Tuesday, January 22, 2013
Pasko ano at kelan ba iyan?
NAKAKATABA ng puso ang text ng ilang readers natin tulad ni Martin Raymundo ng Vergara, Mandaluyong City. Sabi niya, "Maraming salamat. Lalong tumibay ang faith ko sa Diyos at sa Katoliko dahil sa column mo. God bless you."
Ganito naman ang sabi ni Brian ng Urdaneta City, Pangasinan, "Thank you very much for your column which I read wholeheartedly. You make my Catholic faith stronger against FRAUD BELIEFS."
Lubos-lubusin na natin at banggitin natin ang sabi ni Alen ng Bacoor. "Galing-galing mo Mr. B magpaliwanag. Gabayan ka pa sana ng Diyos Espiritu Santo. Ipagpatuloy mo lang. Katunayan inaabangan ko araw-araw ang column mo."
Salamat po sa inyo pero HIGIT sa LAHAT ay sa DIYOS po tayo magpasalamat dahil sa Kanya galing ang lahat ng nababasa ninyo.
Dalangin ko po na LUMAGO rin ang INYONG BUHAY sa PAGLAGO ng inyong PANANAMPALATAYA.
SA DIYOS ANG LAHAT NG PAPURI.
+ + +
MAAGA po ang Pasko para kay Greg Almonte ng Cubao, QC. Ganito kasi ang tanong niya, "Kailan ipinanganak si Jesus Christ? Totoo bang Dec. 25? Ano sa Tagalog ang Abiv?"
Ang Abiv na kilala rin bilang Nisan ay pangalan ng buwan sa Hebreo na tumutugma sa mga buwan ng Abril at Mayo.
Ano ba ang Pasko? ‘Yan ay galing sa salitang “pascua” sa Kastila, “pascha” sa Griyego, “pasha” sa Aramaico at “pesah” sa Hebreo. Ang ibig sabihin niyan ay ang “pagdaan sa ibabaw” o “passover” sa Ingles.
Ginugunita niyan ang pangyayari sa Exodus 12, kung saan nilagpasan ni Yahweh at ng "anghel ng kamatayan" ang bahay ng mga Israelita nang suyurin nila ang Egipto at “itumba” ang lahat ng panganay na lalaki roon. Naligtas ang mga Israelita dahil sa dugo ng kordero na ipinahid sa hamba ng kanilang pintuan.
Ang kordero o batang tupa na ito ay tinawag na “paschal lamb” na nagsisimbolo ng pagliligtas ng Diyos.
Sa mga Kristiyano, ang paschal lamb o kordero ay si Hesu Kristo. Sinabi nga ni Juan Bautista sa Juan 1:29, “Tunghayan n’yo ang Kordero ng Diyos na NAG-AALIS ng KASALANAN ng sanlibutan.”
Tuwing ika-25 ng Disyembre ay ginugunita natin ang kapanganakan ng “Kordero ng Pascua” na nagliligtas sa atin, partikular sa epekto ng kasalanan nina Eba at Adan o ng “original sin.” Dito nakuha ang salitang “Pasko.”
Ayan, malinaw na nasa Bibliya ang salitang “Pasko.” Malinaw din kung bakit tayo nagsasaya. Ginugunita kasi natin ang pagkakatawang tao ni Hesus na Siyang nagliligtas sa atin sa kamatayan at magbibigay sa atin ng buhay na walang hanggan.
Kung hindi ba naman tayo matutuwa riyan ay baka may “sira” na tayo.
Ngayon, Dec. 25 ba ipinanganak si Hesus? At nasa Bible ba ito?
Sa totoo lang, wala sa petsa ang problema kundi sa mismong tanong.
Bakit? Kasi naman, ang December, tulad ng iba pang buwan sa ating kalendaryo, ay hindi pa ginagamit noong panahong ipanganak si Kristo.
Ang ginagamit noon ay ang Hebrew calendar at dito tayo magsisimula.
Uugatin natin ang birthday ni Hesus ayon sa pahayag sa Ebanghelyo ni San Lucas kung saan inisa-isa ng Ebanghelista ang mga pangyayari bago ang kapanganakan ng Panginoon.
Sinimulan ni Lucas ang kuwento nang magpakita ang anghel na si Gabriel sa pari na si Zacarias habang ang huli ay nagsusunog ng insenso sa loob ng “Holy of Holies” o sanctuaryo ng templo ng mga Hudyo. (Lucas 1:5-20) Dito ay ipinahayag ni Gabriel na si Zacarias at ang asawa nitong si Elisabet ay magkakaanak at ang ito nga si Juan Bautista.
Ayon sa Bibliya, isang beses lang sa isang taon maaaring pumasok ang sinuman sa loob ng sanctuaryo at ito ay sa Day of Atonement ng mga Hudyo. Ayon sa Leviticus 16:29, ang araw na ito ay sa ika-10 araw sa ika-pitong buwan. Sa kalendaryo ng mga Hudyo ito ay pumapatak sa ika-10 ng buwan ng Tisri.
Nang mabuo ang Roman calendar na siyang ginagamit natin ngayon, natukoy ang katumbas na araw ng Tisri 10 sa Setyembre 20. Dito na natin susundan ang mga pangyayari.
Ang mga pari noon ay isang linggong nagsisilbi sa templo at sila ay umuuwi na. Sabi ng Bibliya, matapos nito ay “nagdalantao si Elisabet.” Pumapatak ito bandang Setyembre 25.
Sabi ng Bibliya sa Lucas 1:26, “Sa ikaanim na buwan (ng pagbubuntis ni Elisabet), ipinadala ng Diyos ang anghel na si Gabriel sa isang bayan ng Galilea na tinatawag na Nazareth, sa isang birhen na nakatakdang ikasal sa isang lalaki na ang pangalan ay Jose ng angkan ni David. Ang pangalan ng birhen ay Maria,” ang ina ni Hesus.
Ang pangyayaring ito ay tinatawag sa Iglesia Katolika na “The Annunciation” dahil dito inihayag ang magiging pagsilang ni Hesus, ang “Anak ng Kataas-taasan.” Ito ay sa pamamagitan ng paglukob ng Espiritu Santo kay Maria. (Lucas 1:31-35)
Kung bibilangin natin ang ikaanim na buwan ng pagdadalantao ni Elisabet simula sa Setyembre 25, papatak ang “Annunciation” sa Marso 25, ang unang araw ng pagbubuntis ni Maria.
Mula sa Marso 25 ay bibilang lang tayo ng siyam na buwan (ang panahon ng pagbubuntis ng isang babae) at matutukoy na natin ang araw ng kapanganakan ni Hesus. At ito ay sa Disyembre 25.
Ayan na ang sagot sa tanong mo, Greg.
Sunday, November 6, 2011
Pasko, selebrasyon ng mga pagano?
Disyembre 26, 2002
KUMUSTA ang inyong pagdiriwang ng Pasko?
Ano? Walang gaanong regalo at walang gaanong handa?
Medyo “tuyo” nga ano? Although mas okay sana kung marami tayong pera, regalo at tsibog nitong Christmas Day, kung tutuusin ay wala naman talaga sa mga ‘yan ang dahilan kung bakit tayo nagdiriwang ng Pasko.
Ang diwa ng Pasko ay makikita natin sa John 3:16. Sabi roon,
“Ganoon na lang ang pagmamahal ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na anak upang sino man ang maniwala sa Kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”
Ang ganda, hindi po ba?
SI HESUS ANG PASKO
Pero sa kabila nga ng kagandahang ito ng Pasko, maniniwala ba kayo na may mga tao na nagsasabi na ang Pasko ay “para sa mga pagano?”
Sa kolum ko noong Disyembre 24, ipinakita ko na ang Pasko ay nasa Bibliya. Ito ay tumutukoy kay Lord Jesus na siyang “Paschal Lamb” o Kordero ng Pascua na siyang nagliligtas ng kasalanan ng sanlibutan. Nakasulat ‘yan sa Juan 1:29.
Ang salitang Pasko ay galing sa “Pascua” na salitang Kastila. Kaya nga sinasabi ko na “Si Hesus ang Pasko.” At ang kumontra sa Pasko ay kumukontra kay Hesus.
Ipinakita ko rin kung paano mauugat ang petsang Disyembre 25 mula sa kuwento ng kapaskuhan ayon sa Ebanghelyo ni San Lucas.
Ngayon ay sasagutin ko ang pakulo ng mga kalaban ng Pasko na ito ay isang selebrasyon ng mga pagano.
PINALITAN?
Ang iginigiit ng mga anti-Christmas ay hindi daw matutukoy kung kailan talaga ipinanganak si Hesus. (Napatunayan na natin na nagkakamali sila.) Kaya nila ito sinasabi ay para bigyang dahilan ang haka-haka nila na ipinalit lang ang Pasko sa kaarawan ng “sun god” ng mga pagano.
Pinalitan lang daw ng Simbahang Katoliko ang “birthday” ng “sun god” at ang birthday ni Hesus ang inilagay. Sa puso at isip nitong mga kalaban ng Pasko, hindi raw kaarawan ni Hesus ang Pasko kundi kaarawan ng isang diyus-diyosan.
Nakikita ba ninyo ang logic nila? Porke nagkasabay ang isang selebrasyong Kristiyano sa isang selebrasyong pagano ay sinasabi nilang pagano na rin ito. Pinalalabas nila na kayang sapawan ng kaarawan ng isang diyus-diyosan ang “birthday” ni Hesus.
Napakahina naman yata ng pananampalataya nila sa Panginoon.
Hindi totoo ang sinasabi nila na “pinalitan” lang ng Simbahan ang selebrasyon ng mga pagano. Nagkataon lang na ang kaarawan ni Hesus ay napasabay sa paniniwala ng mga pagano. Pero eh ano naman? Si Hesus naman ang ipinagdiriwang natin at hindi ang diyos ng mga pagano.
NAGKATAON LANG
Nakakaawa lang itong mga kontra sa Pasko dahil ang naaalala nila tuwing Disyembre 25 ay isang diyus-diyosan at hindi ang Diyos na nagkatawang tao.
Liban sa patunay na naka-ugat sa Bibliya, isa pang dahilan kung bakit malinaw na nagkasabay lamang at hindi ginawang pampalit ang kaarawan ng Panginoon sa kaarawan ng isang diyus-diyosan ay ang mga sulat ng mga tao noong mga unang siglo.
Isa sa kanila si Cypriano na nagsabi na “sa araw kung kailan ipinanganak ang araw … ay isinilang din si Kristo.” Ibig sabihin ay nagkataong magkasabay at hindi isinabay o ipinalit.
Si Crysostomo, isang sinaunang Kristiyano ang nagsabi, “Ang ating Panginoon ay ipinanganak din sa buwan ng Disyembre, noong [Disyembre 25]”
TAGLAMIG DAW
Isa pang pangontra ng mga anti-Christmas sa pag-alala sa kaarawan ni Hesus ay ang pagsasabi na “imposible” na Disyembre ipinanganak si Kristo dahil ito ay buwan ng “winter” o taglamig sa Bethlehem.
Tinutukoy nila ang pangyayari sa Lucas 2:8-14 kung saan may mga pastol na “nagbabantay ng kanilang tupa sa parang.” Hindi raw ito puwedeng mangyari dahil hindi ilalabas ng mga pastol ang mga tupa dahil malamig ang panahon.
Parang sinasabi nila na “imposibleng” umulan kapag summer o tiyak na tiyak na malamig kapag taglamig. Sa lahat ng tao, tayong mga Pinoy ang nakakaalam na hindi magandang basehan ng bagay-bagay ang “panahon” o weather.
Hindi pa ba kayo nakaranas ng Disyembre na ubod ng init? O kaya ay panahon ng tag-ulan na walang pumatak na ulan?
PATUNAY NG BIBLIYA
Ngayon, paano natin nalalaman na maaliwalas ang panahon noong ipanganak si Hesus? Ito kasi ang sabi ng Bibliya. Sinabi ni Lucas na noong ipanganak si Hesus ay naroon sa parang ang mga pastol at ang kanilang tupa.
Hindi ba si Lucas din ang nagbibigay ng basehan para sa paniniwala na Disyembre 25 nga ang Pasko?
Ang tanong ngayon ay mapagkakatiwalaan ba natin si Lucas.
Kung naniniwala tayo sa Bibliya, “Dapat” tayong magtiwala. Mismong si Lucas ang nagsabi sa Lucas 1:3-4,
“Ipinasya ko, matapos kong IMBESTIGAHANG TUMPAK ang lahat, na isulat nang maayos ang mga pangyayari, O Teofilo, para malaman mo ang katiyakan ng mga aral na iyong natanggap.”
Ngayon, sino ang nagsasabi ng totoo? Si San Lucas at ang Bibliya o ang mga kaaway ng Pasko?
Kordero ng Diyos, nag-aalis ng kasalanan
Disyembre 24, 2002
ISANG tulog na lang Pasko na.
Teka, baka nga ang ilan ay hindi na matulog mamaya. Alas-10 pa lang ay nasa simbahan na para sa Misa at dire-diretso na sa bahay para sa noche buena.
Ano ba ang handa n’yo? Pakain naman.
Buti pa kung may fax kayo ay paki-fax na lang sa opisina ng TUMBOK. Hahaha. Ang saya-saya, ‘di ba?
At bakit naman kasi hindi sasaya? Birthday ni Jesus.
Pero tulad nga ng sinasabi ko sa inyo kahapon, may mga tao na ayaw maging masaya sa Pasko. Ang masaklap ay kinukumbinsi pa nila ang iba pang tao na kalimutan na ang Pasko dahil wala naman daw ito sa Bible.
Buweno, para hindi kayo naguguluhan, titingnan natin sa Bibliya ang Pasko.
‘PASKO’ SA BIBLIYA
Ano ba ang Pasko? ‘Yan ay galing sa salitang “pascua” sa Kastila, “pascha” sa Griyego, “pasha” sa Aramaico at “pesah” sa Hebreo. Ang ibig sabihin niyan ay ang “pagdaan sa ibabaw” o “passover” sa Ingles.
Ginugunita niyan ang pangyayari sa Exodus 12, kung saan nilagpasan ni Yahweh at ng anghel ng kamatayan ang bahay ng mga Israelita nang suyurin nila ang Egipto at “itumba” ang lahat ng panganay na lalaki roon. Naligtas ang mga Israelita dahil sa dugo ng kordero na ipinahid sa hamba ng kanilang pinto.
Ang kordero o batang tupa na ito ay tinawag na “paschal lamb” na nagsisimbolo ng pagliligtas ng Diyos.
Sa mga Kristiyano, ang paschal lamb o kordero ay si Kristo. Sinabi nga ni Juan Bautista sa Juan 1:29, “Tunghayan n’yo, ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.”
Tuwing ika-25 ng Disyembre ay ginugunita natin ang kapanganakan ng “Kordero ng Pascua” na nagliligtas sa atin, partikular sa epekto ng kasalanan nina Eba at Adan o ng “original sin.” Dito nakuha ang salitang “Pasko.”
Ayan, malinaw na nasa Bibliya ang salitang “Pasko.” Malinaw din kung bakit tayo nagsasaya. Ginugunita kasi natin ang pagkakatawang tao ni Hesus na Siyang nagliligtas sa atin sa kamatayan at magbibigay sa atin ng buhay na walang hanggan.
Kung hindi ba naman kayo matutuwa riyan ay baka may “sira” kayo.
DECEMBER 25 BA?
Ngayon, nasa Bible ba ang December 25?
Sa totoo lang, wala sa petsa ang problema kundi sa mismong tanong. Bakit? Kasi naman, ang December, tulad ng iba pang buwan sa ating kalendaryo, ay hindi pa ginagamit noong panahong ipanganak si Kristo.
Ang ginagamit noon ay ang Hebrew calendar at dito tayo magsisimula.
Uugatin natin ang birthday ni Hesus ayon sa pahayag sa Ebanghelyo ni San Lucas kung saan inisa-isa ng Ebanghelista ang mga pangyayari bago ang kapanganakan ng Panginoon.
Sinimulan ni Lucas ang kuwento nang magpakita ang anghel na si Gabriel sa pari na si Zacarias habang ang huli ay nagsusunog ng insenso sa loob ng “Holy of Holies” o sanctuaryo ng templo ng mga Hudyo. (Lucas 1:5-20) Dito ay ipinahayag ni Gabriel na si Zacarias at ang asawa nitong si Elisabet ay magkakaanak at ang ito nga si Juan Bautista.
Ayon sa Bibliya, isang beses lang sa isang taon maaaring pumasok ang sinuman sa loob ng sanctuaryo at ito ay sa Day of Atonement ng mga Hudyo. Ayon sa Leviticus 16:29, ang araw na ito ay sa ika-10 araw sa ika-pitong buwan. Sa kalendaryo ng mga Hudyo ito ay pumapatak sa ika-10 ng buwan ng Tisri.
NASA BIBLIYA NGA
Nang mabuo ang Roman calendar na siyang ginagamit natin ngayon, natukoy ang katumbas na araw ng Tisri 10 sa Setyembre 20. Dito na natin susundan ang mga pangyayari.
Ang mga pari noon ay isang linggong nagsisilbi sa templo at sila ay umuuwi na. Sabi ng Bibliya, matapos nito ay “nagdalantao si Elisabet.” Pumapatak ito bandang Setyembre 25.
“Sa ikaanim na buwan (ng pagbubuntis ni Elisabet), ipinadala ng Diyos ang anghel na si Gabriel sa isang bayan ng Galilea na tinatawag na Nazareth, sa isang birhen na nakatakdang ikasal sa isang lalaki na ang pangalan ay Jose ng angkan ni David. Ang pangalan ng birhen ay Maria,” ang ina ni Hesus.Sabi ng Bibliya sa Lucas 1:26, ang ina ni Hesus.
Ang pangyayaring ito ay tinatawag sa Simbahang Katoliko na “The Annunciation” dahil dito inihayag ang magiging pagsilang ni Hesus, ang “Anak ng Kataas-taasan.” Ito ay sa pamamagitan ng paglukob ng Espiritu Santo kay Maria. (Lucas 1:31-35)
Kung bibilangin natin ang ikaanim na buwan ng pagdadalantao ni Elisabet simula sa Setyembre 25, papatak ang “Annunciation” sa Marso 25, ang unang araw ng pagbubuntis ni Maria.
Mula sa Marso 25 ay bibilang lang tayo ng siyam na buwan (ang panahon ng pagbubuntis ng isang babae) at matutukoy na natin ang araw ng kapanganakan ni Hesus. At ito ay sa Disyembre 25.
Ngayon, matutukoy ba sa Bibliya ang Disyembre 25? Ayan, malinaw, hindi ba?
Sa mga susunod na araw ay tutumbukin naman natin ang sinasabi ng mga kaaway ng Pasko na ito ay isang pagdiriwang ng mga pagano.
Merry Christmas po sa inyong lahat.