Wednesday, November 23, 2011

Lahat ng gagawin dapat ba nasa Bible?

Mayo 16, 2003


MAYROON akong iniwan na tanong kahapon para sa mga interesadong sumagot.

Ang tanong ay "Dapat ba na ang lahat ng gagawin at paniniwalaan ng isang Kristiyano ay nasa Bible?"

Ang magandang balita ay mayroon nang mga nag-text at sumagot.

Ang "bad news" ay wala pang nagti-text para magsabi na "Dapat nga na nasa Bible ang lahat ng gagawin at paniniwalaan ng isang Kristiyano."

Gusto ko kasing malaman kung ganoon nga ang paniniwala ng marami.

Nagsimula ang aking curiousity dahil magmula nang simulan ko ang pagtalakay sa krus at pagku-Krus ng mga Katoliko ay marami ang nagsabi na "Wala naman sa Bible ang pagsa-Sign of the Cross."

Mayroon ding nagtatanong kung "Meron po bang talata sa Bible na nagsasabi na dapat tayong mag-krus bilang pag-alala kay Kristo."

Ang isa pa ay nagsabi na "Kung hindi sinasabi ng Bibliya ay hindi dapat ginagawa."

Mayroon silang punto na gustong sabihin. Kaya naging curious ako kung totoo kaya na ito ang paniniwala nila.

Naniniwala ba sila na ang lahat ng bagay na gagawin o paniniwalaan ng isang Kristiyano ay dapat na sinasabi o iniuutos ng Bibliya.

Sabagay, kahapon ko pa lang naitanong ang tanong na iyon. Siguro ngayon ay mayroon pang makakapag-text para magsabi kung ganoon nga kahalaga ang Bibliya sa buhay ng isang naniniwala kay Kristo.

Anyway, iyan ang gagawin kong topic sa Sabado. Titingnan natin kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa tanong na iyan.

Sisilipin natin kung mayroong batayan ang ganoong paniniwala.

Sa Simbahang Katoliko kasi ay napakahalaga ng Bibliya at lahat ng paniniwala rito ay tinitiyak na hindi sumasalungat sa Bibliya. Pero naniniwala ang Simbahan na hindi limitado sa Bibliya ang mga pahayag ng Diyos.

Ano? Tumataas ba ang mga kilay ninyo? Naiintriga ba kayo?

Bukas tatalakayin natin ‘yan.

No comments:

Post a Comment