Wednesday, June 6, 2012

‘Patunay’ na ‘kriminal’ ang mga Santo Papa

Hulyo 11, 2003

NOONG Lunes, ipinangako ko sa inyo na paguusapan natin ang tinatawag na "Holy Inquisition."

Naisip kong talakayin ito dahil marami tayong readers na nagti-text at nagsasabi na "mamamatay tao" ang maraming Santo Papa. At sa aking karanasan, ang "Holy Inquisition" ang madalas na ginagamit na batayan sa ganitong pagbibintang.

Ano ba ang "Inquisition" na ito? Ano ang sinasabi tungkol dito? At sinu-sino ang mga nagbibigay ng kuwento ukol dito?

Unahin natin ang "maling balita" o sinasabi ukol sa "Holy Inquisition."

Ayon sa mga nagkukunwaring "historian," ang "Holy Inquisition" ang "pinakamasama" at pinakamalupit" na krimen sa ngalan ng relihiyon.

Ito rin daw ang ginamit ng Iglesia Katolika at ng mga Santo Papa para patayin at lipulin ang mga kaaway nila.

Sabi naman sa ilang kuwentista ay mula 5 milyon hanggang 50 milyon ang binitay nang dahil sa "Inquisition!"

Ang lahat ng ito, ayon sa karamihan ng nagpapakilalang "historians" ay dahil galit ang Simbahan at ang Papa sa mga Hudyo, Muslim at hindi Katoliko.

Ito raw ang "patunay" na "hindi tunay na sa Diyos ang Iglesia Katolika."

Sinasakyan ng mga mangangaral (daw) ang mga kuwentong ito para patunayan na "masasama" ang mga Papa. Patunay raw ito na "kriminal" ang mga ito.

Sa loob ng maraming taon ay inulit-ulit ang mga kuwentong ito at marami ang kanilang napaniwala.
Pero may katotohanan ba ang mga ito?

WALA. Kung mayroon man silang nasabing totoo ay dapat itong tingnan uli.

Karamihan sa mga sinasabi kaugnay nito ay imbento lang ng mga kaaway ng Iglesia, partikular ng mga sumusuporta sa tinatawag na "Protestant Reformation."

Kaya kung mababasa ninyo ang mga sulat o kuwento ng mga ito kaugnay sa "Holy Inquisition" ay masama ang halos kabuohan nito. Wala halos kayong makikitang mabuti na ginawa ang Iglesia at ang mga Papa.

Pero kung babasahin natin ang mga sulat ng mga tunay na historian na walang interes kundi ang katotohanan ay makikita natin na mali ang mga pinagsasasabi ng mga "kuwentista" na pinagbabatayan ng mga bagong sulpot na mangangaral.

Pero ano pa nga ba ang pagbabatayan ng mga kaaway ng Iglesia kundi ang mga kuwento ng mga galit din sa Iglesia? Ang problema lang ay hindi na katotohanan ang kanilang sinasabi kundi puro na rin lang haka-haka.

Sa pagtutuwid, ano ba ang tinatawag na "Holy Inquisition" at bakit nagkaroon nito?

Mayroong tatlong panahon ng "Inquisition." Una ay nagsimula noong 1184 sa southern France kung saan umusbong ang maling aral ng mga "Catharist" na marahas na tumuligsa sa tunay na aral Kristiyano.

Dahil sa mga maling aral ay maraming lokal na opisyal at mga taumbayan ang nagalit. Inusig nila ang mga "Catharist" na tinawag na mga heretiko. Pinatay ang marami rito na hindi man lamang naihaharap sa imbestigasyon.

Marami ring hindi heretiko ang napatay nang walang dahilan.

Nang makarating ito kay Papa Innocent III ay nasimulan ang ugat ng "Inquisition." Iniutos niya ang pag-iimbestiga para makilala kung sino ang heretiko at kung sino ang hindi.

Pero si Pope Gregory IX ang tunay na nagpasimula ng "Inquisition" nang magtalaga siya ng mga "inquisitors" na siyang titingin kung tunay nga o hindi na heretiko ang isang tao.

Dahil dito, libu-libo ang naligtas sa maling bintang at sa tiyak na kamatayan.

Sa madaling salita, ang "Inquisition" ay nagligtas sa mga tao, hindi nagpahamak sa kanila. Itinatag ito para hadlangan ang "injustice" at hindi para gumawa nito.

Kung mayroon mang nakulong o nabitay, ito ay dahil sa pagmamatigas sa maling aral. Hindi rin ang Iglesia ang nagpabitay sa kanila.

Ang mga napatunayang heretiko ay ipinaubaya sa mga lokal na opisyal na siyang nagbigay ng parusa sa ayon sa lokal na batas. Ang mga "inquisitor" ay walang kapangyarihang magparusa.

Natapos ang "Inquisition" sa France nang matapos ang heresiya ng Catharist noong ika-14 century. Hindi lalampas sa 100 ang nahatulang mamatay.

Ang pangalawang "Inquisition" ay ang "Spanish Inquisition" noong 1478 na biktima ng pinakamalaking kasinungalingan.

Ito ang sinasabi ng mga kaaway ng Iglesia na "pinakamalupit" at "pinakamaraming ipinapatay."

Pero noong 1994 ay ipinakita sa imbestigasyon na ginawa ng British Broadcasting Company na "huwad" ang mga bintang na ito.

Ipinakita ng BBC na ito ay gawa-gawa ng mga Protestante para siraan ang Iglesia sa mga taga-Europa at maisulong ang bago nilang paniniwala.

Totoong may ilang pag-abuso na nangyari pero hindi kasing sama at lawak ng inimbento ng mga Protestante.

Sinasabi ng mga "kuwentista" ng kaaway na inilunsad ang "Spanish Inquisition" para lipulin ang mga Hudyo at Muslim pero hindi ito totoo.

Ang katotohanan ay nilabanan lang ng "Inquisition" ang mga taong nagkukunwaring Kristiyano o mga Hentil na ginagamit sa negosyo ang Iglesia.

Ayon pa sa Hudyong historian na si B. Netanyahu ay ang punong "inquisitor" na si Tomas de Torquemada ang pumigil sa maling pag-uusig sa mga Muslim at Hudyo.

Walang ipinapatay na milyun-milyon. Sa katunayan, gumawa ng paraan si Torquemada para mabigyan ng pagkakataon ang mga tao na makaiwas sa kapahamakan.

Sayang lang dahil hindi natin mailagay ang lahat ng detalye para maipakita ang kasinungalingan ng mga nagpasama sa "Inquisition."

Pero isa ang tiyak, ang gumagamit sa kasinungalingan ay walang karapatan.

Hanggang sa susunod.

1 comment:

  1. ganyan bumanat ang mga negosyanteng protestante, Magpupundo para siraan ang katoliko, walang pinagkaiba dito sa pinas ung mga bunga nito ay gumagawa din nang pundo iaasa sa mga myembro ang pundo para sirain ang tunay na relihiyon, ano-ano itong mga sanga ng Protestante dito sa pinas: iglesia ni manalo.7th day adventist,methodist,JIL,Salvation army, jehova witnesses,jesus miracle crusade,dating daan ni soriano, napakarami nila sa buong mundo umabot na 33,000 domination mga simbahang gaya-gaya(HUWAD), Saan mabigat ung ginawa ni HITLER 7 milyong katoliko ang pinatay dahil sa sira ulong si founder ng Protestante na si Martin luther sila ay parehas "GERMAN DOG" kaya kawawa ang mga katoliko sa kanila kapag hindi nagpaconvert s protestante ang ginagawa pinapatay ang katoliko!
    ang hilig nilang manira sapagkat naapektohan ang religious businesses nila. hindi nila alam kapag huwad ang isang bagay madali masira, kaya malapit ng hindi mabili ang linalako nila sapgkat ang mga makabagong panahon ang gigiba mga huwad na simbahan nila.

    ReplyDelete