Thursday, November 24, 2011

‘Ibang aral’ kaysa aral ni Kristo

Mayo 30, 2003


MAY reaksyon tungkol sa topic natin sa pagku-Krus at sa Bible ang reader natin na nagpapakilalang si "Timoteo Pablo."

Heto ‘yon. Ito ay na-edit na para magkasya sa ating espasyo.

"Sabi sa Galatians 1:8, ‘Subalit kahit kami o isang anghel man na mula sa langit ay mangaral ng ebanghelyo na salungat sa ipinapangaral namin sa inyo, sumpain nawa siya ng Diyos.’

Wala pong aral si Kristo na pagku-Krus. Lalabas na ito'y ibang ebanghelyo.

Kumpleto ang Ebanghelyo ni Kristo sa Bible. Kung ang mga lirio at ibon ay 'di pinabayaan ng Diyos lalo naman ang tao sa pagkain, pananamit o mga bagay na ukol sa laman.

Ano ba ang mas importante sa Ama? Ang pang laman o pang-espiritu? Kung ang Ama ay hindi nagkukulang sa atin ukol sa laman sa pang-espiritu pa kaya?

Sabi sa Hebrews 13:5, ’Ano mang paraan ay 'di kita pagkukulangin. Sa ano mang paraan 'di kita pababayaan.’

'Di papayag ang Ama na magkulang ang aral ni Kristo.

Ano ba ang bumubuo sa Bible? 'Di ba mga sulat ng Apostol? Ano ba ang tinutukoy na nakasulat sa 1 Corinthians 4:6, 'di ba sulat din ng mga Apostol?

Mapaghanap po kasi kayo ng letra por letra. Intindihin sana natin ang diwa.

Wala ba talagang word na bible sa Bible?


u u u

Salamat sa text mo, "Timoteo Pablo." Kung okay lang sa iyo ay may ilan lang akong komentaryo sa mga sinabi mo.

Sangayon ako sa sinasabi ng Gal 1:8. Kaya nga masyado kong binibigyang pansin ang aral na "Dapat ay nasusulat sa Bibliya ang lahat ng gagawin at paniniwalaan ng isang Kristiyano."

Naipakita na natin sa mga nauna nating column na WALA ITO SA BIBLIYA.

Kung gagamitin mo pang batayan ang sinasabi mo na "kumpleto ang Ebanghelyo ni Kristo sa Bible" ay lalabas na HINDI ITO KASALI.

Ngayon, hindi ba ito "SALUNGAT" sa sinasabi mong ipinangaral ng Ebanghelyo?

At dahil ito ay "salungat" na aral, ano ang masasabi mo sa "mangangaral" na nagtuturo nito? Dapat ba siyang "sumpain ng Diyos?"

Sa kabilang dako, pilit mong sinasabi na "imbento" ang pagku-Krus. Ito ay sa kabila ng lahat ng patotoo at batayan sa Bibliya na akin nang ibinigay.

Sa mga nauna mong text, ayaw mong tanggapin ang pagku-krus dahil iginigiit mo na "pinapasan" ito ayon sa Matthew 10:24.

‘Yon ang sinasabi ko na naghahanap ka yata ng "letra por letra."

Para kasing sinasabi mo na "Dapat ay sinasabi ni Kristo na ‘mag-Krus kayo’" para matanggap mo ang pagku-Krus.

Ngayon, sinasabi mo na "intindihin sana natin ang DIWA."

Ibig bang sabihin nito ay handa ka na ring "umintindi sa diwa" ng mga talata na umaayon sa pagku-Krus?

Intinatanong ko lang.

Sa isyu ng pagiging "kumpleto" ng Ebanghelyo ni Kristo. Mismong Ebanghelyo ay nagsabi na "hindi lahat" ng ginawa ni Hesus ay nasusulat.

Basahin natin ang John 20:30:

"Ngayon, marami pang ibang tanda na ginawa si Hesus sa harap ng kanyang mga disipulo na HINDI nasusulat sa aklat na ito."

At kung hindi pa ito sapat, sinabi pa sa John 21:25:

"Marami ring ibang bagay na ginawa si Hesus na kung iisa-isahin, sa tingin ko, ay hindi magkakasya sa mundo ang lahat ng libro na masusulat."

Kung mismong ang Ebanghelyo ay nagsasabing hindi nito taglay ang lahat ng ginawa ni Kristo, anong "ebanghelyo" ang sinasabi mo, "Timoteo Pablo"?

Hindi ba sumasalungat ang sinasabi mo sa tunay na Ebanghelyo ni Kristo tulad ng ibinababala ng Gal 1:8?

Tama ka, hindi nga papayag ang Ama na magkulang ang mga aral ng Panginoon. Kaya nga merong "oral tradition" na sinasabi ang 2 Thessalonians 2:15.

Hindi lang "nasusulat" ang mga aral ni Kristo at ng mga Apostol pero ibinigay sa pamamagitan ng "verbal" na wala sa kasulatan.

Wala ba sa Bible ang salitang "bible?"

Banal na Kasulatan ba ang pinaguusapan natin?

Kung may nababasa kang "bible" sa Bible ay i-share mo naman sa akin at sa iba pang readers natin.

2 comments:

  1. Kuya, itatanong ko lang po na dapat po ba tayong humingi at lumuhod kay Maria na ina ng Panginoon kung pwede namang derekta tayong humingi sa Panginoon? Isa rin po akong katoliko na Mahal na Mahal at Diyos, kailangan pa bang humingi muna ako o sabihin ko muna ito kay Maria bago ito tanggapin ng Diyos.? Nais ko po ng mabuting kasagutan. Kasagutang mula mismo sa Salita ni Kristo. May sinasabi po ba sa bibliya na maari tayong humingi ng tulong kay Maria , lumuhod sa kanya? Need reply po. :))

    ReplyDelete
  2. PUWEDENG-PUWEDE po na HUMINGI nang DIREKTA sa DIYOS. WALA pong HADLANG sa GANYAN.

    Pero ANO po ba ang GUSTO ng DIYOS? SOLO FLIGHT TAYO sa PAGHINGI o KASAMANG NANANALANGIN ang KAPWA NATIN KRISTIYANO?

    Ang GUSTO po ng DIYOS ay KASAMA NATING MANALANGIN ang KAPWA NATIN KRISTIYANO.

    Eto po ang PROOF.

    MATTHEW 18:20
    "For where two or three have gathered together in My name, I am there in their midst."

    Paki pansin po na BUMABABA mismo si KRISTO at SUMASAMA sa NAGDARASAL kung MAY DALAWA o TATLO na NAGKAKATIPON sa KANYANG NGALAN.

    PAGPAPAKITA po IYAN na MAS GUSTO ni KRISTO na DALAWA o HIGIT PA ang MANALANGIN na NAGTITIPON sa KANYANG NGALAN.


    Sa PAGHINGI naman po ay BINIGYANG DIIN din ng PANGINOON ang PAGHINGI na MAY KASAMA.

    MATTHEW 18:19
    "Again I say to you, that if two of you agreeit shall be done for them by My Father who is in heaven.

    Muli po, pansinin po natin na KUNG DALAWA ang HUMIHINGI at NAGKAKASUNOD ay GAGAWIN ng AMA ang HILING.

    So, MAS EPEKTIBO po ang PAGHINGI na MAY KATULONG sa PAGHINGI.



    MAHALAGA po sa KRISTIYANO ang KOMUNIDAD o SAMBAYANANG KRISTIYANO.

    At iyan ang dahilan kung bakit MAS EPEKTIBO ang PAGHINGI sa DIYOS na KASAMA NATIN ang BIRHENG MARIA o ang mga SANTO sa PAGHINGI.

    Mababasa rin natin sa James 5:16
    Therefore confess your sins to each other and pray for each other so that you may be healed. The prayer of a righteous person is powerful and effective.


    Pansinin po natin na KAHIT sa PAGHINGI ng TAWAD sa KASALANAN ay MAS EPEKTIBO ang MAY KASAMA.

    Bakit daw po?

    Dahil ang PANALANGIN ng BANAL na TAO ay MAKAPANGYARIHAN at EPEKTIBO.

    Ang BIRHENG MARIA po at mga SANTO ay MGA BANAL NA kaya KAPAG SILA ang TUMULONG sa ATIN sa PAGHINGI ay MAS MAKAPANGYARIHAN at EPEKTIBO ang ATING PAGHINGI.



    HINDI man po DIREKTANG TINUKOY ang BIRHANG MARIA at MGA SANTO ay MALINAW na PANGUNAHIN SILA sa mga DAPAT HINGAN ng TULONG kung tayo ay MANANALANGIN o HIHINGI ng BAGAY sa DIYOS.

    ReplyDelete