Thursday, September 12, 2013

Pare-pareho lang ba ang mga Bibliya?



September 4, 2013
SAGUTIN po natin ang tanong ni Calixto Talorete Ayuquitan ng Negros. Ganito po ang tanong niya, "Mr. Bibe si NOAH ba ay naligtas dahil sa PANINIWALA sa DIOS o dahil sa kaalaman niya sa BIBLIYA?"
Mr. Ayuquitan, mababasa po natin ang sagot sa Hebrews 11:7.
Ganito ang sabi ng talata, "Sa pamamagitan ng PANANAMPALATAYA ni Noah, noong bigyang babala tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, at sa banal na takot ay gumawa siya ng arko para iligtas ang kanyang pamilya."
IMPOSIBLENG MALIGTAS si Noah ng Bibliya dahil WALA PANG BIBLIYA noong panahon niya.
Sa katunayan, WALANG TAO ang NALIGTAS ng Bibliya mula kay Adan hanggang sa kahuli-hulihang Apostol na si John.
Ang Bibliya kasi ay NABUO BILANG LIBRO noong 393 AD at 398 AD sa dalawang konsilyo ng Iglesia Katolika, kahit pa UNANG SIGLO PA LANG ay KUMPLETO NA ang mga KASULATAN DOON.
Ang kaligtasan ay nasa PANINIWALA at PANANAMPALATAYA kay Kristo Hesus.
Sabi nga sa John 3:16, "Ganoon na lang ang pagmamahal ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang bugtong niyang Anak upang ang lahat ng sumampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan."
u u u
Pagbigyan natin itong request ng reader natin na si Timoteo Pablo na sagutin agad ang kanyang mga tanong.
Nag-react siya sa mga tanong ko noong Martes tungkol sa puno niya na si Eli Soriano at sa grupo nito.
Itinanong ko, "KAILAN BA LUMITAW si SORIANO? Kailan ba nabuo ang kanyang grupo na PABAGO-BAGO ng PANGALAN?"
Tila nagalit si Timoteo kaya ganito ang sinabi niya, "Napakalaking tanga lang ang magsasabi na pabago-bago ang pangalan ng iglesia ng Diyos."
Hindi ko lang alam kung nagbibiro itong tagasunod ni Eli Soriano o hindi niya alam na NAGBAGO na ang pangalan ng kanilang grupo.
Pero dahil imbes na sagutin niya ang mga tanong ko tungkol sa grupo nila ay sasagutin natin ang sarili nating tanong.
Noong simulan kong panoorin ang programa ni Soriano ay ipinakikilala nila ang kanilang grupo bilang "Iglesia ng Diyos kay Kristo Hesus: Haligi at Saligan ng Katotohanan."
Kamakailan ay IPINAGBAWAL ng Korte Suprema ang paggamit nina Soriano sa PANGALANG ito dahil KOPYA LANG ito sa samahan na PINANGGALINGAN ni Soriano.
Bago kasi itinatag ni Soriano ang kanyang samahan ay miyembro siya ng grupong "Iglesia ng Diyos kay Kristo Hesus, Haligi at Suhay ng Katotohanan."
Idinemanda siya ng mga dati niyang kasama at NATALO SIYA. Kaya ayun hindi na niya puwedeng gamitin ang pangalang KINOPYA NIYA.
Ngayon ang pangalan na ginagamit ng grupo ni Soriano ay "Iglesia ni YHWH at ni YHWSA HMSYH."
Ngayon nga ay tila nalilito ang grupo ni Soriano.
Sa kabila kasi na ang pangalan na nila ay "Iglesia ni YHWH at ni YHWSA HMSYH," ipinagpipilitan pa rin nila na ang "tunay" na pangalan ng iglesia nila ay "Iglesia ng Diyos kay Kristo Hesus."
Kung tama nga ang pagkaunawa ko ay naniniwala si Timoteo Pablo na "Iglesia ng Diyos" pa rin ang pangalan ng grupo nila.
u u u
Heto pa ang dagdag na text ng reader na nagpapakilalang Timoteo Pablo.
Sabi niya, "Paninira ba sa ICAR (Iglesia Catolica Apostolica Romana) ang sabihing kasal dito sina Carmina at Rustom? Paki sagot ASAP."
Sorry kung pupunahin ko ang panibago mong sinabi. Hindi kasi ‘yon ang itinext mo sa akin.
Ang sabi mo ay "’Di kasal si Carmina kay Rustom. WALANG BISA ang kasal ng ICAR."
Kung kasal man sila o hindi sa Iglesia Katolika ay walang deperensiya.
Ang paninira ay sabihin mong "walang bisa" ang kasal sa Iglesia Katolika.
Tama ba na husgahan mo ang iba nang ganun-ganun na lang? Mali ‘yon. At ‘yon ang paninira.
u u u
Ganito naman ang tanong ni Nielchris Anrada ng Tacurong, Sultan Kudarat, "Ako ay sarado Katoliko at mahilig ako bumasa ng Bibliya ngunit sa Saksi ni Jehovah ang gamit ko. Okay lang ba ‘yon?"
Sana puwede nating sabihin na pare-pareho lang ang mga Bibliya. Ang problema ay HINDI SILA PAREHO.
IBA-IBA ang pagkakasalin sa mga ito at marami rito ang LIHIS ang PAGKASALIN mula sa mga ORIHINAL na KASULATAN.
Mabuti sana kung hindi makakaapekto sa pag-iisip at paniniwala mo ang mga sinasabi ng bibliyang gamit mo.
Ang kaso ay kung mali ang pagkakasalin ng gamit mong Bibliya ay malamang na mali na rin ang magiging paniwala mo.
Kaya bilang kapwa Katoliko ay isa-suggest ko sa iyo na bumili ka ng Bibliya na MALAPIT ang SALIN sa ORIHINAL.
Ang mairerekomenda ko ay ang New American Bible na KUMPLETO dahil may DEUTEROCANONICALS at puno ng komentaryo na makakatulong para sa TAMANG PAG-UNAWA sa mga sinasabi ng Kasulatan.

No comments:

Post a Comment