Sunday, November 6, 2011

Eliseo Soriano: Bulag umakay ng kapwa bulag

Nobyembre 7, 2002


ANO ang mangyayari kung ang isang bulag ay umakay ng kapwa bulag?

Sabi sa Bible, “Hindi ba pareho silang mahuhulog sa hukay?”

Kung dito pa sa Pilipinas ‘yan ay baka pareho silang masagasaan ng bus sa EDSA o mahulog sa walang takip na manhole ng PLDT, sa excavation ng DPWH o sa kanal na walang harang.

Nung nabasa ko ang mga talatang ‘yan eh bigla kong naisip ang “paborito” kong “mangangaral” na si Bro. Eli Soriano.

Sa tuwing magkakaroon ako ng panahon para manood sa kanyang palabas at marinig kung paano sila magsalita tungkol sa mga paniniwala ng mga Katoliko ay para akong nanonood ng circus ng mga “bulag.”

Alam ko na hindi ako dapat umasa na magsasalita ng maganda si Bro. Eli tungkol sa Katolisismo at sa mga Katoliko.

Pero ang hindi ko inaasahan ay magsasalita pa siya ng mga lantarang kasinungalingan laban dito.

Natural lang na maraming Katoliko ang pupunta sa kanya para magtanong. Sa Simbahan naman kasi ay napakatamad ng mga pari na magpaliwanag tungkol sa kanilang pananampalataya.

Kung mayroon mang pari o obispo na nakaisip mag-explain ay hindi naman ito maintindihan ng mga nakikinig.

Noong isang araw, nabanggit ko na sinabi ni Bro. Eli ang tungkol sa “pagbebenta” ng mga Katoliko ng mga sakramento na tulad ng binyag at kasal.

Madaling sabihin ng isang “outsider” na “ibinibenta” ng mga Katoliko ang binyag at kasal.

Madali ring maunawaan kung bakit maraming Katoliko ang hindi nakakaintindi nito.

Ang hindi ko maintindihan ay paano nagagawa ni Bro. Eli na ipaliwanag ito.

Kumbaga, “bulag” ang Katoliko sa katotohanan tapos ang nagpapaliwanag sa kanya ay isang mas “bulag” pa sa kanya. Imbes tuloy na luminaw ay lalong lumalabo ang katotohanan.

Tama ba ‘yon?

Sana umiwas si Bro. Eli na magsalita sa mga bagay na hindi niya alam. Nagmumukha tuloy siyang bulaang propeta na nagtuturo ng kamalian.

Nasisira tuloy ang pagkabilib ko sa kanya.

4 comments:

  1. sino kaya ang bulag?


    wala bang verses kang sasabihin?

    ReplyDelete
  2. Jared Capuno,

    Ang bulag ay si Eli Soriano. Ang isang bulag na katoliko magtanong ke Eli Soriano ng aral tungkol sa katoliko ay siempre mali ang sagot ni Eli Soriano. Hindi naman sia otoridad sa aral ng katoliko at bakit pa nagdunong-dunongan siang sumagot? Ibig sabihin jan nang-uuto sia ng mga tao maakit sa kulto ng MCGI.

    ReplyDelete
  3. Alam nyo kung sa pag akay lang ang paguusapan, Hindi bulag si Bro. Eli kasi lahat ng itinuturo nya may basehan sa Biblia. Kahit anong ipalusot ng mga Katoliko hindi secreto na ang Iglesia Katolika ay Perapera lang. simula sa bautismo at hanggang sa patay na may bayad parin sainyo, pati mga kamaganak ko nagkukumahog magpamisa para sa mga namatay na kamag anak namin. At yung mga Santo nyo para maging santo gagastos ng malaking halaga kaya sa pilipinas konti lang santo dahil mahirap lang ang pilipino. At search nyo yung mga scandal sa Vatican lantad na lantad yan pati sa mga opisyal sa vatican puro corruption at kahalayan. Maslalong bulag magtuturo yang mga Bulag na tagaakay ng mga Katoliko.

    ReplyDelete