Monday, March 11, 2013
Anong iglesia ang tukoy sa Acts 20:28?
GANITO ang text ni Edwin C. ng Zamboanga City, "Mr. Cimon Bibe, manloloko ka. Gamit mo pa ang Bibliya. ‘Di mo naman alam ang nakasulat doon dahil wala kang Espiritu ng Diyos."
Salamat sa text mo, Edwin. Hindi ko lang alam kung bakit mo nasabi na manloloko ako.
Mas maganda sana kung nagbanggit ka ng talata o salita sa Bibliya na ginamit ko ng mali para maloko ang mga mambabasa.
Madali kasing magsalita nang WALA NAMANG EBIDENSIYA.
Mahalaga na kung mag-aakusa tayo ay MAGLABAS tayo ng KONKRETONG BATAYAN ng ating sinasabi para masagot ng pinagbibintangan.
Sa araw-araw na lumalabas ang column ko rito ay palagi akong gumagamit ng mga talata sa Bibliya. Paki turo mo kung alin doon ang mali.
Samantala, paano mo nasabi na "wala" sa akin ang Espiritu Santo?
Kanino ba ibinigay ang Espiritu Santo?
Ganito ang sabi ni Hesus sa John 14:16, "Hihingin ko sa Ama at bibigyan niya kayo ng isa pang Tagapayo na makakasama ninyo magpakailanman – ang Espiritu ng katotohanan."
Ang kausap ng Panginoon dito ay ang mga Apostol at iba pang KASAMA sa Kanyang KAWAN – ang Iglesia. (Although noon ay hindi pa pormal na natatatag ang Iglesia)
Natupad ang pagbibigay ng Diyos sa Espiritu Santo noong araw ng Pentecost na inilalarawan sa Acts 2:1-4.
Sa John 20:21-22 ay ibinigay ang Espiritu Santo sa mga Apostol na SINUGO ni Kristo. Ang Espiritung ito ay IBINIBIGAY lamang sa mga MIYEMBRO ng IGLESIANG ITINATAG ni Kristo sa pamamagitan ng mga kamay ng mga Apostol.
Ang Iglesiang itinatag ni Kristo ay ang Iglesia Katolika na mati-trace pabalik kay Hesus at sa mga Apostol.
Ngayon, bilang miyembro ng Iglesia Katolika ay masasabi ko na NATANGGAP ko at NASA AKIN ang Espiritu Santo.
Ano ngayon ang batayan mo, Edwin, na wala sa akin ang Espiritu ng Diyos?
u u u
Ganito ang tanong ni Mr. Cordoviz ng Makati City, "Bakit may nagdadasal pa kay Virgin Mary samantalang puwede naman tayong dumirekta kay Jesus Christ?"
Ang paglapit kay Virgin Mary at paghingi ng tulong sa kanya ay walang pinag-iba sa paglapit natin sa isang kaibigan o kapatid sa pananampalataya para humingi ng tulong sa pamamagitan ng panalangin.
Minsan ay nasasabi natin ang "Brod, tulungan mo naman akong magdasal" o kaya ay "Please pray for me."
Bakit ito ginagawa ng iba sa atin?
Ito ay dahil may PANGAKO ang Panginoon sa Matthew 18:19 na ganito ang sinasabi, "Muli, sinasabi ko sa inyo na kung may dalawa sa inyo sa daigdig na magkasundo sa anumang bagay, ito ay gagawin para sa inyo ng aking Ama sa langit."
Mahalaga kasi sa Kristiyanismo ang komunidad. Ika nga, walang Kristiyano ang puwedeng mabuhay mag-isa. Kailangan ng isang Kristiyano ang iba pang Kristiyano.
Oo, puwede tayong dumirekta sa Diyos at maririnig tayo ng Panginoon kahit tayo nag-iisa pero ipinakikita sa Mt 18:19 kung gaano kahalaga ang pakikiisa at pagkakaisa ng mga tagasunod ni Kristo.
Ngayon, kung puwede tayong lumapit kahit kanino ay puwede tayong lumapit kay Maria.
Pero HINDI ‘yan COMPULSORY. Hindi kasalanan kung ayaw nating lumapit kay Maria. Nasa atin ‘yon.
u u u
May tanong si ARC Pineda ng QC kaugnay sa pagpapakita ko na ang tinutukoy sa Roma 16:16 ay ang Iglesia Katolika.
Ganito ang tanong ni ARC, "Kung hindi ang Iglesia ni Cristo ang nasa ROMA 16:16, ano ang iglesia ang tinubos ni CRISTO sa GAWA 20:28 ng Lamsa version."
Bago ang lahat, sa opinyon ko ay HINDI KATIWA-TIWALA ang SALIN ni George M. Lamsa.
Unang-una, sinasabi ni Lamsa na GALING sa ORIHINAL na ARAMAICO ang kanyang salin sa NEW TESTAMENT. Doon pa lang ay MALI na kaagad.
Bakit? Ang ORIHINAL na mga teksto ng NEW TESTAMENT ay HINDI NASULAT sa ARAMAICO. Ang mga ORIHINAL na teksto ay NASULAT sa GRIEGO.
Nakita mo na kung gaano kalaking KAMALIAN ang sinasabi ni Lamsa?
Ngayon, ano ang iglesia na tinubos sa Acts 20:28?
Ang tinubos na iglesia rito ay ang Iglesia na ITINATAG ni Kristo sa Matthew 16:18 NOON PANG UNANG SIGLO.
ISA LANG naman kasi ang ITINATAG at ITINAYO na Iglesia at ayon sa ipinakita ko na ay ito ang IGLESIA KATOLIKA.
Ngayon, ganito ang sinasabi ng Acts 20:28 sangayon sa ORIHINAL na GRIEGO, "Bantayan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan kung saan ginawa kayong tagapangasiwa ng Espiritu Santo."
"Maging mga pastol kayo ng IGLESIA NG DIYOS na BINILI NIYA NG SARILI NIYANG DUGO."
Sa kanyang salin ay NAGKAMALI si Lamsa noong isalin niya ang talata dahil ang ginamit niya ay "iglesia ni Kristo."
Although si Kristo nga ang tinutukoy na bumili sa Iglesia gamit ang "sarili Niyang dugo" mahalaga na mapansin natin ang paggamit ng "iglesia ng Diyos" sa ORIHINAL na GRIEGO.
Sa paggamit kasi ng "iglesia ng Diyos" ay ipinapakita ang pagkilala ng Bibliya sa pagka-Diyos ni Kristo.
At kaugnay uli sa tanong ni ARC, ang Iglesia na tinutukoy rito ay ang Iglesia na kumikilala kay Kristo bilang DIYOS.
Sana ay maliwanag, ARC.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
sa talatang nabanggit. . sa anung pagkakasulat o pananalita upang makita ang katolika s nasabing talata. sapagkat wala akong nkita?
ReplyDelete