Agosto 19, 2003
NAG-TEXT sa atin si Dario San Roque ng Zamboanga City. Ganito ang sabi niya,
"Gusto ko lang tanungin ang tungkol sa purgatoryo. Kasi sabi ng mga Protestant
wala raw salitang "purgatoryo" sa Bibliya."
Salamat sa text mo, Dario. Sa susunod na sabihin nila sa iyo ‘yon eh tanungin
mo kung saan mababasa ang mismong Bibliya sa Bibliya.
Kung hindi nila maipakita, tanungin mo kung dapat pa bang maniwala sa Bibliya
dahil HINDI NAMAN MABABASA ang BIBLIYA sa Bibliya.
u u u
Ganito naman ang sabi ni George Bianes ng 243 Pook Pag-Asa, "Ang paksa mo:
May kaibahan ba ang ‘diyus-diyosan’ sa mga imahen o rebulto? Wala at pareho
silang katampalasanan sa Diyos."
Hindi ko alam, George, kung saan mo nakuha ang sinabi mo pero paanong magigin
"katampalasanan" ang imahen o rebulto kung MISMONG DIYOS ay nagpagawa nito?
Basahin uli natin ang sabi ng Diyos sa Exodus 25:18, "At GUMAWA kayo ng
DALAWANG KERUBIN na BINAYO mula sa ginto para sa magkabilang dulo ng takip."
Ayan, George, nagpagawa ng imahen o rebulto ng KERUBIN ang Diyos. Ang ibig
bang sabihin ay binastos ng Diyos ang sarili Niya?
At kung tama ang paniniwala mo, maging ang Bibliya ay lalabas na bumastos sa
Diyos.
Basahin natin ang sabi ng 1 Kings 6:23, "Sa loob ng sanctuaryo ay GUMAWA siya
[si Haring Solomon ang tinutukoy rito] ng isa pares na KERUBIN."
Hindi lang REBULTO ng kerubin ang PINAGAWA ni Solomon. Ganito ang sabi sa
verse 29, "Sa mga pader sa paligid ng templo, sa loob at labas ng mga silid, ay
NAG-UKIT siya ng KERUBIN, PUNO NG PALMERA at mga BULAKLAK."
Makikita natin, George, na MAY KAIBAHAN ang mga diyus-diyosan sa mga REBULTO
at IMAHEN at HINDI SILA KATAMPALASANAN sa Diyos.
Sana ay may naibahagi akong kaalaman sa iyo.
u u u
Kaugnay ng mga imahen at rebulto, ganito naman ang sabi ni Fred Gabagat ng
Caloocan City, "Paano mo naman pasusubalian ang nakasulat sa Awit 115:4-8, Roma
1:25, Gawa 14:8-15, 17, 19; 1 Corinthians 12:2; at Apocalypse 9:20-24?"
Salamat sa text mo, Fred. At kung susuriin natin ang sinasabi ng mga talata
na binanggit mo, makikita natin na ang tinutukoy sa mga ito ay ang PAGSAMBA sa
mga DIYUS-DIYOSAN.
WALA sa mga ito ang NAGBABAWAL sa paggawa ng mga REBULTO o IMAHEN.
Ganito ang sinasabi sa Awit (Psalms) 115:4-8, "Pero ang mga DIYUS-DIYOSAN
nila ay pilak at ginto, gawa ng mga kamay ng tao."
"Mayroon silang mga bibig pero hindi nakakapagsalita; mata, pero hindi
nakakikita; mayroon silang mga tenga pero hindi nakaririnig; ilong, pero hindi
nakaaamoy ..."
"Ang mga gumagawa sa kanila ay matutulad sa kanila at ganoon din sa mga
NAGTITIWALA sa KANILA."
Paki pansin, Fred, na ang ang DINIDIYOS dito ay ang mga BAGAY na "PILAK at
GINTO."
Ang mga "gumagawa" sa kanila ay doon sa mismong bagay nagtitiwala. ‘Yan naman
kasi ang turing sa mga "diyus-diyosan."
Ganyan din ang sinasabi sa 1 Cor 12:2; Apoc 9:20-21.
Sa kabilang dako, ang mga IMAHEN at REBULTO ay HINDI DINIDIYOS. HINDI sa mga
ito NAGTITIWALA.
Ang mga ito ay NAGPAPAALALA lang. Ang PAGTITIWALA ay sa Diyos LANG
IBINIBIGAY.
WALANG BUHAY ang mga REBULTO at IMAHEN. Mahalaga lang sila dahil NAGPAPAALALA
sila sa Diyos at sa mga BAYANI ng Iglesia.
Kaugnay sa sinasabi ng Romans 1:25, HINDI PAMPALIT sa Diyos ang mga IMAHEN at
REBULTO. PAALALA lang sila.
Ang LUMIKHA pa rin ang TANGING PINUPURI.
Sa Acts 14:8-19, inakala ng mga tao sa Lystra na nagpakita bilang mga tao ang
mga diyos nila na sina Zeus at Hermes. Nagpakita kasi ng milagro sina Pablo at
Barnabas.
Kung ang iniisip mo, Fred, ay "sinasamba" ng mga Katoliko ang mga santo,
MALING PAG-AAKALA ‘yan.
HINDI SINASAMBA ang mga santo. Tulad nga ng sinabi ni Pablo naniniwala ang
mga Katoliko sa sinasabi sa Acts 14:15, "Bakit ninyo ginagawa ito? Kami man ay
TAO RIN na tulad ninyo."
WALA tayong mababasa o makikita sa aral Katolika na nagsasabi na DAPAT
ITURING na DIYOS ang mga santo.
MGA TAO RIN LANG sila. Si MARIA, si Pedro, si Pablo at lahat ng santo ay MGA
TAO LANG. HINDI SILA DINIDIYOS.
Kung TINITINGALA man sila ay dahil may sinasabi ang Bibliya na TULARAN
SILA.
Sinasabi ni Pablo sa 1 Cor 4:16, "Kaya nga ipinamamanhik ko sa inyo, TULARAN
NINYO AKO."
Sa Hebrews 6:12 sinabi ng Bibliya, "Hindi namin hangad na kayo ay maging
tamad kundi ang TUMULAD sa mga NAGMANA ng PANGAKO sa pamamagitan ng
pananampalataya at pagtitiyaga."
Sino ba ang itong mga NAGMANA na ng PANGAKO? Sila ang mga santo at santa na
naging MATAPAT at MATIYAGA sa PANANAMPALATAYA.
Ang mga santo, sa pangunguna ni Birheng Maria ay mga TUNAY NA HUWARAN at
DAPAT na TULARAN.
At kaya may mga REBULTO at IMAHEN ay para MAALALA natin ang kanilang mga
ginawa sa IKALULUWALHATI ng Diyos.
Showing posts with label Santo: Bakit may ganito?. Show all posts
Showing posts with label Santo: Bakit may ganito?. Show all posts
Thursday, February 7, 2013
Thursday, November 3, 2011
Kaya ba nating maging santo?
October 31, 2002
NANINIWALA ba kayo sa mga Santo? O noon ay naniwala kayo sa kanila pero ngayon ay hindi na?
Dangan naman kasi, sa sobrang showbiz na ng mundo ngayon eh kahit ang mga santo ay naintriga na rin.
Ano ba ang mga Santo? Mga diyos ba sila na may kapangyarihan na magbigay o magpatupad ng mga kahilingan?
Ito ba ang dahilan kun bakit marami ang nagtitiyagang mag-nobena at lumakad pa ng paluhod sa maraming simbahan para lang makahingi ng tulong sa kanila?
Maniniwala ba kayo kung sasabihin ko sa inyo na “mali” ang mga bagay na matagal na nating pinaniniwalaan tungkol sa mga santo?
Pero bago kayo pumulot ng bato para maibalibag sa akin ay ituloy muna ninyo ang pagbabasa.
Ang isang santo ay isang bayani.Siya ay bayani para kay Lord.
Sa totoo lang, lahat tayo ay mga “santo” pero may ilan sa atin na sobra-sobra ang nagawa para sa Panginoon na minabuti ng Simbahan na kilalanin ang kanilang kabayanihan.
Ang tawag sa pagkilala na ‘yan ay “canonization.”
Sa pagdedeklara na sila ay Santo, tinitiyak ng Simbahan na sila ay nasa Langit na at kapiling na ng Diyos.
Noong unang panahon, tanging mga “martyr” o ‘yung mga taong namatay para kay Hesus ang kinilalang mga “santo” o bayani para sa Panginoon.
Pero habang tumatagal ang panahon ay nakita ng mga church leaders na hindi lang sa kamatayan nakikita ang pagiging bayani ng isang Kristiyano. Nakikita rin ito sa kanilang buhay.
Mga diyos ba sila?
Hindi ‘po!
Mga tao rin sila tulad ko at tulad mo.
Kapag nagdarasal tayo at humihingi ng tulong sa kanila, tumutulong lang sila para ipagdasal ang kahilingan natin. Hindi sila ang gumagawa ng milagro para sa atin.
Si Lord pa rin ang gumagawa ng lahat.
Isang role talaga ng mga santo ay para maging ehemplo para sa atin. Ang sinasabi nila ay “nagawa na naming maging bayani para kay Kristo, kaya mo rin.”
Ano? Kaya mo?

Kailangan natin ng isang santo
October 8, 2002
NOONG isang araw ay idineklarang santo ni Pope John Paul II si Josemaria Escriva de Balaguer, ang ika-468 na tao na kanyang iniangat sa hanay ng mga “bayani ng pananampalataya.”
Si Escriva ay kinilala sa kanyang buhay at uri ng pamumuhay na nagbigay puri sa Diyos at nagbigay dangal sa kanyang kapwa tao.
Siya ang founder ng samahang Opus Dei na ang ibig sabihin sa Pilipino ay Gawain ng Diyos.
Ito ay isang organisasyon ng mga Katoliko na ang hangarin ay pagtibayin ang mga aral ng Simbahang Kristiyano at isabuhay ang mga ito.
Sa madaling salita, ang sinasabi ni Escriva sa samahang ito ay hindi lamang sa araw ng Linggo kristiyano ang isang kristiyano.
Dapat ay araw-araw siyang namumuhay at ginagabayan ng mga aral ni Kristo.
Isang magandang aral ng Opus Dei ay ang paniniwala na kahit na sino ka, ano man ang iyong trabaho, at ano man ang estado mo sa buhay ay puwede kang maging banal.
Hindi mo kailangang maging pari o madre. Ni hindi mo rin kailangang gawing bahay ang simbahan.
Para kay Escriva, ang mga pinaka-simpleng bagay ay puwedeng maging “expression” ng iyong paniniwala kaya puwedeng maging panalangin sa Diyos.
Ang ganda, ‘di ba?
Hindi kataka-taka na si Escriva ay kinilala bilang isang santo.
Ano ba kasi ang pagiging santo kundi ang pagiging isang tao na nakilala ang Diyos at namuhay na kalugod-lugod sa Diyos.
Isa siyang huwaran para sa lahat ng gustong maging mabuting Kristiyano.
Take note, tao rin siya at hindi Diyos. Hindi siya ginawang “diyos” kundi iniangat lang ni Simbahan para maging ehemplo para sa ating lahat.
Sana matutong tumingin sa kanila ang mga politiko at iba pang pinuno ng ating bansa.
Imbes kasi na kabanalan at kabutihan ang gawin ng ating mga public officials ay puro kalechehan ang kanilang inaatupag.
Sa lagay ng ating bansa, kailangan natin ang isang santong tulad ni Escriva.

Subscribe to:
Posts (Atom)