Tuesday, November 29, 2011

Nakakarumi ba ang pagkain ng baboy?

Hunyo 19, 2003


MAY reaksyon si Dan ng Cebu tungkol sa sinabi ko na si Pedro ang Bato kung saan itinatag ni Kristo ang Kanyang Iglesia.

Sabi ni Dan, "Malabo ang paliwanag mo ukol sa Matthew 16:18. Kung si Pedro ang bato, dapat nakasulat: IKAW ay PEDRO at sa ibabaw MO ay itatayo KO ang AKING IGLESIA."

Napakaganda ng tanong mo, Dan. At natutuwa akong sabihin na sa orihinal na Griego ay tiyak na tiyak na kay Pedro itinayo ang Iglesia.

Kung ita-translate kasi natin ang eksaktong sinasabi ng orihinal na Griego ay ganito ang lalabas, "At ikaw ay Bato at sa MISMONG BATO NA ITO ..."

Ang "article" o pantukoy na ginamit dito ay "taute" (katumbas ng "mismo") na direktang tumutukoy kay PEDRO bilang "Bato" na binabanggit ni Kristo.

Kung sa Ingles pa natin ito ita-translate ay lalabas na, "You are Rock and upon THIS VERY ROCK..."

Ang problema kasi sa mga translation ay hindi nabibigyan ng emphasis ang dapat na emphasis. Kaya nga sa Simbahang Katoliko ay ibinabase sa orihinal na salita sa Griego ang paniniwala. Hindi sa mga salin.

u u u

MAY tanong si Arnold Magtibay ng Poblacion, Kidapawan City. Sabi niya, "Bakit kumakain ng baboy ang mga Kristyano eh malinaw na ipinagbawal ‘yan ng Bible? Read Leviticus 11:7-8.

Ang sagot sa tanong ni Arnold ay may kaugnayan sa tanong naman ni Frankie ng BF Las Piñas na ganito naman ang tanong, "Saan sinasabi na walang masamang pagkain na pumapasok sa katawan ng tao kundi ‘yung lumalabas sa kanyang bibig."

Ganito ang sabi ng talatang binabanggit ni Arnold, "Ang baboy, sa kabila ng pagkakaroon ng biyak na kuko, ay hindi ngumunguya ng kinakain; ito ay hindi malinis para sa inyo. Hindi kayo dapat kumain ng karne ng mga ito o humipo ng kanilang bangkay. Hindi sila malinis."

Salamat naman at nagbabasa ka pala ng Bibliya, Arnold.

Ngayon, para masagot ko ang tanong mo ay basahin naman natin ang sinasabi ng Acts 10:10-15,

"Nakita niya (Pedro) na bumukas ang langit at isang tulad ng malaking kumot ang ibinaba sa daigdig sa pamamagitan ng apat na kanto nito.

"Nilalaman nito ang laat ng uri ng hayop na apat ang paa, maging mga gumagapang sa lupa at mga ibon sa kalangitan.

"Isang boses ang nagsabi sa kanya, "Tumayo ka, Pedro. Pumatay ka at kumain.

"Hindi, Panginoon!" sagot ni Pedro. "Kahit kailan ay hindi ako kumain ng bagay na marumi o hindi malinis.

"Nagsalitang muli ang boses, "HUWAG mong TAWAGING MARUMI ANG NILINIS NA NG DIYOS."


Ano ang kahulugan ng mga talatang ito.

Dito pumapasok ang sagot sa tanong ni Frankie na matatagpuan sa Matthew 15:10-11,

"Tinawag ni Hesus ang mga tao at sinabi, "Makinig kayo at umintindi. Anuman ang pumapasok sa bibig ng tao ay hindi sa kanya nakarurumi. Ang nakarurumi sa kanya ay kung ano ang lumalabas sa kanyang bibig."

Ang ibig sabihin lang niyan, Arnold, ay binago ni Hesus ang pamantayan ng mga bagay na nakarurumi sa tao.

Sa Lumang Tipan o lumang kaayusan, ang kalinisan o karumihan ay "hiwalay" sa tao.

Sa Bagong Tipan o bagong kaayusan na itinalaga ni Kristo, ang karumihan ay nagmumula sa tao at hindi sa mga bagay na nakapaligid sa kanya.

Kung babasahin pa natin ang mga talata ng Matthew mula verse 1 hanggang 20, ay makikita natin na sinabi iyon ni Hesus dahil binabatikos Niya ang mga maling gawain ng mga pinuno ng mga Hudyo.

Ang mga Jewish leaders ay sunod nang sunod sa kautusan tungkol sa pagkain (tulad ng binabanggit mo sa Leviticus) at ang pagiging matuwid ay ibinabase nila rito.

Sa kabila naman ng kanilang pagsunod ay malayo naman sa Diyos ang kanilang mga puso at puno ng kasamaan ang kanilang sarili.

Kaya nga nasabi ni Kristo sa verse 16-17, "Tinanong sila ni Hesus, ‘Mapurol ba ang inyong pag-iisip? Hindi ba ninyo nakikita na ano man ang pumapasok sa bibig ay pumupunta sa sikmura at saka lumalabas sa katawan?

"Pero ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay galing sa puso at ang mga ito ang nagpaparumi sa tao."

6 comments:

  1. Mali po ang sinasabi ninyong pinahitulutan ni JESUCRISTO ANG PAGKAIN NG BABOY, ang TUNGKOL SA MATTHEW 15:10-11 hindi po BABOY ang tinutukoy ni JESUCRISTO kundi ang PAGHUHUGAS NG KAMAY KAPAG NAKAIN basahin po ninyo ang MATTHEW 15:1-10, Datapuya't ang sabi ni Jesucristo sa Matthew 5:17: 17Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin.

    ReplyDelete
  2. Ang lahat ng papuri ay para sa Allah lamang; pinupuri natin siya at hinihingan ng tulong at kapatawaran. Tayo’y nagpapakupkop sa Allah mula sa kasamaan ng ating mga sarili at mula sa kasamaan ng ating mga gawa. Sinumang gabayan ng Allah ay walang sinumang makapagliligaw sa kanya, at sinumang hindi gabayan ng Allah ay walang sinumang makapaggagabay sa kanya. Ako ay sumasaksi na walang tunay na Diyos na dapat sambahin maliban lamang sa Allah, Siya’y walang anumang katambal, at ako ay sumasaksi na si Jesucristo (as) na anak ni Birhin Maria ay isang alipin at Sugo ng Diyos at ako ay sumasaksi na si Muhammad (saw) ang huling SUGO o Propita ni Allah.

    Sa Islam, ang mga bagay na ipinagbabawal lamang ay ang mga bagay na nakasisira, nakaaapekto, nakasasama sa kalusugan, buhay o pagkatao ng isang tao. Ang Allah, ang Walang hanggang nakaaalam ng mga bagay ay nakababatid sa lahat ng mga makabubuti o makasasama sa Kanyang mga nilikha. Alam Niya ang kahinaan at ang kalakasan ng Kanyang mga nilikha. Kaya kung ano man ang mga bagay na ipinagbawal Niya, ito ay makasasama at kung anuman ang mga bagay na ipinagagawa Niya, yaon ay makabubuti at para sa kanilang sariling kapakanan.

    Pero bakit pa nilikha ang baboy, gayung ipagbabawal lang naman pala? Dito makikita, ito ay isang maliwanag na pagsubok sa isang nilikha kung siya ba ay susunod o hindi sa mga batas at kautusan, sa mga responsibilidad at tungkulin na ini-atang sa kanya ng Nag-iisang Tunay na Diyos na Tagapaglikha, ang Allah. Makakapasa ba siya o babagsak sa mga pagsubok. Katulad halimbawa noong panahon nina Propeta Adan at Eva, binigyan sila ng kalayaan na kumain o lumapit sa alinmang mga puno o halaman huwag lamang doon sa isang puno. Dito pumapasok ang kakayahan ng isang tao na pumili, sumunod o sumuway sa mga batas sa kanya ng kanyang Tagapaglikha. Dahil nga ang TAO ay may FREEWELL so may karapatan siyang gawin ang gusto niya subalit kung ginawa o sinuway nya ang mga ipinagbabawal ng DIYOS ito’y may kaakibat na kaparusahan samantalang kung ito’y kanyang sundin meron naman siyang gantimpala, sinabi sa BANAL NA QUR’AN 22:1 “O sangkatauhan katakutan ninyo ang ALLAH (SWT) sa pamamagitan sa pagsunod sa kanyang ipinag-uutos at pag-iwas sa kanyang mga ipinagbabawal……..”

    Tungkol sa baboy, sasagutin ko ito sa tatlong kaparaanan. Una ay espirituwal, pangalawa ay medical at pangatlo ay social o ang pakikisalamuha natin sa lahat ng mga bagay na nakapaligid sa atin.

    Tingnan po natin maigi kung paano ito ipinagbawal ng DIYOS sa BIBLIYA:

    At ang baboy, sapagka't may hati ang paa at baak, datapuwa't hindi ngumunguya, karumaldumal nga sa inyo. Huwag kayong kakain ng laman ng mga iyan, at ang bangkay ng mga yaon ay huwag ninyong hihipuin; mga karumaldumal nga sa inyo. (LEVITICUS 11:7-8)

    8At ang baboy, sapagka't may hating paa, nguni't hindi ngumunguya, ito'y marumi sa inyo: ang laman nila'y huwag ninyong kakanin, at ang kanilang bangkay ay huwag hihipuin. (Deuteronomy 14:8)

    ReplyDelete
    Replies
    1. WALA NAMAN SI HESUS NA SINABI NIYA NA NALILITAW PA NA SUGO MARAMING PROPETA ANG LILITAW AT SI MUHHAMUD BULANG PROPETA NA LILITAW TALAGABA ITINATANGGI NYO UN HA NAMAGING BULAANG PROPETA UNG PROPETA NYO HAHAH EWW

      Delete
    2. WALA NAMAN SI HESUS NA SINABI NIYA NA NALILITAW PA NA SUGO MARAMING PROPETA ANG LILITAW AT SI MUHHAMUD BULANG PROPETA NA LILITAW TALAGABA ITINATANGGI NYO UN HA NAMAGING BULAANG PROPETA UNG PROPETA NYO HAHAH EWW

      Delete
  3. si Jesus ay isang propeta lamang, at kung si Jesus nga ang ipinako sa krus bakit hindi Hindi Siya tinulungan ng diyos, sapagkat siya aye Hindi Ang totoong Jesus, noong si Jesus ay taimtim na nananalangin sa isang tahimik na lugar ay agad siyang kinuha Ng diyos, at ang taong ipinako sa krus ay tagasunod Lang ng diyos, pano ko nasabi? si Moses inutusan niya upang iligtas Ang mga Israelites sa kamay Ng faraon si jesus pa kaya na tinawag niyang bugtong na anak hindi niya iligtas

    ReplyDelete
    Replies
    1. sabi mo trip lang si hesus hinde naipako sa krus at pinalitan ng ibang tao na naipako...ibig sabihin nilinlang ng diyos yong mga tao...pero dito sa verse ng quran na ito basahin natin..19:33
      Play
      Copy




















      Sahih International
      And peace is on me the day I was born and the day I will die and the day I am raised alive."sa palagay base dyan sa verse na yan kelan ang kaganapan ng kamatayan ni hesus? sa first coming ba o second coming nya? naganap na ba yan o hinde pa?sinabi mo pa bakit hinde tinulungan ng diyos si hesus na iligtas sa kamatayan?ang sagot dyan kaya nga sya binuhay ulit ng diyos sa ikatlong araw ...dahil mahal ng diyos ang kanyang anak ..

      Delete