Wednesday, September 11, 2013

Makikita ba sa Bible ang Holy Trinity?

September 1, 2003

MAGANDANG araw ng Lunes po sa inyong lahat. Simulan po natin ang linggo sa mga text nina Dario ng Zamboanga City at ni RB ng Taguig na parehong nagtatanong tungkol sa Holy Trinity.
Ganito ang tanong ni Dario, "Mr. Bibe, bakit daw may tatlong persona ang Diyos samantalang dalawa lang ang tinutukoy ng Bibliya: ang Ama at ang Anak."
Tanong naman ni RB, "Paano mo ipaliliwanag ang tatlong persona ng Diyos kung ibabatay natin sa Bibliya? Simula Geneses hanggang Revelations may mababasa ka bang Trinity?"
Thanks sa napakagagandang mga tanong ninyo, Dario at RB.
Una, uulitin ko lang ang palagi kong pinupunaNG PAGKAKAMALI ng maraming BAGONG LITAW na mangangaral.
Ito ang sabi nila na ang LAHAT ng bagay sa PANANAMPALATAYA ay KAILANGANG NASA BIBLIYA.
PAGKAKAMALI rin ang sinasabi nila na BIBLIYA LANG ang BATAYAN ng PANANAMPALATAYA.
Kaugnay nito, gusto kong sabihin na ang Iglesia Katolika ay naniniwala rin sa Bibliya. Pero sinasabi nito na HINDI LAHAT ay NAKALAGAY o NABANGGIT sa Bibliya.
Bibliya mismo ang nagsasabi sa 2 Thesalonians 2:15 na MAY MGA ARAL o TRADISYON na SINABI LANG (ORAL o SACRED TRADITION). Ito ay IBA sa mga aral o tradisyon na NASUSULAT.
Ganito ang sinasabi ng 2 Thes 2:15, "Kaya nga, mga kapatid, manindigan kayong matatag at panghawakan ninyo ang mga TRADISYON na ibinigay namin sa inyo, maging ito man ay sa SALITA o sa SULAT."
Iglesia Katolika LANG ang NAKAKASUNOD sa sinasabing ito ng Bibliya dahil ITO LANG ang NAGTATAGLAY ng ORAL o SACRED TRADITION.
Sa kabila nito, ang itinuturo ng KATOLISISMO ay MAY BATAYAN dapat ang Oral Tradition sa Bibliya although HINDI TUWIRANG NAKASULAT dito.
u u u
Balikan natin ang mga PAGKAKAMALI ng mga BAGONG LITAW na nagsasabi na BIBLIYA LANG ang "batayan" ng "lahat ng bagay sa pananampalataya."
Sinasabi ng ilan sa kanila na "dahil walang mababasa na salitang TRINITY sa Bibliya ay WALA na nito."
Maling-mali ito dahil ultimong ang "Bibliya" na pinagbabatayan nila ay HINDI NASUSULAT at HINDI TINUKOY sa Bibliya.
Pero hayaan na natin sila kung ipagpipilitan nila ang MAGKAKONTRA nilang paniniwala. Kung ipipilit din nila ang MALING PANINIWALA ay nasa kanila na ‘yon.
Diyos na ang bahala sa kanila. Hindi tayo ang huhusga. Tayo ay nagpapahayag lang ng KATOTOHANAN.
Isa sa mga KATOTOHANAN na iyan ay ang HOLY TRINITY o BANAL NA SANGTATLO.
u u u
Ngayon, ano ang batayan ng HOLY TRINITY sa Bibliya.
Ang pinaka-tuwirang batayan ay ang pagkakaroon ng Diyos ng IISANG PANGALAN at ang pagtukoy ng pangalan na ito sa Ama, Anak at Espiritu Santo ayon sa Matthew 28:19.
Tingnan natin ang sabi ng talata, "Binyagan ninyo sila sa NGALAN ng AMA, ng ANAK at ng ESPIRITU SANTO."
IISA ang PANGALAN pero TATLO ang pinatutungkulan. Dito ay KASAMA ng Diyos Ama at Diyos Anak ang ESPIRITU SANTO.
Sa paggamit ng salitang "AT" bago sa Espiritu Santo ay ipinapakita ng Bibliya ang pagkakaTULAD at pagiging PANTAY ng Espiritu sa Ama at Anak.
Sa "grammar" kasi, ginagamit ang salitang "AT" para ipakita na ang nauunang salita ay KAPANTAY o KAPAREHO ng sumusunod na tinutukoy na salita.
Kaya kung Diyos ang Ama at ang Anak ay DIYOS DIN ang ESPIRITU SANTO.
u u u
Pansinin din natin na mula sa Genesis hanggang sa Revelation ay madalas na MAGKASAMANG KUMIKILOS ang Ama, Salita (si Hesus ayon sa John 1:1) at Espiritu Santo.
Sa Genesis 1:2-3 ay ganito ang sinasabi, "Ang daigdig ay walang hugis at walang laman, ang kadiliman ay nasa ibaba ng kalaliman, at ang ESPIRITU ng DIYOS ay pumapaibabaw sa mga tubig."
"At SINABI ng Diyos: Magkaroon ng liwanag, at nagkaroon ng liwanag."
Makikita natin dito ang ESPIRITU, ang AMA (Diyos) at ang SALITA ("Sinabi"). Mula pa noong simula ay NAROON na silang tatlo.
Sa simula ng MINISTRY ni Hesus sa Matthew 3:16-17 ay naroon uli ang HOLY TRINITY.
Sabi rito, "Matapos na mabautismuhan si Hesus, umahon siya sa tubig."
"Sa sandaling iyon bumukas ang langit at nakita niya na bumababa ang ESPIRITU ng DIYOS na tulad ng isang kalapati at dumapo sa kanya [kay Hesus]."
"At isang boses mula sa langit ang nagsabi, "Ito ang aking Anak na aking minamahal; sa kanya ako ay lubos na nalulugod."
Maaring wala ngang salitang "TRINITY" pero IPINAKIKITA sa Bibliya ang "HOLY TRINITY."

1 comment:

  1. Salamat po.. Masasagot ko na yung INC na nagtatanong sakin.

    ReplyDelete