Sunday, November 20, 2011

Diyos ng Kristiyanoat Muslim pareho ba?

Marso 22, 2003


NAG-TEXT sa akin si John Catada ng Davao City. Mayroon siyang tanong tungkol kay Yahweh at kay Allah.

Mayroon daw kasing nagsasabi na "si Allah at ang Diyos ng mga Kristiyano ay pareho lang."

Itinatanong niya kung ano ang masasabi natin rito.

Isa ang tiyak na tiyak ako. Ang mga Kristiyano at mga Muslim ay parehong naniniwala sa iisang Diyos. Wika nga sa Ingles ay pareho silang "monotheistic."

Ang ibig sabihin ng "mono" ay isa at ang "theistic" ay tumutukoy sa diyos.

Sa pagkakaalam ko ay tinatawag nila ang Diyos ng "Allah."

Ang tawag naman ng nakararaming Kristiyano sa Diyos ay "Yahweh."

Gusto ko sanang talakayin pa ang pagkakaiba o pagkakapareho ng "Allah" at "Yahweh" pero wala tayo sa posisyon na magbigay ng komento tungkol kay "Allah."

Pareho lang ba sila o magkaiba?

Although hindi tayo magkokomento tungkol kay "Allah," puwede tayong magkomento tungkol sa nakikita nating "pagsunod" ng ilang Muslim sa umano’y sinasabi ng kanilang pananampalataya.

Dito ay sasabihin ko na ang mga mababasa ninyo ay ang "interpretasyon" ko at ng ibang tao patungkol sa paniniwala ng mga Muslim.

Hindi tayo gagawa ng isang paglalahad ng kanilang pananampalataya. Sa madaling salita, "obserbasyon" lang ang ating gagawin.

Kung magkamali man tayo ay dahil ‘yon ang nakikita natin base sa ginagawa ng ilang Muslim. Hindi natin hinuhusgahan ang lahat ng kasapi ng Islam.

Okay, sisimulan ko sa pagsasabi na "iba" ang paniniwala ng mga Kristiyano sa nakikita nating pagsunod ng ilang Muslim sa kanilang paniniwala.

Halimbawa, nakikita natin ang mga tulad ni Osama bin Laden na nagsasabi na puwedeng gumawa ng terorismo ang mga Muslim dahil ito raw ay "utos ni Allah."

Puwede bang gamitin ng isang Kristiyano ang pangalan ng Diyos o ang Diyos para hikayatin ang iba na gumawa ng terorismo o pagpatay?

Hindi. Ang paniniwala kasi natin sa Diyos ay Siya ay Diyos ng Pagmamahal at Diyos ng Awa.

Sa mula’t-mula pa ay ipinakikita sa Bibliya na si Lord ay isang Diyos na nagmamahal sa tao.

Sa Genesis chapter 2 ay mababasa natin na ginawa Niya si Adan at Eba sa pamamagitang Kanyang mga kamay.

Ang hininga ng tao ay galing mismo sa bibig ng Diyos. at sinasabi sa Bibliya na ganoon kamahal ng Diyos ang tao.

Oo nga, dumating ang pagkakataon na pinarusahan ng Diyos ang tao, tulad nang palayasin Niya sina Eba at Adan mula sa Hardin ng Eden.

Niloob din ng Diyos na bumaha sa mundo at mamatay ang lahat liban sa pamilya ni Noah.

Nagalit din ang Diyos at nagpaulan ng apoy sa mga bayan ng Sodom at Gomorrah.

Ipinakita lang na galit ang Diyos sa mga makasalanan.

Pero kung susundan natin ang buong "salvation history" at dadako tayo sa New Testament ay makikita natin na ang Diyos natin ay tunay na mapagmahal.

Sa sobrang pagmamahal ng Diyos sa mga nilikha niyang tao ay dumating ang pagkakataon na Siya mismo ay nagkatawang tao. Ito nga ang Panginoon nating si Hesus.

Sa mga aral ni Lord Jesus, ginawa Niyang klaro ang mga kautusan na ibinigay sa Lumang Tipan.

Sinasabi ng mga tulad ni Osama bin Laden na ang pagpatay sa mga sibilyan -- kasama na ang mga bata at babae -- ay bilang parusa sa kanilang mga "kasalanan."

Ang aral ng Panginoong Hesus ay "mahalin" at "igalang" maging ang mga nakakagawa ng pagkakamali.

Sa katunayan, kaya nga Siya nagkatawang tao ay para maibalik sa Diyos ang mga taong naliligaw.

Sa paniniwala nating mga Kristiyano, hindi tayo ang gagawa ng pagpaparusa kundi ang Diyos. At ‘yan ay pagdating ng araw ng paghuhukom.

Kung maniniwala tayo sa sinasabi at ipinapakita ng mga taong tulad ni Bin Laden at ng mga Abu Sayyaf, sinasabi nila na sila ang magpaparusa sa ngalan ni "Allah."

Kung ‘yon nga ang tunay na aral ng Islam o hindi ay mga Muslim na lang ang makapagsasabi.

Pero kung mali man ang nakikita natin at mali man ang interpretasyon natin sa Islam at kay "Allah," sana ay maintindihan ng mga tunay na Muslim na hindi natin ito ginusto.

Personally, ang alam ko kasi ay relihiyon ng kapayapaan ang Islam.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit nagkakaroon ng mga Muslim na tulad ni Osama at ng Abu Sayyaf.

At base sa mga nakikita natin ay sinasabi natin na malaki ang pagkakaiba ng Diyos ng mga Kristiyano at ng mga Muslim.

9 comments:

  1. Ang papuri ay sa Allah lamang; pinupuri natin siya at hinihingan ng tulong at kapatawaran. Tayo’y nagpapakupkop sa Allah mula sa kasamaan ng ating mga sarili at mula sa kasamaan ng ating mga gawa. Sinumang gabayan ng Allah ay walang sinumang makapagliligaw sa kanya, at sinumang hindi gabayan ng Allah ay walang sinumang makapaggagabay sa kanya. Ako ay sumasaksi na walang tunay na Diyos na dapat sambahin maliban lamang sa Allah, Siya’y walang anumang katambal, at ako ay sumasaksi na si Jesucristo (as) na anak ni Birhin Maria ay isang alipin at Sugo ng Allah at ako ay sumasaksi na si Muhammad (saws) ang huling SUGO o Propita ni Allah.

    Asalamu Alaykum sa mga kapatid kong MUSLIM at magandang araw naman sa mga kapatin nating Kristyano....bilang sagot po sa sa tanong ng post na ito
    Kung pariho ba ang Allah at Yahweh? Unang una po alam po natin na ang katagang Kristyano ay hindi po relihiyon ito'y isang affiliation na ibig sabihin mga tagasunod ni HESUKRISTO at ang pinaka unang Relihiyon sa Kristyanismo ay ang ROMANO KATOLIKO at iba pang relihiyon gaya ng Prostantante, Born again, Iglesia ni Christo, Saksi ni Jehova, Seventh day adventist at marami pang iba. At ang DIYOS ng Roman Catholic DIYOS AMA, ANAK AT ESPIRITU SANTO. ang YAHWEH ay ang pangalan ng Diyos ng mga Saksi ni Jehovah datapuyat hindi ito ka tanggap ng ibang relihiyon dahil ang kanilang diyos ay nangusap sa Tao, samantalang sinabi ng Bibliya na wala pang NAKAKITA OR NAKARINIG SA DIYOS (1 John 4;12 / John 5:37). Ang kahulugan ng "Yahweh" at ayon din sa "New Jesusalem Bible" ang YHWH na binibigkas na YAHWEH ay binigyan ng paliwanag ng ganito: Ito ay bahagi ng wikang Hebreo na nagpapahiwatig o nangangahulugang "Siya" o sa Ingles an "He is" kung ang salitang Yahweh ay "Siya" kung gayon, hindi ito ganap ng pangalan. Kaya higit na angkop ang salitang Allah kaysa sa Jehovah o Yahweh. Ang mga arabong Kristyano at muslim ay kapwa tumatawag sa Diyos sa pangalang "Allah" Sino naman ang Allah?--Ang ALLAH (swt) ay pangalan ng tunay na Diyos. Walang kasarian, anyo at uri. Ang pangalan na ito ay pangka-isahan lamang at kailanman hindi maaring gamitin pangkaramihan. Siya ang tanging Diyos gn sanlibutan at ng Sangkatauhan, Hindi ipinanganak, Hindi nagka-anak, walang pangangailangan, kaganapan ng lahat at sa kanya ay walang makakatulad. at siya mismo ang nagpakilala ng kanyang sarili sa aming pinaniwalaang BANAL NA QUR'AN kanyang sinabi "AKO ANG ALLAH, WALA KAYONG IBANG DIYOS NA KARAPAT DAPAT SAMBAHIN MALIBAN SA AKIN KAYA MAG ALAY NA PALAGIANG PAGDARASAL (SALAH) BILANG PAG ALAALA SA AKIN" at sinabi nya pa sa isang Chapter sa pamamagitan ni Angel Gabriel "Siya ang ALLAH walang diyos maliban sa kanya, batid niya ang lahat ng bagay ang mga lihim at nalalantad; siya ang mahabagin at maawain'. at bilang pang huli linawin ko lang po ang tungkol sa sinasabi nyong abusayaf at Osama Bin Ladin, ang tunay na kahulugan ng katagang MUSLIM ito'y salitang ARABIC--AY MGA NILIKHA NG ALLAH NA TUMATALIMA, SUMUSUNOD, SUMUSUKO, SUMASAILALIM SA KANYANG MGA KAUTUSAN gaya ng ARAW inutusan ng Diyos na sumilang sa Silangan at lumubog sa kanluran--kung ito'y lumubog sa silangan ay hindi ito MUSLIM sapagkat hindi sinunod ang utos ng DIYOS, another example gaya ng punong MANGGA inutusan ng DIYOS na magbunga ng Mangga kung itoy magbunga ng SANTOL hindi ito MUSLIM--kaya gaya ng mga nabanggit na tao o grupo hindi sila sumunod sa utos ng DIYOS, hindi sila matatawag na MUSLIM , muslim musliman lamang sila sa pangalan, at bawat tao ay nagkakasala KRISTYANO MAN OR MUSLIM-ang kanilang masamang gawa ay kanila itong pagbayaran sa ARAW NG PAGHUHUKOM, bilang dagdagdag kalaman sa mga NON-MUSLIM ang mga MUSLIM ay naniniwala lamang sa IISANG DIYOS at WALA NG IBA PA--walang tagapamagitan o katambal dahil ito'y pinakamalaking kasalanan sa DIYOS na walang kapatawaran magpakailanman, pag ika'y inabutan na ng kamatayan. (Abdul Khabir)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ๐Ÿ—ž️ "The mystery of Incubator"๐Ÿ”—

      ๐Ÿ‘‰Ang salitang incubator sa Bibliya ay "limliman" nilimliman si Marya ng holy spirit, Isang sinapupunan ng berheng babae na ginamit ng Diyos upang mabuo Ang kanyang sarili. Amen!๐Ÿ‘Œ

      ๐Ÿ‘‰Ang book of Isaiah 7:14 , Isaiah 9:6 , Mathew 1:21-23 at Lucas 1:31

      ๐Ÿ‘‰Malinaw Dito na gagamit Ang Diyos ng Isang berheng babae, isang "limliman", sa Ibang pananalita ay "incubator" na may Isang Bagay na ipapasok sa loob, sa science Naman ay tinatawag nila itong surrogacy.

      ๐Ÿ‘‰ Isang uri ng insemination, Isang formula ๐Ÿ‘‰ Ang tawag nito ay "IVF" o In Vitro Fertilization.

      ๐Ÿ‘‰Na Isang fertilized semens ng Isang babae at Isang lalake na ipapasok sa Ibang sinapupunan, para Doon maghubog ang sariling katawan.

      ๐Ÿ‘‰ Paglabas ng Bata ay wala itong koneksyon sa nagluwal nito.

      ๐Ÿ‘‰Kaya Hindi tinawag ni Hesukristo na Ina si Mary.

      ๐Ÿ‘‰Dahil Wala silang ugnayang dalawa.

      ๐Ÿ‘‰Kaya si Hesukristo ay walang halong dugo ng tao, walang siyang lahi, Hindi si Isang hudyo o Isang hentel ๐Ÿ‘‰ kundi Isa siyang Diyos na nagkatawang tao, na may banal na dugo para pangtubos sa mga katampalasang ginawa ng mga tao.

      Amen? Hallelujah!

      Delete
  2. Brod.o sister ka man,lilinawin ko lng ha para ka kargdagang kaalaman mo na sinabi mo na ang Diyos ay walang kasarian sana magbasa kpa lagi ng bible na ang Diyos ay may sakasarian bilang lalaki...halimbawa na lng sa itinuro ng Panginoong Hesukristo kung paano magdasal sa pagsambit ng AMA namin...yan malinaw AMA may kasarian yan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang diyos ay walang kasarian Ang siyang dakilang diyos na walang pangangailang haha yes may kasarian si Jesus dahil siya ay Tao no god becouse the Jesus is messenger of Allah may diyos oh ba na ipinanganak may diyos Po ba na ipinanganak Ng Tao tulad ni Maria haha Kung si Maria oh ay Tao ano Ang kanyang anak diba Tao Kung Ang kalabaw ay nag kaanak ano Ang anak dba kalabaw din again Kung si Maria na Tao na nanganak ano Ang anak diba Tao so ano so jesus diba Tao isa Kung si Jesus Ang siyang diyos Sino Ang diyos Ng Hindi pa isinilang so Jesus and paano simbahin Ng Tao si jesus plss just explain inayayahan kitang makatalakayan the topics na papatunayan mo na diyos si Jesus haha pansinin mo nalamang yang christo na sinasabi mo anong ibigsabihin nyan diba sugo ayss commonsens

      Delete
  3. May katanungan naniniwala kaba na walang Contradic Ang bible at kayan mo ba itong panindigan..

    Yes or no

    ReplyDelete
  4. Paano mo naman na sabing diyos si Jesus plss just explainkung malinaw na malinaw naman unawain mo nalamang Ang katagang christo na iyong binabanggit o inyong binabanggit what the meaning of christo the meaning of christo is messenger or sugo haha Kung janpalang malinaw na Po Wala talaga kayong Alam Isa pa oh paano nyo na sabing so Jesus ay diyos Kung siya ay pinanganak Ng Tao na si Maria... for example kapag nanganak ba Ang HAYOP diba hayop din Po kapag nanganak ba ang tao diba Tao din Po so paano nyo masasabing diyos siya Isa pa Kung diyos siya Sino Ang lumikha sa Tao tulad Ng Ina nya na si Maria Ganon din naman Po Ang langit lupa Kung siya ay ipinag buntis pa Ni maria so Sino oh ang lumikha at Kung si Jesus ant diyos bkt noong siya ay ipako ay sumigaw siyang ellie Ellie lamasbactani na Ang kahulugan diyos ko diyos ko bkt mo ako pinabayan ohh thats clear in the last may diyos bang Hindi kayang ipagtanggol Ang sarili may diyos bang hinihingi Ng tulong may diyos bang may pangangailangan may diyos bang napatay Ng kanyang linikhang Tao sago....

    ReplyDelete
  5. Isang palinaw paano nyo nasabi na Ang diyos ay may kasarian haha eh about naman Kay Jesus Yan that's true so Jesus ay may kasarian sapagkat siya ay Tao na sugo Ng Allah Subhana wa'ta ala ang tanong diyos ba si Jesus Kung si Jesus ay diyos paninindigan mo ba to coming ating talakayin Yan at iyong panindigan patunaayan na diyos si jesus...

    ReplyDelete
  6. Hello plss reply Kung gusto namn Po Ng magandang talakayan I add Po ako name: Sam G. Bocaida..

    So ano oh name nyo

    ReplyDelete