October 8, 2002
NOONG isang araw ay idineklarang santo ni Pope John Paul II si Josemaria
Escriva de Balaguer, ang ika-468 na tao na kanyang iniangat sa hanay ng mga
“bayani ng pananampalataya.”
Si Escriva ay kinilala sa kanyang buhay at uri ng pamumuhay na nagbigay puri
sa Diyos at nagbigay dangal sa kanyang kapwa tao.
Siya ang founder ng samahang Opus Dei na ang ibig sabihin sa Pilipino ay
Gawain ng Diyos.
Ito ay isang organisasyon ng mga Katoliko na ang hangarin ay pagtibayin ang
mga aral ng Simbahang Kristiyano at isabuhay ang mga ito.
Sa madaling salita, ang sinasabi ni Escriva sa samahang ito ay hindi lamang
sa araw ng Linggo kristiyano ang isang kristiyano.
Dapat ay araw-araw siyang namumuhay at ginagabayan ng mga aral ni Kristo.
Isang magandang aral ng Opus Dei ay ang paniniwala na kahit na sino ka, ano
man ang iyong trabaho, at ano man ang estado mo sa buhay ay puwede kang maging
banal.
Hindi mo kailangang maging pari o madre. Ni hindi mo rin kailangang gawing
bahay ang simbahan.
Para kay Escriva, ang mga pinaka-simpleng bagay ay puwedeng maging
“expression” ng iyong paniniwala kaya puwedeng maging panalangin sa Diyos.
Ang ganda, ‘di ba?
Hindi kataka-taka na si Escriva ay kinilala bilang isang santo.
Ano ba kasi ang pagiging santo kundi ang pagiging isang tao na nakilala ang
Diyos at namuhay na kalugod-lugod sa Diyos.
Isa siyang huwaran para sa lahat ng gustong maging mabuting Kristiyano.
Take note, tao rin siya at hindi Diyos. Hindi siya ginawang “diyos” kundi
iniangat lang ni Simbahan para maging ehemplo para sa ating lahat.
Sana matutong tumingin sa kanila ang mga politiko at iba pang pinuno ng ating
bansa.
Imbes kasi na kabanalan at kabutihan ang gawin ng ating mga public officials
ay puro kalechehan ang kanilang inaatupag.
Sa lagay ng ating bansa, kailangan natin ang isang santong tulad ni
Escriva.
No comments:
Post a Comment