Thursday, November 24, 2011

Bakit si Abraham 2 ang naging asawa?

Mayo 23, 2003


MAY mga natutuwa sa ating column tulad ni Cherry Pelaez ng Gensan City pero mayroon ding hindi.

Heto ang text ni Robert H. Ricafort ng Daet, Camarines Norte, "Nalulungkot ako sa mga sinusulat mo sa iyong column, Mr. Bibe. Gumagawa ka pa ng sariling interpretasyon ng Bibliya."

Okay lang kung hindi ka sangayon sa akin, Mr. Ricafort. Natural ‘yon.

At kung sa tingin mo ay alam mo ang tamang kaalaman ay welcome ka na i-share ‘yon dito.

u u u

Ganito naman ang reaksyon ni Rod Reyes ng Davao City kaugnay ng column natin sa pagkakaroon ng isang asawa ng isang Kristiyano.

Sabi niya, "Si Abraham dalawa ang asawa at naging banal. Personal pang nakipagusap ang Diyos (si Jesus) sa kanya. Bakit ngayon ay kasalanan ang may dalawang asawa?"

Iba ang kalagayan ni Abraham na nabuhay sa panahon ng Old Testament.

Dahil sa sitwasyon noon ay hinayaan pero hindi talaga pinayagan na magkaroon ng maraming asawa ang isang lalaki.

Sa mula’t-mula pa ay sinabi ng Diyos sa Genesis 2:24 na

"... iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina para makipag-isa sa kanyang asawa at sila ay magiging ISANG LAMAN."

Noon pa man ay niloob na ng Diyos ang isang lalaki at isang babae ay magiging ISA.

Sa sitwasyon ni Abraham, dumaan siya sa panahon ng kahinaan at pag-aalinlangan dahil matanda na ang kanyang asawang si Sarah pero wala pa silang anak. (nasa Genesis 16 ang kuwento nito.)

Dahil dito, napilitan siyang asawahin o sipingan ang katulong ni Sarah. Kung nakapaghintay lang siya ay bibigyan din siya ng anak ng Diyos.

Paki pansin na sinipingan lang at hindi talaga itinuring na asawa si Hagar.

So, masasabi natin na ang pagkakaroon ng dalawang "asawa" ay bunga ng "kahinaan."

Sa aral ni Hesus, inulit Niya ang sinabi ng Diyos sa Genesis 2:24 para igiit ang tamang kaayusan sa pag-aasawa.

Sa sulat ni San Pablo sa 1 Corinthians 7 ay makikita na tumutukoy siya ng iisang asawa para sa mga Kristiyano. Ang mga ito ang sinusunod natin sa ngayon.

No comments:

Post a Comment