Tuesday, March 12, 2013

Bakit dapat umiwas sa mga palamura?

August 27, 2003


NAGKAROON kami ng palitan ng paliwanag ni AJ Reyes ng Cavite at napag-usapan namin ang tungkol sa pagsasabi ni Eliseo Soriano ng "gago," "ulol" at iba pang salita na masakit sa tenga.

Nag-react si AJ dahil palagi kong sinasabi na may mga "mangangaral" na PALAMURA.

Ang pakiramdam ko ay nasaktan si AJ dahil parang natutumbok ang mangangaral niyang si Soriano.

Naitanong tuloy ni AJ kung "Mura ba ang ‘gago?’" Liban pa roon, parang hindi rin niya matanggap na mura ang "ulol."

Hinamon niya ako na patunayan na "mura" ang "gago" at ang "ulol." Parang hindi talaga siya makapaniwala na MASAMA ang pagsasabi ng "GAGO" at "ULOL."

At para patunayan na mali ako, inutusan ako nitong tagasunod ni Soriano na "tumingin" ako sa dictionary at tingnan ko kung "mura" ang "gago" at "ulol."

Sa mga ordinaryong tao at Pilipino ay HINDI na KAILANGANG ipaliwanag na ang pagsasabi ng "gago" at "ulol" sa isa pang tao ay "pagmumura."

Pero dahil may mga tao na tulad ni Soriano at ni AJ na naniniwala na hindi ito pagmumura ay tutulungan nating maibsan ang ganitong PAGKABULAG.

u u u

Sagutin nga natin itong tanong ni AJ kung "mura" o isang uri ng pagmumura ang pagsasabi ng "gago," "ulol" at iba pang salitang paboritong bigkasin ng ilang mangangaral na KAILAN LANG LUMITAW.

Una sa lahat, ano ba itong "mura" o pagmumura?

Ang gamitin natin ay ang mismong definition na ibinigay sa akin ni AJ (na malamang ay kinuha rin niya sa grupo ni Soriano).

Sabi ni AJ, "Ang mura ay pinabababa mo ang kalagayan ng tao sa natural niyang katayuan."

Naiintindihan naman po siguro natin ang sabi ni AJ.

Pag PINABABA raw ang KALAGAYAN ng isang tao sa natural nitong katayuan ay "pagmumura" ito.

Ngayon, tingnan naman natin ang kahulugan ng "gago."

Ayon mismo kay AJ, ang "gago" ay "taong mahina ang utak."

Kung ganoon, ano ang ginagawa ng isang tao kung tatawagin niyang "gago" ang isa pang tao?

Una ay HUHUSGAHAN niya ang kapwa niya at sasabihin pa "mahina ang ulo."

Malamang ay HINDI siya TIYAK na "mahina nga ang ulo" ng sinasabihan niya ng "gago." Kaya malamang ay HINDI TOTOO na "mahina ang ulo" ng kanyang sinasabihan.

Ngayon, hindi ba PINABABABA niya ang NATURAL na KATAYUAN ng kanyang sinasabihan?

Kung ganoon, PAGMUMURA ang pagsasabi niya ng "GAGO."

Siguro naman ay maliwanag ‘yon. At maliwanag na mura rin ang "ulol" kapag ginamit nang ganoon.

Ang pagmumura ay lalong nagiging hayag o tuwiran kung ito ay ginagawa ng isang taong GALIT o kapag sinasabi lang ito dahil KAAWAY niya o KATUNGGALI ang sinasabihan.

Sa madaling salita, kaya siya tumatawag ng "gago" at "ulol" sa ibang tao ay hindi dahil may sapat siyang dahilan o batayan pero dahil lamang GALIT siya rito o ASAR dahil hindi ito sumasangayon sa kanya.

Pero paano kung sa tingin ng isang tao ay hindi masama o "mura" ang "gago" o "ulol?" Puwede na ba siyang tawaging "gago" o "ulol?"

Marahil ay puwede kung para lang MATAUHAN siya na MASAKIT at MASAMA ang pakiramdam ng tinatawag ng ganoong mga salita.

Ito ay sa hangad na GISINGIN siya at ITUWID ang kanyang pagkakamali.

Pero kung sakaling sa kabila ng alam na niyang MASAKIT, MASAMA at PAGMUMURA ang mga salitang "gago" at "ulol" ay igigiit pa niya na HINDI ITO "MURA," parang umamin na siya na "gago" nga siya.

Ipagdasal na lang natin ang taong ganito.

u u u

Ngayon, ang punto natin dito ay HINDI DAPAT MAGMURA ang isang tao.

Bakit? Ang pagmumura kasi o pagtawag ng "gago" o "ulol" o "tanga" sa ibang tao ay MALING PAGHUSGA at LABAG sa sinasabi ng Matthew 7:1.

Ang sabi ni Kristo sa talata ay "HUWAG kang HUHUSGA o ikaw man ay HUHUSGAHAN."

Sabi ko nga noon pa, hindi ipinagbabawal ang lahat ng uri ng paghusga. Pero sinasabi ko nga na iwasan natin ito dahil baka masanay tayo sa MALING PAGHUSGA.

Ano ba ang silbi ng salitang "gago," "ulol," at "tanga" kundi ang paghusga sa ating kapwa. Buti kung tama ang paghusga. Pero paano kung mali? Ito ay nagiging WALANG SAYSAY na SALITA.

‘Yan ang nakakatakot.

Bakit? Basahin natin ang sinasabi ng Matthew 12:35-37, "Ang mabuting tao ay nagdadala ng mabubuting bagay mula sa kabutihan niyang itinatago. At ang MASAMANG TAO ay nagdadala ng MASASAMANG bagay mula sa KASAMAAN na kanyang itinatago."

"Sinasabi ko sa inyo na ang mga tao ay kakailanganing MAGSULIT sa araw ng paghuhukom para sa BAWAT WALANG SAYSAY na salita na kanilang sinabi."

"Sa pamagitan ng inyong salita kayo ay pawawalang sala at sa pamamagitan ng inyong salita kayo ay KOKONDENAHIN."

Kaya ang pakiusap ko lang po ay HUWAG na tayong TUMULAD sa MASAMANG EHEMPLO ng ilang mangangaral sa ngayon. Ipapahamak lang nila kayo.

23 comments:

  1. tama naman mga paliwanag niya, may mga batayan si bro eli na di mapapa sinungalingan nabasa nya kase sa bibliya na ang pastor tulad ni maning ay gago, hayaan na natin xa dun natiyak na nya na totoo yun, pero tayo kung di tayo tiyak sa isang tao na naka gawa satin ng masama, wala tayo sa katwirana magsabi na gago, dun tayo nanghuhusga.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nagbasa, nag-interpret, Nagmura... ganyan ba ang sugo ng Diyos? wala sa konteksto. iba ang impression ng tanga sa panahon ni San Pablo sa konteksto at impression ng tanga kay Eli kasi may halong panglalait sa kapwa at walang sense of charity.

      Delete
    2. Sa tingin mo ba panglalait ang pagsasabi ng totoo?
      Ikaw lang naman ang nakararamdam niyan kasi nasanay tayong mga Pilipino sa malalambot na salita,
      Ako rin dati ganoon, pero ngayon hindi na,

      At saka iyong sinasabi mo na iba ang impresiyon ng tanga sa panahon ni Pablo, saan mo nakuha iyan?
      Sinabi mo lang siguro iyan para may masabi ka lang.

      Ang mali ang sabihan ng mabuti ang masama.
      Kawikaan 24:24

      Delete
    3. Sa tingin mo ba panglalait ang pagsasabi ng totoo?
      Ikaw lang naman ang nakararamdam niyan kasi nasanay tayong mga Pilipino sa malalambot na salita,
      Ako rin dati ganoon, pero ngayon hindi na,

      At saka iyong sinasabi mo na iba ang impresiyon ng tanga sa panahon ni Pablo, saan mo nakuha iyan?
      Sinabi mo lang siguro iyan para may masabi ka lang.

      Ang mali ang sabihan ng mabuti ang masama.
      Kawikaan 24:24

      Delete
  2. Hindi naman magiging mura ang gago pag sinasabi ito sa nauukulan nasa panitikang pilipino naman yan at nasa Diksyonaryong Pilipino ang salitang "gago" Sinasabi lng namn ito kapag gago talaga ang tao gago talaga.... Hindi namn natin maiiwasan na may mga ganyang tao eh... Nasanay ka ksi sa malumanay na salita kya hindi ka sumasang ayon... Gusto ksi nila sa mga mangangaral malumanay mag salita hindi ung may kabagsikan ksi nasa Biblia din yun eh na sumuway ng kabagsikan.... Tpos ung sinasabi mong tanga, at ulol ginagamit rin naman un sa Biblia ung salitang Tanga at ulol ahh.... Hindi namn mura yun sinsabi lng ung kalagayan ng tao.... Samakatuwid dpat ksi tayong mag salita ng totoo dpat kung may pinag-aralan tayo dpat ang salitain natin ung totoo masaktan ka matuwa ka yung totoo dpat ang sabihin mo.... Kaya maraming walang malay sa katotohanan nasa Biblia eh ksi ginagago sila mismo nga kanilang mga Mangangaral kya hanggang ngayon halos lahat ng tao wlang malay sa katotohanan.... Subukan mong makinig sa aral ni Brod Eli marami kang malalaman... Na hindi mo nalaman sa ibang mga mangangaral..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nagbabasa ka ba talaga ng biblia o nakikinig ka lang sa mga sinasabi ni Bro Eli?? Hindi mo ba alam na sinabi sa biblia...

      22 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan; at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca, ay mapapasa panganib sa Sanedrin; at ang sinomang magsabi, Ulol ka, ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy._Mateo 5:22

      Please huwag kayo mabulag sa bulaang mangangaral unless kaya ganyan ka mangatuwiran ay dahil palamura ka at gusto mo lang magmalinis kahit alam mo yung totoo pero naniniwala ako na binago na ng Panginoon ang pananaw mo🙂

      Delete
    2. Nagbabasa ka ba talaga ng biblia o nakikinig ka lang sa mga sinasabi ni Bro Eli?? Hindi mo ba alam na sinabi sa biblia...

      22 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan; at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca, ay mapapasa panganib sa Sanedrin; at ang sinomang magsabi, Ulol ka, ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy._Mateo 5:22

      Please huwag kayo mabulag sa bulaang mangangaral unless kaya ganyan ka mangatuwiran ay dahil palamura ka at gusto mo lang magmalinis kahit alam mo yung totoo pero naniniwala ako na binago na ng Panginoon ang pananaw mo🙂

      Delete
    3. Mateo 5:22

      22 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan; at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca, ay mapapasa panganib sa Sanedrin; at ang sinomang magsabi, Ulol ka, ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy.

      Delete
    4. Ang sinasabi na kapatid riyan,ang kapatid sa loob ng tunay na Iglesia, ang sumusunod sa utos, na siyang bawal sabihan niyan
      Mateo 12:50.



      Hindi mura ang "gago".
      Mayroon talagang 'gago'.
      Mga mahihina ang utak.

      E niloloko ka na ng puno mo tapos nagpapaloko ka pa rin ano ang tawag mo roon?
      Gago!

      Mahina ang utak, alam mo naman palang niloloko ka na nagpapaloko ka pa.

      E anong tawag sa taong sinasabing mura ang 'gago' e andaming patunay na hindi naman mura ang 'gago'
      Pero naniniwala pa ring mura ito?

      Gago!
      Mahina ang utak.

      Delete
  3. GAGO kasama yn s mga mura ayon s Google..
    Bobong lalaki ang ibigsabihin ng GAGO ayon s dictionary.
    Kpg ngsalita k ng GAGO o BOBO ibigsabihin ng salita k ng mura.
    Kung ang isang mangangaral ng Sabi ng GAGO o BOBO ibigsabihin mg salita cla mg MURA. kc nga ang word n GAGO ay kabilang s mga salitang MURA..
    Kahit na aayon Ito s taong pinagsabihan mo ng GAGO ngsalita k p din ng MURA. kc nga ang WORD NA GAGO AY MURA.

    kung s BIBLE my salitang GAGO MURA p din un.
    Ang nkasulat ksi s BIBLE ay walang kasinungalingan eh Anu nmn Kung minuta nya yon totoo nmn. BASTA BIBLE PURO KATOTOHANAN. Pg d nyo to maintindihan GAGO kau.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tanga,
      Ang "Gago"
      Ibig sabihin mahina ang utak (para sa babae).

      Ibig sabihin ginagamit ito para sa mga lalaking mahihina ang utak.
      Hindi ito mura kahit sa korte pa tayo magtuos,

      Sa paggamit na lang ang problema rito,

      Kung sasabihin kong
      "Gago si Ronald."
      E hindi naman gago si Ronald, ibig sabihin nagmumura ako, pero hindi iyong salitang 'gago' mismo ang nagmumura, dahil hindi naman mura iyon e.


      Ngayon kung sasabihin kong
      "Gago si Jay."
      E gago naman talaga si Jay,
      Nagmumura ba ako?
      Binababa ko ba si Jay?
      Mali ba ang gamit ko sa salitang 'gago' ? (dahil ang ibig sabihin ng gago ay lalaking mahina ang utak)


      Ang sagot sa tatlo "Hindi".

      Sinasabi ko lang naman na gago si Jay kasi mahina ang utak niya e totoo naman talaga, binababa ko ba siya?

      Ang mali ang sabihan mo na gago ang hindi naman gago,
      Kawikaan 24:24

      Delete
    2. Gago nga talaga mahina utak mo mura ba ang gago ginagamit nga sa school yan inaawit pa

      Delete
    3. Nagiging mali po ang kahit anong salita na iyong gagamitin kung ang pinapatungkulan ay hindi naman nararapat sabihan ng salita. Halimbawa, may magnanakaw, pag sinabihan nyo na mabait yung magnanakaw, mali po iyon, pero pag sinabihan mong magnanakaw yung talagang nagnakaw, nasa katuwiran ka po nun. Ang mali, sabihan ng masamang salita yung gumagawa ng mabuti. Ngaun, kung may pastor na ginagamit ang Dios para kumita siya at iniiba yung nakasulat sa bibliya para sa sarili nyang kabusugan, kahit sabihan mong gago, ulol, tanga, walang hiya,patay gutom eh hindi ka nagkakasala nun kasi tama yung pinapatungkulan mo. Dapat may ebidensya ka rin bago ka magsalita ng mga ganun para di ka magmukhang tanga rin.

      Delete
  4. Kapatid sa iglesia ang tinutukoy riyan,
    Nasa loob na ng iglesia,
    Napangaralan na,

    E kung totoo ang sinasabi mo nagmumura ka ba noon?
    Hindi kailanman lalabas na kapag nagsasabi ka ng totoo e nagmumura ka, sinasabi mo lang naman ang totoo hindi mo naman binababa.

    ReplyDelete
  5. Ano itatawag mo sa walang unawa kung ang Tanga, Bobo, at Gago ay pagmumura para sayo?

    ReplyDelete
  6. Yan salitang gago, ulol, napaka simple unawin. Bakit ipinapipilitan mura babasahin nalang ang kahulugan at ng maunawaan mabuti? Kong sabagay po parang sinabi mo sarili mo gago,ulol ka. Oppss wag ka po magalit ha, kasi parang mahina ang utak mo kasi ayaw mo intindihin ang mga kahulugan ng gago, ulol at may basihan po.

    ReplyDelete
  7. Mura ba ang Gago bobo mura ba gago ka nga talaga

    ReplyDelete
  8. This just doesn't make sense. Kung literal na bobo ang isang tao at sinabihan mo siyang bobo, pambababa ba 'yon? Kung sinabihan mo naman siyang matalino edi nagiging sarcastic ka lang. Which is which?

    ReplyDelete
  9. Saan mbbsa ang gago tanga ulol pls sa anong talata if verse to verse pp thanks

    ReplyDelete
  10. Bawal sa bibliya yung mga masakit na salita.sabtingin niyo lang.gago.ulol.at kung ano2 pa.Dios kaba isang pag hihintay yang mga Salita may example sa bibliya

    ReplyDelete
  11. Ano ba ang sinasabi ng budhi mo ayon sa mga mura na yan??? Kaya may hudhi tayo o konsensya para kung wala tayong kaalaman sa magandang balita o salita ng Diyos ay ito ang magtuturo sa atin ng tama at mali. Ngayon kapatid, anong sinasabi ng budhi mo kapag nagsalita ka ng mura? Yang mga sinabi sa taas ay mura yan, masakit pag pinagsabihan ka niyan, kayá?? MASAMA po ang sabihin ang mga words na yan. God bless kapatid! 😇💕

    ReplyDelete
  12. Ayon sa biblia, at turo ni Bro. Eli, ang gago, tanga ay salitang nglalarawan sa isang tao na mahina ang ulo. Yun talaga yun. At ang Ulol ay salita na baliw or haling. Ito ay depende sa sitwasyon. Lalo na si Bro Eli ay isang mangangaral, nagsasabi siya ng tanga kasi meron talagang mahina ang ulo na mali ang aral na itinuturo, lalo na't usapang pangkaligtasan ng kaluluwa, maraming tanga o sabihin na natin sa mas matinding kalagayan ay mga gago, sa pagtuturo ng mali at upang magkaroon ng sariling pkinabang. Pero sa ibang punto bagamat iyon ang depinisyon ng gago at tanga, hindi basta basta ng sasalita si kapatid na Eli sa isang simpleng tao ng tanga at gago, bagamat literal na gago at tanga. Dahil may respeto sya sa tao, gaano man ito kahamak or kababa, bagkus si Brod Eli ay may maamong kalooban. Hindi porke ginagamit ni Brod Eli ang ganoong paliwanag s pagkakataong yon, ay aplikable na niyang ginagawan ang ganun sa lahat. Kapag halimbawa sa simpleng sitwasyon, tama na mapagsalitaan mo sya ng tanga or gago dahil nagkamali, pero hindi sa araw araw, at habang galit na galit ka na at kinasanyan mo na ang pagsasalita ng ganito, para idegrade ang isang tao. Lalo na't kung ito ay taong kasakasama mo sa buhay. Dahil hahatulan ka naman sa bawat salita at ayon sa nasisiyasat ng Dios sa puso mo.

    ReplyDelete