Tuesday, May 13, 2014

Sign of the Cross, Tanda ng Iniligtas ng Diyos

MAY mga TUTOL sa pag-a-AN TANDA o pagsa-SIGN OF THE CROSS.

WALA raw ang SIGN OF THE CROSS sa BIBLE.

MERON po at DIYOS MISMO ang NAG-UTOS ng PAGLALAGAY ng TANDA ng KRUS sa mga TAONG INILILIGTAS NIYA.

===

EZEKIEL 9:4,6
At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Pumaroon ka sa gitna ng bayan, sa gitna ng Jerusalem, at maglagay ka ng TANDA sa mga noo ng mga taong nangagbubuntong-hininga at nagsidaing dahil sa lahat na kasuklamsuklam na nagawa sa gitna niyaon.

Lipulin ninyong lubos ang matanda, ang binata at ang dalaga, at ang mga bata at ang mga babae; nguni't huwag lumapit sa sinomang lalake na MAY TANDA; at inyong pasimulan sa aking santuario. Nang magkagayo'y kanilang pinasimulan sa mga matandang lalake na nangasa harap ng bahay.

===

Sa HEBREO, ang "TANDA" ay ang LETRANG TAW na ang ITSURA ay "X" o "t." Sa madaling salita ay hugis KRUS.

Makikita sa Ezekiel 9:4 at 6 na GINAMIT ng DIYOS ang TANDA ng KRUS, o ang SIGN of the CROSS, bilang MARKA ng mga LIGTAS sa PAGLILIPOL.

Sa BAGONG TIPAN, GINAMIT ni HESUS ang KRUS para ILIGTAS ang TAO.

Kaya nga ang mga KATOLIKO ay NAGTA-TANDA ng KRUS bilang PAGMAMALAKI sa KRUS ni KRISTO.

Sabi nga ni PABLO sa GALATIANS 6:14:
“Nawa’y ‘di ako magmalaki sa anumang bagay liban sa krus ng ating Panginoong Hesu Kristo.”

NAGKU-KRUS din ang mga KATOLIKO bilang PATOTOO na TINANGGAP na NILA ang PAGLILIGTAS ni KRISTO ... ang PAGLILIGTAS ng DIYOS.

Thursday, September 12, 2013

Katotohanan, Paano Malalaman?



September 10, 2003
BIGYANG daan po natin ang puna ng reader na nagpapakilalang si "Timoteo Pablo."
Ganito ang sabi niya, "Sa pananaw ko po ang pagkukulang ng pari ay isa lang sa mga ‘komplikasyon' ng mas malaking kakulangan sa ICAR (Iglesia Catolica Apostolica Romana). Ito po ang kakulangan o kawalan ng tunay na ebanghelio."
"Ano ang gagawin ng langgam sa isang supot na walang laman?"
"Namulat po ako kaya ako umalis sa ICAR.
"‘Di ko iniwan nang ganon na lang ang mga miyembro ng ICAR. Mas may malasakit ako ngayon sa mga miyembro ng ICAR kaysa noong nasa ICAR pa ako."
"Katunayan, ngayong oras na ito ay gumagawa ako para mahango sa ICAR ang miyembro nito tungo sa katotohanan."
"Wala ang tunay na ebanghelio sa ICAR. Wala ang aral ni Jesus Christ sa ICAR."
Salamat sa text mo, Timoteo Pablo.
Kung umalis ka sa Iglesia Katolika ay desisyon mo ‘yon. Walang puwedeng pumigil sa iyo.
Sa katunayan, kung may taong magdedesisyon na pumunta sa impiyerno ay walang magagawa ang sino man, kahit pa ang Diyos.
Pasensiya ka na kung sasabihin ko sa iyo na MALI ang INIISIP MO na "wala ang ebanghelio" at "aral ni Jesus Christ" sa Iglesia Katolika.
Ang KULANG sa Iglesia Katolika ay mga tao – pari, madre at iba pang MANGGAGAWA – na MAGTUTURO ng KATOTOHANAN sa mga Katoliko.
Sa sobrang dami na kasi ng mga Katoliko ay nauulit ang sitwasyon noong dumating ang Panginoon. Nakita niya ang mga tao na "naguguluhan" at "naliligaw." (Matthew 9:36)
Kaya nga nagsalita si Hesus sa Mt 9:37-38, "Sinabi niya sa kanyang mga alagad: Ang aanihin ay marami pero kakaunti ang manggagawa."
"Kaya hilingin ninyo sa Panginoon ng anihan na magpadala ng mga manggagawa sa kanyang anihan."
At tulad nga ng sabi ko, Timoteo Pablo, HINDI EBANGHELYO ang KULANG. Ang KULANG ay mga MANGGAGAWA.
Kaya ako narito at narito rin ang column na ito para TUMULONG sa GAWAIN ng Panginoon.
Ang layunin natin ay ILAHAD ang KATOTOHANAN tungkol sa PAGLILIGTAS ni Hesus at sa KANYANG IGLESIA.
Marami ang UMAALIS sa Iglesia Katolika dahil HINDI nila ALAM ang KATOTOHANAN tungkol dito.
Sa madaling salita, WALA SILANG CHOICE o PAMIMILIAN.
Ngayon ay sinusubukan natin silang BIGYAN ng CHOICE.
KASAMA KA sa mga tinutukoy ko, Timoteo Pablo.
Noon ay HINDI MO ALAM ang KATOTOHANAN tungkol sa Iglesia Katolika. Ngayon ay MAY ALAM KA NA.
Pero tulad nga ng sabi ko, WALANG MAKAPIPIGIL sa iyo KUNG MAS MANINIWALA ka sa sinasabi ng iba LABAN sa Iglesia kaysa sa KATOTOHANAN tungkol dito.
Uulitin ko ang sinasabi sa Deuteronomy 30:19, "Sa araw na ito ay tinatawagan ko ang langit at lupa bilang testigo laban sa inyo.
"Inilalatag ko sa harap ninyo ang buhay at kamatayan, biyaya at sumpa. Ngayon ay PILIIN ninyo ang BUHAY nang kayo at ang inyong mga anak ay MABUHAY."
u u u
Para matulungan ka sa PAGPILI, Timoteo Pablo, ay tanungin mo kung ano ang BATAYAN mo ng iyong paniniwala o pananampalataya.
Kung Bibliya, tanungin mo ang sarili mo kung KANINO ang BIBLIYA.
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa TUNAY na IGLESIA?
Kailan ba ITINATAG ang Iglesia na ito? Noon pa bang panahon ng mga Apostol sangayon sa Matthew 16:18 o noon lang 1980?
SINO ang NAGTATAG ng TUNAY na IGLESIA? Si Kristo ba o si Eli Soriano?
PUWEDE bang MAILIGAW ang Iglesia na itinatag ni Hesus kung ang ESPIRITU ng KATOTOHANAN ang gabay nito? (John 16:13)
Puwede bang pagharian ng KAMALIAN at KASINUNGALINGAN ang Iglesia ni Hesus kung ito ang HALIGI at SALIGAN ng KATOTOHANAN? (1 Timothy 3:15)
MAAAGAW ba ng KAAWAY ang Iglesia kung mismong si Hesus ang nagsabi sa John 10:28-29 na "Walang MAKAKAAGAW sa kanila sa AKING mga KAMAY"?
Ano ang sabi ng Panginoong tungkol sa mga LILITAW PA LANG na mga "mangangaral" (daw).
May sinabi ba si Kristo na mayroong darating na "pantas" o sinabi ba Niya na ang LILITAW ay mga "HUWAD na PROPETA" at "HUWAD na MANGANGARAL?" (Mt 7:15)
Diyan pa lang sa mga katanungan na iyan ay MAKAKAKUHA na tayo ng MALINAW na sagot kung TOTOO o HUWAD ang KINAAANIBAN nating grupo sa ngayon.
u u u
MAGDESISYON tayo. Hindi lang karangalan ang nakataya rito.
NAKASALALAY sa mga sagot sa mga tanong na ito ang mismong KALIGTASAN ng ating KALULUWA.
Sa Acts 18:5-6 ay nangaral si Pablo sa mga Hudyo at ipinakilala ang KATOTOHANAN pero TINUTULAN at MINURA pa siya ng mga ito.
Kaya nga sa huli ay nasabi sa kanila ng Apostol, "Nasa ulo ninyo ang inyong dugo! Wala na akong pananagutan sa inyo."
Mismong ang Panginoon ang NAGBABALA sa Mt 24:25, "Hayan, sinasabi ko na sa inyo."
Ang pagpapasya ay nasa atin na. Piliin natin ang KATOTOHANAN.

Ano ang sinasabi ng Bible tungkol sa debate?



September 9, 2003
MAY magandang komentaryo si Angel ng Cavite. Sabi niya, "Ang One Holy Catholic and Apostolic Church ay walang iba kundi ang EASTERN ORTHODOX CHURCH. Ang ROMA ay dating kasamahan ng Orthodox."
Salamat sa pag-share mo ng opinyon mo, Angel. Sana ay pahintulutan mo ako na i-share din ang nalalaman ko tungkol sa Eastern Orthodox Church.
Huwag ka sanang magagalit sa mga sasabihin ko.
Sa opinyon ko, malabong maging ONE, HOLY, CATHOLIC and APOSTOLIC CHURCH ang Orthodox Church.
Unang-una kasi ay HINDI IISA ang Eastern Orthodox. Ang katotohanan ay may 15 orthodox churches sa mundo na nagkokompetensiya at nag-aagawan ng mga miyembro.
‘Yan ay ayon mismo sa isang PARI na miyembro ng Orthodox Church sa Pilipinas. Dito mismo sa Pilipinas ay nag-aagawan ng miyembro ang Greek at Russian Orthodox.
Sa pangalan at tawag din ay "ORTHODOX" nga ang Eastern Orthodox at HINDI "CATHOLIC."
Pero in fairness, minsan ay NAGING KASAPI ng Iglesia Katolika ang mga orthodox. NAHIWALAY lang sila noong 1054 AD.
Sa katunayan, MALAPIT na KAPATID ng mga Katoliko ang mga Orthodox at ipinagdarasal ko na isang araw ay MAGKAKASAMA uli ng mga Katoliko ang mga Orthodox.
u u u
Ganito ang tanong ni Mors ng Cotabato, "Bakit po natin inaalayan ng mga bulaklak ang mga rebulto sa simbahan?"
Salamat sa tanong mo, Mors.
Hindi naman sa rebulto nag-aalay ng bulaklak kundi doon sa NAAALALA natin sa pamamagitan ng rebulto.
Para mas madaling maintindihan, nasubukan mo na bang humalik sa picture ng nanay mo o ng kasintahan mo?
Ako nagagawa ko ‘yon, lalo na noong girlfriend ko pa lang ang misis ko.
Siyempre, hindi kami laging magkasama at palagi ko siyang nami-miss kaya halos madurog ang picture niya sa akin.
Ang tanong ay ‘yung "picture" ba ang "inaalayan" ko ng halik o ang mga halik ba na iyon ay PARA SA MAHAL KO?
Siyempre, para sa mahal ko! Ikaw, ganoon din ba, Mors?
Ganoon din ang "pag-aalay" ng bulaklak sa simbahan. Dahil nasa LANGIT na ang mga santo na BAYANI para sa Diyos at sa Iglesia, doon nag-aalay ng bulaklak sa kanilang mga imahen.
Pero tulad na nga ng sabi ko, ang mga bulaklak ay HINDI PARA SA REBULTO kundi para sa tao na IPINAAALALA nila.
Sana ay malinaw, Mors.
u u u
Basahin po natin ang text ng isang tagasunod ni Eli Soriano.
Ganito ang sabi ni Jake ng Negros Occidental, "Cenon, Cenon, Cenon. Makipag-debate ka na lang kasi. Duwag pala kayong mga anak ng bato."
Alam mo, Jake, kung pinapayagan lang sa Bibliya ang MAGULONG PAKIKIPAGTALO ay PAGBIBIGYAN KITA.
Noong bata pa kasi ako ay NAPAKAHILIG ko rin sa balitaktakan.
Ang problema, mula noong mabasa ko sa Bibliya na HINDI TAMA ang MAGULONG PAKIKIPAGTALO ay nagsimula na akong umiwas dito.
Ganito kasi ang sabi sa 2 Timothy 2:23, "HUWAG kang MAKIKISALO sa mga HANGAL at MANGMANG na PAGTATALO dahil alam mong nagbubunga lang ang mga ito ng pag-aaway-away."
Kung nakapanood na kayo ng "debate" ni Soriano, marahil ay napansin ninyo na ito ay MAGULO, puno ng KANTIYAWAN, SIGAWAN.
Kahit WALANG SAYSAY ang sinasabi basta puwedeng MAGHIYAWAN at MAGKANTIYAWAN ay NAGKAKAGULO.
Tapos ay MINUMURA pa ni Soriano ang ilang kadebate niya.
Kaya sa tingin ko ay HINDI TUNAY na DEBATE ang GINAGAWA ni Soriano kundi GULO lang at INGAY.
Pero sabi ko nga, kung PALITAN ng PALIWANAG ay MAAARI PA akong MAKISALI.
Kahit kasi si Pablo ay UMIWAS sa debate na NAGMUMURA ang kaharap niya.
Basahin natin ang sabi sa Acts 18:5-6, "Nang si Silas at Timothy ay bumaba mula sa Macedonia, sinimulan ni Pablo ang puspusang pagpapahayag ng salita, nagpapatotoo siya sa mga Hudyo na si Hesus ang Mesias."
"Nang siya ay tutulan at MURAHIN nila, pinagpag niya ang kanyang damit at sinabi: Nasa ulo ninyo ang inyong dugo! Wala na akong pananagutan sa inyo. Mula ngayon ay pupunta na ako sa mga Hentil."
UMALIS si Pablo at UMIWAS dahil NAGMUMURA na ang kanyang mga kaharap.
Sana maunawaan mo ‘yon, Jake.
Kaugnay naman ng sigawan at kaguluhan, sa Acts 19:23-29 ay nasa Ephesus sina Pablo nang magkagulo ang mga sumasamba sa diyus-diyosan na si Artemis.
Inakusahan ng mga taga-Ephesus sina Pablo na sinisiraan si Artemis.
Sa gitna ng kaguluhan ay gustong pumagitna at humarap sa kanila ni Pablo para marahil ay kausapin sila at paliwanagan.
Pero ayon sa Acts 19:30 ay "PINIGILAN SIYA ng mga alagad."
Kaya HINDI KARUWAGAN ang HINDI PAGHARAP sa isang MAGULONG PAGTATALO na tulad ng ginagawa ng grupo ni Soriano.
May masama kasing karanasan ang mga Kristiyano sa mga MAGULONG KAUSAP. Sa Acts 6 at 7 ay nakipagtalo si Stephen sa mga Hudyo at siya ay NAPATAY.
Ayaw natin ng ganoon.

Bakit ‘Babae’ ang tawag ni Hesus kay Maria



September 8, 2003
BIGYANG daan po muna natin ang aking taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nagti-text para magbigay suporta at lakas ng loob sa ating munting gawain.
Uunahin ko po si Liwayway Lipata na isa pong teacher sa Tondo High School.
Hindi lang po sumusubaybay si Ma’am Liwayway, tumutulong pa siya sa PAGPAPAKALAT ng KATOTOHANAN ukol sa pananampalataya. Ito ay ginagawa niya sa pamamagitan ng pagpapakilala sa ating column sa kanyang mga estudyante at kakilala.
Maraming-maraming salamat po, Bb. Lipata.
u u u
Ganito naman ang text sa atin ni Orlan ng Bicol, "Salamat sa mga paliwanag sa iyong ‘Tumbukin Natin.’ Sana ay palagi kang patnubayan ng Espiritu ng Diyos upang madala mo sa liwanag ang mga taong nadirimlan.
Kaligayahan at karangalan ko po na makatulong.
Magpapasintabi lang po ako sa ilang Katoliko na nagre-react dahil tila "bago" at "kakaiba" sa kanila ang nababasa nilang paliwanag ko rito.
Baka mapansin po ninyo na mas tinututukan natin ang mga sinasabi ng Bibliya kaysa mga pangkaraniwang pahayag ng mga pinuno sa Iglesia.
Tinitiyak ko sa inyo na PAREHO ang punto o kahulugan ng sinasabi ko rito sa aking column at sinasabi ng Katesismo ng Iglesia.
Mas tumututok tayo sa mga sinasabi ng Bibliya para patunayan sa iba na NAKABATAY sa KASULATAN ang mga PANINIWALANG KATOLIKO.
Salamat po uli, maging sa mga taong hindi ko pa nababanggit ang pangalan sa column na ito.
u u u
Sagutin naman natin ang tanong ni Henry Moreno ng Parang, Maguindanao.
Salamat sa text mo, Henry. Natutuwa akong mabasa na taga Parang ka. Noon kasing nag-aaral pa ako sa seminaryo sa Notre Dame University sa Cotabato City ay diyan kami sa pantalan ng Parang bumababa galing sa Manila.
Heto po ang tanong ni Henry, "Bro. Cenon, salamat sa mga matatalinung sagot mo. Tanung uli ako: Bakit sa Juan l9:26 tinawag ni Jesus na "GINANG" si Maria at hindi "Inay?"
Magandang tanong.
Una, sa pag-intindi sa mga Kasulatan, mahalaga na maintindihan natin ang KONTEKSTO ng binabasang talata.
Sa Bibliya, ang KONTEKSTO ng isang talata ay ang "kalagayan" o "setting" noong ito ay isulat.
Kung papansinin natin, Henry, MAY PAGKAKAIBA ang PRESENTASYON kay Hesus sa apat na EBANGHELYO.
Sa Matthew, Mark at Luke, si Hesus ay ipinapakita bilang KATUPARAN ng mga HULA at PAHAYAG ng Old Testament.
Pansinin mo na sa Matthew, sinimulan ang Ebanghelyo sa paglalahad ng "family tree" ni Hesus. Gusto kasing ipakita ni Matthew na si Hesus ay galing sa LAHI ni DAVID at ni ABRAHAM.
Sinasabi kasi ng kasulatan na ang KRISTO o TAGAPAGLIGTAS ng mga Hudyo ay MANGGAGALING sa lahi ni David, ang dakilang hari ng mga Israelita.
Mahalaga rin na maipakita na si Hesus ay galing sa lahi ni Abraham dahil ito ang AMA ng bayan ng mga HEBREO.
Kaya nga sa buong aklat ni Matthew ay maraming "reference" sa Old Testament.
Bakit ganito ang emphasis o focus ni Matthew? Ito ay dahil sinulat niya ang Ebanghelyo niya PARA SA MGA HUDYO, ISRAELITA o mga HUDYO.
Ang purpose naman ng pagkasulat ni Mark at Luke ng kanilang Ebanghelyo ay para patunayan ang PAGKAKATAWANG TAO ng MESIAS o ng MANUNUBOS na si Hesus.
Kay Luke nga ay malaki ang focus sa PAGBUBUNTIS ni Maria kay Hesus at sa PAGKAKAPANGANAK sa Kristo.
Noon kasing sulatin ni Luke ang kanyang Ebanghelyo ay marami ang AYAW MANIWALA na TAO RIN si Hesus. IGINIGIIT ng ilan na DIYOS LANG si Kristo.
Karamihan kasi ng nagbasa ng sinulat ni Luke noong panahon na iyon ay magkahalong HUDYO at GRIEGO, partikular ‘yung mga NASA LABAS ng ISRAEL.
Sa John ang dahilan ng pagkakasulat ng Ebanghelyo ay IPAKITA ang DIVINE ORIGIN o PAGKA-DIYOS ni Kristo.
Kaya nga sa John 1:1 pa lang ay sinasabi na, "Sa pasimula ay ang SALITA, at ang SALITA ay KASAMA ng DIYOS, at ang SALITA AY DIYOS."
Sinulat kasi ni John ang kanyang Ebanghelyo para sa mga GRIEGO na malaki ang paniniwala sa SALITA o LOGOS bilang Diyos.
At dahil DIYOS ang pagpapakilala kay Hesus sa Ebanghelyo ni John, natural lang na HINDI BINIGYANG DIIN ang mga RELASYON Niya sa mga tao.
‘Yan ang dahilan kung bakit imbes na tawaging "Inay" o "Nanay" ni Hesus si Maria ay "GINANG" o "BABAE" ang tawag Niya sa ina.
Pero HINDI nito PINABABABA ang KALAGAYAN ni Maria.
Sa Griego, ang salitang ginamit ay "GYNAI" ay nagpapahayag ng paggalang sa isang babae although WALANG RELASYON na ipinahahayag.
Nagpapakita lang ito ng pagiging "detached" ni Hesus sa mga tao dahil ang layunin ng Kanyang pagiging tao ay ang TUPARIN ang kalooban ng Ama.
Sabi nga ni Hesus sa John 6:38, "Dahil ako ay bumaba galing sa langit hindi para gawin ang aking kalooban KUNDI ANG KALOOBAN NG NAGSUGO SA AKIN." At ‘yon ang Ama.
‘Yon lang ‘yon, Henry. Salamat sa tanong.

Krus, sumpa raw na dapat ikahiya?



September 7, 2003
KAPAG napag-uusapan ang KRUS ng ating Panginoong Hesu Kristo ay halos palaging pumapasok sa aking isipan ang mga paliwanag ni Eli Soriano tungkol rito.
Ibang-iba kasi ang pananaw ni Soriano sa krus.
Pero hindi ang pagkakaiba ng pananaw niya ang nakakaapekto sa akin. Natural lang kasi na magka-iba ang mga pananaw ng iba’t-ibang tao.
Ang lubos kong ikinalulungkot ay kung paano niya NABABALUKTOT at NAILILIKO ang KATOTOHANAN tungkol sa KRUS.
Minsang napanood ko ang "BIBLE EXPOSITION" ng grupo niyang Ang Dating Daan ay doon ka nakita ang malaking bahagi ng kanyang paniniwala na talaga namang nakakabagabag ng damdamin.
Una, pilit pinalabas ni Eli na magkaiba ang “krus ni Kristo” sa krus na pinagpakuan sa Kanya.
Ang krus daw na pinagpakuan kay Hesus ay "krus ng Imperyo Romano" at HINDI KAY HESUS.
Pangalawa, inilarawan niya ang krus ni Kristo bilang simbolo ng kamatayan.
Pangatlo, binago ni Soriano ang krus mula sa instrumento kung saan ipinako ang Panginoon at ginawa itong “pamatok” o ang kahoy na inilalagay sa leeg ng isang hayop na kumakaladkad ng kariton.
Pang-apat, idineklara ni Bro. Eli na dapat ikahiya ang krus dahil ito raw ay isang “sumpa.”
Sa unang punto pa lang ay SALUNGAT na agad ang sinabi ni Soriano sa sinasabi ng Bibliya.
Hindi nga ba kay Kristo ang krus na Kanyang pinasan?
Ganito ang sabi ng John 19:17, “At lumabas siya [si Hesus ang tinutukoy] na pasan ang KANYANG krus patungo sa kung tawagin ay Lugar ng Bungo, Golgota sa Hebreo.”
Diyan pa lang ay makikita na natin na ang krus na pinasan ni Hesus ay sa KANYA – HINDI sa Imperyo Romano tulad ng sinasabi ni Eli.
Simbolo ba ng kamatayan ang krus ni Kristo? Itinulad ni Soriano ang krus sa “silya elektrika.” Kung doon daw ba pinatay ang tatay mo magsasabit ka ng silya elektrika sa leeg mo?
Sa Galatians 3:13 ay ganito ang isinasaad, “TINUBOS tayo ni Kristo sa sumpa ng kautusan sa pamamagitan ng pagiging isang sumpa para sa atin, sapagkat nasusulat, ‘Isinumpa ang bawat ibinitin sa punongkahoy.”
Noong ipako si Hesus sa krus ay “isinumpa” Siya. Pero kamatayan ba ang naging bunga nito?
Hindi. Ang epekto nito ay “NATUBOS” tayo sa sumpa. Kung susundan pa natin ang sinasabi ng Gal 3:14 ay mababasa natin, “nang sa gayon ang pagpapala kay Abraham ay makamtan din ng mga Hentil.”
Noong panahon na iyon, “hentil” ang tawag sa lahat ng tao na hindi Hudyo. Ibig sabihin kasama tayo roon.
Ano ang “pagpapala kay Abraham?”
Ipinaliwanag ito sa Gal 3:6. Sabi ng Banal na Kasulatan, “Kaya nga si Abraham ay naniwala sa Diyos at ito ay itinuring na matuwid.” Sa 3:11 ay sinasabi, “ang taong matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya ay MABUBUHAY.”
Dahil sa “pagkakabitin” ni Hesus sa punongkahoy ay “TINUBOS” Niya tayo kaya nga tayo man ay itinuturing nang “matuwid” tulad ni Abraham at karapat-dapat nang “mabuhay.”
Makikita rito na hindi kamatayan kundi buhay ang dala ng pagkamatay ni Hesus sa krus. Kaya nga ang krus ay hindi na simbolo ng kamatayan kundi simbolo na ng buhay.
Kaya nga sabi ni San Pablo sa Gal 6:14, “Nawa’y ‘di ako magmalaki sa anumang bagay liban sa krus ng ating Panginoong Hesu Kristo.”
Ngayon, kung may suot kang krus o kung ito ay isisenyas mo para ipakita ang SIMBOLO NG BUHAY, dapat ka bang mahiya?
Ang tanong ay tutulad ba tayo kay San Pablo na “ipinagmalaki” ang “krus” o susunod tayo kay Eli na ikinahihiya ang krus? Nasa sa atin ang desisyon.
Incidentally, ginamit ni Bro. Eli ang Galatians 3:13 para suportahan ang kanyang alegasyon na dapat “ikahiya” ng krus. Tumutok siya sa mga salitang, “Isinumpa ang bawat ibinitin sa punongkahoy.”
Hindi niya nakita ang mas mahalagang bahagi ng talata, kung saan sinabi na “TINUBOS tayo ni Kristo sa sumpa ng kautusan sa pamamagitan ng pagiging isang sumpa para sa atin.” Hindi rin niya nakita ang mga bunga ng “pagkakabitin” o pagkakapako ni Hesus sa krus.
Sabagay, may sinabi ang Panginoon sa Mt 13:14: “Ang pahayag ni Isaias ay natupad sa kanila, ‘Makaririnig kayo pero wala kayong maiintindihan. Kayo ay TIYAK NA TITINGIN pero HINDI MAKAKIKITA.”
Kayo, nakikita ba ninyo ang hindi makita ni Soriano?
Pero hindi ito ang nakasisindak. Alam ba ninyo na ‘yang dahilan ni Eli laban sa krus ay siya ring dahilan kung bakit maraming Hudyo ang ayaw sa Kristiyanismo?
Sabi nga ng 1 Corinthians 1:23, “Ipinahahayag namin si Kristo na IPINAKO SA KRUS, isang KATITISURAN sa mga Hudyo at kahangalan sa mga Hentil.” Hindi matanggap ng mga Hudyo si Hesus dahil nga “isinumpa” raw ito.
Pero ano ang sabi ni Hesus sa Luke 7:23? Sabi niya, “Mapalad ang tao na hindi naeeskandalo sa akin.”
At kung titingnan natin ang orihinal na salita sa Griego ng “naeeskandalo,” ang nakalagay ay “skandalizo” na ang ibig sabihin ay “katitisuran” o “balakid.” Angkop na angkop sa sabi ng 1 Cor 23.
Ngayon, kung kayo ang tulad ng pag-iisip ni Soriano, masasabi ba ninyo na Hudyo kayo o Kristiyano?
Ang tanong ay magpapaka-Hudyo ba tayo o magpapaka-Kristiyano?

Bakit nagku-krus ang isang Katoliko?



September 6, 2003
MAY nagtatanong sa akin tungkol sa "Sign of the Cross." Bakit daw sa lahat ng grupong Kristiyano ay mga Katoliko lang ang gumagawa nito?
Mula pa noong ikalawang-siglo o 2nd century ay nagku-krus na ang mga Kristiyano.
Sa katunayan, ang krus ay isa sa mga unang simbolo o tanda ng isang Kristiyano.
Pero sa kabila ng matagal na itong ginagawa at kahit malinaw ang pahayag ng Bibliya tungkol dito, maraming tao ang HINDI NAKAUUNAWA RITO.
Ang masakit ay may ilan na GINAGAWA ITONG KATATAWANAN.
Naaalala ko tuloy ang isang kuwento na naikuwento ko na noon. At para maintindihan ninyo ang sinasabi ko tungkol sa PANLALAIT ng ilang tao sa krus ng kaligtasan ay hayaan ninyong ulitin ko para sa inyo ang kuwento kong iyon.
Isa sa mga UMAALIPUSTA at BUMABASTOS sa KRUS NI KRISTO ay itong si Eli Soriano ng Ang Dating Daan.
At sa nasaksihan ko, isa ang krus ni Kristo sa BUMIBENTA niyang JOKE.
Sa isa niyang PATAWA ay ginawa niyang ehemplo ang pagku-krus ng mga Katoliko sa mga oras na sila ay natatakot.
Ganito ang napanood kong ginagawa niya: Habang nagkukunwari siyang nagku-krus ay kumanta siya ng “Ilayo po ninyo kami sa aming mga kaaway …”
Tapos ay binanggit niya ang ginagawang pagku-krus ng ilang Katoliko kapag nakakakita ng imahen o kapag dumaraan sa simbahan.
Pagtapat daw ng Katoliko sa isang imahen ay magku-krus ito at saka sasabihin, “Ilayo po ninyo kami sa aming mga kaaway …”
Tapos ay sasabihin ni Soriano na ang "kaaway" daw ay ang isinasalarawan ng imahen.
Sa pagku-krus naman daw ng Katoliko kapag dumadaan sa simbahan, sinasabi raw ng Katoliko na "kaaway" niya ang nasa loob ng simbahan.
In fairness kay Soriano, magaling siyang magpatawa pero hindi niya naiintindihan ang kanyang mga sinasabi at ginagawa.
Naaalala ko tuloy ang sabi ng Bibliya sa 2 Peter tungkol sa mga “huwad na mangangaral.” Sabi sa verse 12, “Pero ang mga taong ito, tulad ng mga hayop na walang bait na ipinanganak upang hulihin at patayin ay UMAALIPUSTA sa mga bagay na HINDI NILA NAIINTINDIHAN.”
Para maunawaan ng mga nagtatanong ay ipaliliwanag natin kung ano ang krus at bakit nagku-krus ang mga Katoliko.
Bago tayo magpatuloy, ano ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa “krus?”
Ganito ang sabi sa 1 Corinthians 1:18, “Ang mensahe ng krus ay kagaguhan sa mga napapahamak pero para sa ating mga inililigtas ito ang kapangyarihan ng Diyos.”
Hindi pala "joke" ang mensahe ng krus kundi “ANG KAPANGYARIHAN NG DIYOS!”
Dahil nga rito ay sinasabi rin ni Pablo sa Galatians 6:14, “Nawa’y ‘di ako MAGMALAKI sa anumang bagay LIBAN SA KRUS ng ating Panginoong Hesu Kristo.”
Sa ating mga Katoliko, ipinagmamalaki natin ang “krus ni Kristo” sa pamamagitan ng pagku-krus. Kaya nga gamit ang ating kanang kamay ay gumuguhit tayo ng krus mula sa noo, pababa sa dibdib, papunta sa kaliwang braso at matatapos sa kanang braso.
Mahirap magkamali ang iba na sabihin na Katoliko ang isang tao na makikita nilang nagku-krus. Kaya nga mahalaga na magawa ito nang tama dahil hindi lang ang pagiging Katoliko niya ang maiisip ng mga tao kundi ang mismong si Kristo.
At dahil kasamang naaalala ng iba ang Panginoon sa ginagawang pagku-krus ng mga Katoliko, masasabi natin na tumutulong tayo sa pagpapahayag ng Mabuting Balita ng kaligtasan.
Pero kung si Eli Soriano ‘yan, HINDI ‘YAN PAGMAMALAKI sa krus kundi PANLALAIT dito. Para yata kay Eli ay KATITISURAN ang KRUS.
Pero hindi lang naman si Eli ang NATITISOD sa krus.
Ayon sa 1Cor 1:23, “Ipinahahayag namin [ng mga Kristiyano] si Kristo na IPINAKO SA KRUS, (bagay) na KINATITISURAN ng mga Hudyo at KALOKOHAN sa mga Hentil.”
Hindi lang pagpapahayag ng kaligtasan ng Panginoon ang hatid ng pagku-krus. Sa tuwing magsa-Sign of the Cross ang isang tao, gumagawa siya ng simpleng panalangin.
Sa panalangin ng “Sign of the Cross,” tinatawag natin ang PANGALAN ng Diyos sa pagsasambit natin ng “Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.” Ang mga katagang ito ang nagpapaalala sa atin sa kaligtasang bigay ni Kristo sa pamamagitan ng binyag.
Sabi kasi ni Hesus sa Matthew 28:19, “Humayo kayo at gawing disipulo ang lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.”
Kasama ng kaligtasan ng pagbibinyag ang pangako ng Diyos sa Joel 3:5 at Romans 10:13, “Ang lahat ng tatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.” At diyan lang papasok ang sinasabi ni Eli na sa pagku-krus ay humihiling ang Katoliko na “Iligtas mo kami sa aming mga kaaway.”
Sa madaling salita, ang paghingi ng tulong sa Diyos ay isang bahagi lang ng kahulugan ng pagku-krus. HINDI ITO ANG NAG-IISANG KAHULUGAN tulad ng PINALALABAS ni Soriano.
Ngayon ay alam na natin kung ano ang KAHALAGAHAN NG KRUS at ang ibig sabihin ng pagku-krus.
Bilang mga TUNAY na TAGASUNOD ni Kristo ay IPAGMALAKI natin ang krus at ang KALIGTASAN na hatid ng PANGINOON.

Hindi pag-aasawa aral ng demonyo?



September 5, 2003
GANITO po ang text sa atin ni Christian Dy ng Q.C., "Pakipaliwanag nga ang nakasulat sa 1 TIMOTEO 4:1-3. Anong relihiyon o Iglesia ang nagpa praktis ng nakatala sa chapter na iyan?"
Basahin po natin ang sinasabi ng mga talatang ibinigay ni Christian.
Sa verse 1: "Malinaw na sinasabi ng Espiritu na sa mga huling panahon ay pababayaan ng ilan ang pananampalataya at susunod sa mga MAPANLINLANG na mga espiritu at mga aral ng demonyo"
Sa verse 2: "Ang ganyang mga aral ay nanggagaling sa mga MAPAGKUNWARING SINUNGALING na nasunog na ng mainit na bakal ang mga kunsensiya."
Sa verse 3: "IPINAGBABAWAL nila sa mga tao ang pag-aasawa at inuutusan silang huwag kumain ng ilang pagkain na nilikha ng Diyos para tanggapin na may pagpapasalamat ng mga naniniwala at nakaaalam ng katotohanan."
Para maintindihan natin ang sinasabi ng 1 Tim 4:1-3, kailangang basahin din natin ang sinasabi ng susunod na talata.
At ganito ang sinasabi ng 1 Tim 4:4, “Ito ay sapagkat ang lahat na nilikha ng Diyos ay MABUTI, na dapat tanggaping may pasasalamat at hindi ito dapat itakwil.”
Makikita natin sa verse 4 na ang dahilan kung bakit "ipagbabawal ang kasal" at ang ilang pagkain ay dahil ITINUTURING itong MARUMI ng mga MAPAGKUNWARING SINUNGALING na tinutukoy sa verse 2.
Ang hindi pag-aasawa dahil sa paniniwala na masama o marumi ito ay SALIWA o LIHIS sa dahilan kung bakit hindi nag-aasawa ang isang Kristiyano.
Ano ba kasi ang sinasabi ni Hesus tungkol sa bagay na ito?
Ganito ang sabi Niya sa Matthew 19:12, "Dahil may ilan na ipinanganak na bating [eunuch sa Ingles]; ang ilan ay ginawang bating ng ibang tao; at ang iba naman ay ITINAKWIL ANG PAG-AASAWA NANG DAHIL sa KAHARIAN NG LANGIT."
"Ang taong MAKATATANGGAP NITO AY DAPAT NA TUMANGGAP DITO."
(Ang BATING o EUNUCH ay isang lalaki na TINANGGALAN ng mga bayag PARA HINDI NA MAGAWANG MAKIPAGTALIK. Noon kasing unang panahon ang mga ito ang ginagawang bantay sa mga asawa ng isang hari o namumuno.)
Sa mga sinabi ng Panginoong Hesus ay makikita natin na OKAY LANG ang HINDI MAG-ASAWA ng isang tao. At sa ibinigay Niyang dahilan, ito ay PARA SA KAHARIAN NG LANGIT.
At hindi lang niya ipinakita na PUWEDENG HINDI MAG-ASAWA PARA sa KAHARIAN ng LANGIT, NAG-IMBITA pa Siya para TULARAN ang mga taong gumagawa nito.
Mismong si Hesus ay HINDI NAG-ASAWA.
Ang hiling ni Christian ay TUKUYIN natin ang mga grupo o relihiyon na nagbabawal sa pag-aasawa dahil ito ay marumi o masama.
Sorry kung hindi natin ito magagawa dahil ang tingin ko ay wala ako sa posisyon para sabihin kung alin ang nagpapatupad ng MALING PAMAMARAAN ng hindi pag-aasawa.
Ang alam ko ay ang mga PARI, mula sa SANTO PAPA hanggang sa mga OBISPO at IBA PANG PARI, ay NAGTAKWIL o TUMALIKOD sa PAG-AASAWA para sa KAHARIAN ng PANGINOON.
Although alam ko rin na may ilang grupo sa ngayon na NAGBABAWAL sa mga MIYEMBRO nito na MAG-ASAWA.
May ilang manggagawa pa ang grupo na ito na INALIS sa KATUNGKULAN o SINUSPINDI dahil lang GINUSTO ng mga ito na MAG-ASAWA.
Pero kung ano man ang dahilan kung bakit ayaw papag-asawahin ng kanilang puno ang mga ito ay sila na lang ang nakakaalam.
Sa ating modernong panahon, mayroon ding naniniwala na HINDI na sila MAG-AASAWA dahil ABALA lang daw ang PAG-AASAWA.
Ang iba naman ay ayaw namang MAGKAANAK dahil SAGABAL daw ito sa kanilang CAREER.
Pero bago po dumampot ng bato ang ilan sa inyo para ipang-decorate sa mukha ko o may makaisip diyan na paliparin ako mula sa taas ng Oakwood Premiere ay tapusin po muna ninyo ang pagbabasa.
Ang punto natin dito ay ano ang PANANAW ng isang tao kung bakit siya mag-aasawa o hindi mag-aasawa.
Kung hindi siya mag-aasawa dahil sa tingin niya o ng kanyang religious leader ay MARUMI, MASAMA o PANGIT ang pag-aasawa, ito ay MALI.
Para sa mga Kristiyano ay ganito ang sinasabi ni San Pablo sa 1 Corinthians 7:8, "Ngayon, sa mga WALANG ASAWA at sa mga biyuda, sinasabi ko: MABUTI para sa kanila na MANATILING WALANG ASAWA, tulad ko."
At bakit mabuti? Ganito ang paliwanag sa 1 Cor 7:32, "Gusto kong mawalan kayo ng alalahanin. Ang isang lalaking WALANG ASAWA ay ABALA sa mga GAWAIN ng PANGINOON."
Sa kabilang dako, sa mga gustong mag-asawa ay ganito ang sinasabi sa 1 Cor 7:9, "Pero kung hindi nila mapigilan ang kanilang sarili, DAPAT SILANG MAG-ASAWA dahil mas mabuti na sila ay mag-asawa kaysa mag-apoy sa kanilang damdamin."