August 26, 2003
NAGPOPROTESTA si Christian Dy ng QC. Ganito ang sabi niya, "Mr. Cenon Bibe,
h’wag ka nang sumipi ng talata sa Bibliya dahil ‘di mo naman unawa. At sino ka
para mangaral?"
Nauunawaan ko ang sinasabi mo, Christian. Tiyak marami akong sinasabi na
hindi mo matanggap.
Ngayon, imbes na magprotesta ka bakit hindi mo sabihin kung ano sa palagay mo
ang tamang interpretasyon o unawa sa mga talatang sinasabi ko?
At dahil nabanggit mo na ang tungkol sa pag-unawa sa Banal na Kasulatan,
naitanong mo na ba sa sarili mo kung SINO ang MAY KARAPATANG UMUNAWA sa
BIBLIYA?
Hindi naman siguro lingid sa inyo na napakaraming tao ang gumagamit at
dumadampot ng talata sa Bibliya.
Akala ng mga gumagamit na ito sa Bibliya ay KANILA ang Banal na
Kasulatan.
Pero KANINO ba ANG BIBLIYA, partikular ang NEW TESTAMENT?
SINO ang MAY KARAPATAN at NASA LUGAR para UMUNAWA sa mga nakasulat dito?
u u u
Ang Banal na Kasulatan, partikular ang New Testament, ay PAG-AARI ng
Iglesiang ITINATAG ni Kristo noon pang UNANG SIGLO.
Paano natin ito nasabi?
Sa simpleng pagtingin sa mga aklat at sulat sa Bibliya ay makikita natin na
ang mga ito ay GINAWA para sa Iglesia na nasa iba’t-ibang lugar.
Halimbawa, sabi sa Romans 1:8, "Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa aking
Diyos sa pamamagitan ni Hesu Kristo para sa INYONG LAHAT, dahil ang inyong
pananampalataya ay ipihapahayag sa buong mundo."
Ang "inyong lahat" ay tumutukoy sa mga miyembro ng Iglesia na nasa Roma. Ibig
sabihin, ang sulat sa mga taga-Roma ay sa IGLESIA.
Ganito naman ang sabi sa 1 Corinthians 1:1-2, "Si Pablo, tinawag para maging
apostol ni Kristo Hesus sa kalooban ng Diyos, at si Sosthenes ang ating kapatid,
SA IGLESIA NG DIYOS na NASA CORINTH ... at sa nasa LAHAT ng dako na tumatawag sa
ngalan ng ating Panginoong Hesu Kristo bilang Panginoon."
Ang ganitong pagbati ay nauulit sa iba pang aklat at sulat sa Banal na
Kasulatan. Patunay lang na MAYROONG NAGMA-MAY-ARI ng mga ito. At ITO NGA ang
IGLESIANG ITINATAG NOON PANG UNANG SIGLO.
Ang tanong ngayon ay ALIN sa mga grupo NGAYON ang IGLESIANG ITINATAG ni
Kristo?
Simple lang. Ito ang Iglesia na matutukoy pabalik kay Kristo, sa mga Apostol.
At ‘yan ay wala nang iba kundi ang IGLESIA KATOLIKA.
Ibig sabihin, ang Bibliya at ang Banal na Kasulatan, partikular ang New
Testament ay PAGMA-MAY-ARI ng IGLESIA KATOLIKA, ang IGLESIANG ITINATAG NI
KRISTO.
u u u
May pruweba ba tayong maipapakita na ang mga Kasulatan ay pag-aari ng Iglesia
Katolika?
Isa-isahin natin.
Una, IISA ang ITINATAG o ITINAYO na Iglesia ng Panginoong Hesus. ‘Yan ay ayon
sa Matthew 16:18.
Sinabi ni Hesus sa talata, "At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa
ibabaw ng batong ito ay itatatag ko ang AKING IGLESIA."
Hindi sinabi ng Panginoon na "mga iglesia."
Pangalawa, tulad ng nabanggit ko na, ang mga sulat at aklat ay ipinadala at
ipinatungkol sa iba’t-ibang bahagi ng Iglesia na nasa ibang lugar.
Pero kahit pa marami at hiwa-hiwalay ang mga bahagi ng Iglesia na ito, ang
mga ito ay IISA kay Kristo.
Sabi nga sa Romans 12:5, "Kay Kristo, tayo na MARAMI ay BUMUBUO ng ISANG
KATAWAN, at ang bawat isang miyembro ay bahagi ng bawat isa pa."
Dahil diyan ay nagawa ng Iglesia na nasa iba’t-ibang lugar na ibigay rin at
ipasa sa ibang miyembro ang mga sulat o aklat na kanilang natanggap.
Pagdating ng bandang 390 A.D. ay nagkaroon ng kontrobersiya kung alin-alin sa
mga kasulatan na nagkalat noon ang galing sa Diyos o "INSPIRED."
Noon kasi ay MARAMI nang iba’t-ibang kasulatan na nagkalat. Liban sa mga
Kasulatan na kasama na ngayon sa New Testament ay may 300 iba pang sulat na
NAGKUNWARI noon na "inspired."
Kaya noong 393 A.D. sa Council of Hippo at 398 A.D. sa Council of Carthage ay
IGINIIT ng Iglesia Katolika ang pagma-may-ari nito sa mga Kasulatan.
Sa dalawang konsilyo na ito ng IGLESIA KATOLIKA ay KINILALA ng Kawan ni
Kristo ang mga Kasulatan na KANILA at HINDI KANILA.
Dito nga ay PORMAL na idineklara na BANAL at GALING sa Diyos ang 46 aklat sa
Old Testament at 27 aklat sa New Testament.
Kung hindi pag-aari ng Iglesia Katolika ang mga Kasulatan, partikular ang
nasa New Testament, ano ang karapatan nitong ideklara na "inspired" o "hindi
inspired" ang mga ito?
Sa katunayan, ang deklarasyon ng Iglesia Katolika sa New Testament ay TANGGAP
ng mga Protestante at iba pang grupo.
Ngayon, ang nangyayari ay NAKIKIBASA at NANGHIHIRAM na lang ng Kasulatan ang
mga BAGONG SULPOT na mangangaral ay NAGMAMAGALING pa sila.
Kaya babalik tayo sa tanong kung SINO ang may KARAPATANG MAG-INTERPRET ng
Bibliya. Kaninong pagkakaunawa rin ang TAMA?
Hindi ba ang may karapatan ay ang MAY-ARI na siya ngang IGLESIA KATOLIKA?
Kaya ito lang ang masasabi ko kay Christian: Ako ay miyembro ng Iglesiang
MAY-ARI ng mga Kasulatan kaya may KARAPATAN akong magsalita tungkol dito.
Ikaw, Christian, Katoliko ka rin ba? At masasabi mo bang may "K" ka rin?
Showing posts with label Bible: Paano nabuo?. Show all posts

Tuesday, March 12, 2013
Kanino ang Bibliya at sino ang may ‘K’ dito?
Tuesday, January 22, 2013
Deuterocanonica o Apocrypha?
AGOSTO 10, 2003
PINAG-UUSAPAN natin ang ginawang PAGBAWAS ng mga Protestante sa ilang aklat na tinanggap ng Iglesiang Kristiyano mula sa Panginoong Hesus at sa mga Apostol.
Kaugnay nito ay nag-text sa atin si AJ Reyes ng Cavite at ang reader natin na nagpapakilalang si "Timoteo Pablo" ng Quezon City.
Ang napansin ko sa mga text nila ay ginamit nila ang salitang "apocrypha" sa pagtukoy nila sa 7 aklat na INALIS ng mga Protestante at ngayon ay INALIS na rin ng marami pang ibang grupo.
Nahalata ko na NAISAKSAK na sa kanilang mga isip ang salitang "apocrypha" dahil paulit-ulit pa rin nila itong ginamit sa kabila ng paliwanag ko na "deuterocanonica" ang TAMANG tawag sa mga aklat na KASAMA sa Kasulatan na GINAMIT ni Hesus at ng mga Apostol.
Naitanong pa ni Timoteo Pablo, "Hindi ba pareho lang ang mga ito?"
Ang sagot ay PAREHO ang mga tinutukoy na aklat pero MAGKA-IBA ang ibig sabihin ng "apocrypha" at ng salitang "deuterocanonica." At kung hindi tayo mag-iingat ay MAGKAKAMALI tayo ng pag-unawa sa mga ito.
Paano sila nagkaiba?
Ang "apocrypha" ang ginagamit na salita ng mga taong KAKUNTSABA sa PAGBAWAS ng mga aklat mula sa KUMPLETONG Kasulatan.
Ang ibig sabihin kasi ng "apocrypha" ay "hidden" o "natatago."
Sa paggamit nila nito ay gustong palabasin ng mga NAGBAWAS sa Kasulatan na "palihim" o "sikretong isiningit" ng mga Katoliko ang 7 aklat na kasama sa KUMPLETONG Old Testament.
Dahil diyan ay doble ang nakikita kong KAMALIAN sa paggamit ng salitang "apocrypha."
Una ay SILA ang NAGBAWAS sa mga aklat na KINILALA at TINANGGAP ng mga Kristiyano sa loob ng 1,400 hanggang 1,500 taon, tapos ay ang mga Katoliko ang pagbibintangan nila na "nagtago" ang mga ito.
Pangalawa, matapos nilang BAWASIN ang 7 aklat na ito ay PAGBIBINTANGAN nila ang mga Katoliko na NAGDAGDAG o NAGSINGIT ng mga ito sa Bibliya.
Sa palagay ko ay HINDI MAKATARUNGAN ang bagay na ginawa nilang ito. At sa tuwing gagamitin nila ang salitang "apocrypha" ay INUULIT at IGINIGIIT nila ang dalawang malaking PAGKAKAMALI na iyan.
Sabagay, marami naman silang sinasabi at IBINIBINTANG laban sa mga Katoliko na MALI naman.
Nariyan ang pagbintangan ang mga Katoliko na NAGPAPABAYAD sa BINYAG at KASAL, SUMASAMBA raw ang Katoliko sa mga rebulto, na HUMIHINGI ng TULONG sa mga PATAY (kina Maria at mga santo) at marami pang ibang KASINUNGALINGAN.
Diyan ay nagkakatotoo ang sabi ni Hesus sa John 15:20, "Tandaan ninyo ang mga salita sinabi ko sa inyo: Walang alipin na higit sa kanyang panginoon. Kung INUSIG nila ako, kayo man ay UUSIGIN nila."
Paano ba inusig ang Panginoon? Ganito ang sabi ng Matthew 26:59, "Ang mga punong saserdote at buong Sanhedrin ay NAGHANAP ng HUWAD na PATOTOO laban kay Hesus para maipapatay nila siya."
Ngayon, hindi ba HUWAD na PATOTOO ang ginagawa ng mga BUMABATIKOS sa mga Katoliko sa ngayon?
Isa na nga riyan ang paggamit ng salitang "apocrypha" para palabasin na NAGDAGDAG ng Iglesia Katolika ng mga aklat sa Bibliya. Ang KATOTOHANAN naman ay sila ang NAGBAWAS dito.
Hindi lang iyon. Katakot-takot pa na pang-iinsulto at panlalait ang inaabot ng mga Katoliko nang dahil sa kanilang pananampalataya.
Pero sinasabi ni Kristo na hindi dapat masiraan ng loob ang mga alagad niya na INUUSIG.
Ganito ang sabi sa Mt 5:11, "PINAGPALA KAYO kung INIINSULTO at INUUSIG kayo at PINAGBIBINTANGAN ng kung anu-anong KAMALIAN nang dahil sa akin."
Ipinaliwanag ng Panginoon kung bakit may mga taong gumagawa ng ganito. Sabi niya sa Mt 15:19, "Dahil mula sa puso ay lumalabas ang MASASAMANG PAG-IISIP, pagpatay, pakikiapid, pangangalunya, pagnanakaw, HUWAD NA PATOTOO at PANINIRANG PURI."
Ngayon, ano ba ang tawag sa mga aklat na DATI nang TANGGAP ng Iglesiang Kristiyano pero BINAWAS ng mga Protestante?
Ang tawag sa mga ito ay "DEUTEROCANONICA" o "DEUTEROCANONICALS" sa Ingles.
Ang ibig sabihin ng "Deuterocanonica" ay "dalawang beses idineklarang galing sa Diyos." Ang kahulugan kasi ng "deutero" ay "dalawa" at ang "canonica" ay "batayan ayon sa ‘hininga’ o inspirasyon ng Diyos."
Bakit kailangang dalawang beses ideklarang galing sa Diyos ang mga kasulatan na ito?
Ganito ang dahilan. Noon pa man na unang MABUO ang Bibliya sa Council of Hippo (393 A.D.) at Council of Carthage (397 A.D.) ay IDINEKLARA nang "inspired" o "galing sa Diyos" ang 7 aklat na ito.
Ibig sabihin, noon pa man ay "INSPIRED" na ang mga ito.
Noong LUMITAW ang mga Protestante ay GUMAWA sila ng kontrobersiya laban sa mga aklat na ito at KINUWESTIYON ang pagiging "inspired" nila. At marami silang NAILIGAW ng paniniwala.
Dahil dito, kinailangang ideklara uli sa PANGALAWANG BESES ng Iglesia Katolika sa Council of Trent noong 1546 na "INSPIRED" nga ang mga aklat na ito.
Ito ang dahilan kung bakit "deuterocanonical" ang tawag sa kanila.
Ibig sabihin ay PINANINDIGAN ng Iglesia ang GINAWA ni Hesus at ng mga Apostol na PAGTANGGAP at PAGGAMIT sa mga aklat na kasama sa SEPTUAGINT o ang Kasulatan na nasulat sa Griego.
So, ano ba ang Bibliya na hawak ninyo? Ang Bibliya na BINAWASAN at MINALI o ang Bibliya na KUMPLETO at PINANINDIGAN ng mga tagasunod ni Kristo?

Labels:
Apocrypha,
Bible: Binawasan,
Bible: Dinagdagan ng Katoliko?,
Bible: Paano nabuo?,
Deuterocanonica,
Paninirang Puri
Ano ang Kasulatan na ginamit ni Hesus?
AGOSTO 4, 2003
KATULOY ito ng pagtalakay natin sa kung paano BINAWASAN ng mga BAGONG LITAW na mga mangangaral (daw) ang Bibliya na IBINIGAY ng DIYOS sa MGA KRISTIYANO.
Kahapon ay inilahad natin ang KASAYSAYAN kung paano NABUO ang OLD TESTAMENT.
Sinabi natin ang SITWASYON o KALAGAYAN ng mga kasulatan noong panahon ni Hesus. Una, sinabi natin na WALA PANG BIBLIYA noon.
Inilahad din natin na WALA rin noong OPISYAL na LISTAHAN ng mga tinatanggap o kinikilalang mga aklat.
Ang mga Kasulatan ay hiwa-hiwalay at nasusulat sa mga "scroll" o "kalatas."
Hindi lang ang mga Kasulatan ang hiwa-hiwalay noon. HIWA-HIWALAY rin ang mga Hudyo. Ang mga Hudyo sa labas ng Herusalem at Israel ay naroon sa tinawag na DIASPORA na ang ibig sabihin ay PINAGKALATAN dahil dito "ikinalat" ang mga Hudyo.
Ang ginamit na salita noon sa mga DIASPORA ay GRIEGO. Dahil dito dumating ang panahon na MAS MARAMI nang Hudyo ang HINDI na MARUNONG ng Hebreo.
Para mabasa pa rin nila ang mga Kasulatan, ISINALIN sa GRIEGO ang mga Kasulatan na nasa Hebreo.
Ang SALIN na ito ay TINAWAG na "SEPTUAGINT," o "SETENTA" dahil 70 dalubhasa ang nagsalin nito mula sa Hebreo.
Nagkaroon ng DALAWANG VERSION ng Kasulatan: ang nasusulat sa HEBREO at ang nasusulat sa GRIEGO.
Si Hesus at ang mga unang Kristiyano ay pamilyar sa Kasulatan sa Hebreo at sa Griego.
Pero dahil karamihan ng mga naunang Kristiyano ay mula sa mga DIASPORA, GRIEGO ang ginamit ng mga Apostol sa pagpapahayag "sa SULAT man o sa SALITA."
At dahil Griego ang gamit sa pagpapahayag ng Ebanghelyo, ang ginamit na Kasulatan ng mga unang Kristiyano ay ang SEPTUAGINT.
Sa madaling salita, ang SEPTUAGINT ang KABUOHAN ng Kasulatan na TINANGGAP at GINAMIT ng mga unang Kristiyano. Paglaon, ito ang naging batayan ng OLD TESTAMENT.
Nagalit ang mga Hudyo dahil ginagamit ng mga tagasunod ni Hesus ang kanilang mga aklat. Kaya noong 100 A.D. sa lungsod ng JAMNIA ay nagdeklara ang mga Hudyo ng mga aklat na PARA LANG SA MGA HUDYO.
ITINAKWIL ng mga Hudyo ang SEPTUAGINT na KINILALA naman ng mga Kristiyano bilang GALING SA DIYOS.
Nagkaroon ng dalawang set ng KASULATAN: ang TANAK ng mga Hudyo at ang SEPTUAGINT ng mga Kristiyano.
Ang iniwan kong tanong kahapon ay "Ano ang kahalagahan ng dalawang ‘version’" ng Kasulatang ito?
Heto ang sagot.
+ + +
Ang SEPTUAGINT ay may 46 Kasulatan. Samantala, ang aklat ng mga Hudyo ay mayroon lamang 39 aklat (Ito ay ayon na sa pagkakahati-hati ng mga Protestante).
Ibig lang sabihin nito ay MAS MARAMING aklat at kasulatan ang mga Kristiyano kaysa mga Hudyo.
Nang lumaganap ang Kristiyanismo, lumaganap din ang paggamit sa SEPTUAGINT at SA LOOB ng 1,400 hanggang 1,500 taon ay KINILALA ng LAHAT ng Kristiyano ang mga laman ng SEPTUAGINT.
Patunay na MAS KINILALA ng Panginoong Hesus at ng mga Apostol ang SEPTUAGINT ay ITO ANG GINAMIT nila nang mag-quote sila mula sa Lumang Tipan.
Sa lahat-lahat, higit sa 300 quotations ang KINUHA ni Hesus at ng mga Apostol MULA SA SEPTUAGINT.
Uulitin ko lang, sa SEPTUAGINT sila KUMUHA ng talata at HINDI sa HEBREO.
Ito ay TANDA na KINILALA ni Hesus at ng mga Apostol na GALING sa Diyos ang SEPTUAGINT.
Dahil nga si Hesus at ang mga Apostol na ang KUMILALA sa SEPTUAGINT ay KINILALA na ito ng IGLESIA na ITINATAG ni Kristo.
Ang SEPTUAGINT ang tinutukoy ni Pablo sa 2 Timothy 3:16 na "Ang LAHAT ng KASULATAN ay HININGAHAN ng Diyos at kapakipakinabang sa pagtuturo, pagsansala, pagtutuwid at pagsasanay sa katuwiran."
Kaya mula pa noong panahon ni Kristo at ng mga Apostol ay 45 na ang kasama sa Kasulatan na kinikilala natin ngayon bilang "Old Testament."
Sa loob ng 1,400 hanggang 1,500 taon ay ito ang kinilalang Old Testament ng mga KRISTIYANO.
Pero nang LUMITAW ang mga mangangaral na Protestante ay BINAWASAN nila ang Bibliya. Ang sinunod nila ay ang VERSION ng mga Hudyo.
Kung paanong ITINAKWIL ng mga HUDYO ang mga Kasulatan na KINILALA nina Hesus at ng mga Apostol, ay GANOON DIN ito ITINAKWIL ng mga PROTESTANTE.
Ngayon nga ay MARAMI na ang SUMUNOD sa PAGTAKWIL sa mga Kasulatan na TINANGGAP ni Hesus at ng IGLESIA NA ITINATAG Niya.
Kaya ISA NA NAMAN ITONG TANDA kung kayo ay NASA IGLESIANG ITINATAG ni Kristo.
Pero in fairness, MARAMI ang HINDI ALAM na ganito ang mga pangyayari. NALINLANG lang sila.
Sila ay PINAPANIWALA na may DAGDAG ang Bibliya ng mga Katoliko. Ang hindi nila alam ay may BAWAS ang Bibliya nila.
Kaya kung KULANG ang Bibliyang gamit ninyo sa ngayon ay mag-isip kayo. Tanda ‘yan na MALI ang TINANGGAP ninyong Bibliya.

Bibliya biktima rin ng dagdag-bawas
KAHAPON sinimulan kong ilahad ang tungkol sa ginawang PAGBAWAS o PAG-ALIS ng mga pasimuno ng "Protestant Reformation" ng MARAMING libro at sulat sa Bibliya.
Ngayon ay titingnan natin kung gaano KAMALI ang kanilang ginawa at kung paano ito SUMASALUNGAT sa sinasabi nilang BIBLIYA LANG ang dapat batayan ng pananampalataya.
+ + +
MARAMING Kristiyano sa ngayon ay nagsasabi na BIBLIYA LANG ang DAPAT BATAYAN ng pananampalataya.
Pero napatunayan na natin na mismong Bibliya ay nagsasabi na may mga ARAL na HINDI NASULAT o SINABI lang sa mga Kristiyano. (2 Thessalonians 2:15; 2 John 1:12 at 2 Timothy 2:2)
Tapos kung tatanungin natin sila ay WALA SILANG ALAM sa kung paano NABUO ang Bibliya o kung ano ang KASAYSAYAN nito.
Ang KAWALAN nila ng ALAM ay IPINAPASA nila sa IBA PANG TAO kaya naman DUMARAMI ang kanilang NAILILIGAW.
Wika nga ng Matthew 15:14, "Kung aakayin ng isang bulag ang isa pang bulag, pareho silang mahuhulog sa hukay."
Halimbawa na nga niyan ang PAGDAGDAG nila ng aral na Bibliya LANG ang batayan ng pananampalataya.
Kasabay nito ay gumagamit sila ng Bibliya na BINAWASAN ng mga BAGONG LITAW na mangangaral.
Kaya nga masasabi natin na ang Bibliya ay biktima rin ng DAGDAG-BAWAS ng mga taong sinasabi ni Hesus ay dapat nating iwasan sa Matthew 7:15; 24:11 at 24:24.
+ + +
Bakit natin ito nasabi? Tingnan natin ang ginawa nilang PAGBAWAS sa mga Kasulatan na BIGAY ng DIYOS.
Para maunawaan natin ito, mahalagang malaman natin na WALANG BIBLIYA noong unang panahon.
WALA rin noong OPISYAL na LISTAHAN ng mga tinatanggap na aklat. Although mayroong mga kinikilalang mga Kasulatan ang mga Hudyo WALANG KAUTUSAN na ITO LANG ANG DAPAT SUNDIN.
Ang mga Banal na Kasulatan ay hiwa-hiwalay at nasusulat sa mga "scroll" o "kalatas."
Ang halimbawa nito ay nasa Luke 4:16-17 kung saan sinasabi, "Nagpunta siya (si Hesus) sa Nazareth kung saan siya pinalaki at sa araw ng Sabbath ay nagtungo siya sa sinagoga tulad ng kanyang nakaugalian. Tumayo siya para magbasa at iniabot sa kanya ang KALATAS ni propeta ISAIAS."
"PAGULONG niya itong BINUKLAT at natagpuan niya kung saan nasusulat ..."
+ + +
Hindi lang ang mga Kasulatan ang hiwa-hiwalay noon. HIWA-HIWALAY rin ang mga Hudyo.
Ang sentro ng Hudaismo ay ang Israel at ang Herusalem pero mas maraming Hudyo sa ibang lugar tulad sinasabi sa Acts 2:9-11.
Ang mga lugar ng mga Hudyo sa labas ng Israel ay tinawag na DIASPORA na ang ibig sabihin ay PINAGKALATAN dahil dito "ikinalat" ang mga Hudyo.
Dahil ang mga "Diaspora" at maging ang Israel ay matagal na nasakop ng mga Griego sa ilalim ni Alexander the Great ay NATUTO na rin sila ng salitang GRIEGO.
Dumating ang panahon na MAS MARAMI nang Hudyo ang HINDI na MARUNONG ng Hebreo.
Nagkaproblema sila dahil HINDI na MABASA at HINDI na MAINTINDIHAN ng mga Hudyo sa labas ng Israel ang mga Kasulatan na nasa Hebreo.
Para ma-solve ang problemang ito, ISINALIN sa GRIEGO ang mga Kasulatan na nasusulat sa Hebreo.
Ang SALIN na ito ay TINAWAG na "SEPTUAGINT," o "SETENTA" dahil 70 dalubhasa ang nagsalin nito mula sa Hebreo.
Nagkaroon ng DALAWANG VERSION: ang nasusulat sa HEBREO at ang nasusulat sa GRIEGO.
Si Hesus at ang mga unang Kristiyano ay mga Hudyo kaya pamilyar sila sa Kasulatan sa Hebreo at sa Griego.
Nang ikalat ng mga Apostol ang Ebanghelyo, karamihan sa mga unang naging "convert" ay ang mga Hudyo sa mga DIASPORA.
At dahil GRIEGO ang salita ng mga ito, GRIEGO ang ginamit ng mga Apostol sa pagpapahayag "sa SULAT man o sa SALITA."
’Yan ang dahilan kung bakit HALOS ang KABUOHAN ng mga sulat sa panahon ng Kristiyano ay nakasulat sa GRIEGO.
At dahil Griego ang gamit sa pagpapahayag ng Ebanghelyo, ang ginamit na Kasulatan mga unang Kristiyano ay ang SEPTUAGINT.
Ang SEPTUAGINT ang tinutukoy ni Pablo sa 2 Timothy 3:16 na "Ang LAHAT ng KASULATAN ay HININGAHAN ng Diyos at kapakipakinabang sa pagtuturo, pagsansala, pagtutuwid at pagsasanay sa katuwiran."
Sa madaling salita, ang SEPTUAGINT ang KABUOHAN ng Kasulatan na TINANGGAP ng mga unang Kristiyano at naging batayan ng OLD TESTAMENT.
Nang lumaganap ang Kristiyanismo ay nagalit ang mga Hudyo dahil ginagamit ng mga tagasunod ni Hesus ang kanilang mga aklat.
Kaya noong 100 A.D. sa lungsod ng JAMNIA ay nagdeklara ang mga Hudyo ng mga aklat na PARA LANG SA MGA HUDYO.
ITINAKWIL ng mga Hudyo ang SEPTUAGINT dahil ito ang ginagamit ng mga Kristiyano.
Kaya nagkaroon ng dalawang set ng KASULATAN: ang TANAK ng mga Hudyo at ang SEPTUAGINT ng mga Kristiyano.
Ano ang kahalagahan ng dalawang "version" ng Kasulatang ito? Bukas ay ito ang ating pag-uusapan.
Kumpleto ba ang gamit mong Bibliya?
AGOSTO 2. 2003
SA LABAS ng espasyong ito sa TUMBOK ay nagkakapalitan din kami ng text ni AJ Reyes ng Cavite. Marami siyang tanong at sinasabi na sayang at hindi natin agad mailagay rito.
Sa isang palitan namin ng tanong at paliwanag ay biglang INAMIN ni AJ na HINDI KAILANGANG NASUSULAT ang paniniwala. IGINIIT niya na PUWEDE NA ANG DIWA ng paniniwala.
Tulad nga ng sabi ko noon, GANYAN ang paniniwala ng Iglesia Katolika sa isyung ito. Hindi kailangang NASUSULAT o LETRA POR LETRA sa Bibliya ang paniniwalaan ng isang Kristiyano.
Kaya nga ang mga paniniwala ng mga KATOLIKO ay TIYAK na MAY BATAYAN sa Kasulatan although HINDI nasusulat ng LETRA POR LETRA.
TIYAK din na HINDI ito SUMASALUNGAT sa TUNAY na aral ng Bibliya.
MARAMI kasing aral na NAGSULPUTAN KASABAY ng PAGLITAW ng mga HUWAD na "mangangaral" at "propeta."
Isa na nga riyan ang paggiit ng mga BAGONG LITAW na mangangaral na Bibliya LANG ang batayan ng pananampalataya.
Napatunayan na natin na ang mismong aral na iyan ay SALUNGAT sa ARAL ng Bibliya.
PATUNAY nga ang PAGKAKAROON ng ARAL sa SALITA o ORAL TRADITION na sinasabi sa 2 Thessalonians 2:15, 2 John 1:12 at 2 Timothy 2:2.
+ + +
Ang NAKAKATAKOT sa BAGONG ARAL nitong mga BAGONG LITAW na mangangaral ay HINDI NILA TUNAY na NAUUNAWAAN ang kanilang mga sinasabi.
Isang patunay riyan ang mismong Bibliya na kanilang ginagamit.
Kahapon ay itinanong sa akin ni AJ kung ang Bibliya ko raw ay may "APOCRYPHA."
Ano itong "apocrypha" o "apocryphal books?"
Ito ay ang mga AKLAT at SULAT na KASAMA sa Bibliya MULA PA NOONG UNA pero INALIS o IBINAWAS ng mga BAGONG LITAW na mangangaral.
Para maintindihan natin ito, mahalagang malaman natin na IBANG-IBA ang ITSURA ng Bibliya natin ngayon sa mga KASULATAN na natanggap ng mga Apostol noong unang siglo.
Ngayon ay nasa iisang "libro" na ang mga Kasulatan. Nahahati na rin ito sa Old and New Testament.
Noon ay walang Old at New Testament. Hindi rin magkakasama ang mga Kasulatan na nakalagay sa hiwa-hiwalay na mga "kalatas" o "scrolls."
Noong matatag ang tunay na Iglesia ni Kristo ay kinulekta ng mga ito ang mga Kasulatan na TINATANGGAP nila na GALING sa DIYOS.
Inipon nila ang mga ito at nakakulekta sila ng 45 na iba’t-ibang KASULATAN. Ang mga Kasulatan na ito ang nabuo bilang Old Testament.
Sa loob ng mahigit 1,400 taon ay KINILALA ang 45 na libro na ito bilang "INSPIRED" o GALING SA DIYOS.
Pero noong LUMITAW ang mga "propeta" at "mangangaral" ng Protestant Reformation ay BINAWASAN nila ang mga librong ito.
Ang PAGBAWAS nila sa mga aklat at sulat na ito ay LABAG sa SINASABI ng Revelation 22:19, "At kung mayroong mag-aalis ng mga salita mula sa aklat ng pahayag na ito, AALISIN din ng Diyos ang kanyang bahagi sa puno ng buhay at sa banal na lungsod na inilalarawan sa aklat na ito."
Pansinin ninyo, "salita" pa lang ang aalisin ay AALISIN na sa kanila ang "bahagi sa puno ng buhay." Paano kung buo-buong AKLAT ang kanilang INALIS? Ano na ang mangyayari sa kanila?
Ano ‘yang mga INALIS nila? ‘Yan nga ang tinatawag nilang "apocrypha" na sinasabi nila ay HINDI RAW KASAMA sa Banal na Kasulatan.
Kaya nga mapapansin ninyo na ang mga Bibliya ng mga BAGONG LITAW ay KULANG dahil 66 lang ang libro rito.
Samantala, ang ORIGINAL na bilang ng mga libro ng Bibliya ay 73 lahat. Sa Old Testament ay 46 libro at sa New Testament ay 27.
KULANG ang mga Bibliya ng BAGONG LITAW dahil INALIS o IBINAWAS na rito ang mga aklat ng Baruch, Judith, Sirach, Tobit, Wisdom, and 1 and 2 Maccabees.
INALIS o IBINAWAS din nila ang ilang bahagi ng aklat ni Daniel at Esther.
Dahil dito, KULANG ang kanilang OLD TESTAMENT na mayroon lang 39 na libro kumpara sa ORIGINAL na 46.
Ngayon, sa punto pa lang na ito ay paano nila masasabi na dapat na gawing batayan ang Bibliya kung ang HAWAK NILANG BIBLIYA AY KULANG?
Bukas ay ipagpapatuloy natin ang usaping ito para mas malinaw.

Bible Only,
Bible Only: Nasa Bible ba?,
Bible: 73 o 66 books?,
Bible: Paano nabuo?
Subscribe to:
Posts (Atom)