Sunday, November 6, 2011

Hesus, Diyos at Hari

Nobyembre 24, 2002

SA ISANG bahagi ng Bibliya, partikular sa Matthew 16:15, ibinato ng Panginoong Hesus sa Kanyang mga apostol ang katanungang ito: “Para sa inyo, ano ang sinasabi ninyo kung sino ako?”

Agad namang may sagot si San Pedro sa tanong na ’yan ni Lord. “Ikaw ang Mesias, ang Anak ng Diyos na buhay.”

Kung titingnan ninyo, hindi lang isa ang sagot ni Pedro sa tanong ni Hesus. Dalawa ang kanyang deklarasyon. Una, si Hesus ay ang “Mesias.” Pangalawa, si Hesus ang “Anak ng Diyos na buhay.”

Sa Bibliya, ang salitang “mesias” na ang kahulugan ay “anointed” o “hinirang” ay may dalawang gamit.

Ang una gamit dito ay “politikal.” Ito ay dahil ang “mesias” na kilala, hinihintay at patuloy na hinihintay ng mga Israelita o ng mga Hudyo ay isang tao na hihirangin ng Diyos para magi nilang tagapagligtas.

Ang “mesias” ng mga Hudyo ay manggagaling sa angkan ni Haring David at ito ang magliligtas sa kanila mula sa kanilang mga kaaway.

Although ang salitang “mesias” o “anointment” ay ginagamit sa ilang persona ng Bibliya tulad ng mga pari at iba pang tauhan, ito ay pangunahing ginagamit para sa mga hari ng Israel. Samakatuwid, isa Siyang “hari.”

Napakaganda ng sagot ni Pedro sa tanong ni Hesus dahil hindi siya tumigil sa pagiging “Mesias” ng Panginoon. Agad niyang idinugtong na si Hesus ay “Anak ng Diyos na buhay.”

Dito ay ipinakita sa Bibliya na si Hesus ay hindi lamang isang “political messiah” o pampulitika lang tulad ng hinihintay ng mga Hudyo. Siya ay higit sa lahat isang “spiritual messiah” na hinirang para iligtas hindi lamang ang isang bansa — ang Israel — kundi ang lahat ng tao na kumikilala sa Diyos.

Bilang “Anak ng Diyos” si Hesus ay kaisa sa pagka-Diyos ng Diyos. Kaya nga iisa rin ang pangalang dala ng Ama at ni Kristo na Kanyang Anak. Ito ang pangalang Yahweh o Panginoon na nagpapakita ng kanilang pagiging Isa.

Ito nga ang tinalakay ko sa ilang mga nauna kong column.

Sa pagpapakilala kay Hesus bilang Mesias at Anak ng Diyos, Siya ay ipinakikilala bilang Hari at Diyos. At ’yan ay nagbibigay daan sa isa pang titulo ng Panginoon. ’Yan ang titulo bilang Kristong Hari o Christ the King, na ngayon ang kapistahan.

So ang tanong sa atin ngayon ay si Hesus ba ang ating Diyos at Hari?

2 comments:

  1. napaganda ng kasulatan na ito. Ang tanong ko lang ayun sa ibinato ng Panginoong Hesus sa Kanyang mga apostol ang katanungang ito: “Para sa inyo, ano ang sinasabi ninyo kung sino ako?”

    Agad namang may sagot si San Pedro sa tanong na ’yan ni Lord. “Ikaw ang Mesias, ang Anak ng Diyos na buhay.”


    tanong ko lang Dalawa ba ang Diyos sa Langit?

    ReplyDelete
  2. Kaya nga heto ang sabi ni jesus
    (Juan 17:3) at ito ang buhay na walang hangan, na ikaw ay makilala nila na nag iisang dios na tunay, at siyang iyung (isinugo) samakatuwid bagay si jesus...
    Malinaw mga kapatid iisa ang dios...
    At may mapag kunwari... kasi ang sabi ( dios na TUNAY )
    Sa madaling salita merong ( Hindi tunay )... eto yung sinasabi nilang mapag kunwari. Mga dios diosan...
    Dahil iisa lang talaga ang dios na tagapag likha wala ng iba...
    At kahit saan sa bibliya basahin muman lahat yan wala kang makikita na sinabi ni jesus na ako ay dios....
    Anung sabi nya... sumanpalataya kayo sakin. ( meaning.. maniwala kayo sakin) anung sabi nya iisang dios na tunay...

    ReplyDelete