO na magbasa ng Bibliya ang mga MIYEMBRO nila kundi mga PAULIT-ULIT na mga ROSARY, na hayagang ANTI-BIBLIYA.

"HUWAG KAYONG GAGAMIT NG WALANG KABULUHANG PAULIT-ULIT" at ang nagsasabing kulang ang Bibliya at GINAGAMIT NIYA ito ay MANLOLOKO.

KULANG PALA ba’t mo GINAGAMIT? GUSTO MO, Mr. Bibe, LETRA por LETRA MABASA ANG BAWAT GAGAWIN AT PANINIWALAAN SA BIBLIYA?

At wala raw salitang "Bibliya" sa Bibliya. Naghahanap siya ng mga bagay para ilusot na huwag HANAPAN ang Iglesia KATOLIKA ng mga aral na wala sa Bibliya.

GANUN LANG KASIMPLE ‘yun.

Gusto nilang ipagpilitan ANG KANILA tulad ng mababasa sa ROMA 1:28 "Sa pagsusumakit na maitayo ang SARILING KANILA, ‘DI SILA NAGPAPASAKOP SA KATWIRAN NG DIYOS."

+ + +

Naku, marami-raming sinabi si AJ. Tila matitindi pa. May maisagot kaya tayo?

ABANGAN BUKAS!

May ipinapatay ba ang Iglesia Katolika?

HULYO 29, 2003


Ganito ang text ni Dan ng Cebu, "Sana magkaharap kayo ni Bro.Eli ng ADD sa isang parehas at maginoong debate ukol sa inyong paniniwala para sa kaliwanagan ng marami. Puwede ba?"

Tulad ng sinabi ko nung simulan namin ni AJ Reyes ang "debate" rito sa TUMBOK, ang layunin ko ay MAGPALITAN ng PALIWANAG.

May mga napanood na akong debate ni Bro. Eli at HINDI MAGANDA ang impression ko sa mga ito.

Wala namang nare-resolve dahil kung hindi daanin sa SIGAWAN at KUYUGAN ay sa INSULTUHAN nauuwi.

Kaya nga mas gusto ko na dito na lang sa column na ito magkaroon ng PALITAN ng PALIWANAG.

Dito kasi, maibibigay ng lahat ang gusto nilang sabihin. NASUSULAT at MADALING balik-balikan ng mga nagbabasa.

Straight to the point din ang mga pagtalakay dahil WALANG KASAMANG INSULTUHAN. Kung magkakaroon man ay MAKIKITA AGAD ng mga READERS.

MAS MADALI ring MAIKUKUMPARA ng mga readers ang mga sinasabi ng mga nagpapalitan ng paniniwala.

Puwede nilang ikumpara PUNTO-POR-PUNTO.

Hindi lang ‘yon. WALA RING KANTIYAWAN NA MANGYAYARI kaya WALANG GUGULO sa mga talakayan.

Kaya kung papayag si Bro. Eli (hindi ko lang alam kung may personalidad ka para magsalita para sa kanya) ay dito sa TUMBOK natin gawin ang palitan ng paliwanag.

Salamat.

+ + +

Ganito ang tanong ni Drake ng Iloilo, "Mr. Bibe pakisagot ito, bakit ikinakasal ng mga pari ang homosexual, binibendisyunan ang mga sundalong papunta sa giyera?"

HINDI NAGKAKASAL ng mga homosexual ang mga paring KATOLIKO.

Marahil ang binabanggit mo ay ‘yung isang tao na nagpapakilalang "Father John" na nagkakasal ng mga homosexual at lesbiana.

HINDI SIYA PARING KATOLIKO. ‘Yon lang.

Ang pagbebendisyon naman sa mga sundalo ay HINDI PAGBEBENDISYON para maging magaling silang mamamatay tao.

Ang bendisyon ay paghingi ng PROTEKSYON ng Diyos para MALIGTAS ang kanilang buhay. Mga tao pa rin naman kasi ang mga sundalo na naghahangad ng proteksyon ng Diyos.

Hindi porke binibendisyunan sila ng pari ay nangangahulugan na sumasangayon ang pari sa giyera. HINDI ‘YON GANOON.

Isa pa, hindi naman nagsusundalo ang isang tao para pumatay.

Ang pangunahing gawain ng isang sundalo ay PANGALAGAAN ang KAPAYAPAAN at ILIGTAS ang bayan at ang mga mamamayan kung kinakailangan.

Kung mayroon mang mga sundalong pumapatay, hindi ‘yon sinasangayunan ng Iglesia Katolika. Hindi rin para roon ang bendisyon.

+ + +

Sabi naman ng reader na nagpapakilalang si Timoteo Pablo ng Quezon City, "Ke marami ke konti, may mga ipinapatay ba ang ICAR o wala? Paki sagot lang po."

"Kung walang ipinapatay ang ICAR, bakit humingi ng tawad ang Papa sa Roma dahil sa mga ipinapatay o pinatay ng ICAR."

Ang simpleng sagot, Timoteo Pablo, ay WALA.

Paanong nagpapatay ang Iglesia Katolika Romana Apostolika? Ang ibig sabihin kasi nuon ay LAHAT ng Katoliko ang nagpapapatay.

Nililinlang natin ang ating sarili kung iisipin natin na ang pagpatay (kung meron mang pagpatay) ng isang tao o isang grupo sa loob ng isang iglesia ay pagpatay ng LAHAT ng miyembro ng iglesia na ‘yon.

Ibig mong sabihin, kapag NAGMURA ang isang puno ay NAGMURA na LAHAT ng mga miyembro niya?

Mag-ingat sana tayo sa ganyang mga pahayag dahil baka HUMUHUSGA na tayo ng MALI.

Baka hindi natin alam ay HINUHUSGAHAN na natin ang LAHAT ng tao, maging yung mga WALANG KASALANAN. Kaya mag-ingat tayo.

Sabi nga ng Panginoon sa Matthew 7:2 ay HUHUSGAHAN KA kung paano ka HUMUSGA ng iba.

Sana ay NAUUNAWAAN mo ang sinasabi mong "humingi ng tawad" ang Santo Papa.

Ang paghingi ng tawad ni Pope John Paul II ay para sa mga kasalanang nagawa ng ILANG Katoliko o miyembro at HINDI NG LAHAT ng Katoliko. Sana ay maging madaling intindihin ‘yon?

Binyag sa mga bata may batayan ba?

HULYO 28, 2003



ISANG malaking isyu para sa maraming hindi Katoliko ang ginagawang pagbibinyag ng Simbahang Katoliko sa mga bata, partikular sa mga baby.

Hindi raw dapat binyagan ang mga bata dahil wala pa naman daw kasalanan ang mga ito.

Ayon sa mga kumukontra sa tinatawag na "infant baptism," ang panawagan daw sa Bibliya ay para sa "pagsisisi" sa ating mga kasalanan.

Binabasa nila ang sinabi ni John the Baptist sa Matthew 3:2, "Magsisi kayo ng inyong mga kasalanan, nalalapit na ang kaharian ng langit."

Binabanggit din nila ang Acts 2:38 kung saan sinasabi, "Magsisi at magpabinyag ang bawat isa sa inyo sa ngalan ni Hesu Kristo para sa kapatawaran ng inyong mga kasalanan. At tatanggapin ninyo ang Espiritu Santo."

Paano raw makapagsisisi ang mga sanggol at ano ang dapat nilang pagsisihan?

Siguro ay mayroon sa inyong magsasabi na "Oo nga naman. Wala nga namang kasalanan ang mga bata."

Pero may problema ang pangangatwiran ng mga kontra sa pagbibinyag sa mga bata.

Kung papansinin ninyo, hindi naman sinasabi o tinatalakay sa mga talatang ito kung ano ang binyag.

Ang layunin ng mga verse na ito ay anyayahan ang mga tao na "magsisi" ng kasalanan at "magpabinyag."

Hindi nililimitahan ng mga verse na ito kung ano ang binyag.

Dito natin sisimulang tingnan kung bakit binibinyagan ang mga bata.

Ano ba ang pagbibinyag?

Ang pagbibinyag ay isang sakramento o "nakagagaling na tanda" ng kapangyarihan ng Diyos.

Sa pamamagitan nito ay tinatanggap ang isang tao bilang bahagi ng Simbahan na siyang "katawan ni Kristo."

Pero ang pinakamahalagang silbi ng binyag ay ang kaligtasan na natatamo ng isang tao sa pamamagitan nito.

Sabi nga sa Romans 6:3-4 kung saan sinasabi ang ganito, "Hindi ba ninyo alam na lahat tayo na nabinyagan kay Kristo Hesus ay bininyagan sa kanyang kamatayan? Tayo nga ay inilibing na kasama niya sa pagbibinyag sa kamatayan nang sa ganoon kung papaanong si Kristo ay binuhay mula sa kamatayan sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, tayo man ay magkaroon ng panibagong buhay."

Dito ay makikita natin na ang isang layunin ng pagbibinyag ay para magkaroon tayo ng panibagong buhay.

Kung titingnan pa natin ang bagay na ito sa kabuohan ng tinatawag na "salvation history" o ang kasaysayan ng pagliligtas sa atin ng Diyos, ay mas madali natin itong maiintindihan.

Kung babalikan natin ang mga pangyayari sa Paraiso noong matisod ang unang babae at lalaki, makikita natin na ang naging epekto ng kanilang pagkakasala ay ang pagpapalayas sa kanila mula sa Paraiso.

Dahil napalayas sila sa Paraiso, hindi na sila nakakain ng bunga ng Puno ng Buhay. Ang naging resulta nito ay ang pagpasok ng kamatayan sa mundo.

Ang epekto nito ay hindi lang naramdaman ng mga unang tao kundi ng lahat ng tao.

Kumbaga, kahit tayo na wala namang kinalaman sa kasalanan nila ay nadamay na sa epekto ng kanilang ginawa.

Sabi nga sa Romans 5:12, "Kung paanong ang kasalanan ay pumasok sa mundo sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan, sa pamamaraan ding ito dumating ang kamatayan sa lahat ng tao dahil ang lahat ay nagkasala."

Pero idinagdag ni Pablo sa Romans 6:23, "Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan pero ang regalo ng Diyos ay buhay na walang hanggan kay Kristo Hesus ang ating Panginoon."

Makikita natin dito na ang buhay na walang hanggan ay "regalo" ng Diyos na dumadaloy sa pamamagitan ni Kristo.

Ngayon, ang regalo ba na ito ay para lang sa "matatanda at mga nagsisisi ng kasalanan" o para sa lahat -- bata man o matanda?

Ganito ang sabi ng Bibliya sa Matthew 19:13-14, "At dinala kay Hesus ang maliliit na bata para mapatungan niya ng kamay at maipanalangin niya. Pero pinagalitan ng mga disipulo ang mga may dala sa mga ito.

"Sinabi ni Hesus, ‘Hayaang lumapit sa akin ang mga bata at huwag silang pipigilan dahil ang kaharian ng langit ay para sa kanila."

Mayroon bang kasalanan na dapat pagsisihan ang mga bata para lumapit sila kay Hesus?
Wala.

At kung ang daan ng buhay na walang hanggan ay ang pagbibinyag, bakit pipigilan ng kung sino ang mga bata para mabinyagan?

Mag-ingat sa huwad na propeta

HULYO 27, 2003


SINO sa inyo ang gustong MALOKO? Sino ang gustong mapunta sa Impiyerno?

Sana naman ay WALA. Maging ako ay ayaw na mahulog sa dagat-dagatang apoy.

Ang masaklap ay mayroong KAAWAY na hindi tumitigil sa panlilinlang para makabiktima ng mga taong nagmamahal sa Diyos.

Ang mga ‘yan ang tinatawag sa Bibliya na mga "huwad na propeta" at "huwad na mangangaral.

Mismong ang Panginoong Hesus ay paulit-ulit na nagbababala laban sa mga iyan sa Matthew 7:15; 24:11 at 24:24.

Sa 7:17 ay sinabi niya, "MAGBANTAY laban sa mga HUWAD NA PROPETA. DUMARATING SILA na nakadamit tupa pero sa loob sila ay MABABANGIS NA ASONG GUBAT."

Nakakalungkot ang pahayag ni Kristo sa Mt 24:11. Ang sabi niya, "MARAMING huwad na propeta ang LILITAW at LILINLANG ng MARAMI."

Pero mas nakababahala ang sinabi Niya sa Mt 24:24: "Dahil MARAMING HUWAD na KRISTO at HUWAD na PROPETA ang LILITAW at GAGAWA ng mga KAMANGHA-MANGHANG mga TANDA at HIMALA para LINLANGIN MAGING ang mga PINILI kung iyon man ay maaari."

Kaya nga inuuna na Niya ang BABALA NOON PA MAN nang sabihin Niya sa Mt 24:25, "TINGNAN ninyo, SINASABI KO NA BAGO PA MANGYARI."

Ano ang kahulugan ng mga pahayag Niyang ito?

Kung papansinin natin, dito rin sa Ebanghelyo ni Matthew ipinahayag ni Kristo ang PAGTATATAG Niya ng Kanyang IGLESIA. (basahin sa Mt 16:18)

Ibig sabihin, ang pahayag laban sa mga "huwad na propeta" ay may kaugnayan sa PAGTATATAG Niya ng TUNAY na IGLESIA.

Ang sinasabi ng Panginoon ay DARATING at LILITAW ang mga HUWAD na PROPETA MATAPOS Niyang ITATAG ang Kanyang Iglesia.

+ + +

Ano naman ang gagawin ng mga "huwad na propeta" na ito?

Pangunahin dito ay guluhin ang Iglesia at MAGPASOK ng mga aral na HINDI AYON sa mga ibinigay ni Kristo at ng mga Apostol.

Halimbawa riyan ang aral na BIBLIYA LANG daw ang DAPAT na BATAYAN ng PANANAMPALATAYA.

Kung babasahin naman natin ang Bibliya, MISMONG ito ay SUMASALUNGAT SA "ARAL" NILANG ITO. MALIWANAG kasing sinasabi sa 2 Thessalonians 2:15 may mga aral na SA SALITA (ORAL) at ARAL SA SULAT (diyan kasama ang BIBLIYA).

Pero mayroong mga nagigiit na DAPAT BALEWALAIN ang ARAL SA SALITA.

At bakit nila ito gustong balewalain? Ito ay dahil HINDI SILA NAKATANGGAP NITO.

Ang ARAL SA SALITA ay IBINIGAY at TINANGGAP LANG ng mga KASAPI ng IGLESIA na ITINATAG ni Kristo.

Kaya nga HINDI NAKAKAPAGTAKA na AYAW RITO ng mga HINDI kasama sa ORIHINAL na PANANAMPALATAYA.

KINUKUTYA ng mga HUWAD NA PROPETA ang mga ARAL na ITO. At dahil diyan ay NAGKAKATOTOO ang pahayag sa 2 Pedro 2:12: "Ang mga taong ito ay KUMUKUTYA ng mga bagay na HINDI NILA NAIINTINDIHAN."

May isa nga riyan na panay ang BATIKOS at KUTYA sa KRUS ni KRISTO at sa pagku-krus. Sukdulan ang KALAPASTANGANAN niya nang sabihin pa niya na ang KRUS ay SIMBOLO ng DIABLO.

Ngayon, kung babasahin lang natin ang Bibliya ay PURO MABUTI at MALUWALHATI ang sinasabi tungkol sa KRUS. Kaya mag-ingat tayo sa mga ganitong tao. Malaki ang peligro na isa siyang HUWAD NA PROPETA.

+ + +

Para sa marami, MAHIRAP matukoy ang isang HUWAD NA PROPETA. Tulad na nga kasi ng sinabi ni Hesus, ito ay NAKADAMIT TUPA. (Mt 7:17)

Sabi pa nga sa 2 Corinthians 11:14-15, "Mismong si Satanas ay nag-aanimo ANGHEL NG LIWANAG. Hindi na kagulat-gulat kung ang mga ALIPIN NIYA ay MAG-ANIMO ALIPIN ng KATUWIRAN."

Pero ayon sa Bibliya, ang ilan dito ay "GAGAWA ng KAMANGHA-MANGHANG mga TANDA at HIMALA." (Mt 24:24)

Ang iba ay magsasabi na "MALAPIT NA ANG WAKAS." (Luke 21:8)

Sa Roma 16:18, sinasabi na ang mga ito ay GAGAMIT ng "MAGAGANDANG PANANALITA" para LINLANGIN ang mga "WALANG ALAM" o "WALANG MALAY."

Ayon sa Colosians 2:4 may mga MANLILINLANG gamit ang "MAGAGANDANG SALITA" o "ARGUMENTO."

Sinasabi ng 2 Corinthians 11:4 na "MAGTUTURO [sila] ng KRISTO na IBA sa KRISTO na IPINAHAYAG" mula pa noong unang siglo. Kaya nga MAHALAGA na ALAM natin ang ARAL tungkol kay Kristo MULA pa NOONG UNA.

Ang pinakamahahalagang tanda ay INAANGKIN LANG NILA na SILA ay SUGO at HINDI SILA KASAPI sa IGLESIA ng KATOTOHANAN na ITINATAG ni KRISTO.

Tunay na mangangaral paano makikilala?



HULYO 26, 2003


SA MARTES o Miyerkules natin itutuloy ang palitan ng paliwanag sa pagitan natin at ni AJ Reyes ng Cavite. Ito ay para mabigyan ng pagkakataon at ng espasyo ang lahat.

Noong isang Sabado ay tinalakay natin ang mga TANDA ng isang HUWAD na MANGANGARAL.

Ngayon ay paguusapan naman natin kung paano makikilala ang mga TUNAY NA MANGANGARAL.

+ + +

Una, ang TUNAY na mangangaral ay sa MISMONG Panginoong Hesus galing ang PAGKASUGO.

Sabi sa John 20:21 kung saan sinabi ng Panginoon sa mga apostol, "Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong ako ay sinugo ng Ama, KAYO RIN AY SINUSUGO ko."

"Pagkasabi noon ay inihinga niya sa kanila ang Espiritu Santo, ‘Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Kung patawarin ninyo ang kasalanan ng isang tao iyon ay pinapatawad; kung hindi ninyo ito patawarin, hindi ito pinapatawad."

Malinaw sa talata na si Hesus ang nagsugo sa mga Apostol.

Samantala, ang kapangyarihan na tinanggap ng mga Apostol ay ipinasa naman nila sa iba sa pamamagitan ng PAGPAPATONG NG MGA KAMAY.

Ganito ang sabi sa Acts 6:3-7, "Mga kapatid, pumili kayo ng pitong lalaki mula sa hanay ninyo na puno ng Espiritu at karunungan."

"IBIBIGAY NAMIN SA KANILA ang RESPONSABILIDAD na ito at ibibigay ang aming atensyon sa panalangin at sa gawain para sa salita."

"Nalugod ang buong grupo sa panukalang ito. Pinili nila si Stephen, isang tao na puno ng pananampalataya at ng Espiritu Santo; gayundin si Philip, Procorus, Nicanor, Timon, Parmenas at Nicolas mula sa Antioch, na naging Hudyo."

"Iniharap nila ang mga ito sa mga apostol na nanalangin at NAGPATONG NG KANILANG MGA KAMAY SA MGA ITO."

"Sa gayon, kumalat ang salita ng Diyos. Ang bilang ng mga alagad sa Herusalem ay mabilis na dumami at malaking bilang ng mga PARI ang sumunod sa pananampalataya."

Maliwanag na ang tinanggap na kapangyarihan ng mga Apostol ay IPINASA NILA SA IBA.

Ang pagpapasa-pasa ng kapangyarihang ito ay NAGTULOY-TULOY mula noong UNANG SIGLO hanggang sa ngayon.

Kaya nga ang mga TUMANGGAP ng kapangyarihang ‘yan ay HINDI lang nangangaral, sila rin ay NAGPAPATAWAD ng mga KASALANAN sa ngalan ng Panginoong Hesus sangayon sa sinasabi sa John 20:21.

Kung hindi nabigyan ng KAPANGYARIHAN para MAGPATAWAD ng KASALANAN ang isang mangangaral, masasabi kaya natin na TUNAY ‘YAN?

+ + +

Ang pangalawang TANDA ng TUNAY na mangangaral ay KASAPI SIYA sa IGLESIA na ITINATAG NI KRISTO sa Matthew 16:18.

Sabi ng talata, "At sinasabi ko sa iyo: Ikaw ay Pedro at sa ibabaw ng batong ito ay ITATAYO KO ANG AKING IGLESIA. Hindi makakapanaig sa kanya ang pintuan ng Hades."

Sa mga kasapi kasi ng Iglesiang ito IBINIGAY ng Diyos ang Kanyang Espiritu -- ang ESPIRITU NG KATOTOHANAN.

Mababasa ‘yan doon din sa John 20:21 at sa Acts chapter 2.

Ang TAMANG ARAL ng DIYOS ay galing sa Espiritu Santo. Sabi sa Jn 16:13, "Pero pagdating ng Espiritu ng KATOTOHANAN, GAGABAYAN niya kayo sa LAHAT ng KATOTOHANAN."

Dahil nga riyan, ang Iglesiang ITINATAG ni Kristo noon pang UNANG SIGLO ay tinawag nang "HALIGI at SALIGAN ng KATOTOHANAN." (1 Timothy 3:15).

+ + +

So, dalawa ang MAHALAGANG TANDA ng TUNAY na MANGANGARAL. Una ay GALING kay KRISTO ang kapangyarihan nila sa PANGANGARAL at maging sa PAGPATAWAD ng KASALANAN.

Hindi lang ito INANGKIN kundi IBINIGAY at IPINASA mula sa mga Apostol sa pamamagitan ng PAGPAPATONG ng KAMAY.

Pangalawa, ang TUNAY na mangangaral ay KASAPI ng IGLESIANG itinatag ni Kristo. Sa Iglesiang ito kasi NAGMUMULA ang KATOTOHANAN na bigay ng TUNAY na ESPIRITU ng Diyos.

Dahil sa dalawang ito, makatitiyak tayo na ang ARAL nila ay GALING sa DIYOS, KATOTOHANAN at WALANG KALIKUAN.

+ + +

Pero hindi doon natatapos ‘yon. Ang mga TANDA na iyan ay MULA SA DIYOS. Ang bawat isang mangangaral, LALO PA KUNG SIYA AY TUNAY, ay may mga katangiang dapat ay taglay niya sa KANYANG SARILI.

May mga sinasabi ang Bibliya tungkol dito. Ang ilan rito ay nasa 1 Tim 3:1-13. Basahin natin ang mga katangian: Siya ay dapat na HINDI MAPUPULAAN; isa lang ang asawa (kung may asawa siya); may kontrol sa sarili, kagalang-galang, bukaspalad, marunong magturo, hindi lasenggo, HINDI BAYOLENTE, HINDI PALA-AWAY; hindi matakaw sa pera at iba pa.

Sa madaling salita, ang isang TUNAY na MANGANGARAL ay isang mabuting tao, banal, mabuting halimbawa sa kanyang kapwa at komunidad. HINDI SIYA PALAMURA at HINDI MAPANIRANG PURI.

Marami ngayon ang nagpapakilalang mangangaral daw. Marami ang napapaniwala nila pero DAPAT BA TAYONG MANIWALA SA KANILANG MGA SINASABI?

’Yan ang topic natin bukas.

Bibliya nagsasabi na hindi ito kumpleto

HULYO 25, 2003


KAHAPON ay sinimulan natin ang "debate" rito sa TUMBOK. Ang layunin nito ay HINDI ang magpagalingan o magsiraan kundi ang MAGPALIWANAGAN ng ating pananampalataya.

Hangarin ko na malaman natin ang paniniwala ng iba’t-ibang tao o grupo para mas makatiyak tayo sa ating pananampalataya.

Ang unang tumugon sa ating talakayan ay si AJ Reyes ng Cavite. Ayon sa kanya, isa siyang dating Katoliko, sakristan at FYM na ngayon ay nagsusuri.

Ang inihain kong proposisyon noon kay AJ ay "Ayon sa Bibliya, dapat bang nakasulat sa Bibliya ang LAHAT ng gagawin, iisipin at paniniwalaan ng isang Kristiyano."

Nang simulan niya kahapon ang kanyang pagtalakay ay ganito na ang inihain niyang paksa: Kailangan bang ang lahat ng paniniwalaan ng isang Kristiyano ay nasa Bible?

Ang sagot niya ay "Oo." Pero dahil BINAGO niya ang topic ay wala na tayong isyu para sa "debate."

Ngayon, heto na lang ang masasabi ko tungkol sa paniniwala ng mga Katoliko kaugnay sa proposisyon ni AJ. Isasabay ko na rin ang mga sagot ko sa ilang tanong at sinabi niya.

+ + +

[PAYAHAG ni CENON BIBE]

Nasabi ko nang wala nang isyu para sa "debate." Ang paniniwala rin kasi ng mga KATOLIKO ay DAPAT NA NASA BIBLIYA o SUPORTADO ng Bibliya ang LAHAT ng paniniwalaan ng isang Kristiyano.

Kung ang isang paniniwala ay hindi masusuportahan mula sa Bibliya, ito ay HINDI matatanggap ng Iglesia Katolika.

Ang hindi sinasangayunan ng mga Katoliko ay ang paniniwala at pahayag ng ilang mangangaral na "Ang LAHAT ng paniniwalaan, iisipin at gagawin ng isang Kristiyano ay DAPAT na NASUSULAT sa Bibliya."

‘Yun kasi mismong "aral" na iyon ay HINDI NASUSULAT sa BIBLIYA.

Ano ba ibig sabihin ng "nasusulat?" Hindi ba direktang nakalagay?

‘Yon sana ang hinihingi kong talata kay AJ pero WALA siyang NAIBIGAY. Ibig lang sabihin, HINDI BIBLICAL ang sinasabi na DAPAT NASUSULAT ang LAHAT ng PANINIWALAAN, IISIPIN AT GAGAWIN.

Mas TAMA ang paniniwala ng mga Katoliko na DAPAT MAY BATAYAN sa Bibliya ang gagawin at paniniwalaan ng isang Kristiyano.

+ + +

Si AJ mismo ang nagsabi na NANINIWALA ang mga Katoliko sa sinasabi ng 2 Thessalonians 2:15 na ganito ang sabi, "Kaya nga, mga kapatid, manindigan kayong matatag at panghawakan ninyo ang mga TRADISYON na ibinigay namin sa inyo, maging ito man ay sa SALITA o sa SULAT."

Mga Katoliko LANG ang may tradisyon sa SALITA sangayon sa sinasabi ng Bibliya.

Ang IBA AY WALA. In short, mga Katoliko LANG ang SUMUSUNOD sa sinasabing ito ng Banal na Kasulatan.

Sinubukan ni AJ na "ipaliwanag" ang 2 Thes 2:15 sa pagsasabi na ang tinutukoy na "SALITA" ay ang mismong nakasulat. Pareho lang daw ang dalawang ito.

Pero maliwanag na MAGKA-IBA ang sinasabi ni Pablo na TRADISYON SA SALITA at TRADISYON SA SULAT.

Pansinin ninyo ang pagkakasabi ni Pablo na ito ay tinanggap "maging ito man ay sa salita O sa sulat." Sa Ingles, "either by word OR by letter."

Kung pagbabatayan ang sinasabi ng Bibliya ay MAG-KAIBA ang SULAT at SALITA. Kung ang paliwanag ni AJ ang susundin ito ay PAREHO.

Ang tanong ngayon ay sino ang susundin natin: ang Bibliya o si AJ?

+ + +

Sinabi ni AJ na KUMPLETO ang Bibliya. ‘Yon ang sabi niya o ‘yon ang turo sa kanya ng sino mang mangangaral na pinaniniwalaan niya.

Pero mismong ang Bibliya ang nagsasabi na HINDI ITO KUMPLETO. Sabi sa John 20:30: "Ngayon, marami pang ibang tanda na ginawa si Hesus sa harap ng kanyang mga disipulo na HINDI NASUSULAT sa aklat na ito."

Sinabi pa sa John 21:25, "Marami ring ibang bagay na ginawa si Hesus na kung iisa-isahin, sa tingin ko, ay hindi magkakasya sa mundo ang lahat ng libro na masusulat."

Muli, sino ang paniniwalaan natin, si AJ o ang Bibliya?

u u u
Binanggit din niya ang 1 Corinthians 4:6 na ganito ang pagkakasabi niya, "Matuto kayong HUWAG MAGSIHIGIT sa mga bagay na nangasusulat."

Pero biglang IDINAGDAG ni AJ ang ganito, "Lahat ng gagawin, paniniwalaan DAPAT NASA BIBLE."

Sabi ng Bibliya "HUWAG MAGSIHIGIT." Eh saan galing ‘yung sinabi ni AJ na "DAPAT NASA BIBLE." WALA namang NAKASULAT na ganoon, hindi ba?

Kahit ‘yung salitang "Bible" ay hindi makikita sa talata.

Ano ‘yon? Para mapatunayan niya na HINDI DAPAT HIGITAN ang nasusulat ay DINAGDAGAN niya ang nasusulat. Tama ba ‘yon?

+ + +

Para patunayan na "kumpleto" ang Bibliya ay ibinigay ni AJ ang Isaiah 34:16, "Inyong saliksikin sa Aklat ng Panginoon at basahin: Kahit isa sa mga ito’y hindi magkukulang, walang mangangailangan ng kanyang kasama. Sapagkat iniutos ng aking bibig at pinisan ng aking Espiritu."

Narito ang malaking PANLILINLANG ng kung sino man ang nagturo kay AJ ng kanyang pinaniniwalaan.

Kung babasahin kasi natin ang buong Isaiah 34 makikita natin na HINDI ang Aklat ng Panginoon ang sinasabing "hindi magkukulang o mangangailangan ng kasama."

Ang tinutukoy rito ay ang mga HAYOP na maninirahan sa EDOM. Basahin lang ang Is 34:11-15 para sa maliwanag na katotohanan.

‘Dapat ay nasusulat ang paniniwalaan’

Hulyo 24, 2003


NGAYON ay sisimulan natin ang "debate" natin dito sa TUMBOK.

At bago pa may magprotesta dahil HINDI SILA PABOR sa isang "debate," hindi po ito ‘yung nakikita natin sa TV na PAGALINGAN ng pagiging PILOSOPO o sa PAGBALUKTOT ng sinasabi ng Bibliya.

Ang gagawin natin di PAGLALAHAD ng PANINIWALA ng iba’t-ibang tao o grupo. Layunin din natin na malaman ang mga TANONG o PUNA sa Iglesia Katolika para mabigyan ito ng LINAW kung kailangan.

Hangarin nating malaman ang mga paniniwala ng ibang tao para maintindihan natin ang mga ito at para mas MAKAPILI TAYO ng ating paniniwalaan kung tayo man ay nagsusuri.

Hindi natin layunin ang manira ng ibang tao o paniniwala. Pero dapat ay maintindihan ng lahat na maraming paniniwala ang magiging magkasalungat at NORMAL lang na may lalabas na MALI at may lalabas na TAMA. Pero kayo na ang magpapasya kung alin.

Sana po ay masundan ninyo ang mga talakayan at palitan ng paliwanag para higit pa nating maintindihan ang ating pananampalataya at mas tumibay ang ating paghawak dito.

Salamat po.

Ang una nating pagpapaliwanagin ay si AJ Reyes ng Cavite. Ayon sa kanya, isa siyang dating Katoliko, sakristan at FYM na ngayon ay nagsusuri.

Ang inihain kong proposisyon noon kay AJ ay "Ayon sa Bibliya, dapat bang nakasulat sa Bibliya ang LAHAT ng gagawin, iisipin at paniniwalaan ng isang Kristiyano."

Medyo binago ni AJ ang proposisyon kaya doon na natin sisimulan ang usaping ito.

+ + +

[UNANG PAHAYAG ni AJ REYES]

Ang paksa: Kailangan bang ang lahat ng paniniwalaan ng isang Kristiyano ay nasa Bible? SAGOT: Oo.

Ang Bibliya ay aklat kung saan isinulat ang mga utos at salita ng Diyos sa pamamagitan ng iba’t-ibang tao na ang mga ito ay mga propeta, hari, hukom, apostol, evangelista etc.

Ngayon, ang paniniwala ng mga Romano Katoliko ay ‘di raw dapat sa Bibliya lang kundi meron daw SALITA o ORAL na turo na siyang mababasa sa 2 Tes 2:15, "Kaya nga, mga kapatid, manindigan kayong matatag at panghawakan ninyo ang mga tradisyon na ibinigay namin sa inyo, maging ito man ay sa SALITA o sa SULAT."

Dito nagpapaliwanag si Paul sa mga kaanib ng Iglesia sa Tesalonica. Tandaan natin mga kababayan, nangangaral si Pablo sa pamamagitan ng SALITA niya.

Kanino? Sa mga taong kaharap niya. At sa SULAT naman para sa mga taga-malayong Kristiyano.

Halimbawa, sa Col, 4:16, "Pagkabasa ng sulat na ito sa inyo ay ipabasa naman ninyo sa iglesia ng mga taga-Laodicea."

Dito sa talatang ito ay sinasabing maski hindi personal na pananalita ay nakakapangaral si Pablo sa iba’t-ibang dako.

Ang paniniwala ng Iglesia na kinaaaniban ni Mr. Bibe ay bukod sa aral sa Bibliya na nakasulat ay mayroon pa raw ibang aral na hindi nakasulat.

At ang mga ito ay tinatawag nila sa pamamagitan ng SALITA o ORAL.

TANONG: Kulang ba ang Bibliya? Hindi.

Kumpleto ito lalo na kung ang pag-uusapan ay tungkol sa salvation.

At ito’y mababasa sa 1 Corinthians 4:6, "Matuto kayong huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat."

Ang sabi ni Paul, wag hihigit sa mga nasusulat. Sa madaling salita, wag lalampas sa mga nakasulat. Lahat ng gagawin, paniniwalaan dapat nasa Bible.

Ang isasagot dito ni Mr. Bibe ay maraming kasulatan na noong araw. Paano mapapatunayang kabuohan ng Bibliya ang binabanggit sa talatang ito?

SAGOT: Basahin natin ang aklat ng Isa 34:16, "Inyong saliksikin sa Aklat ng Panginoon at basahin: Kahit isa sa mga ito’y hindi magkukulang, walang mangangailangan ng kanyang kasama. Sapagkat iniutos ng aking mga bibig at pinisan ng aking Espiritu."

Wag naman sanang sabihin na hindi Bible ang binabanggit ditong Aklat ng Panginoon. Tandaan mo, Mr. Bibe, ang Bible ay isinulat para sa lahing susunod (Awit 102:18).

Ngayon, ano ba ang silbi ng Bibliya sa atin?

Isinulat ito para sa ikatututo natin (Roma 15:4). Mapakikinabangang din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsasaayos, sa ikatututo ng nasa katwiran. (2 tim 3:16)

Ngayon, ba’t pinaninindigan ni Mr. Bibe na kulang at hindi dapat gawing batayan ang Bibliya lamang sa paniniwala at pangangaral?

Ito ngayon ang tanong ko sa iyo, Mr. Bibe: Bakit n’yo pinaninindigan na ‘di dapat lahat ng nakasulat sa Bible ay dapat gawin at paniwalaan?

Para ba lumutang ang mga aral ninyong 1) Bautismo sa mga bata, 2)Purgatoryo 3) Mga rebulto 4) Umakyat si Maria sa Langit kasama ang katawan?

Kontra lahat sa Bible ‘yon eh. Sige, sagutin mo. Anong aral ang wala sa Bible.

+ + +

Bukas ay ako naman ang magbibigay ng aking paniniwala para masagot ang mga tanong ni AJ.

Makakasagot ba tayo? Paki abangan na lang po.