Showing posts with label Jehovah: Maling pangalan ng Diyos. Show all posts
Showing posts with label Jehovah: Maling pangalan ng Diyos. Show all posts

Sunday, November 20, 2011

‘Jehovah’ pambabastos sa tunay na Diyos

Marso 8, 2003


KUMUSTA kayo? Kung nasundan ninyo ang mga pang-Sabado kong column ay alam na ninyo ngayon kung paano naimbento ang pangalang “Jehovah” na ayon sa ilang tao ay siya raw pangalan ng Diyos.

Heto ang summary ng kung paano naimbento ang salitang “Jehovah.”

- Noong isinulat ng mga Hebreo ang orihinal na texto ng Old Testament ay hindi sila gumamit ng mga vowels kaya wala kayong mababasang “A E I O U” sa mga ito. Puro lang “B K D G H L M etc.” ang nakasulat. Kahit ganoon ay alam ng mga Hebreo ang bigkas sa mga salita. Halimbawa, alam nila na ang “DYS” ay binibigkas na “DIYOS.”

- Nang tanungin ni Moises ang Diyos kung ano ang pangalan nito ay sinagot niya nito sa Exodus 3:15 ng ganito, “Sabihin mo sa mga Israelita: Ang PANGINOON ... Ito ang aking pangalan magpakailanman. Ito ang itatawag sa akin ng lahat ng salinlahi.’”

- Sa mga Bibliya ngayon “Panginoon” o “Lord” ang mababasa pero sa orihinal na kasulatan sa Hebreo ang nakasulat sa lugar nito ay apat na letra na ang katumbas sa salita natin ay “YHWH.” Ang “YHWH” ang bumubuo sa pangalan ng Diyos.

- Natakot ang mga Hebreo na lumabag sa Exodus 20:7, kung saan sinasabing “Huwag mong gagamitin ang pangalan ni YHWH, ang iyong Diyos, sa walang katuturan,” hindi na nila binanggit ang pangalan nito. Sa halip ay ginamit nila ang “Adonai” na ang katumbas sa Pilipino ay “Panginoon” at “Lord” naman sa Ingles.

- Para huwag magkamali ang mga magbabasa ng Banal na Kasulatan, isinulat ng mga Hebreo ang salitang “Adonai” sa ibabaw ng “YHWH” para ang “Adonai” ang masabi at hindi ang “YHWH.”

- Noong 200 taon bago ipanganak ang Panginoong Hesus, isang grupo ng eskriba na kumukopya at nagpaparami ng Kasulatan ang nagsimulang maglagay ng “vowels” sa mga salita rito, puwera lang sa “YHWH.” Ito ay dahil sa puntong ‘yon ay NAKALIMUTAN na nila ang tamang bigkas dito. Kung sabagay, “Adonai” naman ang ginagamit nila kaya ito na lang ang nilagyan nila ng “vowels.”

- Sa pagitan ng 1200 at 1600 A.D., isinalin ng ilang “German scholars” ang Banal na Kasulatan mula sa Hebreo papuntang German at isinulat nila ang “YHWH” sa kanilang salita kaya ito ay naging “JHVH.”

- Noong isinasalin nila ang “YHWH” ay hindi nila ito mabuo dahil wala ngang “vowels.” Umiral ang pagka-adelantado ng isang “scholar” at kanyang “hiniram” ang “vowels” ng “Adonai” na nakasulat sa ibabaw ng “YHWH.” Kaya kasabay ng pagsasalin nito sa “JHVH” ay isiningit niya sa gitna ng mga letra nito ang “vowels” ng Adonai. Inilagay niya ang “a” sa gitna ng “J” at “H.” Ang “o” ay inipit niya sa “H” at “V.” At ang huling “a” ay ginawa niyang “palaman” sa pagitan ng “V” at “H.”

Doon naimbento na ang salitang “JaHoVaH” na sa kalaunan ay naging “Jehovah.”

Alam ng mga tagasunod ni “Jehovah” na HINDI ito ang tunay na pangalan ng Diyos at MALI ang kanilang ginagawa. Pero dahil nagkasubuan na ay ginagamit na lang nila ito. Tutal daw ay “nakaugalian” na ito ng maraming tao.

Pero tama bang ipagpatuloy ang isang bagay na HINDI TOTOO at MALI dahil lang nakaugalian na ito? Walang masama kung gumamit ng nakaugalian na lalo na kung TAMA ito. Pero kung MALI, ‘yan ang delikado.

Ang problema sa salitang “Jehovah” ay “gawa-gawa” na nga ito ay MASAMA pa ang kahulugan nito. At sa tuwing gagamitin ito sa Diyos ay binabastos, binababoy at tinatarantado nila ang Panginoon.

At bakit? Ganito ‘yon.

Sa salitang Hebreo, ang salitang “Jehovah” ay lalabas na may dalawang bahagi: ang “Jeh” na lalabas na “first name” at ang “hovah” na magiging “description” ng “first name.”

Sa Banal na Kasulatan, hindi ginamit ang “Jeh” na pangalan ng Diyos. Patunay rito ang Pangalan ng mga propetang tulad nina “Isa-Yah” na sa Hebreo ay “YeshaYAH” o “Si Yah ang kaligtasan.” Maling sabihin na “Isa-Jeh” o “YeshaJEH” na nakakatawa kung ipipilit.

Ang salitang “alleluYAH” ay nangangahulugan ng “papuri kay YAH.” Hindi ito puwedeng isulat na “alleluJEH.”

Sa madaling salita, ang “Jeh” ay walang kaugnayan sa Diyos.

Pero ang malupit ay ang ibig sabihin ng “hovah.” Sa Hebreo, ang kahulugan nito ay “ruin o disaster” o sa Pilipino ay “wasakin o kapahamakan.”

Ang isang katulad na salita ng “hovah” ay “havvah” na ang ibig sabihin naman ay “masamang pagnanasa,” “kalamidad,” “pagkawasak.”

Nakikita ba ninyo ang ibig sabihin niyan? Ang ibig sabihin ng “Jehovah” ay “tagawasak” o “nagdadala ng kapahamakan.” Ang “Jehovah” ay “masamang pagnanasa” at nagdadala ng “kalamidad” at “pagkawasak.”

Nakakakilabot, dahil ang pangalang “Jehovah” ay mas tumutukoy sa demonyo at hindi sa Diyos.

Kung ganoon, ano ba ang pangalan ng Diyos? Sa susunod na Sabado ko ‘yan sasabihin sa inyo.

Thursday, November 10, 2011

‘Jehovah’ pekeng pangalan ng Diyos

Marso 1, 2003


ITO na ang ikaapat na “installment” ng pagtalakay natin sa salitang “Jehovah” na sinasabi ng ilan na pangalan daw ng Diyos. Nitong nakaraang Sabado ay nag-promise ako na ipakikita ko na kung paano naimbento ang salitang ito.

Pero bago ‘yon ay gumawa muna tayo ng isang mabilis na review ng mga napag-usapan na natin.

- Noong isinulat ng mga Hebreo ang orihinal na texto ng Old Testament ay hindi sila gumamit ng mga vowels kaya wala kayong mababasang “A E I O U” sa mga ito. Puro lang “B K D G H L M etc.” ang inyong makikita rito. Pero kahit pa nagkaganoon ay alam ng mga Hebreo kung paano bigkasin ang mga salita. Halimbawa, alam nila na ang “DYS” ay binibigkas na “DIYOS.”

- Nang tanungin ni Moises ang Diyos kung ano ang pangalan nito ay sinagot niya nito sa Exodus 3:15 ng ganito, “Sabihin mo sa mga Israelita: Ang PANGINOON ... Ito ang aking pangalan magpakailanman. Ito ang itatawag sa akin ng lahat ng salinlahi.’”

- Kung titingnan natin ay lalabas na “Panginoon” o “Lord” ang pangalan ng Diyos pero mali ito sapagkat sa orihinal na kasulatan sa Hebreo ay hindi ang katumbas ng “Panginoon” o “Lord” ang mababasa kung ang apat na letra na ang katumbas sa salita natin ay “YHWH.” Ang “YHWH” ang bumubuo sa pangalan ng Diyos.

- Dahil sa takot ng mga Hebreo na lumabag sa kautusan sa Exodus 20:7, kung saan sinasabing “Huwag mong gagamitin ang pangalan ni YHWH, ang iyong Diyos, sa walang katuturan,” hindi na nila binanggit ang pangalan nito. Sa halip ay sinasabi nila ang salitang “Adonai” na ang katumbas sa Pilipino ay “Panginoon” at “Lord” naman sa Ingles.

- Para huwag magkamali ang mga magbabasa ng Banal na Kasulatan, isinulat ng mga Hebreo ang salitang “Adonai” sa ibabaw ng “YHWH” para ang “Adonai” ang masabi at hindi ang “YHWH.”

- Sa pagitan ng 1200 at 1600 A.D., isinalin ng ilang “German scholars” ang Banal na Kasulatan mula sa Hebreo papuntang German. Nang gawin nila ito ay isinulat din nila ang “YHWH” sa kanilang salita kaya ito ay naging “JHVH.” At diyan na nag-ugat ang pagkaka-imbento ng salitang “Jehovah.”

Iiwan muna uli natin ang mga “German scholars” na iyan sa pagpapatuloy ng pagtalakay natin.


VOWELS ISININGIT

Noong unang panahon ay wala pang imprenta kaya ang mga kasulatan, kasama na ang Banal na Kasulatan ay pinararami sa pamamagitan ng pagkopya gamit ang sulat kamay. Sa madaling salita, “handwritten” ang mga kopya ng Kasulatan. Ang mga gumawa ng pagkopyang ito ay ang mga “eskriba.”

Bandang 200 BC o 200 taon bago ipanganak ang Panginoong Hesus, isang grupo ng eskriba ang nagsimulang maglagay ng “vowels” sa mga salita sa Banal na Kasulatan. Kaya mula noon ay lahat ng salita sa Kasulatan ay nalagyan nila ng “vowels” puwera lang sa “YHWH.”

Bakit hindi kasama ang “YHWH” sa nalagyan ng “vowels?” Ito ay dahil sa sobrang takot ng mga Hebreo na banggitin ang pangalan ng Diyos ay NAKALIMUTAN nila ang tamang bigkas dito.

Kahit naman siguro sino ay makakalimutan ang tamang bigkas sa isang salita matapos ang ilang daang taon na hindi ito sinasabi. Isa pa ay nasanay na silang binabanggit ang “Adonai” (na meron na ring “vowels”) na nakasulat sa ibabaw ng “YHWH” sa Banal na Kasulatan.

Dito uli papasok ang papel ng “German scholars” sa pagkakaimbento ng salitang “Jehovah.”

Noong isinasalin nila ang Old Testament mula Hebreo patungong German ay nagtaka sila kung bakit ang lahat ng salita rito ay mayroong “vowels” liban sa “YHWH” na isinalin na nila bilang “JHVH.”

Malaking problema ‘yon dahil hindi nila makumpleto ang pangalan ng Diyos.

Isa sa mga scholars ang nakagawa ng “solusyon” sa problema--mali nga lang.

Habang isinusulat niya ang “JHVH” na walang “vowels” ay napuna niya ang salitang “Adonai” sa ibabaw nito na merong “vowels.”

Umiral ang pagka-adelantado nito at kanyang “hiniram” ang “vowels” ng “Adonai” at isiningit sa gitna ng mga letra ng “JHVH.” Kinuha niya ang “a” at inilagay sa gitna ng “J” at “H.” Ang “o” ay inipit niya sa “H” at “V.” At ang huling “a” ay ginawa niyang “palaman” sa pagitan ng “V” at “H.”

Nai-imagine ba ninyo ang kinalabasan? Nabuo o naimbento na ang salitang “JaHoVaH” na sa kalaunan ay naging “Jehovah.” Mula noon ay marami ng tao ang nagoyo ng salitang “Jehovah” na kinikilala nila bilang pangalan ng Diyos.

Ang masaklap pa niyan ay binabastos at tinatarantado nila ang Diyos sa tuwing gagamitin nila ang salitang “Jehovah.”

Paano? Sa susunod na Sabado ay ‘yan naman ang ibabahagi ko sa inyo.

Jehovah, paano naimbento?

Pebrero 22, 2003


PANGALAN NG DIYOS

PANGATLONG Sabado na ito na tinatalakay natin ang pangalan ng Diyos. Sumulat kasi sa akin si Mrs. Adoracion Espiritu ng Angono, Rizal, at nagtatanong kung totoo bang “Jehovah” ang pangalan ng Diyos.

Eto ang napag-usapan natin nitong mga nakaraang Sabado para malaman kung saan nagmula ang salitang “Jehovah” at para maipakita na HINDI ito ang pangalan ng Diyos.

Una, ipinaliwanag ko na sa orihinal na Banal na Kasulatan, partikular sa Old Testament, hindi gumamit ng vowels ang mga nagsulat sa salitang HEBREO. Wala silang “A E I O U.”

Sa kabila nito ay alam nila ang bigkas ng mga salita kahit pa puro consonants: “B K D G H L M etc.” ang makikita sa kanilang mga sulat. Halimbawa, alam nila na ang “DYS” ay binibigkas na “DIYOS.”

Last week, inugat natin kung saan nagsimula ang pagkakamali na nagresulta sa pagkakaimbento ng salitang “Jehovah.”


‘I AM WHO AM’

Sa Exodus chapter 3:13-15 ay mababasa natin na tinatanong ni Moises ang Diyos kung ano ang pangalan nito. Sumagot ang Diyos na siya ay “eyeh asher eyeh” na Hebreo para sa “Ako ay si Ako” (sa Filipino) o “I Am who Am” (sa Ingles).

Ang “eyeh” (sa Ingles ay “first person singular" o “I Am”) ay hango sa salitang “hayah” (infinitive na “to be”) na nagpapahiwatig ng kawalan ng simula at katapusan ng Diyos.

Sa verse 15, ay sinabi ng Diyos,

“Sabihin mo sa mga Israelita: Ang PANGINOON, ang Diyos ng inyong mga ama, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, ang Diyos ni Jacob, ang nagsugo sa akin. Ito ang aking pangalan magpakailanman. Ito ang itatawag sa akin ng lahat ng salinlahi.’”

So, “Panginoon” ba ang pangalan ng Diyos?

Hindi. Sapagkat sa orihinal na kasulatan sa Hebreo, hindi “Panginoon” o “Lord” ang mababasa kundi ang apat na letra na ang katumbas sa salita natin ay “YHWH.” Ang tawag dito ay "TETRAGRAMMATON."

Ang “YHWH” ang bumubuo sa pangalan ng Diyos pero hindi “Panginoon” o “Lord” ang translation nito sa Filipino o sa English.

Eh ano pala?

Ituloy lang ninyo ang pagbasa.


PANGALAN BAWAL BANGGITIN

Nagsimulang maimbento ang salitang “Jehovah” nang isalin o i-translate ang “YHWH” sa salitang German. At sa German ang katumbas ng “Y” ay “J” at ang katumbas ng “W” ay “V.” Bunga nito, sa translation sa German, ang makikita sa verse 15 ng Exodus 3 ay “JHVH.”

At diyan na nagkawendang-wendang ang pangalan ng Diyos.

Pero iiwan muna natin sandali ang “JHVH” at balikan natin ang mga Hebreo na siyang nagsulat ng orihinal na Old Testament.

Ang mga Hebreo ay sobrang maka-Diyos na mga tao. Sa sobrang seryoso nila sa pagsunod sa mga kautusan ay may panahon na naging “OA” sila.

Halimbawa niyan ang pagsunod nila sa sinasabi ng isa sa 10 utos sa Exodus 20:7, kung saan sinasabi

“Huwag mong gagamitin ang pangalan ni YHWH, ang iyong Diyos, sa walang katuturan. Paparusahan ni YHWH ang sino mang gagamit sa kanyang pangalan sa walang katuturan.”

Dahil dito, umiiwas na silang banggitin ang pangalan ng Diyos. Maging sa pagbabasa nila ng Banal na Kasulatan ay naging maingat sila.

Sa tuwing makikita nila ang “YHWH” ay hindi nila ito sinasambit. Sa halip, ipinapalit nila rito ang salitang “Adonai,” na ang translation sa Filipino ay “Panginoon” at sa Ingles naman ay “Lord.”

‘Yan ang dahilan kung bakit kung magbabasa kayo ng Bibliya-sa Filipino man o sa Ingles-ay “Panginoon” o “Lord” ang inyong mababasa imbes na “YHWH.” Balikan ninyo ang Exodus 3:15 para lalo ninyong maintindihan ang sinasabi ko.


ADONAI

Para lalong makaiwas sa pagbanggit sa pangalan ng Diyos, ang mga gumagawa ng mga kopya ng Banal na Kasulatan ay naging maingat din. Para hindi sila magkamali, nilagyan nila ng “notes” ang Banal na Kasulatan.

(Take note: wala pang imprenta noon at ang bawat kopya ng Banal na Kasulatan ay sa sulat kamay o handwritten)

Ang ginawa nila ay sa tuwing masusulat nila ang “YHWH” ay isinusulat nila ang “Adonai” sa ibabaw nito. Ang layunin nila ay sa tuwing makikita ng magbabasa ang “YHWH” ay ang “Adonai” ang babanggitin nito at hindi ang pangalan ng Diyos.

Ano ang masasabi n’yo riyan? Ang galing, ‘di ba?

Pero kung sa kanila ay naging madali ang pag-iwas sa pagbanggit sa pangalan ng Diyos, naging mahirap naman ito para sa mga sumubok na mag-translate ng Banal na Kasulatan mula sa Hebreo.


‘JEHOVAH’

Diyan na uli papasok ang ginawang pagsasalin ng ilang “German scholars” na imbes na “YHWH” ang isulat ay “JHVH” ang kanilang ginamit.

Sa susunod na Sabado ay ipapakita ko sa inyo kung ano ang kaugnayan ng “JHVH” sa salitang “Adonai” at kung paano naimbento ang salitang “Jehovah” mula sa mga ito.

Kaya tiyaking makakabasa ng column ko next Saturday para malaman ninyo ang katotohanan.

Ano ba ang ‘name’ ng Diyos?

Pebrero 8, 2003


SUMULAT na uli si Mrs. Adoracion C. Espiritu ng Angono, Rizal. Siya ‘yung reader natin na nagtanong tungkol sa mga “diyus-diyosan.”

Nag-thank you siya sa pagsagot natin sa kanyang question at nagpaliwanag kung bakit naisip niyang ibato sa atin ang kanyang tanong.

Ito palang si Mrs. Espiritu ay pinapasyalan ng mga miyembro ng ibang sekta at kinukuwentuhan ng mali tungkol sa kanyang paniniwala bilang Katoliko. ‘Yon na nga eh kesyo ang mga Katoliko raw eh humihingi ng tulong sa mga “diyus-diyosan.”

‘Yan na nga ba ang sinasabi natin eh. May mga “kristiyano” o “maka-Diyos” daw na imbes na magpahayag ng kabutihan at katotohanan o mabuting bagay tungkol sa kanilang paniniwala ay nagkakalat na lang ng “tsismis” laban sa iba.

Kung kayo ay biktima rin ng pagkakalat ng “tsismis” ng ibang tao at naguguluhan tuloy sa inyong pananamapalataya bilang Katoliko, welcome din kayong sumulat o magtanong.


'JEHOVAH' PANGALAN NG DIYOS?

Tulad nito, itinatanong naman ngayon ni Mrs. Espiritu kung totoo nga na “Jehovah” ang pangalan ng Diyos. ‘Yon daw kasi ang kuwento sa kanya ng isa sa kanyang mga “bisita.”

Ngayon, totoo ba ‘yon?

Tabi-tabi lang po sa mga naniniwala rito pero MALI po ang inyong paniniwala. Hindi “Jehovah” ang pangalan ng Diyos.

Ang totoo ay “imbento” lang ang pangalang ‘yan. Ang masaklap pa ay bunga lang ‘yan ng isang malaking pagkakamali na lumaganap dahil sa kakulangan ng pang-unawa ng ilang tao sa Bibliya at sa kasaysayan nito. Sa ganito nagsimula ang pagkakamali ng mga “nag-imbento” ng pangalang “Jehovah.”


WALANG VOWELS

Ang orihinal na Old Testament ay nasulat sa salitang Hebreo. Noon, hindi gumagamit ng “vowels” ang mga nagsusulat. Puro lang “consonant.”

Ibig sabihin, sa mga kasulatan ng mga Hebreo noong unang panahon, wala tayong mababasa na letra na katumbas ng “A E I O U” sa ating alphabet. Puro lang “B K D G H L M N” etcetera, etcetera.

Halimbawa, kung ang salita ay “DIYOS,” ang nakasulat lang ay “DYS.” Wala ang “I” at “O.” Nakakalito ba?

Kung nalilito tayo, sila hindi. Kabisado kasi nila ang tamang pronunciation ng mga salita. Diyan nagsimula ang problema ng mga “nag-imbento” sa “Jehovah.”

Next Saturday, ipaliliwanag natin ito.