Nobyembre 3, 2002
NARINIG na ba ninyong mangaral si Bro. Eli Soriano ng grupong “Ang Dating
Daan?”
Ang galing niyang magsalita. Akala n’yo ay alam na alam niya ang kanyang mga
sinasabi.
Kung magbalasa siya ng mga talata sa Bibliya ay maaari ninyong maisip ang
isang “hustler” sa baraha na kahit na anong diskarte ang gawin ay palaging siya
ang nakakakuha ng Alas.
Sa pagsasalita ni Soriano, siya ang palaging tama. Lahat ng iba ay “bobo,”
“tanga” at “gago.” At ’yon ang kanyang bukambibig.
Kahit ako isang Katoliko, pinapanood at pinakikinggan ko si Bro. Eli. Natural
lang naman kasi sa isang tao na maging “curious” sa paniniwala ng iba.
Ang sabi ko pa nga noon ay “nakakabilib” si Bro. Eli dahil marami siyang
sinasabi.
Anyway, kung mga aral at paniniwala niya ang pag-uusapan ay hindi ko na siya
kokontrahin. Hindi man ako umaayon sa halos lahat ng kanyang sinasabi ay wala na
akong magagawa dahil paniniwala na niya ’yon.
Sa isang demokrasya, ang lahat ng tao ay puwedeng maniwala sa kung ano ang
gusto niya basta’t hindi siya nakakaperwisyo ng iba.
Ang problema kay Bro. Eli ay parang hindi siya naniniwala na may karapatan
ang ibang tao sa kanilang paniniwala. Ang masaklap pa niyan ay pinagmumukha
niyang “tsismoso” at “mangmang” ang kanyang sarili sa iba niyang sinasabi.
Isang halimbawa ay mahilig siyang magsalita laban sa mga Katoliko. Kesyo ang
mga Katoliko raw ay “nagbebenta” o “nangangalakal” ng Salita ng Diyos. Sinasabi
niya na “sumasamba” ang mga Katoliko sa mga bagay na “gawa ng tao.”
Ang dami pa niyang sinasabi tungkol sa Katolisismo na para bang isa siyang
“eksperto” rito.
Ang lakas ng loob niyang gumawa ng maling kuwento laban sa mga Katoliko at
pilit niyang pinalilitaw na “katotohanan” ang mga ito.
Kung gusto ng isang tulad ni Bro. Eli na gumawa ng kuwento tungkol sa sarili
niya ay okay lang. Pero ang magsalita siya tungkol sa Katolisismo na wala siyang
alam ay nakakahiya.
Sana ma-realize niya ’yon dahil ang pakilala pa naman sa kanya ng kanyang mga
tauhan ay isa siyang “pantas” o isang taong marunong.
Kung sino ka mang magaling na nag post nito, bakit di mu sya kausapin ng harapan ng mapahiya mu sya ng harapan din. Alam mu kasi, mamimihasa ang isang tao pag pinapabayaan mu sa kanyang ginagawa na alam na alam mung mali e, o bka naman natalo ka na sa formal debate kaya ka tumitirada sa pag popost dito? Parang tiradang patalikud kasi ito e, di sya maka depensa pag di nya mabasa to,
ReplyDelete