Thursday, September 12, 2013

Hindi pag-aasawa aral ng demonyo?



September 5, 2003
GANITO po ang text sa atin ni Christian Dy ng Q.C., "Pakipaliwanag nga ang nakasulat sa 1 TIMOTEO 4:1-3. Anong relihiyon o Iglesia ang nagpa praktis ng nakatala sa chapter na iyan?"
Basahin po natin ang sinasabi ng mga talatang ibinigay ni Christian.
Sa verse 1: "Malinaw na sinasabi ng Espiritu na sa mga huling panahon ay pababayaan ng ilan ang pananampalataya at susunod sa mga MAPANLINLANG na mga espiritu at mga aral ng demonyo"
Sa verse 2: "Ang ganyang mga aral ay nanggagaling sa mga MAPAGKUNWARING SINUNGALING na nasunog na ng mainit na bakal ang mga kunsensiya."
Sa verse 3: "IPINAGBABAWAL nila sa mga tao ang pag-aasawa at inuutusan silang huwag kumain ng ilang pagkain na nilikha ng Diyos para tanggapin na may pagpapasalamat ng mga naniniwala at nakaaalam ng katotohanan."
Para maintindihan natin ang sinasabi ng 1 Tim 4:1-3, kailangang basahin din natin ang sinasabi ng susunod na talata.
At ganito ang sinasabi ng 1 Tim 4:4, “Ito ay sapagkat ang lahat na nilikha ng Diyos ay MABUTI, na dapat tanggaping may pasasalamat at hindi ito dapat itakwil.”
Makikita natin sa verse 4 na ang dahilan kung bakit "ipagbabawal ang kasal" at ang ilang pagkain ay dahil ITINUTURING itong MARUMI ng mga MAPAGKUNWARING SINUNGALING na tinutukoy sa verse 2.
Ang hindi pag-aasawa dahil sa paniniwala na masama o marumi ito ay SALIWA o LIHIS sa dahilan kung bakit hindi nag-aasawa ang isang Kristiyano.
Ano ba kasi ang sinasabi ni Hesus tungkol sa bagay na ito?
Ganito ang sabi Niya sa Matthew 19:12, "Dahil may ilan na ipinanganak na bating [eunuch sa Ingles]; ang ilan ay ginawang bating ng ibang tao; at ang iba naman ay ITINAKWIL ANG PAG-AASAWA NANG DAHIL sa KAHARIAN NG LANGIT."
"Ang taong MAKATATANGGAP NITO AY DAPAT NA TUMANGGAP DITO."
(Ang BATING o EUNUCH ay isang lalaki na TINANGGALAN ng mga bayag PARA HINDI NA MAGAWANG MAKIPAGTALIK. Noon kasing unang panahon ang mga ito ang ginagawang bantay sa mga asawa ng isang hari o namumuno.)
Sa mga sinabi ng Panginoong Hesus ay makikita natin na OKAY LANG ang HINDI MAG-ASAWA ng isang tao. At sa ibinigay Niyang dahilan, ito ay PARA SA KAHARIAN NG LANGIT.
At hindi lang niya ipinakita na PUWEDENG HINDI MAG-ASAWA PARA sa KAHARIAN ng LANGIT, NAG-IMBITA pa Siya para TULARAN ang mga taong gumagawa nito.
Mismong si Hesus ay HINDI NAG-ASAWA.
Ang hiling ni Christian ay TUKUYIN natin ang mga grupo o relihiyon na nagbabawal sa pag-aasawa dahil ito ay marumi o masama.
Sorry kung hindi natin ito magagawa dahil ang tingin ko ay wala ako sa posisyon para sabihin kung alin ang nagpapatupad ng MALING PAMAMARAAN ng hindi pag-aasawa.
Ang alam ko ay ang mga PARI, mula sa SANTO PAPA hanggang sa mga OBISPO at IBA PANG PARI, ay NAGTAKWIL o TUMALIKOD sa PAG-AASAWA para sa KAHARIAN ng PANGINOON.
Although alam ko rin na may ilang grupo sa ngayon na NAGBABAWAL sa mga MIYEMBRO nito na MAG-ASAWA.
May ilang manggagawa pa ang grupo na ito na INALIS sa KATUNGKULAN o SINUSPINDI dahil lang GINUSTO ng mga ito na MAG-ASAWA.
Pero kung ano man ang dahilan kung bakit ayaw papag-asawahin ng kanilang puno ang mga ito ay sila na lang ang nakakaalam.
Sa ating modernong panahon, mayroon ding naniniwala na HINDI na sila MAG-AASAWA dahil ABALA lang daw ang PAG-AASAWA.
Ang iba naman ay ayaw namang MAGKAANAK dahil SAGABAL daw ito sa kanilang CAREER.
Pero bago po dumampot ng bato ang ilan sa inyo para ipang-decorate sa mukha ko o may makaisip diyan na paliparin ako mula sa taas ng Oakwood Premiere ay tapusin po muna ninyo ang pagbabasa.
Ang punto natin dito ay ano ang PANANAW ng isang tao kung bakit siya mag-aasawa o hindi mag-aasawa.
Kung hindi siya mag-aasawa dahil sa tingin niya o ng kanyang religious leader ay MARUMI, MASAMA o PANGIT ang pag-aasawa, ito ay MALI.
Para sa mga Kristiyano ay ganito ang sinasabi ni San Pablo sa 1 Corinthians 7:8, "Ngayon, sa mga WALANG ASAWA at sa mga biyuda, sinasabi ko: MABUTI para sa kanila na MANATILING WALANG ASAWA, tulad ko."
At bakit mabuti? Ganito ang paliwanag sa 1 Cor 7:32, "Gusto kong mawalan kayo ng alalahanin. Ang isang lalaking WALANG ASAWA ay ABALA sa mga GAWAIN ng PANGINOON."
Sa kabilang dako, sa mga gustong mag-asawa ay ganito ang sinasabi sa 1 Cor 7:9, "Pero kung hindi nila mapigilan ang kanilang sarili, DAPAT SILANG MAG-ASAWA dahil mas mabuti na sila ay mag-asawa kaysa mag-apoy sa kanilang damdamin."

3 comments:

  1. sir, nararapat lang ba na ipagdiwang ang sariling kaarawan o kapanganakan?

    ReplyDelete
  2. Bakit sa katoliko may bayad ang binyag , kasal at marami pang iba ? Diba bawal yun? Nasa bibliya yun nakasulat. At yung gumawa ng imahen mga larawan at sambahin yon mali yun, Ang sinasamba ng mga katoliko yung mga bato kahoy na gawa lang ng kapwa tao nila. Niluluruhan pa sinasamba. BAWAL NG DIOS YUN! Sa KATOLIKO walang bawal bawal at kitang kita ang pruweba sa mga myembro nila. Napaka laya kahit ano isinusuot na damit. May mga hikaw kung ano ano pa. Maglaladsing, puro yosi. Walang ka disiplina disiplina .Tapos kung mananalangin yung paulit ulit na Ama namin. BAWAL DIN YUN NG DIOS nakasulat na pagkahaba haba na paulit ulit lang. Tapos pati yung ina ng Panginoong HesuKristo sinasamba.
    May nasusulat nga dn pala sa bibliya tungkol kay Pope niyo. Tinatawag niyong Papa sa Roma ? BAWAL YUN NAKASULAT DIN YUN.

    ReplyDelete
  3. Crooks,lahatin mo na ,wala pa sa kalahati yung ataque mo....INC-omplete.kulang,,,para mapansin ka ni Bro.Cenon.,,,katakot2 na an g sagot n iyan -------isaisahin mong b asah in sa blog na ito,,,nasa tagiliran lang--

    ReplyDelete