Thursday, September 12, 2013

Kasal sa Katoliko wala bang bisa?

September 2, 2003

NAG-REACT ang reader na si Timoteo Pablo sa pagdepensa ko sa pagbibintang ng isang tagasunod ni Eli Soriano.
Pinalalabas kasi ng tagasunod ni Soriano na "ang mga Katoliko ay mga magnanakaw, switik at mangangalunya."
Sinabi ko na hindi dapat nilalahat ang mga Katoliko. Ibinigay kong halimbawa ang grupo mismo ni Soriano kung saan may miyembro na ARTISTA na NAKIKISAMA bilang ASAWA sa isa pang artista na MAYROON NANG NAGING ASAWA. Hindi sila kasal.
Tapos ay itinanong ko, "O, hindi ba pangangalunya ‘yon?"
Sa kabila ng katotohanan na iyon ay sinabi ko na HINDI DAPAT LAHATIN ang mga miyembro kung may isang kasama na nakagawa ng pagkakamali. ‘Yan ay isang bagay na dapat matutunan lalo na ni Soriano.
Sa text ni Timoteo Pablo ay sinagot niya ang depensa ko at mayroong siyang binanggit na artista.
Ganito ang sabi ni Timoteo Pablo, "’Di kasal si Carmina kay Rustom. Walang bisa ang kasal ng ICAR (Iglesia Catolica Apostolica Romana)."
Sana ay hayaan na natin kung may kaugnayan man o wala si Carmina o si Rustom sa sinasabi kong kalunyahan na nangyayari sa grupo ni Soriano.
Kayo na lang ang bahalang magsabi o mag-isip niyan.
Ang gusto ko lang punahin ay ang sinabi ni "Timoteo Pablo" na "walang bisa ang kasal ng ICAR."
Una, paano niya nasabing "walang bisa" ang kasal sa Iglesia Katolika?
Kaninong kasal ang may bisa?
Mistulang pag-amin ‘yan na HINDI ALAM ni Timoteo Pablo ang kanyang mga sinasabi.
Bakit natin nasabi ‘yan? Eh kasi naman, sa lahat ng mangangaral sa ngayon, ang mga obispo at pari LANG ng Iglesia Katolika ang kayang mag-trace ng kapangyarihan mula mismo kay Kristo at sa mga Apostol.
Ang pagbibigay ng kapangyarihan na iyan ay mababasa sa John 20:21-22 na ganito ang sabi, "Muli ay sinabi sa kanila ni Hesus: Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong sinugo ako ng Ama ay SINUSUGO KO RIN KAYO."
"Pagkasabi noon ay HININGAHAN niya sila at nagsabi: TANGGAPIN NINYO ANG ESPIRITU SANTO."
Ang pagtanggap na ito ng Espiritu Santo ng mga Apostol ay ipinasa nila sa mga taong humalili o pumalit sa kanila.
Ang pagpapasa ay sa pamamagitan ng PAGPAPATONG NG MGA KAMAY.
Sabi nga sa Acts 8:17, "Ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang mga kamay sa kanila at TUMANGGAP sila ng Espiritu Santo."
So, ang pagpasa ng Espiritu Santo ay sa pamamagitan ng PAGPAPATONG ng MGA KAMAY ng mga SINUGO ng Diyos.
Ang pagpapatong ng kamay at pagpapasa ng Espiritu Santo ay sa loob lang ng Iglesia nangyari.
Kung hindi ibinigay ng mga SUGO ng Diyos sa loob ng Iglesia Katolika ay HINDI ITO maibibigay kahit kanino.
Sa katunayan heto ang kuwento sa Acts 8:18-19.
Sabi sa talata, "Nang makita ni Simon na ang ESPIRITU ay IBINIBIGAY sa PAGPAPATONG ng mga KAMAY ng mga Apostol, inalok niya sila ng pera."
"Sinabi niya: Ibigay n’yo rin sa akin itong kakayanang ito para lahat ng mapatungan ko ng kamay ay TUMANGGAP DIN ng Espiritu Santo."
Sa verse 20 ay kinastigo siya ni Pedro dahil HINDI NABIBILI ang kapangyarihang ito.
Ibig lang sabihin, kung hindi NABIGYAN ng mga SUGO ng Diyos na nasa loob ng Iglesiang itinatag ni Kristo, HINDI RIN TATANGGAP ng KAPANGYARIHANG ITO.
Ngayon, ang mga SUGO na ito ng Diyos ay ang mga OBISPO at PARI. Kaya paano sasabihin ni Timoteo Pablo na "walang bisa" ang kasal na iginawad nila.
Pero sige, kunwari ay wala ngang bisa ang basbas nila, kanino ang may bisa? Ang basbas na bigay ni Soriano at ng mga kasama niya?
Bakit? KAILAN BA LUMITAW si SORIANO?
KAILAN BA NABUO ANG KANYANG GRUPO na PABAGO-BAGO ng PANGALAN? SINO ang NAGBIGAY ng kapangyarihan sa kanya?
Para tuloy hindi nag-iisip si Timoteo Pablo.
At heto na nga ang masakit at patunay na nagsasalita si Timoteo Pablo na hindi muna tinitiyak kung tama o mali ang kanyang sinasabi.
Gusto niyang palabasin na sina Carmina (Villaroel) at Rustom (Padilla) ay ikinasal sa Iglesia Katolika.
Alam mo, iho, HINDI sa Iglesia Katolika IKINASAL sina Carmina at Rostum.
IKINASAL sila sa SAKSI ni JEHOVAH.
‘Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Sa sobrang atat ng grupo ni Soriano na MAKAPANIRA ng ibang tao ay lalong NABUBULGAR ang KAMALIAN nila.
Pero huwag sanang magalit si Timoteo Pablo at iba pang naniniwala kay Soriano. Hindi kayo ang sinisisi ko.
BIKTIMA lang kayo sa mga KAMALIAN na ng mga PINUNO ninyo.
Sana ay magsilbing aral sa inyo ‘yang kamalian na ibinigay kay Timoteo Pablo. Huwag na kayong padaya.

No comments:

Post a Comment