Agosto 14, 2003
BAGO ang lahat ipahintulot po ninyo na pasalamatan ko ang mga nag-text at
nagbigay ng kanilang mga mensahe.
Unahin po natin si Chris SJ ng EP-Village, Taguig. Sabi niya, "More power to
you C. Bibe and to your column."
Sabi ni Boboy Amante Aguinaldo ng Tigaon, Camarines Sur, "Salamat sa maayos
at malinaw na paliwanag tungkol sa Pasko. (Aug. 6 issue)"
Ganito naman ang sabi ni Ed Diasco ng Proj. 4, QC, "I am amazed by the manner
you answer critics of the Catholic Faith. You always explain in utmost clarity.
GLORY TO GOD!"
Sabi naman ni Rosie Mateo ng Vito Cruz, Manila, "Ikaw ba si Cenon Bibe Jr?
‘Yang nasa larawan? Anong relihiyon mo? Mahusay ang paliwanag mo noong Aug. 5.
(issue tungkol sa binyag ng bata)"
Salamat sa inyo, Chris, Bobby, Ed at Rosie. Ang panalangin ko ay dumami pa
ang mga tulad ninyo na nakikinabang sa paglalahad natin ng KATOTOHANAN sa column
na ito.
Pero ang kapurihan po ay hindi sa akin kundi sa DIYOS. PURIHIN ANG DIYOS!
Rosie, ako ay isang Katoliko Romano.
u u u
May komentaryo si Phay Timtiman ng Tanay, Rizal, kaugnay sa sabi ni John F.
ng Talon, Las PiƱas, na ginagawa ko raw "bobo" ang mga tao kaya doon daw ako
magtanong kay Eli Soriano.
Sabi ni Phay, "Lalong walang aral kay Bro. Eli kasi katay-katay ang style
nila. Malayo sa topic at panahon. Inililigaw niya ang mga tao. Pilosopo pa
siya."
Salamat naman at nag-text ka uli, Phay. Natutuwa ako na nariyan ka pa at
sumusubaybay.
Sana ay patuloy na magamit ng Diyos ang column na ito para maihatid ang
Kanyang mga aral at katotohanan.
u u u
Heto naman ang sabi ni Nilo ng FTI, Taguig, "Ang masasabi ko lang sa grupo ni
Soriano eh magaling MAGMURA at MAGMAGALING. Tama po ba ako? Dapat ay magsiyasat
din sila. Hoy gising!"
Nilo, mayroon tayong puwedeng gawin para matulungan ang ibang tao.
Ang una ay puwede nating ipakilala sa kanila ang column na ito sa TUMBOK at
i-encourage sila na magtanong.
Puwede natin itong gawin sa pamamagitan ng pagbibigay ng kopya sa kanila o
pagsasabi na puwede silang magtanong dito.
Sa ganoon ay TUMUTULONG tayo sa PAGPAPAHAYAG ng mga KATOTOHANAN ng
Panginoon.
Hindi natin kailangang makipag-debate sa kanila o makipag-diskusyon. Ang
KATOTOHANAN ang MAGPAPALAYA sa ating lahat.
Ang pangalawang paraan ay IPAGDASAL natin sila at hilingin sa Diyos na bigyan
sila ng kaliwanagan.
Panalangin ang ating armas dahil ang kalaban natin ay mga "espiritu" rin.
Sabi nga sa Ephesians 6:12, "Ang ating pakikibaka ay hindi sa laman at dugo
kundi laban sa mga namumuno, laban sa kapamahalaan at laban sa makapangyayarihan
sa madilim na daigdig na ito at laban sa mga hukbong ESPIRITWAL ng kasamaan sa
dako ng kalangitan."
Magsama-sama tayo laban sa HUKBO ng KADILIMAN na nagkalat na ngayon at
NAGLILIGAW ng mga tao mula sa katotohanan.
u u u
May reaksyon si Miki P. ng Pasay City sa isinulat ko na ang Iglesia Katolika
ang itinayo ni Kristo.
Ganito ang sabi niya, "Mr. Cenon, bakit di n’yo po subukan basahin ang Roma
16:16 kung totoong ang Katoliko ang itinayo ni Kristo? Basahin n’yo rin ang
tungkol sa pagkain ng dugo?"
Para maganda ay basahin natin ang Roma 16:16. Eto ang sabi ng talata,
"Magbatian kayo sa isa’t isa ng banal na halik. Ang lahat ng iglesiya ni Cristo
ay bumabati sa inyo."
Pansinin natin, Miki, na may sinasabihan si Pablo sa talatang ito. Sabi niya,
"magbatian KAYO ..." Sino ang "kayo" rito?
Kung titingnan natin, ang sulat ay para sa mga taga-ROMA o ROMANS.
Ayon kay Pablo, na ang mga ROMANO ay binabati ng LAHAT ng IGLESIA ni
Kristo.
Anu-ano ‘yang mga "iglesia" na ‘yan? ‘Yan ang nasa Corinto, Efeso,
Tesalonika, Galacia at iba pang iglesia ng Diyos na kalat sa mundo.
LAHAT ng mga iglesia ay BUMABATI sa mga taga-ROMA. Ito ay tanda ng malaki
nilang paghanga sa mga ROMANO Kristiyano.
Kung titingnan natin ang lahat ng mga sulat sa Bagong Tipan, TANGING ang
IGLESIA sa ROMA ang BINATI ng LAHAT NG IGLESIA ayon sa Roma 16:16 na binabanggit
ni Miki.
Bakit Roma lang?
Ang dahilan ay nasa simula ng sulat ni Pablo. Sa Romans 1:8.
Ganito ang sinasabi rito, "Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa aking Diyos sa
pamamagitan ni Hesu Kristo para sa inyong lahat dahil ang INYONG PANANAMPALATAYA
ay IPINAHAHAYAG sa BUONG MUNDO."
Kaninong pananampalataya ang ipinahahayag sa buong mundo?
Eh di sa mga ROMANO. Napakalinaw, hindi ba Miki?
Sa salitang Griego, ang "buong mundo" ay nangangahulugan din ng salitang
"KATOLIKOS" o CATHOLIC sa Ingles.
So, makikita natin sa Roma 1:8 na ang PANANAMPALATAYA pala ng mga ROMANO ay
KATOLIKO.
Ngayon, kung ang pananampalataya ng mga Romano ang ipinapahayag sa buong
mundo, ito ang HUWARAN o TINUTULARAN ng lahat ng iba pang iglesia.
At ‘yan ang dahilan kung bakit BINABATI sila ng LAHAT ng mga iglesia ni
Kristo sa Roma 16:16.
Tama si Miki, mula sa Roma 16:16 ay makikita natin kung ano ang IGLESIANG
ITINAYO ni Kristo. At ‘yan ay ang IGLESIA ROMANA na siya rin ay KATOLIKO.
Salamat sa pagpapakita mo ng bagay na ito, Miki.
‘Yung tungkol sa dugo ay sasagutin natin sa susunod.
Showing posts with label Katoliko Romano: Makikita ba sa Bible?. Show all posts
Showing posts with label Katoliko Romano: Makikita ba sa Bible?. Show all posts
Thursday, February 7, 2013
Sunday, July 22, 2012
Makikita ba sa Bible ang ‘Roman Catholic?’
Hulyo 22, 2003
HALOS pareho ang tanong nina Bob ng QC at Charlie Recio ng Pasig City.
Ganito ang tanong ni Bob, "May nakasulat ba sa Bibliya na katagang ‘CATHOLIC O KATOLIKO?’
Heto naman ang kay Charlie, "May mababasa ba sa Bibliya na Katoliko? Sabi ni Pablo sa 1 Corinthians 4:6 kapag may mabasa ka na Katoliko ay totoo kayo."
NAPAKAGANDA ng mga tanong nina Bob at Charlie. At ang sagot diyan ay "OO." Mayroong mababasa na "Catholic" sa Bibliya.
At para mas maganda, ipakikita ko kung saan galing ang pangalang ROMAN CATHOLIC at patutunayan ko na mayroong itong batayan sa Banal na Kasulatan.
Pero bago ‘yon ay basahin muna natin ang sinasabi ni Charlie na talata sa 1 Cor 4:6. Ganito ang sabi ng talata,
Gusto ko lang sabihin na WALANG KINALAMAN sa Bibliya ang mga sinabi ni San Pablo sa talatang ito.
Kung susundin natin ito ay tiyak nang maraming aklat at sulat sa Bibliya ngayon ang hindi na makasasama. Ito ay dahil ang 1 Corinthians ay isa sa mga unang nasulat na bahagi ng Bibliya. At kung ipinagbabawal na nito ang mga HINDI PA NASUSULAT ay "OUT" na agad ang iba pang bahagi ng New Testament.
Anyway, balikan natin ang tanong nina Bob at Charlie kung MABABASA sa Bibliya ang Catholic o Katoliko.
Una, dapat nating maintindihan na HINDI makikita sa mga Bibliyang Ingles o Pilipino ang mga salitang "Catholic" o "Katoliko."
Simple lang ang dahilan nito. Ito ay dahil mga TRANSLATION lang ang mga ito. Samantala, ang salitang "Catholic" ay nagmula sa ORIHINAL na SALITA na ginamit sa Bibliya. At ito ang GRIEGO o GREEK.
Dati ko nang sinabi noon na KARAMIHAN sa mga bagay o salita na may kaugnay sa Iglesia Katolika ay nakabatay sa mga ORIHINAL na SALITA, partikular nga ang Griego.
Isa pa itong patunay na ang Iglesia Katolika at ang pananampalatayang Katoliko ay ORIHINAL.
Ngayon, kung babasahin natin ang Bibliya ay mapapansin natin na may iba-iba itong bahagi. May iba-ibang aklat at sulat na may pinatutungkulang tao o grupo ng tao.
Ilan sa mga sulat sa Bibliya ay naka-address sa iba’t-ibang iglesia na noon ay natatag na. Nariyan ang sulat para sa mga taga-Corinto o Corinth, taga-Efeso, taga-Galatia at iba pa.
ISA sa mga sulat na mababasa natin sa Bibliya ay ang SULAT para sa mga TAGA-ROMA.
Mapapansin natin na ang sulat na para sa mga TAGA-ROMA ay nasa unahan ng iba pang sulat na para sa mga iglesia.
Ang kalagayan nito sa UNAHAN ng iba pang sulat ay nagpapakita lang na UNA ito sa lahat ng mga sulat. Ito ang PINAKAMAHALAGA.
Ngayon, basahin natin ang sinasabi ng Romans 1:8,
Kaninong pananampalataya ang "ipinahahayag" sa "buong mundo?"
Sa mga ROMANO.
Ang kausap kasi dito ni Pablo ay ang mga taga-Roma, kaya nang sabihin niya na "ang inyong pananampalataya ..." ang sinasabi niya ay ang PANANAMPALATAYA ng mga taga-Roma o ng mga ROMANO.
Sa orihinal na teksto na nasusulat sa Griego, ganito ang sinasabi ng talata, "he pistis humon KATangeletai en HOLO to kosmo..."
Ang katumbas ng "he pistis humon" sa Pilipino ay "ang inyong pananampalataya."
Ang katumbas naman ng "katangeletai" ay "ipinahahayag."
Samantala, ang "en holo to kosmo" ay "sa buong mundo."
Kapag pinaikli ang talata sa Griego ay lalabas ang salitang "KAT-HOLOS" (KATHOLES) o "HAYAG SA BUONG MUNDO."
Diyan MABABASA ang salitang "KATAHOLOS" na "CATHOLIC" sa Ingles at "KATOLIKO" naman sa Pilipino.
Maliwanag ba ‘yon?
Diyan nabubuo ang pangalan ng ORIHINAL na Iglesiang Kristiyano. Diyan din makikita ang ORIHINAL na pananampalataya.
Ang pananampalatayang ito, sangayon sa Rom 1:8, ay PANANAMPALATAYANG KATOLIKO (universal).
Kaya nga ang mga miyembro ngayon ng iglesia ng Bibliya ay ROMANO at KATOLIKO.
Patunay sa kabantugan o kahalagahan ng Iglesiang ROMANO KATOLIKO ay ang binabati ito ng LAHAT NG IBA PANG IGLESIA.
Basahin natin ang sinasabi ng Romans 16:16,
Ang tinutukoy ng "inyo" rito ay ang mga ROMANO.
Kung gusto ninyo ng tulad nitong paliwanag hanapin ninyo ang pamphlet na "THE ROMAN CATHOLIC FAITH AND THE BIBLE" ni Fr. Gerardo Tapiador.
Sana maliwanag, Bob at Charlie.

"Ngayon, mga kapatid, inilapat ko ang mga ito sa aking sarili at kay Apollos para sa inyong ikabubuti upang malaman ninyo ang kahulugan ng kasabihang: HUWAG KAYONG HIHIGIT SA NASUSULAT. Sa ganoon ay hindi kayo magmamalaki sa isang tao higit sa isa pa."
Gusto ko lang sabihin na WALANG KINALAMAN sa Bibliya ang mga sinabi ni San Pablo sa talatang ito.
Kung susundin natin ito ay tiyak nang maraming aklat at sulat sa Bibliya ngayon ang hindi na makasasama. Ito ay dahil ang 1 Corinthians ay isa sa mga unang nasulat na bahagi ng Bibliya. At kung ipinagbabawal na nito ang mga HINDI PA NASUSULAT ay "OUT" na agad ang iba pang bahagi ng New Testament.
Anyway, balikan natin ang tanong nina Bob at Charlie kung MABABASA sa Bibliya ang Catholic o Katoliko.
Una, dapat nating maintindihan na HINDI makikita sa mga Bibliyang Ingles o Pilipino ang mga salitang "Catholic" o "Katoliko."
Simple lang ang dahilan nito. Ito ay dahil mga TRANSLATION lang ang mga ito. Samantala, ang salitang "Catholic" ay nagmula sa ORIHINAL na SALITA na ginamit sa Bibliya. At ito ang GRIEGO o GREEK.
Dati ko nang sinabi noon na KARAMIHAN sa mga bagay o salita na may kaugnay sa Iglesia Katolika ay nakabatay sa mga ORIHINAL na SALITA, partikular nga ang Griego.
Isa pa itong patunay na ang Iglesia Katolika at ang pananampalatayang Katoliko ay ORIHINAL.
Ngayon, kung babasahin natin ang Bibliya ay mapapansin natin na may iba-iba itong bahagi. May iba-ibang aklat at sulat na may pinatutungkulang tao o grupo ng tao.
Ilan sa mga sulat sa Bibliya ay naka-address sa iba’t-ibang iglesia na noon ay natatag na. Nariyan ang sulat para sa mga taga-Corinto o Corinth, taga-Efeso, taga-Galatia at iba pa.
ISA sa mga sulat na mababasa natin sa Bibliya ay ang SULAT para sa mga TAGA-ROMA.
Mapapansin natin na ang sulat na para sa mga TAGA-ROMA ay nasa unahan ng iba pang sulat na para sa mga iglesia.
Ang kalagayan nito sa UNAHAN ng iba pang sulat ay nagpapakita lang na UNA ito sa lahat ng mga sulat. Ito ang PINAKAMAHALAGA.
Ngayon, basahin natin ang sinasabi ng Romans 1:8,
"Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa Diyos sa pamamagitan ni Hesu Kristo para sa inyong lahat dahil ANG INYONG PANANAMPALATAYA AY IPINAHAHAYAG SA BUONG MUNDO."
Kaninong pananampalataya ang "ipinahahayag" sa "buong mundo?"
Sa mga ROMANO.
Ang kausap kasi dito ni Pablo ay ang mga taga-Roma, kaya nang sabihin niya na "ang inyong pananampalataya ..." ang sinasabi niya ay ang PANANAMPALATAYA ng mga taga-Roma o ng mga ROMANO.
Sa orihinal na teksto na nasusulat sa Griego, ganito ang sinasabi ng talata, "he pistis humon KATangeletai en HOLO to kosmo..."
Ang katumbas ng "he pistis humon" sa Pilipino ay "ang inyong pananampalataya."
Ang katumbas naman ng "katangeletai" ay "ipinahahayag."
Samantala, ang "en holo to kosmo" ay "sa buong mundo."
Kapag pinaikli ang talata sa Griego ay lalabas ang salitang "KAT-HOLOS" (KATHOLES) o "HAYAG SA BUONG MUNDO."
Diyan MABABASA ang salitang "KATAHOLOS" na "CATHOLIC" sa Ingles at "KATOLIKO" naman sa Pilipino.
Maliwanag ba ‘yon?
Diyan nabubuo ang pangalan ng ORIHINAL na Iglesiang Kristiyano. Diyan din makikita ang ORIHINAL na pananampalataya.
Ang pananampalatayang ito, sangayon sa Rom 1:8, ay PANANAMPALATAYANG KATOLIKO (universal).
Kaya nga ang mga miyembro ngayon ng iglesia ng Bibliya ay ROMANO at KATOLIKO.
Patunay sa kabantugan o kahalagahan ng Iglesiang ROMANO KATOLIKO ay ang binabati ito ng LAHAT NG IBA PANG IGLESIA.
Basahin natin ang sinasabi ng Romans 16:16,
"Ang LAHAT ng mga iglesia ay nagpapaabot ng PAGBATI sa inyo."
Ang tinutukoy ng "inyo" rito ay ang mga ROMANO.
Kung gusto ninyo ng tulad nitong paliwanag hanapin ninyo ang pamphlet na "THE ROMAN CATHOLIC FAITH AND THE BIBLE" ni Fr. Gerardo Tapiador.
Sana maliwanag, Bob at Charlie.
Subscribe to:
Posts (Atom)