Tuesday, May 13, 2014
Sign of the Cross, Tanda ng Iniligtas ng Diyos
WALA raw ang SIGN OF THE CROSS sa BIBLE.
MERON po at DIYOS MISMO ang NAG-UTOS ng PAGLALAGAY ng TANDA ng KRUS sa mga TAONG INILILIGTAS NIYA.
===
EZEKIEL 9:4,6
At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Pumaroon ka sa gitna ng bayan, sa gitna ng Jerusalem, at maglagay ka ng TANDA sa mga noo ng mga taong nangagbubuntong-hininga at nagsidaing dahil sa lahat na kasuklamsuklam na nagawa sa gitna niyaon.
Lipulin ninyong lubos ang matanda, ang binata at ang dalaga, at ang mga bata at ang mga babae; nguni't huwag lumapit sa sinomang lalake na MAY TANDA; at inyong pasimulan sa aking santuario. Nang magkagayo'y kanilang pinasimulan sa mga matandang lalake na nangasa harap ng bahay.
===
Sa HEBREO, ang "TANDA" ay ang LETRANG TAW na ang ITSURA ay "X" o "t." Sa madaling salita ay hugis KRUS.
Makikita sa Ezekiel 9:4 at 6 na GINAMIT ng DIYOS ang TANDA ng KRUS, o ang SIGN of the CROSS, bilang MARKA ng mga LIGTAS sa PAGLILIPOL.
Sa BAGONG TIPAN, GINAMIT ni HESUS ang KRUS para ILIGTAS ang TAO.
Kaya nga ang mga KATOLIKO ay NAGTA-TANDA ng KRUS bilang PAGMAMALAKI sa KRUS ni KRISTO.
Sabi nga ni PABLO sa GALATIANS 6:14:
“Nawa’y ‘di ako magmalaki sa anumang bagay liban sa krus ng ating Panginoong Hesu Kristo.”
NAGKU-KRUS din ang mga KATOLIKO bilang PATOTOO na TINANGGAP na NILA ang PAGLILIGTAS ni KRISTO ... ang PAGLILIGTAS ng DIYOS.
Thursday, September 12, 2013
Krus, sumpa raw na dapat ikahiya?
Bakit nagku-krus ang isang Katoliko?
Monday, November 28, 2011
Ang krus at ang aral ng mga anti-Kristo
Hunyo 6, 2003
NAG-TEXT sa akin si Rosario ng Sun Valley, ParaƱaque. Sabi niya, "Gusto ko ang column mo kasi hindi ka kumakampi sa ano mang relihiyon pero naging eye opener ito sa iba. Keep up the good work."
Salamat, Rosario. Although kailangang sabihin ko na nakatutok ako sa pagpapaliwanag ng mga paniniwala ng mga Katoliko.
Ito kasi ang alam ko at naiintindihan. Ito rin kasi ang paniniwala ko.
Ayaw kong pumuna sa paniniwala ng iba (at least, hindi ‘yung pinaniniwalaan ng isang partikular na grupo) dahil a baka magawa ko sa kanila ang kamalian na ginagawa nila laban sa mga Katoliko.
Ang masakit kasing karanasan ng mga Katoliko ay maraming ang nagkukunwaring marunong sa Katolisismo kaysa mismong mga Katoliko na nakakaintindi rito.
Salamat naman kung nakakatulong tayo para mabuksan ang mga mata at isip ng ibang tao.
Thank you na rin sa pagsubaybay mo, Rosario.
Kung may tanong ka sana ay i-text mo sa akin.
u u u
Heto naman ang sabi ni Rey Salcedo ng Concepcion, Iloilo.
"Ang TANDA ng SANTA-KRUS ng mga taga-IGLESIA KATOLIKA na siyang KATUPARAN sa APOCALIPSIS 13:16 (TATAK TANDA) ng anti-Kristo."
"PAGPATOTOO ng mga AWTORIDAD KATOLIKA na sa kanila natupad ang NAKASULAT sa sulat ni Juan."
Salamat sa pag-text mo, Rey. Pero payagan mo sanang magbigay ako ng ilang komentaryo sa mga sinasabi mo.
Ganito ang sinasabi ng Revelations 13:16-17,
“Ang mga dakila at mga hindi dakilang tao, ang mayayaman at mahihirap, ang mga malaya at ang mga alipin ay ipapatatakan (TATANDAAN) niya sa kanilang kanang kamay o sa kanilang noo. Ang may tatak (TANDA) lamang ng mabangis na hayop ang makakabili o ang makakapagbili. Dapat ay taglay nila ang tatak (TANDA) o ang pangalan o ang bilang ng pangalawang mabangis na hayop.”
Malinaw na may binabanggit na TANDA o TATAK. Malinaw din na ito raw ay ilalagay sa KANANG KAMAY o sa NOO.
Sinasabi na ang TATAK o TANDA ay TANDA ng "mabangis na hayop" o ng sinasabi mong ANTI-KRISTO.
Ayon sa iyo, ang TANDA o TATAK na binabanggit dito ay ang TANDA ng Krus na ginagawa ng mga Katoliko?
So, ang sinasabi mo ay ang KRUS ang TANDA ng "mabangis na hayop." Ipagpatawad mo pero kailangan kong sabihin sa iyo na malaking pagkakamali ang nagagawa mo.
Unang-una, porke ba nabanggit ang "TANDA" sa talata ay "ANG TANDA na ng KRUS" ang tinutukoy dito?
Ano ba ang KRUS ayon sa Bibliya?
Sabi sa 1Corinthians 1:18,
“Ang MENSAHE ng KRUS ay KAGAGUHAN sa mga NAPAPAHAMAK pero para sa ating mga inililigtas ITO ANG KAPANGYARIHAN NG DIYOS.”
Sinabi naman ni San Pablo sa Galatians 6:14, “Nawa ay hindi ako magmalaki liban sa KRUS ng ating Panginoong Hesu Kristo.”
Sabi naman ng 1 Cor 1:23, “Ipinahahayag namin si Kristo na IPINAKO SA KRUS, isang KATITISURAN sa mga Hudyo at kahangalan sa mga Hentil.”
Ngayon ay isa-isahin natin. Ang mensahe raw ng krus ay KAGAGUHAN sa mga NAPAPAHAMAK pero para sa mga inililigtas ITO ANG KAPANGYARIHAN NG DIYOS.”
Ito raw ay IPINAGMAMALAKI ng isang Kristiyano pero "KATITISURAN sa mga Hudyo at KAHANGALAN sa mga Hentil.”
Heto ngayon ang tanong ko ngayon sa iyo, Rey, "Anong bahagi rito ang nagpapakita na ito ay TANDA o TATAK ng mabangis na hayop? Puro kasi kabutihan at kagalingan ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa KRUS.
Obvious na iba ang tanda o tatak na tinutukoy sa Apocalipsis 13:16-17.
Pero tingnan natin, kung ang krus nga ang TATAK ng "mabangis na hayop" o ng anti-Kristo, sino ang "mabangis na hayop?" Lalabas na si Kristo. Tama ba?
Kung may malinaw mula sa mga ito ay hindi ang mga Katoliko na nagku-Krus ang "anti-Kristo" kundi ang mga naniniwala na ang krus ni Kristo ang TANDA ng "mabangis na hayop."
Sana ay naiintindihan mo talaga ang iyong ginagawa at pinaniniwalaan, Rey.
Wednesday, November 23, 2011
Dapat bang nasa Bible ang gagawin?
Mayo 15, 2003
NAGING mainit ang response ng mga mambabasa sa mga column ko tungkol sa krus at sa pagku-Krus.
Mukhang natuwa si Erwyn ng Caloocan City kaya ganito ang text niya, “Ka Cenon, saan ko mababasa o makikita ang lahat na pang-Sabado mong artikulo sa TUMBUKIN NATIN? Salamat and more power!”
Kakailanganin mo nang kumuha ng “back issues” ng TUMBOK. Mabibili ang mga iyan sa opisina ng TUMBOK sa address na nasa ibaba. Salamat at more power din sa 'yo.
u u u
HETO naman ang detalyadong reaksyon at paniniwala ni Timoteo Pablo sa column natin na lumabas noong Linggo. Ilalabas natin ng buo.
“Malaki ang pgkakaiba ng krus ng Katoliko sa krus ni Kristo. 'Di ako tutol sa krus ni Kristo. Tinatanggap ko ang krus ni Kristo. Ang 'di ko tanggap ay ang An Tanda ng mga Katoliko.”
“Pagnakakakita ako ng krus ay naaalala ko ang kapalaluan ng Iglesia Katolika. Hindi ayon sa evanghelio ang pag-a An Tanda. 'Di ito utos ng Dios (Mark 7:7).”
“Pag nakakakita ako ng krus ay naaalala ko ang kawalan ng pang-unawa ng Katoliko sa salita ng Dios.”
“PINAPASAN ANG KRUS, 'DI INAANTANDA. Simple lang, 'di ba? Ba't nag-imbento pa kasi kayo ng aral?”
“Walang sinasabi na pag-Sign of the Cross. Kasi utos lang ng tao. Katha lang. (2Tim 4:3-4)
Paki basa uli ang Mark 7:7 at 2Timothy 4:3-4. Walang sinasabi roon na hindi dapat mag-Krus. Wala rin akong nabasa na naimbento lang ang pagku-Krus.
Ang marami akong nabasa sa Bible ay ang direktang nagsasabi na dapat tanggapin (Matthew 10:38 at Mark 8:34) at ipagmalaki ang krus (Galatians 6:14).
Makikita natin diyan na hindi inimbento ng mga Katoliko ang krus. Tinanggap lang nila ito at ang pagku-Krus ay ang paraan nila ng pagmamalaki para rito. Hindi naman siguro mahirap intindihin 'yon.
Ikaw ba, Timoteo? Paano mo ipinagmamalaki ang krus?
u u u
May isa lang akong napuna sa mga laman ng mga text. Halos lahat sila ay nagsasabi na “wala naman daw sa Bible” ang pagku-Krus?
Tulad nitong si Rey Fajardo ng Bulusan, Sorsogon. Sabi niya, “Ang lahat ng bagay na dapat gawin ay nasusulat lahat. Meron po bang talata sa Bible na nagsasabi na dapat tayong mag-krus bilang pag-alala kay Kristo?”
Maganda ang punto niya kaya may tanong ako sa inyo, “Dapat ba na ang lahat ng gagawin at paniniwalaan ng isang Kristiyano ay nasa Bible?”
Ano ang sagot ninyo? I-text ninyo sa akin ang sagot.
May silbi ba ang pagku-Krus?
Mayo 11, 2003
TAMANG-TAMA ang pinag-uusapan natin tungkol sa “Krus ni Kristo” dahil piyesta ngayon sa Barangay Sta. Cruz na kapit-barangay lang ng TUMBOK dito sa Makati City.
Happy Fiesta po! Sana ay makatulong ang sunod-sunod nating pag-uusap tungkol sa “krus” para mas maging makahulugan ang inyong pagdiriwang.
At para pasimulan itong “climax” ng ating topic ay bibigyang daan ko ang reaksyon ni Timoteo Pablo ng Quezon City tungkol sa ating isyu.
Sabi niya, “Ang tigas ng ulo mo. (Ako raw) Hindi mo naiintindihan ang talatang 1 Corinthians 1:18. Si Kristo ang ‘mensahe ng krus.’ Wala kang mababasa na ang krus ay tanda ni Kristo.”
Salamat naman Timoteo at alam mo na ang “mensahe ng krus” ay si Kristo. At para mas “accurate,” ang mensahe ay ang pagliligtas sa atin ng ating Panginoon.
Ang problema lang ay lumalabas na hindi mo naiintindihan ang ibig sabihin ng “tanda.”
Ano ba ang isang “tanda?” Ang “tanda” ay isang bagay o pagkilos na may kahulugan.
Kapag binasa natin ang 1Cor 1:18, ito ang ating makikita,
“Ang mensahe ng krus ay kagaguhan sa mga napapahamak pero para sa ating inililigtas ito ang kapangyarihan ng Diyos.”
May binabanggit dito na “mensahe.” Ano ang may dala ng “mensaheng” ito? Ang “krus.”
Ibig sabihin ang “krus” ay isang bagay na may ipinapaabot na “mensahe.” At ito nga ang pagliligtas ng ating Panginoong Hesus, ang Kristo.
Bilang isang bagay, ang krus ay nagiging ngayong “tanda” na ang kahulugan ay ang pagliligtas ni Kristo.
Matanong nga kita, Timoteo. Kapag nakakakita ka ba ng “krus” ay sino ang naaalala mo? Ang demonyo? Si Satanas? Ang anti-Kristo? O si Kristo?
Kung hindi ka naniniwala na ang “krus” ay “tanda” ng pagliligtas ng Panginoon, ano ito para sa iyo?
Kung ayaw mong kilalanin o tanggapin ang “krus ni Kristo” o kung ayaw mo itong ipagmalaki o ipahayag sa pamamagitan ng pagku-Krus, desisyon mo ‘yan.
Pero para sa bawat Katoliko, ang pagku-Krus o pag-a An Tanda ay pagpapahayag ng paniniwala, pananampalataya, pagtitiwala at pakikiisa kay Kristo Hesus.
Ang pagku-Krus kasi ay ang pinaka-simpleng “profession of faith” sa iisang Diyos na may tatlong persona.
Sa tuwing magku-Krus ang isang Katoliko ay tumatawag siya sa “ngalan ng Diyos.” Sinasambit niya ang “Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo” na siyang susi sa kanyang pagiging “disipulo” ni Kristo na kanyang tinanggap na pagbibinyag ayon sa Matthew 28:19.
Ang sabi ng talata,
“Humayo nga kayo at gawing disipulo ang lahat ng bansa sa pamamagitan ng pagbibinyag sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.”
Sa pagku-Krus o pag-a An Tanda ay ipinapahayag ng isang Kristiyano ang ebanghelyo o ang mabuting balita ng pagliligtas ni Hesus.
Hindi nga ba at iniligtas tayo ni Kristo sa pamamagitan ng pagbibigay Niya ng Kanyang buhay sa krus?
Sabi nga ni San Pablo sa 1Cor 15:3,
“Ibinibigay ko sa inyo ang pinakamahalagang bagay na akin ding natanggap: na si Kristo ay namatay para sa ating mga kasalanan sangayon sa kasulatan.”
Kaya nga ganun-ganon na lang ang pagmamalaki ni San Pablo sa krus. Sinabi pa niya sa Galatians 6:14,
“Nawa ay hindi ako magmalaki liban sa krus ng ating Panginoong Hesu Kristo.”
Maraming tao ang ayaw mag-krus at sinisiraan pa ang krus. Sinasabi nilang ito ang “tanda” ng “demonyo.”
Pero mayroon ding mga tao na ayaw mag-krus dahil nahihiya sila. Ang pakiramdam ng ilan ay “corny” ang pagku-Krus. Dapat daw ay sa loob lang ng simbahan nag-a An Tanda.
Bakit? Nahihiya ba silang makilala bilang mga tagasunod ni Kristo?
Sa Matthew 10:38, ginamit ng Panginoong Hesus ang simbolo ng krus bilang pagkakakilanlan sa mga disipulo Niya. Sabi ng talata,
“Ang sino mang hindi papasan sa kanyang krus at susunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin.”
Ganito naman ang sinasabi sa Mark 8:34,
“Ang sino mang nais sumunod sa akin ay kailangang talikuran ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin.”
Ang sinasabi ni Kristo ay hindi dapat ikahiya ang krus, lalo pa at ito ay nagpapatungkol sa Kanya at sa paraan kung paano Niya iniligtas ang lahat - sa pamamagitan ng krus.
At ano ang naghihintay sa taong ikahihiya ang krus at si Kristo?
Sabi sa katuloy ng Mark 8, sa verse 38,
“Sino man ang nahihiya patungkol sa akin at sa aking mga salita sa makasalanan at walang pananampalatayang henerasyong ito, ang Anak ng Tao ay ikahihiya rin siya sa pagdating niya kasama ang mga banal na anghel sa kaluwalhatian ng Ama.”
Isang paraan ng pagpapakita na hindi natin ikinahihiya si Kristo ay ang pagku-Krus. Ipagmamalaki at ipahahayag ba natin si Hesus o tayo ba ay mahihiya at magdadahilan?
Krus, tanda ba ng kamatayan?
Mayo 10, 2003
MARAMI pa rin ang nagti-text para mag-react at magtanong tungkol sa isyu natin kaugnay ng Krus at pagku-Krus.
Isang tagasunod ni Eliseo Soriano, si Danny ng Delpan, Makati City, ang minaliit tayo dahil sa pagtanggap natin sa hamon ng ibang miyembro nila na humarap tayo sa kanilang pinuno.
Sabi ni Danny, "’Yung mga INC nga ‘di lumalaban, ikaw pa. Makipag-tema ka. Patunayan mo na kaaway siya (Bro. Eli) ni Kristo."
Itinanong din ni Danny kung "Ano ang ibig sabihin ng Revelations 14:9-11 at Revelations 16:14?"
Pero kung kontra si Danny ng Delpan, nagpasalamat naman sa atin si Nhard ng Pateros.
"Sana ay marami ka pang matulungan," sabi ng text ni Nhard.
Pero nagpahayag din siya ng concern. Sabi niya, "H’wag ka payag na makipagdebate kay Eli kasi pagpipiyestahan ka lang nila at ‘di sila aamin na mali sila. Thanks!"
Thank you sa ‘yo Danny at sa ‘yo rin Nhards.
Wala akong galit kay Bro. Eli. Gusto ko lang ituwid ang mga mali niyang itinuturo laban sa mga Katoliko.
Sabi kasi sa Galatians 6:1,
"Mga kapatid, kung mayroong naliligaw, kayo nasa Espiritu ay dapat na mahinahon siyang ituwid."
Nakikita ko na naliligaw ang paniniwala ni Soriano tungkol sa mga Katoliko kaya gusto ko sanang maiparating kay Soriano ang kanyang mga kamalian.
Kung makikinig siya ay salamat. Kung hindi ay nasa kanya na iyon.
Ang sama kasi ng dating ng kanyang mga sinasabi, partikular tungkol sa Krus.
Halimbawa nga ang binabanggit ni Danny na ginagamit niya laban sa pagku-Krus.
Sinasabi ng Revelation 14:9-11,
"Ito ang mangyayari sa sinumang sasamba sa mabangis na hayop at sa kanyang larawan. Ito ay mangyayari sa sinumang tumanggap ng TATAK (o TANDA) sa kanyang noo o sa kanyang kamay."
"Siya ay iinom ng alak ng poot ng Diyos, na ibinuhos niya na walang halo sa saro ng kanyang poot ... Ang mga sumamba sa mabangis na hayop at kanyang larawan ay walang kapahingahan araw at gabi. Gayundin ang mga tumanggap ng TATAK (o TANDA) ng pangalan nito ay walang kapahingahan."
Sinasabi ng talata na sino man ang tatanggap ng "tatak" o "tanda" ng "mabangis na hayop" ay parurusahan.
At ayon sa mga tulad ni Soriano, ang "tanda" na ito na itatatak sa "noo" o "kanang kamay" ay ang "krus."
Ito ang ipinangtatakot nila sa mga tao. Sinasabi nila na ang taong magku-Krus ay mapaparusahan ayon sa sinasabi sa Revelations 14:9-11.
Pero teka, porke nabanggit ang salitang "tanda" ay sinasabi na nila na ito ang pag-a An Tanda o pagku-Krus.
Ang tanong ngayon ay "Kung ang "krus" ang "tanda" ng "mabangis na hayop," sino namang ang "mabangis na hayop?"
Kung susundin natin ang katwiran nila, lalabas na ang "mabangis na hayop" ay si Hesus.
Siguro naman ay alam ng nakararami na ang "krus" ay "tanda" ng Panginoong Hesus.
Diyan marahil ay makakakuha si Danny ng "patunay" kung si Soriano ay "kaaway ni Kristo."
Ikaw nga ang magsabi na ang "krus" na "tanda" ni Kristo ay "tanda" ng "mabangis na hayop" o ng "demonyo" ay tiyak na maituturing ka ngang "kaaway ni Kristo."
Salungat ang paniniwala nina Soriano sa sinasabi ng Bibliya tungkol sa krus.
Ang sabi nga sa 1Cor 1:18,
“Ang MENSAHE ng KRUS ay KAGAGUHAN sa mga NAPAPAHAMAK pero para sa ating mga inililigtas ITO ANG KAPANGYARIHAN NG DIYOS.”
Salungat din sa sinasabi ni Soriano ay hindi kaparusahan ang makakamit ng mga tumatanggap sa tanda ng krus kundi kaligtasan at buhay na walang hanggan.
Hindi ba ang isinisimbolo ng krus ni Kristo ay ang kanyang kamatayan?
At ito ang sabi ng Romans 6:3 tungkol sa kamatayan ng Panginoon,
"Hindi ba ninyo alam na tayong mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nabautismuhan sa kanyang kamatayan?"
"Kaya nga, tayo ay inilibing na kasama niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan."
"At kung paanong si Cristo ay binuhay na muli sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, tayo man ay magkakaroon ng bagong buhay."
So, kaparusahan ba ang dala ng krus o buhay na walang hanggan?
Ang Krus, tanda ng diyablo?
Mayo 4, 2003
NATUTUWA naman ako sa mga nag-text sa akin para mag-react sa column ko patungkol sa pagku-Krus o kilala rin sa paga-An Tanda o Sign of the Cross.
Una kong babanggitin itong si Elaine Magdaraog ng Bulacan. Sabi niya, “Mr. Cenon, nagbabasa ba kayo ng pasyon? Basahin ninyo ‘yung tungkol sa pag-aantanda. Baka kasi naguguluhan lang kayo.”
Sabi naman ni Timoteo Pablo ng Quezon City, “Ang krus ni Kristo, ayon sa Bible, ay pinapasan at ‘di sinisenyas.” Ibinigay niya ang talatang Mateo 10:38 na ganito ang sinasabi ayon sa Magandang Balita Bibliya, “Ang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin.”
Samantala, nag-react naman si Aaron Reyes ng DasmariƱas, Cavite, sa pagsalungat ko sa mga maling itinuturo ni Eliseo Soriano patungkol sa mga aral ng Simbahang Katoliko.
Sabi ni Reyes, “Humarap ka kay Bro. Eli sa debate. Tingnan mo lang kung paano ka mapahiya.” Tapos ay itinanong niya kung “Bakit kayo (mga Katoliko) gumagawa ng mga rebulto gayong labag ito sa kautusan ng Bibliya?”
Whew! Puro kontra.
Buti na lang at nag-text din si Phay Timtiman ng Tanay, Rizal. Heto naman ang text niya, “Napakaganda ng mga sagot ninyo. Topic ninyo ang debate namin tungkol sa Bibliya.”
Salamat sa lahat ng sumagot, nag-react at nagtanong.
Gusto ko sanang sabihin kay Elaine na sorry pero hindi pa ako nakakabasa ng “Pasyon.” Kaya hindi ko masigurado kung ano nga ang sinasabi nito tungkol sa pagku-Krus.”
Sinubukan kong maghanap ng Pasyon pero “sold out” na ang kopya sa National Bookstore. Marami raw kasi ang bumili noong Holy Week.
Anyway, parang naaalala ko ngang binanggit ni Soriano ang Pasyon noong pilit niyang sinisiraan ang paggamit ng Krus ni Kristo sa pag-a An Tanda. Kung tama ang memorya ko, inawit niya ang Pasyon at pilit na pinalabas na ang pagku-Krus ay masama dahil “tanda” raw ito ng diyablo.
‘Yon din ba ang punto mo, Elaine? Naniniwala ka rin ba na ang “Krus” ay “tanda ng demonyo?”
Nalulungkot nga ako dahil ganyan ang paniniwala ni Soriano at ganyan ang itinuturo niya sa mga naniniwala sa kanya.
Unang-una, hindi ‘yan ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Krus. Ang sabi nga sa 1Cor 1:18,
“Ang MENSAHE ng KRUS ay KAGAGUHAN sa mga NAPAPAHAMAK pero para sa ating mga inililigtas ito ang kapangyarihan ng Diyos.”
Dahil nga rito ay sinasabi rin ni Pablo sa Gal. 6:14,
“Nawa’y ‘di ako magmalaki sa anumang bagay liban sa krus ng ating Panginoong Hesu Kristo.”
Hindi lang ipinagmamalaki ni Pablo ang krus, sabi pa niya sa 1Cor 1:23,
“Ipinahahayag namin si Kristo na ipinako sa krus, (bagay) na kinatitisuran ng mga Hudyo at itinuturing na kalokohan ng mga Hentil.”
Ibang-iba ang sinasabi ni Soriano sa sinasabi ng Bibliya. At ‘yon ang nakakatakot.
Kung hindi sa Bibliya galing ang aral ni Soriano at kung salungat pa ang aral niya sa Banal na Kasulatan , kaninong aral ‘yon?
Hindi ko man nabasa ang Pasyon at ang umano’y sinasabi nito laban sa pag-a An Tanda o sa Krus ng ating Panginoon, may ideya ako kung ano ang binabanggit dito na iniuugnay ni Soriano sa pagku-Krus.
Ang Pasyon ay halaw mula sa Bibliya. At sa pagsasaliksik ko sa Bibliya isang talata ang nabasa ko na may kaugnayan sa “tatak,” “marka” o “tanda” ng diyablo. Ito ang Revelation 13:16-17.
Sabi sa talata,
“Ang mga dakila at mga hindi dakilang tao, ang mayayaman at mahihirap, ang mga malaya at ang mga alipin ay ipapatatakan (TATANDAAN) niya sa kanilang kanang kamay o sa kanilang noo. Ang may tatak (TANDA) lamang ng mabangis na hayop ang makakabili o ang makakapagbili. Dapat ay taglay nila ang tatak (TANDA) o ang pangalan o ang bilang ng pangalawang mabangis na hayop.”
Ano, Elaine? Katulad ba ‘yan ng sinasabi ng Pasyon?
Kung ‘iyan ‘yun, obvious na hindi ang Krus ni Kristo, ang pag-a An Tanda o ang pagku-Krus ang sinasabing “tanda ng diyablo.” Pakibasa ang buong Chapter 13 ng Revelation para makita mo kung kaninong “tatak” o “tanda ang pinag-uusapan dito.
Lumalabas ngayon, Elaine na hindi ako ang “naguguluhan” kundi si Soriano at ang mga naniniwala sa kanya.
Pero kung hindi ‘yan ang sinasabi ng Pasyon, paki-text sa akin kung saan kinokontra ng Pasyon ang pagku-Krus para makita ko.
Sa totoo lang, nakakatakot ang mga pahayag ni Bro. Eli laban sa pagku-Krus dahil napapabilang tuloy siya sa mga binabanggit ni San Pablo sa Philippians 3:18 na mga “kaaway ng krus ni Kristo.”
Kung ang isang tao ay “kaaway ng krus ni Kristo,” kanino siya kakampi? Kayo na ang sumagot sa tanong na iyan.
Ang alam ko, ang bawat Katoliko na nagku-Krus o nag-a An Tanda ay ipinagmamalaki at ipinapahayag ang Krus ni Kristo.
Handa ba akong makipag-debate kay Soriano para idepensa ito?
Ang tanong ay “Handa ba siyang igiit ang mga mali niyang aral laban sa pananampalatayang Katoliko?” Kung “Oo,” bilang pagmamalasakit sa isang kapwa tao ay handa akong ipamukha sa kanya ang kanyang mga pagkakamali sa layunin na ito ay maituwid.
Monday, November 21, 2011
Dapat bang mag-krus ang isang Kristiyano?
Abril 27, 2003
NOONG isang linggo ay ipinagdiwang ng mga Kristiyano ang Linggo ng Pagkabuhay na nagbibigay kasiguruhan sa atin na “kung paanong si Kristo ay binuhay ng karangalan ng Ama mula sa kamatayan, tayo man ay mananahan sa panibagong buhay.” (Romans 6:4)
Pero hindi porke natapos na rin ang Holy Week ay dapat na nating kalimutan ang mensahe nito. At ito ay wala nang iba kundi ang “mensahe ng krus.”
Kung sabagay, hindi nawawala ang mensahe ng krus sa ating mga Katoliko sa tuwing tayo ay magku-krus.
Ang nakakalungkot ay may mga Kristiyano rin daw na hindi lang kumukontra sa pagku-krus, ginagawa nilang katatawanan. Isa sa mga naaalala kong ginagawa itong laman ng kanyang mga “joke” ay si Eliseo Soriano.
Minsan, may nagtanong sa kanya kung bakit hindi siya nagsa-Sign of the Cross. Imbes na sagutin ang tanong ng manonood ay ginawa niya itong patawa.
Ginawa niyang ehemplo ang ginagawa ng ilang Katoliko na nagku-krus sa mga oras na sila ay natatakot o humihiling sa Diyos na ilayo sa kanilang mga “kaaway.”
Habang nagkukunwari siyang nag-a An Tanda siya ay kumanta siya ng “Ilayo po ninyo kami sa aming mga kaaway …”
Tapos ay iniugnay niya ito sa pagku-krus ng mga Katoliko kapag makakakita ng imahen ng Panginoon o ng mga banal na ipinuprusisyon.
Pagtapat daw ng imahen ay magku-krus ang Katoliko at saka sasabihin, “Ilayo po ninyo kami sa aming mga kaaway …” at saka itinuturo na ang “kaaway” ay ang isinasalarawan ng imahen.
Sunod niyang ginawang halimbawa ay ang pagku-krus ng mga Katoliko kapag natatapat sa simbahan. Sabi niya, “Siguro kaaway nila ‘yung nasa loob ng simbahan.”
In fairness kay Soriano, magaling siyang magpatawa pero hindi niya naiintindihan ang kanyang ginagawa.
Naaalala ko tuloy ang sabi ng Bibliya sa 2 Peter tungkol sa mga “huwad na mangangaral.” Sabi sa verse 12,
“Pero ang mga taong ito, tulad ng mga hayop na walang bait na ipinanganak upang hulihin at patayin ay UMAALIPUSTA sa mga bagay na HINDI NILA NAIINTINDIHAN.”
Kaya siguro nagtanong ‘yung kausap ni Soriano ay gusto nitong maliwanagan ang ibig sabihin ng pagku-krus at kung bakit ito ginagawa.
Ngayon, since hindi ito naipaliwanag nang maayos ni Soriano ay ipaliliwanag natin sa mga gustong makaintindi. Sa huli nitong column na ito ay itatanong natin kung “dapat bang mag-krus ang isang Kristiyano?”
Bago ang lahat, ano ba muna ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa “krus?”
Ganito ang sa 1Cor 1:18,
“Ang mensahe ng krus ay kagaguhan sa mga napapahamak pero para sa ating mga inililigtas ito ang kapangyarihan ng Diyos.”
Hindi pala katatawanan ang krus kundi “ITO ANG KAPANGYARIHAN NG DIYOS.”
Dahil nga rito ay sinasabi rin ni Pablo sa Gal. 6:14,
“Nawa’y ‘di ako magmalaki sa anumang bagay liban sa krus ng ating Panginoong Hesu Kristo.”
Sa ating mga Katoliko, ipinagmamalaki natin ang “krus ni Kristo” sa pamamagitan ng pagku-krus. Kaya nga gamit ang ating kanang kamay ay gumuguhit tayo ng krus mula sa noo, pababa sa dibdib, papunta sa kaliwang braso at matatapos sa kanang braso.
Mahirap magkamali ang iba na sabihin na Katoliko ang isang tao na makikita nilang nagku-krus. Kaya nga mahalaga na magawa ito nang tama dahil hindi lang ang pagiging Katoliko niya ang maiisip ng mga tao kundi ang mismong si Kristo.
Dahil kasamang naaalala ng iba ang Panginoon sa ginagawang pagku-krus ng mga Katoliko, masasabi natin na tumutulong tayo sa pagpapahayag ng Mabuting Balita ng kaligtasan.
Ayon nga uli sa Bibliya sa 1Cor 1:23,
“Ipinahahayag namin si Kristo na ipinako sa krus, (bagay) na kinatitisuran ng mga Hudyo at itinuturing na kalokohan ng mga Hentil.”
Pero hindi lang pagpapahayag ng kaligtasan ng Panginoon ang hatid ng pagku-krus. Sa tuwing magsa-Sign of the Cross ang isang tao, gumagawa siya ng simpleng panalangin
Sa panalangin ng “Sign of the Cross,” tinatawag natin ang pangalan ng Diyos sa pagsasambit natin ng “Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.” Ang mga katagang ito ang nagpapaalala sa atin ng kaligtasang ibinibigay ni Kristo sa pamamagitan ng ating binyag.
Sabi kasi ni Hesus sa Matthew 28:19,
“Humayo kayo at gawing disipulo ang lahat ng bansa sa pagbibinyag sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.”
Kasama ng kaligtasan ng pagbibinyag ang pangako ng Diyos sa Joel 3:5 at Romans 10:13,
“Ang lahat ng tatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.”At diyan lang papasok ang sinasabi ni Soriano na sa pagku-krus ay nananalangin ang Katoliko ng “Iligtas mo kami sa aming mga kaaway.”
Sa madaling salita, ang paghingi ng tulong sa Diyos ay isang bahagi lang ng kahulugan ng pagku-krus. Hindi ito ang nag-iisang kahulugan tulad ng gustong palabasin ni Bro. Eli.
At ngayon ngang alam na natin na ang krus ay “kapangyarihan ng Diyos” na “nawa’y ating ipagmalaki” at “ipahayag,” dapat ba o hindi dapat mag-krus ang isang Kristiyano?
Kayo na ang sumagot.