Nobyembre, 10, 2002
NITONG mga nakaraang araw ay pinuna ko ang hindi magandang gawain ng paborito
kong mangangaral na si Bro. Eli Soriano ng Ang Dating Daan. Hindi ko na kasi
matiis ang mga kamalian na ipinangangaral niya.
Wala akong personal na galit kay Soriano at wala rin akong pakialam sa mga
aral na gusto niyang ituro tungkol sa kanyang relihiyon. Ang may paki ako ay ang
mga kasinungalingan niya laban sa mga Katoliko.
Isang kasinungalingan na ilang beses ko nang narinig mula sa nag-aapoy na
bunganga ni Bro. Eli ay ang sinasabi niyang "ipinagbibili" o "ikinakalakal" ng
Simbahang Katoliko ang mga sakramentong tulad ng binyag at kasal.
Kung si Soriano ay isang ordinaryong tao na mag-iisip ng ganito ay madali ko
pa siyang maiintindihan. Hindi naman kasi ugali ng mga pari na magpaliwanag sa
mga Katoliko kung ano ang nangyayari sa Simbahan.
Pero si Bro. Eli ay nagsasabing isa siyang "mangangaral" na "marunong" sa mga
bagay na tungkol sa Diyos at sa pananampalataya. Gusto niyang palabasin na alam
niya ang lahat ng kanyang sinasabi.
Sa isyu ng "pagbebenta" ng binyag o kasal, maaaring ang batayan ni Soriano ay
ang perang hinihingi ng mga pari o ibinibigay ng mga taong gustong magpabinyag o
magpakasal.
Totoong may ibinibigay na pera pero hindi 'yon bayad sa sakramento. Libre ang
sakramento. Ang perang ibinibigay ay walang iba kundi "abuloy" ng mga tao para
pantustos sa mga gastos sa Simbahan.
Kadalasan ay nilalagyan na ng katapat na halaga ang mga abuloy na ito para
magkaroon ng "standard" at para hindi na magtanong ang mga tao kung magkano ang
kanilang iaambag sa Iglesia.
Ang perang ibinibigay ng mga Katoliko ay ipinambabayad sa tulad ng kuryente
at suweldo ng mga tauhan na kumikilos para maging matagumpay ang pagdaraos ng
sakramento.
Kung walang pera ang isang tao ay hindi siya pipiliting magbigay. Bibinyagan
siya o ikakasal kahit wala siyang pera.
Ang problema ay may mga taong handang gumasta para sa handa pagkatapos ng
binyag o kasal pero galit sa pag-aambag sa Simbahan. Tama ba 'yon?
'Yan ang katotohanan at hindi ang sinasabi ni Bro. Eli.
Ngayon, kung ipipilit pa rin niya ang kanyang maling sinasabi sa kabila ng
ganitong paliwanag ay para na siyang aamin na isa siyang sinungaling at
manloloko.
Showing posts with label Ang Dating Daan. Show all posts

Thursday, November 3, 2011
Mahiya ka naman, Bro. Eli Soriano
Nobyembre 3, 2002
NARINIG na ba ninyong mangaral si Bro. Eli Soriano ng grupong “Ang Dating Daan?”
Ang galing niyang magsalita. Akala n’yo ay alam na alam niya ang kanyang mga sinasabi.
Kung magbalasa siya ng mga talata sa Bibliya ay maaari ninyong maisip ang isang “hustler” sa baraha na kahit na anong diskarte ang gawin ay palaging siya ang nakakakuha ng Alas.
Sa pagsasalita ni Soriano, siya ang palaging tama. Lahat ng iba ay “bobo,” “tanga” at “gago.” At ’yon ang kanyang bukambibig.
Kahit ako isang Katoliko, pinapanood at pinakikinggan ko si Bro. Eli. Natural lang naman kasi sa isang tao na maging “curious” sa paniniwala ng iba.
Ang sabi ko pa nga noon ay “nakakabilib” si Bro. Eli dahil marami siyang sinasabi.
Anyway, kung mga aral at paniniwala niya ang pag-uusapan ay hindi ko na siya kokontrahin. Hindi man ako umaayon sa halos lahat ng kanyang sinasabi ay wala na akong magagawa dahil paniniwala na niya ’yon.
Sa isang demokrasya, ang lahat ng tao ay puwedeng maniwala sa kung ano ang gusto niya basta’t hindi siya nakakaperwisyo ng iba.
Ang problema kay Bro. Eli ay parang hindi siya naniniwala na may karapatan ang ibang tao sa kanilang paniniwala. Ang masaklap pa niyan ay pinagmumukha niyang “tsismoso” at “mangmang” ang kanyang sarili sa iba niyang sinasabi.
Isang halimbawa ay mahilig siyang magsalita laban sa mga Katoliko. Kesyo ang mga Katoliko raw ay “nagbebenta” o “nangangalakal” ng Salita ng Diyos. Sinasabi niya na “sumasamba” ang mga Katoliko sa mga bagay na “gawa ng tao.”
Ang dami pa niyang sinasabi tungkol sa Katolisismo na para bang isa siyang “eksperto” rito.
Ang lakas ng loob niyang gumawa ng maling kuwento laban sa mga Katoliko at pilit niyang pinalilitaw na “katotohanan” ang mga ito.
Kung gusto ng isang tulad ni Bro. Eli na gumawa ng kuwento tungkol sa sarili niya ay okay lang. Pero ang magsalita siya tungkol sa Katolisismo na wala siyang alam ay nakakahiya.
Sana ma-realize niya ’yon dahil ang pakilala pa naman sa kanya ng kanyang mga tauhan ay isa siyang “pantas” o isang taong marunong.

Subscribe to:
Posts (Atom)