Wednesday, November 23, 2011

Haharap ba tayo ay Eliseo Soriano?

Mayo 1, 2003


MARAMI-RAMI pa ang nag-react sa column ko noong Sabado at Linggo tungkol sa "ninong" ni Hesus at sa pagku-krus.

Isa rito si Josie S. ng Mandaluyong City.

Bago ang ano pa man, thank you sa pag-text mo, Josie.

Itinatanong niya kung sakali raw na magkaroon ako ng oras na humarap kay Eliseo Soriano ng grupong "Ang Dating Daan" upang magpahayag ng aking paniniwala sa TV, papayag daw ba ako.

Bakit naman hindi? Sa totoo lang ay madalas ako noong manood sa mga palabas ni Soriano sa TV. Doon ko nga napanood kung paano niya sinusubukang ipaliwanag ang mga paniniwala ng mga Katoliko.

Noon ko pa sinasabi na bilib ako sa utak ni Soriano dahil magaling siyang magmemorya at magdugtong-dugtong ng mga verses sa Bible.

‘Yon nga lang, sinabi ko na rin na huwag na sana niyang pilitin na ipaliwanag ang pananampalatayang Katoliko dahil mali-mali naman ang kanyang sinasabi.

Kung tungkol sa paniniwala niya at ng kanyang grupo ang gusto niyang pag-usapan ay hindi ako kokontra.

Ang problema ay nagkaroon lang siya ng konting obserbasyon at tila nakabasa lang ng ilang bagay tungkol sa pananampalatayang Katoliko ay bigla na siyang naging eksperto sa Katolisismo.

Sa mundo ng peryodismo, may kasabihan na may mga tao na "pinabili lang ng dyaryo ay dyarista na raw."

Ang kahalintulad na kasabihan nito ay ang tungkol sa "langaw" na "dumapo lang sa kalabaw ay mas mataas na sa kalabaw."

Sa pagpupumilit ni Soriano na ipaliwanag ang isang bagay na hindi naman niya talaga nauunawaan ay nagmumukha lang siyang nagmamagaling.

Oo , marami siyang napapaniwala na mga Katoliko na tulad niya ay kulang din sa kaalaman. Pero dahil hindi tama ang kanyang nalalaman tungkol sa Catholic faith ay lalo niyang naililigaw ang mga ito.

Ang sabi sa Bibliya, sa Luke 6:39,

"Isang talinhaga ang sinabi niya (Hesus) sa kanila. Makakaakay ba ng bulag ang isang bulag? Hindi ba kapwa silang mahuhulog sa hukay?"

Oo. Payag ako kung bibigyan ng panahon at pagkakataon na ipaliwanag sa TV at kay Soriano ang pinaniniwalaan ko bilang Katoliko.

Naaayon ba sa Bibliya ang pananampalatayang Katoliko?

Tiyak ‘yun dahil ang pananampalatayang Katoliko ay nakabatay sa Bibliya. Ipinakita ko na ito at ipakikita pa sa mga susunod na araw.

3 comments:

  1. ..asahan mo poh ang suporta nming mga kpatid mo s pananampalataya G. Cenon !

    ReplyDelete
  2. brad kung gusto nyo po n mag tanong kay brother eli, sama po kayo samin sa bible exposisyon, may prsyon po don na Live na makaka usap nyo si brother eli lahat po ng gusto nyo itanong itanong nyo na para di nyo n po sya siraan, salamat..

    txt k lang po kung interesado ka



    natagpuan nyo n po ang pinto para maka usap c bro eli, at ako yun:)
    09092052708

    ReplyDelete
  3. Jeane Clarion,

    Si Eli Soriano po ba puede rin bang magtanong din sa mga katoliko sa mga bagay na hindi niya alam tungkol sa katolisismo? At ikaw Jeane bakit hindi mo tanungin dito ang kaibhan sa kulto ni Soriano sa simbahang tayo ni Kristo noon pang 33 AD sa Herusalem?

    ReplyDelete