Thursday, February 7, 2013

Roma 16:16 sino ang tinutukoy?

Agosto 14, 2003

BAGO ang lahat ipahintulot po ninyo na pasalamatan ko ang mga nag-text at nagbigay ng kanilang mga mensahe.

Unahin po natin si Chris SJ ng EP-Village, Taguig. Sabi niya, "More power to you C. Bibe and to your column."

Sabi ni Boboy Amante Aguinaldo ng Tigaon, Camarines Sur, "Salamat sa maayos at malinaw na paliwanag tungkol sa Pasko. (Aug. 6 issue)"

Ganito naman ang sabi ni Ed Diasco ng Proj. 4, QC, "I am amazed by the manner you answer critics of the Catholic Faith. You always explain in utmost clarity. GLORY TO GOD!"

Sabi naman ni Rosie Mateo ng Vito Cruz, Manila, "Ikaw ba si Cenon Bibe Jr? ‘Yang nasa larawan? Anong relihiyon mo? Mahusay ang paliwanag mo noong Aug. 5. (issue tungkol sa binyag ng bata)"

Salamat sa inyo, Chris, Bobby, Ed at Rosie. Ang panalangin ko ay dumami pa ang mga tulad ninyo na nakikinabang sa paglalahad natin ng KATOTOHANAN sa column na ito.

Pero ang kapurihan po ay hindi sa akin kundi sa DIYOS. PURIHIN ANG DIYOS!

Rosie, ako ay isang Katoliko Romano.

u u u

May komentaryo si Phay Timtiman ng Tanay, Rizal, kaugnay sa sabi ni John F. ng Talon, Las PiƱas, na ginagawa ko raw "bobo" ang mga tao kaya doon daw ako magtanong kay Eli Soriano.

Sabi ni Phay, "Lalong walang aral kay Bro. Eli kasi katay-katay ang style nila. Malayo sa topic at panahon. Inililigaw niya ang mga tao. Pilosopo pa siya."

Salamat naman at nag-text ka uli, Phay. Natutuwa ako na nariyan ka pa at sumusubaybay.

Sana ay patuloy na magamit ng Diyos ang column na ito para maihatid ang Kanyang mga aral at katotohanan.

u u u

Heto naman ang sabi ni Nilo ng FTI, Taguig, "Ang masasabi ko lang sa grupo ni Soriano eh magaling MAGMURA at MAGMAGALING. Tama po ba ako? Dapat ay magsiyasat din sila. Hoy gising!"

Nilo, mayroon tayong puwedeng gawin para matulungan ang ibang tao.

Ang una ay puwede nating ipakilala sa kanila ang column na ito sa TUMBOK at i-encourage sila na magtanong.

Puwede natin itong gawin sa pamamagitan ng pagbibigay ng kopya sa kanila o pagsasabi na puwede silang magtanong dito.

Sa ganoon ay TUMUTULONG tayo sa PAGPAPAHAYAG ng mga KATOTOHANAN ng Panginoon.

Hindi natin kailangang makipag-debate sa kanila o makipag-diskusyon. Ang KATOTOHANAN ang MAGPAPALAYA sa ating lahat.

Ang pangalawang paraan ay IPAGDASAL natin sila at hilingin sa Diyos na bigyan sila ng kaliwanagan.

Panalangin ang ating armas dahil ang kalaban natin ay mga "espiritu" rin.

Sabi nga sa Ephesians 6:12, "Ang ating pakikibaka ay hindi sa laman at dugo kundi laban sa mga namumuno, laban sa kapamahalaan at laban sa makapangyayarihan sa madilim na daigdig na ito at laban sa mga hukbong ESPIRITWAL ng kasamaan sa dako ng kalangitan."

Magsama-sama tayo laban sa HUKBO ng KADILIMAN na nagkalat na ngayon at NAGLILIGAW ng mga tao mula sa katotohanan.

u u u

May reaksyon si Miki P. ng Pasay City sa isinulat ko na ang Iglesia Katolika ang itinayo ni Kristo.

Ganito ang sabi niya, "Mr. Cenon, bakit di n’yo po subukan basahin ang Roma 16:16 kung totoong ang Katoliko ang itinayo ni Kristo? Basahin n’yo rin ang tungkol sa pagkain ng dugo?"

Para maganda ay basahin natin ang Roma 16:16. Eto ang sabi ng talata, "Magbatian kayo sa isa’t isa ng banal na halik. Ang lahat ng iglesiya ni Cristo ay bumabati sa inyo."

Pansinin natin, Miki, na may sinasabihan si Pablo sa talatang ito. Sabi niya, "magbatian KAYO ..." Sino ang "kayo" rito?

Kung titingnan natin, ang sulat ay para sa mga taga-ROMA o ROMANS.

Ayon kay Pablo, na ang mga ROMANO ay binabati ng LAHAT ng IGLESIA ni Kristo.

Anu-ano ‘yang mga "iglesia" na ‘yan? ‘Yan ang nasa Corinto, Efeso, Tesalonika, Galacia at iba pang iglesia ng Diyos na kalat sa mundo.

LAHAT ng mga iglesia ay BUMABATI sa mga taga-ROMA. Ito ay tanda ng malaki nilang paghanga sa mga ROMANO Kristiyano.

Kung titingnan natin ang lahat ng mga sulat sa Bagong Tipan, TANGING ang IGLESIA sa ROMA ang BINATI ng LAHAT NG IGLESIA ayon sa Roma 16:16 na binabanggit ni Miki.

Bakit Roma lang?

Ang dahilan ay nasa simula ng sulat ni Pablo. Sa Romans 1:8.

Ganito ang sinasabi rito, "Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa aking Diyos sa pamamagitan ni Hesu Kristo para sa inyong lahat dahil ang INYONG PANANAMPALATAYA ay IPINAHAHAYAG sa BUONG MUNDO."

Kaninong pananampalataya ang ipinahahayag sa buong mundo?

Eh di sa mga ROMANO. Napakalinaw, hindi ba Miki?

Sa salitang Griego, ang "buong mundo" ay nangangahulugan din ng salitang "KATOLIKOS" o CATHOLIC sa Ingles.

So, makikita natin sa Roma 1:8 na ang PANANAMPALATAYA pala ng mga ROMANO ay KATOLIKO.

Ngayon, kung ang pananampalataya ng mga Romano ang ipinapahayag sa buong mundo, ito ang HUWARAN o TINUTULARAN ng lahat ng iba pang iglesia.

At ‘yan ang dahilan kung bakit BINABATI sila ng LAHAT ng mga iglesia ni Kristo sa Roma 16:16.

Tama si Miki, mula sa Roma 16:16 ay makikita natin kung ano ang IGLESIANG ITINAYO ni Kristo. At ‘yan ay ang IGLESIA ROMANA na siya rin ay KATOLIKO.

Salamat sa pagpapakita mo ng bagay na ito, Miki.

‘Yung tungkol sa dugo ay sasagutin natin sa susunod.

2 comments:

  1. tanong ko lang,kung totoong IGLESIA KATOLIKA nga ang itinayo ni kristo,bakit naman hindi nakasulat sa biblia ang salitang IGLESIA KATOLIKA APOSTOLIKA ROMANA?buti pa pipino nasa biblia.at sigurado ka bang si kristo nga may ari ng iglesiang binabanggit sa roma 16:16?

    thank you.

    ReplyDelete
  2. so ikaw mismo ang nagsabi na mga romano ang binabati,,,hindi po bat nasulat sa biblya na magbatian kayu,,hindi batiin lng
    note:::: magbatian kayu ng banal na halik,,,,hide po batiin lng ang mga romano,,,,
    ang tunay na tinutukoy jan na kayu ehh yung mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo

    ReplyDelete