Thursday, November 10, 2011

‘Do not bear false witness’

Pebrero 1, 2003


TSISMIS

MAHILIG ba kayo sa tsismis? May mga tao na tsismis na yata ang ginawang almusal, tanghalian at hapunan.

Sabi ng ilan, meron naman talagang tsismis na nakakakiliti sa tenga. Lalo na kung ‘yon ay intriga tungkol sa paborito nilang politiko o artista.

Sabagay, ang buhay naman talaga ng artista at politiko ay parang wala nang kulay kung walang tsismis at intriga.

Hindi nga ba’t ang ilan sa kanila ay pilit pang gumagawa ng alingasngas para sila mapag-usapan?

Pero may mga tao na kahit bagay na hindi dapat itsismis ay ginagawan ng kuwento.


LABAN SA IGLESIA

Nitong mga nakaraang Sabado, naging tampok dito sa column ko ang tungkol sa maling interpretasyon ng ilang tao sa ilang sinasabi ng Bibliya, partikular sa mga imahen sa Simbahang Katoliko na pilit nilang iniuugnay sa mga diyus-diyosan.

Ipinakita ko na mali ang pag-uugnay na ito dahil ang mga imahen ay iba sa mga "bagay na inukit" na ipinagbabawal ng Bibliya.

Sa madaling salita, iba ang mga imahen sa mga "diyus-diyosan."

Paulit-ulit nang ipinakita ng mga Katoliko ang katotohanan na HINDI sinasamba ang mga imahen. Ang problema marami pa rin ang gumagawa ng maling kuwento tungkol dito.

Kumbaga pa patuloy ang TSISMIS laban sa mga Katoliko.


'DIYUS-DIYOSAN'

Sumasamba raw ang mga Katoliko sa mga "diyus-diyosan."

Eh sa hindi nga ano!

Pero ano pa nga ba ang magagawa natin? Mahirap nang paliwanagan ang mga taong binulag na ng kanilang mga huwad at maling paniniwala.

Kahit pa siguro si Lord ang magpaliwanag sa kanila ay hindi na sila magbabago.

‘Yon lang. Paano nila masasabi na nilulukuban sila ng Espiritu ng Katotohanan kung puro sila tsismis at kasinungalingan?


BEARING FALSE WITNESS

Huwag na lang nilang kalimutan ang isa sa 10 Utos ng Diyos. Ang sabi sa Exodus 20:16,

"Do not bear false witness against your neighbor."

Diyan n’yo makikita na ayaw ng Diyos ng tsismis.

No comments:

Post a Comment