Thursday, February 7, 2013
Rosaryo, kontra Bibliya raw; totoo ba?
KAHAPON ay pinag-usapan natin ang pagiging BIBLICAL ng Santo Rosaryo.
Ipinakita ko na ang mga NILALAMAN nito ay GALING sa Bibliya.
Ipinakita ko na ang PUSO at SENTRO ng Rosaryo ay katulad ng PUSO at SENTRO ng Bibliya. At ‘yan ay wala nang iba kundi si KRISTO HESUS.
Noong unang panahon, ang Rosaryo ang ginamit ng mga Kristiyano bilang "Bibliya."
Nung panahon kasi noon ay NAPAKAMAHAL pa ng Bibliya at KOKONTI ang tao na mayroon nito. Kadalasan ay matatagpuan ang Bibliya sa loob lang ng mga monasteryo, simbahan at sa mga bahay ng mayayaman.
Hindi pa kasi noon naiimbento ang "printing press" at ang bawat kopya ng Bibliya ay ginagawa sa pamamagitan ng sulat kamay.
Kaya diyan ninyo mai-imagine kung gaano lang karami ang Bibliya na nasa sirkulasyon.
Idagdag pa natin diyan ang katotohanan na marami ang mga tao noon na HINDI NAKAPAG-ARAL.
So, paano nila nalaman ang mga sinasabi ng Bibliya? Ginamit nila ang Santo Rosaryo.
Kaya nga puwedeng sabihin na ang Rosaryo ang "Bibliya" ng mahihirap at ng mga walang pinag-aralan.
At kung wala ang Rosaryo ay mas marami pa tiyak ang naging MANGMANG sa ginawang pagliligtas ni Hesu Kristo.
Kaya nga kung minsan ay kinikilabutan ako sa ginagawang panlalait ng ilang BAGONG LITAW na mangangaral sa Rosaryo.
Dito ay gusto kong balikan ang tanong kahapon ni Dante Paulino ng Calbayog City.
Itinanong niya, "Bakit maraming aral sa Iglesia Katolika na labas sa utos ng Bibliya? Halimbawa ‘yung pagdarasal nang pabalik-balik."
Ang tinutumbok ni Dante ay ang paggamit ng mga Katoliko ng Rosaryo.
Ang batayan ng sinasabi ni Dante ay ang sinasabi ng King James Version at ng Magandang Balita Bibliya sa Matthew 6:7.
Kung babasahin natin ang sinasabi ng talata batay sa KJV at MBB ay ganito ang mababasa natin, "At kung kayo ay magdarasal, huwag kayong gumamit ng walang kabuluhang PAULIT-ULIT na mga panalangin tulad ng mga Hentil..."
Pero kung ang babasahin natin ay ang New International Version o NIV ay ganito naman ang sinasabi ng talata, "At kung kayo ay magdarasal, huwag kayong DUMALDAL na parang mga pagano na nag-iisip na sila ay maririnig sa pamamagitan ng kanilang MARAMING SALITA."
Kung papansinin ninyo ay magkaiba ang salin. Magtataka pa kayo dahil PAREHONG SALIN-PROTESTANTE ang KJV at NIV.
Pero dahil malaki ang pagkakaiba nila, ibig sabihin ay mayroong MALI at mayroong TAMA sa mga translation na iyan.
Alin ang TAMA?
Ang TAMA ay ang NIV. At ang MALI na salin ay ang KJV at MBB na noon pa ay sinasabi ko nang MALI-MALI ang pagka-translate mula sa ORIHINAL na GRIEGO.
Heto ang isang patunay. Sa orihinal na talata sa Griego, ang salita na makikita sa talata ay "battologeo."
Ang TAMANG SALIN ng "battologeo" sa Pilipino ay "DUMALDAL" o gumamit ng MARAMING SALITA na walang katuturan.
Diyan ay makikita natin na ito ay mas malapit sa salin ng NIV.
Ngayon, ano ang punto? Ang punto ay ginagamit ng mga kontra sa Rosaryo at sa nobena ang MALING salin ng Bibliya.
Ang Rosaryo raw ay "walang kabuluhang PAULIT-ULIT na panalangin" na binabanggit sa maling translation ng Bible.
Tama ba ‘yon? Kung mali ba ang translation ay magiging tama ang pagkakaintindi at ang paniniwala na magmumula rito?
Siyempre, mali rin. Kaya nga may mga tao na naliligaw sa paniniwala na ang Rosaryo ay walang katuturang paulit-ulit na dasal.
Kung pupunahin ninyo, HINDI ang PAULIT-ULIT na dasal ang ipinagbabawal kundi ang mga dasal na MARAMING SALITA ang ginagamit.
Isang "key word" sa orihinal na Griego ng Mt 6:7 ay "polylogia." Ang ibig sabihin nito ay "poly" o marami at ang "logia" ay salita. In short, "MARAMING SALITA."
Sa Rosaryo ay ILANG SALITA LANG ANG GINAGAMIT dahil inuulit-ulit ang Ama Namin, Aba Ginoong Maria at ang Luwalhati.
Ang Ama Namin ay ang mismong dasal na itinuro ni Hesus sa Mt 6:9-13.
Ang Aba Ginoong Maria ay ang pinagsamang PAHAYAG ng anghel Gabriel sa Luke 1:28 at ni Elisabet (na PUNO ng Espiritu Santo) sa Luke 1:42.
Kaya nga makikita natin na mismong mga DASAL na ginagamit sa Rosary ay NAPAKA-BIBLICAL.
Samantala, ang Luwalhati ay papuri sa tatlong persona ng Diyos.
Sino ang nagsasabi na walang katuturan ang ulit-ulitin ang mga Biblical at makatuturang mga salita na ito?
Siguro kung kaaway ka ng Diyos ay ituturing mong mali ang pag-ulit ng mga salita mula sa Bibliya o ng papuri sa Diyos.
Hindi rin nila alam na sa Langit ay paulit-ulit na ang ginagawang papuri sa Diyos.
Sabi nga sa Revelation 4:8, "Ang bawat isa sa apat na nilalang ay may anim na pakpak at puno ng mga mata. ARAW at GABI ay HINDI SILA TUMITIGIL SA PAGSASABI ng ‘Banal, banal, banal ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan na siyang nakalipas, kasalukuyan at darating pa.’"
So, nakikita natin na ang Rosaryo ay HINDI LANG BIBLICAL na dasal at gawain kundi PATIKIM pa sa gagawin nating papuri sa Diyos pagdating natin sa Langit.
Tuesday, November 29, 2011
Mga pari, hindi dapat tawaging ‘father?’
Hunyo 17, 2003
HETO po ang text ni Macky ng Davao City bilang partisipasyon sa ating column.
"Ang mensahe ko lang ay kay Jesus lang tayo puwedeng magdasal kasi ‘yon ang sabi sa Matthew 28:18."
Ganito ang sabi ng talatang binabanggit ni Macky,
"Lumapit si Hesus sa kanila at sinabi, ‘Ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa ay ibinigay na sa akin.’"
Sangayon ako sa sinasabi ng talata, Macky. Tumpak ‘yon. Wala tayong pag-uusapan tungkol doon.
u u u
TANONG naman ni Luis Dimalanta ng Mandaluyong City, "Ka Cenon, ano ba ang relihiyon mo? Pabor ka ba na sumamba sa mga rebulto o larawang inanyuan?"
Salamat sa text, Luis.
Bilang isang Katoliko ay kailangang sumunod ako sa aral ng Simbahan na nagbabawal sa pagsamba sa mga diyus-diyosan sa anumang anyo.
Kung mayroon mang mga imahen sa loob ng Iglesia, ang mga ito ay mga pantulong lang para maalala ng mga Katoliko ang mga ginawa ng Panginoong Hesus at ng mga santo o mga taong nagbigay ng kanilang buhay para sa Diyos.
u u u
NAG-REACT si Phay Timtiman ng Tanay, Rizal, at ang reader natin na si "Freeman" sa text ni Edward Reyes ng GMA, Cavite.
Nagbigay suporta si Phay (thank you a patuloy na pagbibigay lakas loob).
Samantala, heto naman ang sinabi ni Freeman, "Hindi tama na pagsabihan ka ni Edward Reyes ng masama."
"Ako rin ay hindi sangayon na si Pedro ang tinutukoy na ‘Bato’ sa Matthew 16:18."
Salamat sa text, Freeman. Iginagalang ko ang pagkakaiba ng ating pananaw. Sabi ko nga, hindi ko layunin ang kumumbinsi ng iba.
Ang akin lang ay ihayag ang mga katotohanan na alam ko at ituwid ang mga maling paniniwala ng ibang tao tungkol sa Simbahang Katoliko at sa Katolisismo.
Marami kasing Katoliko ang "bulag" at walang alam tungkol sa kanilang pananampalataya kaya marami sa kanila ang madaling naililigaw ng ibang paniniwala.
Tungkol naman kay Pedro, marami pang dapat sabihin para maipakita kung ano ang sinasabi ng Panginoon at ng Bibliya tungkol sa kanya.
u u u
GANITO naman ang text ni Edgar Rualo ng ParaƱaque, "GOD is omnipotent. He knows and sees our every action. So, we don't need to say long prayers as the Pagans do. Was the Gospel unclear to you?"
Pasensiya ka na, Edgar, hindi ko lang maintindihan kung anong "Gospel" ang sinasabi mo. Sa Ebanghelyo kasi ni Kristo, Siya mismo ay palaging nagdarasal at nagdasal ng mahaba.
Tingnan natin ang sinasabi ng Luke 18:1-8. Ito ay kuwento tungkol sa isang "Makulit na Biyuda."
Sa verse 1 ay ganito ang panimula,
"Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang isang kuwento para ipakita sa kanila na DAPAT LAGI SILANG MAGDASAL at HUWAG SUMUKO."
Ayon sa kuwento, may isang biyuda na pabalik-balik sa isang huwes at paulit-ulit na nagsabi ng "Bigyan mo ako ng katarungan laban sa aking mga kaaway." (verse 3)
Una ay ayaw ng huwes pero nakulitan din ito kaya ibinigay nito ang hinihingi ng biyuda.
Kaya sabi ng Panginoon sa verse 6 at 7,
"Pakinggan ninyo ang sabi ng hindi makatarungang huwes. Ang Diyos ba ay hindi magbibigay ng katarungan sa kanyang mga pinili na NAGSUSUMAMO sa kanya ARAW at GABI?"
Although ang punto ng kuwento ay tiyak na sasagutin ng Diyos ang mga panalangin ng Kanyang mga pinili, sinasabi pa rin ni Hesus na MAGING MAKULIT tayo sa pagdarasal.
Sabi pa sa Ephesians 6:18,
"Maging listo kayo at PALAGING MANALANGIN para sa lahat ng banal."
Sa Matthew 26:39-44 naman ay si Kristo ang paulit-ulit na nagdasal ng
"Ama ko, kung maaari ay alisin ang sarong ito mula sa akin. Pero hindi ayon sa kalooban ko pero ayon sa iyong kalooban."
Kaya kung mapapansin mo, Edgar, ang Ebanghelyo ni Kristo ay tungkol sa madalas na pagdarasal na madalas nga ay paulit-ulit pa
Kaya nga ipagpasensiya mo na hindi ko malaman kung anong "Gospel" ang binabanggit mo na tila ipinagbabawal ang madalas na pagdarasal.
u u u
SABI naman ni Jorge ng Negros Occidental, "Bakit sinuway at hindi sinunod ng mga pari at Katoliko ang doktrina ni Kristo na "Call no man on earth ‘father’?"
Ang sinasabi ni Jorge ay nasa sa Matthew 23:9.
Napansin ko lang, Jorge. Bakit Ingles ang ginamit mong salin? Dahil ba kung Pilipino ang gagamitin ay biglang mabibitin ang iyong tanong?
Wala kasing tumatawag sa mga pari na "Ama," hindi ba?
Anyway, obvious na hindi literal ang ibig sabihin ni Hesus. Dahil kung literal ito ay ano ang itatawag natin sa magulang nating lalaki? "Uncle?" o "Auntie?"
Ikaw, Jorge, anong tawag mo sa lalaking magulang mo?
Kung babasahin natin ang buong Matthew 23 ay makikita natin na ang tinututulan ni Hesus ay ang pang-aabuso ng mga lider ng mga Hudyo.
Pero para patunayan na puwedeng tawaging "ama" ang isang religious leader heto ang sabi ni San Pablo sa 1 Corinthians 4:15,
"Kahit pa mayroon kayong sampung libong tagapangalaga kay Kristo, wala kayong maraming ama, dahil kay Kristo Hesus AKO ay inyong naging AMA (FATHER) sa pamamagitan ng ebanghelyo."
Ganyan din lang ang pagka-"father" ng mga pari. Sana malinaw, Jorge.
Rosaryo at nobena walang katuturan?
Hunyo 16, 2003
HINDI sangayon si Edward Reyes ng GMA, Cavite, sa sinabi ko sa column ko kahapon na si Pedro ang "Bato" kung saan itinatag ng Panginoong Hesus ang Kanyang Iglesia.
Nasabi tuloy ni Edward, "Mr. Bibe. Sugo ka ba ni Satanas? Naghahayag ka ng napakalaking katangahan at kahihiyan sa sarili mo."
May iba pang sinabi si Edward kaya lang ay naputol ang pasok ng text niya. Pasensya ka na Edward pero paki text naman ‘yung sinasabi mong tinutukoy ng Mt 16:18 na "bato" na pinagtatagan ni Hesus ng Kanyang Iglesia.
Samantala, hindi naman ako ang nagsabi na si Pedro ang Bato sa Mt. 16:18. Si Kristo ang nagsabi ng
"At sinasabi ko rin sa iyo [ang Apostol ang kausap dito]: IKAW ay PEDRO at sa ibabaw ng batong ito ay ITATAYO KO ANG AKING IGLESIA.”
Ang Pedro ay galing sa salitang "Petros" na ang ibig sabihin sa salitang Griego ay "Bato" although may mga nagsasabi na ang kahulugan daw ng "petros" ay "maliit na bato."
Nagkakaroon kasi ng konting kalituhan dahil sa salitang Griego ay mayroong kasarian ang mga salita.
Ang tuwirang salita sa Griego para sa "bato" ay "petras" na ang kasarian ay pambabae. Pero dahil lalaki si Pedro ay ang salita na panlalaki ang ginamit sa kanya. Kaya tinawag siyang "Petros."
Noon kasi ay hindi tulad ngayon na ang pangalang pambabae ay ibinibigay na sa lalaki o ang pangalang panlalaki ay ibinibigay sa babae.
Pero para hindi magkalituhan, binigyang linaw ito sa John 1:42 kung saan ganito ang sinasabi,
"Tiningnan siya ni Hesus na nagsabi, ‘Ikaw ay si Simon anak ni Juan. Tatawagin kang CEPHAS’ (na kung isasalin ay Pedro)."
Ang ginamit na pangalan ni Hesus dito ay "CEPHAS" na salitang Aramaico na ang tuwirang ibig sabihin ay "BATO."
So, si Hesus at ang Bibliya ang nagsasabi na si Pedro ay "Bato." Hindi ako.
Sana pag-text ni Edward Reyes ay tukuyin niya kung saan niya nabasa na hindi si Pedro ang "Bato" para mapagusapan nang maayos.
u u u
GANITO naman ang tanong ni Ed Rualo ng ParaƱaque, "In Matthew 6:5-15, Jesus taught us how we shall pray to GOD but the Church taught us lengthy rosaries and novenas. Why are we inconsistent with the Gospel?
Salamat sa text mo, Ed. Ang binanggit mong talata ay tumalakay sa aral kung paano mananalangin. Pero hayaan mo sana na banggitin ko lang ang verse 7 na sa tingin ko ay may kaugnayan sa tanong mo tungkol sa rosaryo at novena.
Ganito ang sinasabi ng talata,
"At kung kayo ay magdarasal, huwag kayong DUMALDAL na parang mga pagano na nag-iisip na sila ay maririnig sa pamamagitan ng kanilang MARAMING SALITA."
Sa mga gumagamit ng King James Version (KJV) o ang Magandang Balita Bibliya (MBB), ang mababasa nila sa talatang ito ay "At kung kayo ay magdarasal, huwag kayong gumamit ng walang kabuluhang PAULIT-ULIT na mga panalangin tulad ng mga Hentil..."
Kung papansinin ninyo ay magkaiba ang salin.
Ang una ay galing sa New International Version (NIV) na mas katiwa-tiwalang salin kaysa KJV o MBB na mali-mali ang translation mula sa orihinal na Griego.
Heto ang isang patunay, sa orihinal na talata sa Griego, ang salita na makikita sa talata ay "battologeo" na ang ibig sabihin ay "DUMALDAL" o gumamit ng MARAMING SALITA na walang katuturan. Ito ay mas malapit sa salin ng NIV.
Ngayon, ano ang punto? Ang punto ay ginagamit ng mga kontra sa rosaryo at sa nobena ang MALING salin ng Bibliya.
Ang rosaryo at nobena raw ang "walang kabuluhang PAULIT-ULIT na panalangin" na binabanggit sa maling translation ng Bible.
Tama ba ‘yon? Kung mali ba ang translation ay magiging tama ang pagkakaintindi at ang paniniwala na magmumula rito?
Siyempre, mali rin. Kaya nga may mga tao na naliligaw sa paniniwala na ang rosaryo at nobena ay walang katuturang paulit-ulit na dasal.
Kung pupunahin ninyo, hindi ang paulit-ulit na dasal ang ipinagbabawal kundi ang mga dasal na MARAMING SALITA ang ginagamit.
Isang "key word" sa orihinal na Griego ng Mt 6:7 ay "polylogia." Ang ibig sabihin nito ay "poly" o marami at ang "logia" ay salita. In short, "MARAMING SALITA."
Sa rosaryo at nobena ay ilang salita lang ang ginagamit dahil inuulit-ulit ang Ama Namin, Aba Ginoong Maria at ang Luwalhati.
Ang Ama Namin ay ang mismong dasal na itinuro ni Hesus sa Mt 6:9-13.
Ang Aba Ginoong Maria ay ang pinagsamang pahayag ng anghel Gabriel sa Luke 1:28 at ni Elisabet na puno ng Espiritu Santo sa Luke 1:42. Kaya nga napaka-Biblical na dasal ng Aba Ginoong Maria.
Samantala, ang Luwalhati ay papuri sa tatlong persona ng Diyos.
Sino ang nagsasabi na walang katuturan ang ulit-ulitin ang mga Biblical at makatuturang mga salita na ito?
Siguro kung kaaway ka ng Diyos ay ituturing mong mali ang pag-ulit ng mga salita mula sa Bibliya o ng papuri sa Diyos.
Hindi rin nila alam na sa Langit ay paulit-ulit na ang ginagawang papuri sa Diyos.
Sabi nga sa Revelation 4:8,
"Ang bawat isa sa apat na nilalang ay may anim na pakpak at puno ng mga mata. Araw at gabi ay hindi sila tumitigil sa pagsasabi ng "Banal, banal, banal ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan na siyang nakalipas, kasalukuyan at darating pa."
Ang rosaryo at nobena ay patikim sa gagawin nating papuri pagdating natin sa Langit.