August 30, 2003
SA PANAHON ngayon, dumarami ang mga religious groups na nagsasabi na ang
Panginoong Hesus ay TAO LANG at hindi Diyos.
Siyempre pa, ang basehan nila ay ang Bibliya kung saan nakasulat ang buhay at
kamatayan ni Hesus.
Ang sasabihin ng mga hindi naniniwala sa pagka-Diyos ni Kristo ay “Hindi siya
puwedeng maging Diyos dahil marami siyang ginawa na hindi puwedeng gawin ng
Diyos.”
Ang halimbawa nila ay ang pagkapanganak ni Hesus sa pamamagitan ni Maria.
Sunod ang mga karanasan Niya bilang tao.
Nagugutom daw ba ang Diyos? Ang sagot nila ay “Hindi.” Pagkatapos ay
babasahin nila ang Bibliya kung saan sinasabi na si Hesus ay nagutom at kumain
pa nga.
Ang Diyos daw ba ay namamatay? Siyempre sasabihin nila ay “Hindi.” Tapos ay
ipakikita nila sa Banal na Kasulatan na si Kristo ay naghirap, ipinako sa krus
at namatay.
Sa katunayan, mabubuklat nila ang buong Bibliya at mapapatunayan na maraming
katangian ang Panginoon na tanging sa tao at hindi sa Diyos. Dispuwes, sabi
nila, “tao lang talaga” Siya at hindi Diyos.
Ang problema lang sa argumentong ganito ay napapaghalata na talagang
napakalayo na nila sa panahon nina Hesus at ng mga sumulat ng Bibliya.
Patunay nga ito na WALA na silang KAUGNAYAN sa IGLESIA na ITINATAG ni Kristo
noong UNANG SIGLO.
Dahil dito ay NALILIGAW na sila sa pag-intindi sa mga laman ng Banal na
Kasulatan.
Ang hindi nila alam, ang isang layunin kung bakit isinulat ang New Testament
ay para patunayan nga na “NAGING TAO” si Hesus.
Noon kasing unang panahon ay mas kinilala si Kristo bilang “DIYOS LANG” dahil
sa mga himala at kababalaghan na Kanyang ipinakita noon.
Kayo ba naman ang magpalakad sa mga pilay, magsauli ng paningin sa mga bulag,
magpalayas ng mga demonyo, mag-utos sa bagyo na tumigil, bumuhay ng mga patay at
muling mabuhay matapos patayin sa krus ay kikilalanin din kayong Diyos.
At dahil Diyos nga si Kristo ay maraming tao ang ayaw nang maniwala na siya
ay naging tao. Marami na rin noon ang ayaw maniwala na IPINAKO Siya sa Krus
dahil "katitisuran" (stumbling block) nga raw ito.
Dahil sa maling paniniwala na si Hesus ay “Diyos lang,” kinailangan ng mga
ebanghelista at manunulat ng Bagong Tipan na patunayan na si Kristo ay naging
“TAO RIN.”
‘Yon ang dahilan kung bakit halos buong New Testament ay pilit na
nagpapatunay na Siya ay “NAGING TAO.”
Ang patotoo na Siya ay nagpakatao ay nakahalo sa mga patunay rin na Siya ay
nagpaka-Diyos habang narito sa lupa.
Pero kung Diyos Siya, bakit Niya sinabi na ang Ama ang “nag-iisang tunay na
Diyos” tulad ng sinasabi sa John 17:3.
Sabi sa talata, “Ngayon ito ang buhay na walang hanggan na makilala Ka nila
na nag-iisang tunay na Diyos …”
’Yan ang ipinagdidiinan nila. Ang Panginoon daw mismo ang nagsabi na ang Ama
ang “NAG-IISANG TUNAY NA DIYOS.” Ano pa raw ba ang dapat intindihin sa mga
simple at direktang salita na iyan?
Ang kaso po ay PUTOL ang binabanggit nilang talata.
Bahagi lang ng talata ang kanilang binabanggit. Hindi rin nila isinasama ang
BUONG DIWA ng BUONG KASULATAN.
Sa Bibliya o kahit na ano pang babasahin o literatura, ang isang talata ay
bahagi ng isang chapter o kapitulo at ang kapitulo ay bahagi ng buong aklat.
Sa katunayan, kung itutuloy lang ang John 17:3 at babasahin ang BUONG talata
ay ito ang sinasabi, “Ngayon ito ang buhay na walang hanggan na makilala Ka nila
na nag-iisang tunay na Diyos AT ANG IYONG SUGO SI HESU KRISTO.”
Hindi lang pala ang Ama ang dapat kilalanin kundi pati na rin si Hesu
Kristo.
Ngayon, ano ba ang PAGPAPAKILALA ng Ebanghelyo ni John kay Hesus?
Basahin natin ang pinaka-UNANG TALATA ng kanyang sinulat.
Ganito ang sinasabi ng John 1:1, "Sa pasimula ay naroon ang Salita, at ang
Salita ay kasama ng Diyos, at ang SALITA AY DIYOS."
Eh ano naman kung ang "SALITA AY DIYOS?"
Ang kahalagahan nito ay mababasa sa verse 14 kung saan sinasabi, "Ang SALITA
ay NAGKATAWANG TAO at gumawa ng kanyang tirahan sa gitna natin."
Sa susunod na talata ay idinideklara na "Nagpatotoo si Juan [Bautista]
kaugnay sa kanya. Sumisigaw siya at nagsasabi, ‘Ito siya na aking sinasabi: Ang
sumusunod sa akin ay HIGIT sa akin dahil siya ay NAUNA sa akin."
Malinaw na ang tinutukoy na "SALITA" sa mga talatang ito ay si HESUS. At kung
susundin natin ang sinasabi sa John 17:3 na kilalanin si Hesus ay kikilalanin
natin na Siya ay DIYOS.
Ang deperensiya kasi sa mga gumagamit ng Bibliya at nagsasabi na "tao lang"
si Hesus ay NAGKUKUNWARI lang sila na alam nila ang Bibliya.
Ang totoo ay HINDI NILA ALAM ang TUNAY NA DIWA ng Kasulatan dahil wala silang
kaugnayan sa mga nagsulat nito na mga MIYEMBRO ng Iglesia na itinatag ni Kristo
noong UNANG SIGLO.
Showing posts with label Hesus: Diyos ba?. Show all posts

Tuesday, March 12, 2013
Tuesday, May 8, 2012
Nagpakilala bang Diyos si Kristo?
Hunyo 26, 2003
MAGPAPASALAMAT lang ako sa mga nagti-text sa atin tulad ni Romy D. Pilongco ng Cagayan de Oro.
Si Romy ang nagbigay ng ideya na banggitin natin ang "hermeneutics" sa pagsagot natin ng mga tanong.
Mahalaga naman kasi ang "hermeneutics" lalo na sa pag-aaral ng mga nakasulat sa Bibliya dahil kaya nagiging magulo at naglalabu-labo ang paniniwala ng mga tao ay dahil kanya-kanya at sariling pang-unawa ang ginagamit nila sa pag intindi sa Banal na Kasulatan.
Salamat uli, Romy.
u u u
Itinatanong ni Edgardo Tan ng Lambayong Sultan Kudarat kung "Ano ang pangalan ni Hesus na pinagkunan ng translation ng mga Bible?"
Ganito natin maipakikita ang “development” ng pangalan ng Panginoon mula sa Hebreo papunta sa Ingles at Pilipino.
Sa Hebreo ay tinawag Siyang “Yâhuwshú`a.” Nang isalin ito sa Griego ay nagi itong “Iesous.”
Mapapansin na nagbago ang bigkas at spelling ng pangalan dahil walang tunog “sh” sa salitang Griego. Pero sa kabila nito ay tanggap na salin ang “Iesous.”
Mula sa Griego ay isinalin ang pangalan ng Panginoon na “Iesu.” Dito nanggaling ang salin sa Kastila na “Jesús” o “Jesucristo.”
Ang salin sa Kastila ay katulad ng sa Pranses at Aleman. At nang lumaon ay katulad na rin ng sa Ingles.
Ang kaibahan lang ay mas bigkas ang “J” sa Ingles at Aleman. Kaya ang bigkas ay “Jesus.”
Sana malinaw, Edgardo.
u u u
Ganito naman ang tanong ni Calixto Ayuquitan, “Tama lang ba na maniniwala ka lang kay JESUS ay ligtas ka na o kailangan din na may gagawin ka pa upang makamit ito?”
Para maligtas ang isang tao, kailangan munang maniwala at manampalataya siya kay Hesus. Kasunod nito ay ang pagpapabinyag sa ngalan Niya.
Pero hindi ito rito natatapos. Ganito kasi ang sabi sa James 2:14, “Ano ang silbi, mga kapatid, kung sasabihin ng isang tao na mayroon siyang pananampalataya pero wala naman siyang gawa? Maliligtas ba siya ng pananampalatayang ganoon?”
Sa verse 17 ay ganito ang dagdag na sabi, “Katulad niyon, ang pananampalataya kung walang gawa ay PATAY.”
Sa Matthew 7:21 ay ganito naman ang nasusulat, “Hindi lahat ng tatawag sa akin ng ‘Panginoon, Panginoon’ ay papasok sa kaharian ng langit, pero ‘yon lamang GUMAGAWA ng kalooban ng aking ama sa langit.”
Dito ay malinaw na hindi sapat ang paniniwala dahil kailangang magbunga ang pananampalataya.
u u u
Sagutin naman natin ang tanong ni David ng Olongapo City. Sabi niya, “Ano po ba ang pagpapakilala ni Jesus sa Kanyang sarili? Diyos ba?”
Mahalaga ang tanong mo, David. Salamat.
Pero bago ito, kailangan muna nating intindihin na maraming bahagi ng Banal na Kasulatan ay nasa anyo ng kuwento.
At tulad ng isang kuwento, may mga bahagi ito na kailangang bitinin muna hanggang sa mahayag ang dapat na mahayag. Halimbawa rito ang tatlong Ebanghelyo na Matthew, Mark at Luke.
Sa mga ito ay hindi tuwiran ang pagpapahayag ng tunay na persona ni Hesus.
Samantala, sa John ay mas tuwiran ang Kanyang pahayag tungkol sa Kanyang sarili.
Ngayon, kung babasahin natin ang Jn 4:26, 6:20; 8:24, 28 at 58; 13:19 at 18:5-6, 8 ay mababasa natin na ipinakikilala ni Hesus ang Kanyang sarili na "I Am" o "I Am he." Sa Pilipino ay "Ako nga."
Ang "I Am" ay direktang may kaugnayan sa pangalan ng Diyos na ipinahayag Niya sa Exodus 3:13-14.
Ganito ang sabi sa Exodus, "Sinabi ni Moises sa DIYOS, ‘Kung pupunta ako sa mga Israelita at sabihin sa kanila ‘Ipinadala ako ng Diyos ng inyong mga ama’ at tanungin nila ako ‘Ano ang kanyang pangalan?’ Ano ang isasagot ko sa kanila?"
"Sumagot ang Diyos kay Moises, ‘Ako ay Ako nga’ (sa Ingles, ‘I Am who I Am). Ito ang sasabihin mo sa mga Israelita: "Si Ako nga (I Am) ang nagpadala sa akin sa inyo."
Para sa ating mga hindi Israelita ay parang walang kaugnayan ang "I Am" ni Hesus sa aklat ng John sa "I Am" ng Diyos sa Exodus.
Pero para sa mga Israelita na nakarinig noon sa pagsasalita ni Hesus ay alam na alam at kitang-kita nila ang kaugnayan ng dalawa.
Kaya nga kung babasahin natin ang John 19:7 ay ganito ang akusasyon kay Hesus ng mga Hudyo, "Nagmatigas ang mga Hudyo, ‘Mayroon kaming batas at ayon dito kailangan niyang mamatay dahil sinabi niyang siya ay ANAK NG DIYOS."
Mas maiintindihan natin ito kapag binasa natin ang John 5:18 na ang sabi, "Dahil dito, tinangka siyang patayin ng mga Hudyo hindi lang dahil nilabag niya ang Sabbath kundi dahil tinawag niyang Ama ang Diyos at ginawang kapantay ang Diyos.
Liban pa rito ay marami pang talata sa Bibliya na idinideklara ang pagiging Diyos ni Kristo at kung gusto mo ay ipakikita ko ito sa mga susunod na labas ng Tumbok.
Maraming salamat uli sa mga nagti-text at sa mga magtatanong pa.

Labels:
Faith Only sapat na ba?,
Hesus: Ano ang pangalan?,
Hesus: Diyos (Mga Talata),
Hesus: Diyos ba?,
I AM
Subscribe to:
Posts (Atom)