Thursday, September 12, 2013

Bakit nagku-krus ang isang Katoliko?



September 6, 2003
MAY nagtatanong sa akin tungkol sa "Sign of the Cross." Bakit daw sa lahat ng grupong Kristiyano ay mga Katoliko lang ang gumagawa nito?
Mula pa noong ikalawang-siglo o 2nd century ay nagku-krus na ang mga Kristiyano.
Sa katunayan, ang krus ay isa sa mga unang simbolo o tanda ng isang Kristiyano.
Pero sa kabila ng matagal na itong ginagawa at kahit malinaw ang pahayag ng Bibliya tungkol dito, maraming tao ang HINDI NAKAUUNAWA RITO.
Ang masakit ay may ilan na GINAGAWA ITONG KATATAWANAN.
Naaalala ko tuloy ang isang kuwento na naikuwento ko na noon. At para maintindihan ninyo ang sinasabi ko tungkol sa PANLALAIT ng ilang tao sa krus ng kaligtasan ay hayaan ninyong ulitin ko para sa inyo ang kuwento kong iyon.
Isa sa mga UMAALIPUSTA at BUMABASTOS sa KRUS NI KRISTO ay itong si Eli Soriano ng Ang Dating Daan.
At sa nasaksihan ko, isa ang krus ni Kristo sa BUMIBENTA niyang JOKE.
Sa isa niyang PATAWA ay ginawa niyang ehemplo ang pagku-krus ng mga Katoliko sa mga oras na sila ay natatakot.
Ganito ang napanood kong ginagawa niya: Habang nagkukunwari siyang nagku-krus ay kumanta siya ng “Ilayo po ninyo kami sa aming mga kaaway …”
Tapos ay binanggit niya ang ginagawang pagku-krus ng ilang Katoliko kapag nakakakita ng imahen o kapag dumaraan sa simbahan.
Pagtapat daw ng Katoliko sa isang imahen ay magku-krus ito at saka sasabihin, “Ilayo po ninyo kami sa aming mga kaaway …”
Tapos ay sasabihin ni Soriano na ang "kaaway" daw ay ang isinasalarawan ng imahen.
Sa pagku-krus naman daw ng Katoliko kapag dumadaan sa simbahan, sinasabi raw ng Katoliko na "kaaway" niya ang nasa loob ng simbahan.
In fairness kay Soriano, magaling siyang magpatawa pero hindi niya naiintindihan ang kanyang mga sinasabi at ginagawa.
Naaalala ko tuloy ang sabi ng Bibliya sa 2 Peter tungkol sa mga “huwad na mangangaral.” Sabi sa verse 12, “Pero ang mga taong ito, tulad ng mga hayop na walang bait na ipinanganak upang hulihin at patayin ay UMAALIPUSTA sa mga bagay na HINDI NILA NAIINTINDIHAN.”
Para maunawaan ng mga nagtatanong ay ipaliliwanag natin kung ano ang krus at bakit nagku-krus ang mga Katoliko.
Bago tayo magpatuloy, ano ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa “krus?”
Ganito ang sabi sa 1 Corinthians 1:18, “Ang mensahe ng krus ay kagaguhan sa mga napapahamak pero para sa ating mga inililigtas ito ang kapangyarihan ng Diyos.”
Hindi pala "joke" ang mensahe ng krus kundi “ANG KAPANGYARIHAN NG DIYOS!”
Dahil nga rito ay sinasabi rin ni Pablo sa Galatians 6:14, “Nawa’y ‘di ako MAGMALAKI sa anumang bagay LIBAN SA KRUS ng ating Panginoong Hesu Kristo.”
Sa ating mga Katoliko, ipinagmamalaki natin ang “krus ni Kristo” sa pamamagitan ng pagku-krus. Kaya nga gamit ang ating kanang kamay ay gumuguhit tayo ng krus mula sa noo, pababa sa dibdib, papunta sa kaliwang braso at matatapos sa kanang braso.
Mahirap magkamali ang iba na sabihin na Katoliko ang isang tao na makikita nilang nagku-krus. Kaya nga mahalaga na magawa ito nang tama dahil hindi lang ang pagiging Katoliko niya ang maiisip ng mga tao kundi ang mismong si Kristo.
At dahil kasamang naaalala ng iba ang Panginoon sa ginagawang pagku-krus ng mga Katoliko, masasabi natin na tumutulong tayo sa pagpapahayag ng Mabuting Balita ng kaligtasan.
Pero kung si Eli Soriano ‘yan, HINDI ‘YAN PAGMAMALAKI sa krus kundi PANLALAIT dito. Para yata kay Eli ay KATITISURAN ang KRUS.
Pero hindi lang naman si Eli ang NATITISOD sa krus.
Ayon sa 1Cor 1:23, “Ipinahahayag namin [ng mga Kristiyano] si Kristo na IPINAKO SA KRUS, (bagay) na KINATITISURAN ng mga Hudyo at KALOKOHAN sa mga Hentil.”
Hindi lang pagpapahayag ng kaligtasan ng Panginoon ang hatid ng pagku-krus. Sa tuwing magsa-Sign of the Cross ang isang tao, gumagawa siya ng simpleng panalangin.
Sa panalangin ng “Sign of the Cross,” tinatawag natin ang PANGALAN ng Diyos sa pagsasambit natin ng “Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.” Ang mga katagang ito ang nagpapaalala sa atin sa kaligtasang bigay ni Kristo sa pamamagitan ng binyag.
Sabi kasi ni Hesus sa Matthew 28:19, “Humayo kayo at gawing disipulo ang lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.”
Kasama ng kaligtasan ng pagbibinyag ang pangako ng Diyos sa Joel 3:5 at Romans 10:13, “Ang lahat ng tatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.” At diyan lang papasok ang sinasabi ni Eli na sa pagku-krus ay humihiling ang Katoliko na “Iligtas mo kami sa aming mga kaaway.”
Sa madaling salita, ang paghingi ng tulong sa Diyos ay isang bahagi lang ng kahulugan ng pagku-krus. HINDI ITO ANG NAG-IISANG KAHULUGAN tulad ng PINALALABAS ni Soriano.
Ngayon ay alam na natin kung ano ang KAHALAGAHAN NG KRUS at ang ibig sabihin ng pagku-krus.
Bilang mga TUNAY na TAGASUNOD ni Kristo ay IPAGMALAKI natin ang krus at ang KALIGTASAN na hatid ng PANGINOON.

6 comments:

  1. Bakit sa katoliko may bayad ang binyag , kasal at marami pang iba ? Diba bawal yun? Nasa bibliya yun nakasulat. At yung gumawa ng imahen mga larawan at sambahin yon mali yun, Ang sinasamba ng mga katoliko yung mga bato kahoy na gawa lang ng kapwa tao nila. Niluluruhan pa sinasamba. BAWAL NG DIOS YUN! Sa KATOLIKO walang bawal bawal at kitang kita ang pruweba sa mga myembro nila. Napaka laya kahit ano isinusuot na damit. May mga hikaw kung ano ano pa. Maglaladsing, puro yosi. Walang ka disiplina disiplina .Tapos kung mananalangin yung paulit ulit na Ama namin. BAWAL DIN YUN NG DIOS nakasulat na pagkahaba haba na paulit ulit lang. Tapos pati yung ina ng Panginoong HesuKristo sinasamba.
    May nasusulat nga dn pala sa bibliya tungkol kay Pope niyo. Tinatawag niyong Papa sa Roma ? BAWAL YUN NAKASULAT DIN YUN.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa totoo lang po hindi po humihingi o nagpapabayad ang pari bahala na po ang tao magbigay, di po sila pinipilit ng pari

      Delete
    2. hmm, diba po ang yung bahala na magbigay o hindi parang donation kung magkano man ang ibigay ayos lang, pero sa lahat ng simbahan may mga lugar kung saan ka magbabayad at may presyo. ang alam ko nga po bawat ninong at ninang ang presyo. at hndi ka mkakapag pa binyag kasal o ano man kung hndi ka magbabayad… mali po ba?

      Delete
  2. hmmm,alam nyu sa totoo lang ha?hindi ang mga tao ang gumagawa nang rebulto kundi ang panginoon lang ang nag utos nun, hindi para sambahin kundi isang simbolo lamang na mayron talagang dios?,Oo wala sa bibliya ang pope pero ang pope o pari ay isang taga pangalagad,sumbungan nang nga kasalanan, upang ang pari ay lumohod sa paa nang dios para ang ating mga kasalanan ay papatawarin nang dios, HINDI NYU NGA ALAM KUNG ANO ANG TATLONG SAKRAMENTO NA IBINILIN NANG DIOS SAATIN?MAKAKA SAGOT KABA KUNG ANO ANG TATLONG SAKRAMENTO?????

    ReplyDelete
  3. hmmm,alam nyu sa totoo lang ha?hindi ang mga tao ang gumagawa nang rebulto kundi ang panginoon lang ang nag utos nun, hindi para sambahin kundi isang simbolo lamang na mayron talagang dios?,Oo wala sa bibliya ang pope pero ang pope o pari ay isang taga pangalagad,sumbungan nang nga kasalanan, upang ang pari ay lumohod sa paa nang dios para ang ating mga kasalanan ay papatawarin nang dios, HINDI NYU NGA ALAM KUNG ANO ANG TATLONG SAKRAMENTO NA IBINILIN NANG DIOS SAATIN?MAKAKA SAGOT KABA KUNG ANO ANG TATLONG SAKRAMENTO?????

    ReplyDelete
  4. tatlong sakramento? bakit po sa katoliko pito?

    ReplyDelete